MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 5
Unedited...
Paglabas ni Luis sa silid niya, nakita niya si
Gab na nakasilip sa pinto. Siyempre, sa laki
nito, ito talaga ang una niyang mapansin.
Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran nito
at nakisilip din sa sinisilip ni Gab. Napakunot
ang noo niya. Wala namang bago. Akala
niya, may rambulan na. Nahagip ng mga
mata niya ang pamilyar na mukha ng babae
habang nakikipag-usap sa mga kaklase
nitong babae kaya napangiti siya.
Tinamaan na ng magaling.
"Ehem!" malakas na tumikhim siya kaya
pabagsak na isinara ni Gab ang pinto na
para bang nahuli niya itong may ginagawang
milagro.
"Bakit mo isinara ang pinto?" tanong ni Luis.
"Papasok ang lamok! Tumabi ka nga!"
nakasalubong ang kilay na sabi ni Gab saka
bumalik sa sala at naupo sa sariling sofa
niya.
"Hmm? Talaga lang, ha. Nahuli kita,
sinusulyapan mo siya," ani Luis at naupo sa
tapat ng kakambal.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," tanggi
ni Gab at inabot ang remote na nasa center
table saka binuksan ang TV.
"Gab? Alam kong gusto mo siya," saad ni
Luis.
"Sinong siya?" inosenteng tanong ni Gab.
"Kapag mag-deny ka pa, liligawan ko siya,"
pagbabanta ni Luis kaya inirapan siya ng
kakambal.
"Bakit ba mahilig kang makialam sa buhay ng
iba? Wala ka na roon!" wika ni Gab.
"Ligawan mo kasi. Hindi iyong pasulyap-
sulyap ka riyan! Para kang tanga!" suhestiyon
ni Luis.
Blangko ang mukhang tumingin si Gab sa
kakambal. "Sino ang magkagusto sa kagaya
kong mataba? Are you kidding me?"
"Bakit? Pogi ka naman, ah. Mataba ka lang
pero pogi pa rin!" pagbibigay ni Luis ng
lakas ng loob.
"Huwag na," wika ni Gab.
"Mag-diet ka kung gusto mong mapansin ka
niya," ani Luis kaya napailing si Gab. Ilang
beses ba niyang naririnig ang "diet" sa isang
araw? Hindi na niya mabilang. Kahit nga
makarinig lang siya ng diet at mataba, sa
tingin niya, siya na ang pinag-uusapan ng
mga ito.
"Kaya kong mabuhay na walang syota pero
hindi ko kayang mabuhay na walang
pagkain," sagot ni Gab. Food is life, bakit
ba? E di sila na may lovelife. Basta siya may
pizza, fries, burger at lechon. Basta lahat ng
masasarap na pagkain, meron sa hapag-
kainan. Iyon lang, sapat na.
"Wee? Pero iba pa rin na may love life ka
na, may girlfriend ka pa," nakangiting sabi ni
Luis. "Aminin, gusto mo rin siyang maging
syota."
"Ewan ko sa 'yo!" sabi ni Gab at tumukod sa
arm top ng sofa para hindi matumba sa
pagtayo.
Tumawa lang si Luis kaya lumabas na siya sa
tambayan. Napasulyap siya sa puwesto nina
Nica kanina pero wala na ang dalaga.
"Baka may klase na sila," bulong niya saka
naglakad patungo sa canteen dahil ginutom
siya.
Habang naglalakad, napapaatras ang mga
estudyante para bigyan siya ng space sa
daan. Walang ne isang nagsalita pero hindi
nakakaligtas sa paningin niya ang mga
mapanghusgang mga mata ng estudyante
lalo na ng mga kababaihan. Mas pandidiri
ang mga sinisigaw ng mga mata nila.
Papasok na siya sa canteen nang mapasulyap
sa isang mesa. Nakaupo si Nica kasama ang
babaeng madalas nitong kasama.
Naglakad siya palapit sa table nila.
Kinakabahan siya. Marami kasi ang tao tapos
mukhang marami ring lalaki na nakatingin sa
dalaga.
"Guwapo naman ako," pagmamayabang ni
Gab sa sarili habang nahihirapang maglakad
pero nang malapit na ay agad namang
tumayo ang dalaga.
"Tapos na ako sa pagkain, basta text mo ako
kung ano ang balak nila sa project natin,"
sabi ni Nica.
