MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Unedited...
"Gab? Ano ba ang ginagawa mo rito?"
tanong ni Nica. Ang aga pa nitong tumawag
sa kaniya na nandito ito sa tapat ng bahay
nila.
"May usapan tayo, 'di ba?" sabi ni Gab na
naka-jogging pants.
"Inaantok pa ako," sabi ni Nica at napasulyap
sa kuwarto ng mga magulang na patay pa
ang ilaw. "Gab naman, next time na lang."
"Sabi mo, samahan mo ako," nakasimangot
na sabi ni Gab. Alas tres pa siya nagising
para lang pumunta rito tapos tatanggihan
lang siya ni Nica?
"Oo na! Hindi na ako magbibihis!" napilitang
pagpayag ni Nica. Nakatsinelas lang siya at
pantulog na pajama. Kung sabagay, hindi
naman niya kailangang tumakbo dahil ang
lakad niya, takbo na ni Gab.
"Start na tayo rito," sabi ni Nica at
napatingin sa sasakyan ni Gab na nasa 'di
kalayuan.
Binilisan niya ang paglakad kaya nag-jogging
naman si Gab.
"N-Nica, sandali. Maglakad na lang tayo,"
hinihingal na sabi ni Gab. Nakailang block pa
lang sila pero pagod na ito.
"Ang hina mo naman, Gab. Bilisan mo na
nga. Kung gusto mong pumayat, dapat may
dedikasyon ka sa ginagawa mo," sabi ni
Nica. Madilim pa at wala pa ngang nagjo-
jogging.
"Hindi naman pagpapayat ang pakay ko e,"
mahinang sagot ng binata at hinawakan ang
kaliwang kamay ni Nica.
"E ano?"
"Ikaw. Gusto ko lang naman na mag-jogging
kahit na alam kong mahihirapan ako kasi
ikaw ang kasama ko," pagtatapat ni Gab.
The hell he cares sa pagpapayat. Kampante
siya sa pagiging mataba niya at wala siyang
pakialam sa mga nambu-bully.
Nagpatuloy si Nica sa paglalakad kaya
nakasunod din si Gab sa kaniya.
"Alam mo, Gab? Ang tibay mo rin. Hindi
kasi lahat ng tao, kayang harapin ang
pambu-bully sa kaniya. Ang iba, nade-
depress at ang iba, nagpapakamatay," sabi
ni Nica at pinagmasdan ang binata. Salamat
sa ilaw na nasa poste kaya maliwanag ang
paligid.
"Mataba lang ako. Sabi nga ng Tita Mandy,
mabu-bully ka lang kung hahayaan mo ang
sarili mong ma-bully," sagot ni Gab. Kahit
na numero uno rin na mam-bully ang mag-
inang Cheska at Mandy sa kaniya,
pinapayuhan naman siya ng mga ito na
huwag magpaapekto at magpatalo. "Sabi ni
Tita Mandy, kapag binato ka ng bato, barilin
mo!"
"Hmm? Pero hindi ka ba nalulungkot dahil
mataba ka?" tanong ni Nica at hinila ang
kamay ni Gab dahil pabagal naman nang
pabagal ang paglalakaf nila. Pakiramdam
niya tuloy, para siyang may hinihilang baboy
na nagpapabigat kaya ang hirap makarating
sa paroroonan nila.
Sinubukan ni Gab na pantayan ang
paglalakad ni Nica. Kung alam lang sana
nitong ang sakit na ng mga binti niya.
"Hindi naman. Pero may times na hinihiling
ko na sana kagaya na lang ako sa iba na ang
payat nila at nagagawa at nasusuot nila ang
gusto nila."
"E di magpapayat ka," ani Nica.
"Ang hirap e," sagot ni Gab.
"Walang mahirap sa taong determinado.
Paano mo masasabing determinado kang
mapasagot ako kung ang pagpapayat nga
lang ay hindi mo pa magawa?" tanong ni
Nica.
Malungkot na ngumiti si Gab. "Hindi naman
basehan ang katawan para mapatunayan ko
na seryoso ako sa 'yo. Kahit na mataba ako,
buo naman ang loob ko na mapasagot ka."
Ngumiti si Nica bago pisilin ang hawak na
kamay ni Gab. "Mabuti naman at matapang
ka. Halika na, mas masarap maglakad-lakad
kapag wala pang tao at araw."
Napatawa si Gab at pinisil din ang malambot
na kamay ng dalaga. "Oo nga, lalo na't
malamig ang pahanon."
Hinubad niya ang jacket nang mapansing
giniginaw si Nica dahil nakapambahay lang
ito. "Baka magkasipon ka."
"Pero magkakasakit ka rin," sabi ni Nica.
Ngumiti si Gab. "Marami akong fats na
sasala sa lamig ng katawan ko," biro ni Gab
saka ipinasuot kay Nica ang jacket. Sobrang
luwag nito kay Nica na nagmumukhang
gown lang.