"Sure. Ako ang bahala," nakangiting sabi ni
Sunny na hindi pa tapos sa kinakain.
Napatingin si Nica kay Gab na nakatayo sa
harapan niya. Hindi niya alam ang sasabihin
o gagawin dahil mukhang sa kaniya
nakatingin ang binata. O baka naman guni-
guni lang niya.
Bumuka ang bibig ni Gab na para bang may
sasabihin pero muli nitong itinikom ang
bibig. Nang humakbang si Gab palapit sa
kaniya ay mabilis pa sa alas kuwatrong
umatras ang kanang paa niya.
"Ouch! Hindi ka ba marunong tumingin?"
singhal ng babaeng naatrasan niya.
"S-Sorry," natarantang paumanhin niya dahil
natapon ang bitbit nitong pagkain sa tray.
Agad na yumuko siya para damputin ang
natapong pagkain.
"B-Babayaran ko na lang," paumanhin ni
Nica habang pinupulot ang plato pero
natumba siya nang sipain ng babae.
"Dilaan mo ang pagkain sa sahig!"
nakapamewang na utos nito. Leader siya ng
isang sorority kaya buo ang loob niyang
magmatapang-tapangan. Isa pa, si Nica ang
naunang gumawa ng gulo.
"H-Ha?" gulantang na tanong ni Nica
habang nakatingala sa babae pero hinila nito
ang mahaba at nakalugay niyang buhok.
"Anong ha? Ha? Ha? Ang sabi ko, dilaan mo
ang pagkain!" Ingudngod na sana niya si
Nica sa sahig pero agad na tumayo ang
dalaga at hinatak ang buhok niya sa kamay
nito.
"Alam kong mali ako at humihingi ako ng
patawad, pasensiya na," sabi ni Nica na
pulang-pula an ang mukha dahil sa
pagkapahiya. Napasulyap siya kay Gab,
nakatingin lang ito sa kanila kaya mas lalong
napahiya siya.
"Miss? Palampasin mo na lang ang kasalanan
niya. Ako na ang magbabayad," sabat ng
lalaking estudyante na lumapit sa kanila.
"Palampasin?" nakapamewang na sabi nito.
"Tanga siya kaya hindi ko iyon
mapapalampas!" sagot ng babae.
"Come on, simpleng bagay lang. Huwag
masyadong hot," nakangising sabi ng lalaki.
"Whatever!" pagtataray ng babae at
nilagpasan na sila.
Hiyang-hiya namang lumabas si Nica sa
canteen dahil lahat ng mga mata ay sa kanila
nakatuon. Ang iba ay kay Gab na inaabangan
kung ano ang gagawin nito pero hindi
kumilos ang binata. Sa halip, lumapit ito sa
counter at bumili ng pagkain.
-------------------
"Siya ba 'yan? Naku, baka paglaruan lang
siya ng grupo nina Maxene." Narinig ni Nica
na sabi ng isang estudyanteng nasa likuran
niya kaya napayuko siya. Napapansin kasi
niyang sa kaniya ang mga mata ng iilan.
"Oo nga. Nandoon pa naman si Gab," sagot
ng kasama nito kaya binilisan na ni Nica ang
paglalakad. Ayaw na niya sanang pumasok
pero kailangan dahil may quiz sila sa first
subject. Isa pa, normal lang naman na
maging clumsy minsan. Bahala sila. Basta
siya, mag-aaral na lang siya nang mabuti.
Pero nakakahiya lang. Marami pa naman ang
tao sa canteen kahapon at nakita ng
matabang iyon ang katangahan niya.
"Sana sa Westbridge na lang ako pumasok,"
bulong niya pero sinikap na iwaglit ang
Westbridge sa utak. Kung mayroon man
siyang hindi dapat pasukan, ang Westbridge
iyon. Well, hindi lang niya gusto ang mga
Villafuerte at Lacson. Ayaw niya sa mga
mayayaman dahil para sa kaniya, pang-aapak
lang sa kapwa ang mga ginagawa.
Nakarating naman siya sa classroom na safe
kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Nica," tawag ni Sunny kaya naupo siya sa
tabi nito.
"Alam mo bang ikaw lang ang topic nila
ngayon?" bulong ni Sunny.
"O? Bakit ka pa lumapit sa akin?" tanong ni
Nica pero hinampas lang siya ni Sunny.
"Ano ka ba! Kaibigan na kita. Isa pa, hindi
mo naman talaga sinasadya ang nangyari
kahapon," sagot ni Sunny. Lalapitan sana
niya si Nica kahapon pero pinigilan siya ng
barkada ni Maxene na nakaengkuwentro ni
Nica.
Nang makita niyang tinulak ni Maxene si
Nica, gusto niyang sabunutan ang babae.
"Hayaan mo na," sabi ni Nica saka nginitian
ang bagong kaibigan. Mayaman si Sunny at
sigurado siyang mabait ito at walang halong
pagkukunwari ang kabutihang ipinapakita sa
kaniya.
"Sana lang, huwag makialam ang kagrupo ni
Maxene," ani Sunny. Mahirap kapag may
makabangga silang sorority dahil kalaban ng
isang miyembro nila, kalaban ng lahat.
Umayos na sila sa pagkakaupo nang
dumating ang guro nila.
Pagkatapos ng first subject, tumungo sila sa
locker room para iwan ang ilang gamit dahil
P.E nila ngayon.
Habang naglalakad, kay Nica lang ang mga
mata ng iba. Mula kasi ng pasukan, ngayon
pa lang nasangkot sa gulo ang isang sorority
leader.
"Huwag mo silang pansinin! Taas noo lang
dahil dyosa tayo," bulong ni Sunny kaya
ngumiti si Nica.
Napatigil si Nica sa paglalakad nang makita
niyang makakasalubong nila ang kakambal ni
Gab.
"Morning, Sunny," nakangiting bati ni Luis
nang magtapat na sila. Napasulyap siya kay
Nica na mas lalong gumanda kapag nasa
malapitan.
"Morning, Luis," nakangiting bati ni Sunny at
nilagpasan ang binata kasama si Nica.
"Magkakilala kayo?" bulong ni Nica.
"Yes, last night lang. Common friends,"
sagot ni Nica at napasimangot nang maalala
ang lalaking kasama ni Luis.
Pagpasok nila sa locker room, sumunod sa
kanila sina Maxene.
"Hey!" tawag ni Maxene kaya napatigil sina
Nica at Sunny.
"Ikaw ang pobreng nakalaban ko kahapon sa
canteen, 'di ba?" tanong ni Maxene.
"Ano sis? Hubaran na natin? Sabihin mo
lang!" nakangising tanong ng kasama ni
Maxene habang palapit kina Nica.
Napaatras ang dalawa. "H-Hindi ko
sinasadya ang nangyari," ani Nica. Saktong
pumasok din ang ibang grupo ng
kababaihan kaya napatingin ang mga ito sa
kanila na mukhang nag-aabang lang ng
gulong mangyari.
"Hindi sinasadya? Lampa ka kasi!" singhal ni
Maxene.
"Halika na, Nica," yaya ni Sunny at hinila
palayo si Nica saka lumapit sa locker nila
dahil parami na nang parami ang mga
estudyanteng pumapasok.
"Kung matapang ka, sa labas tayo
maglaban!" hamon ni Maxene pero
ipinagpatuloy lang ni Nica ang paglagay ng
mga gamit sa locker niya saka kinuha ang
extra P.E uniform.
"Dito na, sis!" sabi ng kasama nito.
"Wait lang, magbibihis lang ako. Ako mismo
ang lalampaso sa buhok niyang pobreng
'yan!" nakangising sabi ni Maxene at kinuha
ang susi ng locker. Napasulyap pa siya kina
Nica at sumenyas ng pugot sa leeg.
"S-Sis," nauutal na tawag ng kasama niya at
napaatras palayo sa kaniya.
"What?" singhal niya at nagtataka kung
bakit lumalayo ang lahat ng kaibigan sa
kaniya.
"S-Sa locker mo," wika ng isa sabay nguso
sa locker ni Maxene kaya agad na humarap
ang dalaga.
Namutla siya at nanigas sa kinatatayuan
nang makita ang death note na may pirma ni
Gabriele Vince Lacson.A/n:
Ano ba mganda?
My Bully Fat Suitor o My Fat Suitor is Bully?
Pero mas maganda siguro, tayo. Hehehe.
Pero wala naman pala tayong tayo kaya kayo
na lang. Pero wala namang kayo kaya ako na
lang. My ghad!😄😁