Paminsan-minsan, binibilisan ni Nica ang
paglalakad at minsan ay binabagalan para
makapagpahinga naman si Gab. Nang
makadalawang metro na sila, nag-decision
na siyang bumalik. Kawawa naman si Gab
dahil naliligo na ito ng pawis. Isa pa, 5:15 na
rin ng umaga.
May nakakasalubong silang nagjo-jogging
kaya napadistansiya sila sa isa't isa para
walang isyu.
"Nica? Salamat sa pagsama sa akin,"
pasalamat ni Gab.
"Sana araw-araw, gawin mo 'to sa villa
ninyo. Kahit thirty minutes lang, Gab."
"S-Susubukan ko." Napakamot sa batok ang
binata.
"Huwag mong subukan, gawin mo," sabi ni
Nica.
"Pero--"
"Gawin mo 'to hindi para sa akin o kahit
kanino man, Gab. Gawin mo 'to para sa sarili
mo," malumanay na sabi ni Nica. "Dahil alam
kong kaya mo."
"Salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob,
Nica. Gagawin ko pero hindi ko
maipangakong papayat ako," sagot ni Gab.
Nai-imagine pa lang niya, ang hirap na.
"At least sinubukan mo, 'di ba?" sabi ni
Nica. Tumango si Gab.
Malapit na sila sa bahay nila kaya nagpaalam
na si Nica.
"Sige na, dito na lang, Gab. Baka may
makakita pa sa atin."
Tatalikod na sana siya pero hinawakan siya
ni Gab sa kanang kamay kaya napabalik siya
rito.
"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Nica nang
magkatitigan sila ni Gab. Puno ng
pagmamahal ang mga mata nito kaya
bumilis bigla ang puso niya.
"Sorry," paumanhin ni Gab kaya napakunot
ang noo ni Nica.
"Sorry for--uhmp!" Nanlaki ang mga mata
niya nang maglapat ang malambot na mga
labi ni Gab sa mga labi niya. Gusto niya
itong itulak pero nanigas ang kaniyang
katawan. Napalunok siya ng laway. Ang
lambot at ang tamis ng mga labi ni Gab na
nagbigay ng init sa kaniyang nilalamig na
katawan.
Ilang segundo nang tumigil si Gab pero
hindi pa rin makakilos si Nica. Ito ang first
kiss niya at nakuha na iyon ni Gab.
"S-Sorry pero hindi ko na kayang pigilan pa
na halikan ka," paumanhin ni Gab.
"U-Umalis ka na, Gab. B-Baka makita pa
tayo ng papa ko," wala sa sariling sabi ni
Nica matapos ibalik ang jacket ng binata
dahil baka makita ng magulang niya at
magtaka ang mga ito kung kaninong jacket..
Ang lakas pa rin ng pintig ng kaniyang puso
dulot ng ginawa ni Gab.
"I love you, Nica. Mahal na mahal kita," sabi
ni Gab at napatalikod na palapit sa kotse.
Wala sa sariling napahawak si Nica sa mga
labi habang nakatitig sa papalayong si Gab.
Hindi siya nakapaniwalang hinalikan siya
nito.
"Nica?" tawag ng ina niya na kakalabas lang
sa gate.
"Ma!" sabi ni Nica at lumapit sa ina. "Good
morning po."
"Alam mo bang kanina pa kami nag-aalala
ng ama mo sa 'yo?"
"S-Sorry po. Hindi kasi ako makatulog kaya
naisipan kong magtambay muna rito. May
mine-memorize po kasi ako para sa Filipino
namin mamaya," paumanhin ni Nica.
"Masyadong delikado pa rin. Naku na bata
ka. Magagalit ang ama mo," wika ng ina niya
kaya pumasok na sila ni Nica sa loob ng
bahay.
Napalingon si Isay sa anak. "Oh? Bakit
nakahawak ka sa mga labi mo?" Habang
kinakausap kasi niya, nasa mga labi nito ang
mga kamay hanggang ngayon.
"H-Ha?" natarantang sabi ni Nica saka
ibinaba ang kamay. "K-Kinagat kasi ng
lamok kaya nangangati," pagdadahilan niya.
"Psh! E di kamutin mo na lang," sabi ni Isay
saka nauna nang pumasok.
-----------------------
"Alam mo, may napapansin ako sa 'yo," sabi
ni Sunny habang nakaupo sila sa library dahil
nagre-research sila ng assignment.
"Ano 'yon?" mahinang tanong ni Nica.
"Blooming ka; nag-straight ang buhok mo,
may hikaw ka at nag-eye shadow ka," puri ni
Sunny. Well, mahilig naman talaha si Nica sa
lipstick pero ang pagplantsa nito ng buhok
at paglagay ng hikaw, mas lalong
nagpadagdag sa ganda nito.
"Ano ka ba! Maaga lang akong nagising kaya
nagka-time na ayusin ang buhok ko," sabi ni
Nica. Alas singko 'y media na nang
makabalik siya sa bahay matapos niyang
samahan si Gab sa paglakad kanina. Mabuti
na lang dahil hindi siya pinagalitan ng ama
na maaga pa siyang lumabas.
"Oo na. Baka naman si Gab ang rason kung
ba't nagpapaganda ka?" tukso ni Sunny kaya
pinandilatan siya ni Nica.
"Puro ka na lang Gab!" sabi niya at biglang
kinakabahan. Natatakot siyang malaman ng
iba na ikiniss siya ni Gab. Pero hindi naman
niya ginusto iyon.
"Bakit ka namumula? Uy? In love na siya kay
Gab," tukso ni Nica kaya tumahimik si Nica.
Gusto niyang pagalitan ang kaibigan pero
baka simulan lang ng away nila kaya mas
minabuti niyang manahimik na lang.
"Biro lang, Nica. Huwag ka nang magtampo,
napaghalataan ka tuloy na kayo na,"
natatawa pero pabulong na sabi ni Sunny
kaya mas lalong namula ang mukha ni Nica.
"Nagugutom na ako. Kung hindi ka pa tapos,
mauna na ako sa canteen!" sabi ni Nica at
tumayo na. Bitbit ang bag ay lumabas na
siya sa library.
"Wait lang," tawag ni Sunny na humabol sa
kaniya hanggang sa makarating sila sa
canteen.
"Ako na ang pipila," sabi ni Sunny kaya
ibinigay ni Nica ang pera niya para pambili
ng pagkain. Naghanap ng bakanteng
mauupuan si Nica dahil paunti-unti nang
dumadagsa ang mga estudyante.
"Mabuti at may extra pa tayong table," sabi
ni Sunny nang maupo sa tabi nila.
"Puwedeng maki-share?" nakangiting tanong
ni Luis na may bitbit na tray.
"Sure. Nasaan si Gab?" tanong ni Sunny at
kinuha ang bag sa extra upuang nasa tabi
niya.
"Ayan na. Uy, Gab! Dito na tayo!" tawag ni
Luis sa kakambal.
Napatingin si Nica kay Gab na papalapit.
Umusog pa ang ilang estudyanteng nasa
daanan nito dahil mukhang hindi kakasya
ang katawan dahil sa magkakatabing table.
Nang magkasalubong ang mga mata nila ni
Gab, agad na umiwas si Nica. Nanlalamig
siya nang maalala ang nangyari kaninang
umaga.
Kinuha ni Gab ang silyang para sa kaniya at
binuhat palapit sa tabi ni Nica.
"Salamat at nag-order ka na," pasalamat ni
Gab at naupo sa upuan. Napasulyap siya kay
Nica na nakayuko sa pagkain. "Hello, Nica.
Ang ganda mo palagi."
"S-Salamat," nakayukong pasalamat ni Nica.
Hindi talaga siya mapakali dahil katabi niya
si Gab.
"Maganda naman talaga siya. Pero mas
blooming siya ngayon. Siguro, ikaw ang
dahilan, Gab," pilyang sabat ni Sunny.
"Nica will always be beautiful even without
me," wika ni Gab at pasimpleng hinawakan
ang isang kamay ni Nica sa ilalim ng mesa.
Mahaba naman ang table cloth kaya hindi
nakikita ng mga tao sa paligid na naka-
holdinghands sila.
"Ayieeee. Ang sweet mo, Gab," kinikilig na
sabi ni Sunny.
"Kaunting push na lang, Gab, bibigay na si
Nica," nakangiting sabi ni Luis.
"Puwede bang huwag na kami ang topic
ninyo?" nakasimangot na sabi ni Nica. Ang
OA man niya pero ayaw talaga niyang sila
ang topic sa ibabaw ng mesa lalo na
ngayong naguguluhan siya sa ginawa ni Gab.
"Oo nga, huwag na kami ni Nica," pagsang-
ayon ni Gab at nginitian si Nica. "Pasensiya
ka na, Nica."
Natameme si Nica nang mapatingin kay Gab.
Nakangiti ito habang pinipisil ang kamay
niya sa ilalim ng mesa. Ang taba ng pinsgi ni
Gab pero aminado siyang ang guwapo nito
lalo na't matangos rin ang ilong at ang puti
pa ng mga ngipin. Napalunok siya ng laway
nang mapadako ang mga mata sa
mapupulang mga labi ni Gab na umangkin sa
mga labi niya kaninang umaga lang.
Dapat kasi, magalit siya kay Gab e. Dapat
sumbatatan niya ito pero hindi niya
magawa.
"W-Wala iyon," sagot ng dalaga.
Busy na ang dalawa sa pag-uusap kaya
ipinagpatuloy ni Nica ang pagkain gamit ang
kanang kamay.
"Ang kaninang umaga, sorry talaga,"
pabulong na sabi ni Gab na sila lang ang
nakakarinig.
"K-Kumain ka na, baka magutom ka pa,"
pag-iiwas ni Nica. Namamawis ba ang mga
kamay nila pero ayaw pa ring pakawalan ni
Gab kahit na hinihila niya kaya napilitan
siyang kumain habang magkahawak-kamay
sila ni Gab.A/n:
Salamat Rhea Mae sa pag-edit ng mukha ni
Gab. Ayieeee. Mwuah...❤💖💚💗
💜💗💚💖💚💚💖
