7

1.2K 31 2
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...
"Ilang baka at ilang baboy ang pinapakatay
mo araw-araw para kainin, Gabriele Vince?"
tanong ni Cheska habang nag-uusap sila sa
sala. Kakatapos lang nilang mag-dinner dito
sa bahay nina Dylan kaya nagpapahinga
muna sila bago umuwi.
"Ang sama mo!" sabat ni Ann at pinandilatan
si Cheska dahil sa pang-iinsulto nito sa apo
niya.
"Bakit? Masama bang magtanong?"
inosenteng tanong ni Cheska kaya napahilot
si Dylan sa ulo. Tumatanda na sila pero wala
pa ring pagbabago ang dalawang babae.
"Nakakainsulto ka na! Ang tanda mo na,
bastos ka pa rin!" sagot ni Ann at masamang
tiningnan si Cheska. Ayaw talaga niyang
insultuhin ang apo dahil mataba ito. "Isa pa,
pogi naman ang apo ko."
"Wala namang nagsabing pangit si Gab. Mas
bata pa ako tingnan sa 'yo, Ann!" depensa ni
Cheska.
"Puwede bang tumahimik kayong dalawa?
Oliver? Pakiuwi na nga ng asawa mo sa
inyo!" saway ni Dylan.
"Kapal ng mukha mo, Dylan!" singhal ni
Cheska saka hinarap si Gab. "Ikaw, Gab,
seryoso ako. Mag-diet ka dahil hindi ka na
healthy at nakakabawas ng kaguwapuhan
ang sobrang taba. Huwag puro pagkain ang
iniisip mo. Paano ka ba nagma-masturbate
niyan? Makapa mo pa ba ang pitotoy mo?"
"Umuwi ka nang bastos ka!" sigaw ni Ann at
tinapunan ng unan si Cheska pero nasalo
naman nito.
"Nagsasabi lang ako ng totoo! Maawa ka sa
apo mo! Kung kayo okay lang, ako?
Sobrang nahihirapan para sa kaniya! Ako ang
kinakapos ng hininga kapag maglakad ka!"
pagtatapat ni Cheska saka nagpahila kay
Oliver para umuwi na.
"Apo? Huwag mong dibdibin ang sinabi ng
Lola Cheska mo," malumanay na sabi ni Ann
kaya ngumiti si Gab.
"Sanay na po ako kay Lola Cheska," sagot ni
Gab. Alam niyang mahal na mahal talaga
siya ng Lola Ann niya dahil ito ang palaging
nagtatanggol sa kaniya. Palagi pa nga itong
may pasalubong sa kanila kapag umuwi
galing sa ibang bansa.
Napahawak siya sa tuhod niya saka dahan-
dahang tumayo at lumapit sa mga magulang
na nag-uusap sa veranda.
Naupo siya sa kaniyang upuan na katabi ng
ina.
"Mom?" tawag niya sa ina.
"Yes, baby?" sagot ni GV at nginitian si Gab.
"Masyado na po ba akong mataba?"
malungkot na tanong ni Gab sa ina at isang
malalim na buntonghininga ang pinakawalan.
Siniko ni GV ang asawa.
"Lance Leonard? Sagutin mo nga ang
tanong ng anak natin," sabi ni GV.
"Ang ano 'yon?" tanong ni LL habang
binabasa ang group chat nilang quadruplets.
Matagal na rin silang hindi nakapag-usap
nina JM, Jacob at Lee Patrick. Hindi
sumagot si GV kaya tumigil siya saka hinarap
si Gab.
"Ano ba ang tanong mo sa mommy mo,
Gab?" tanong ni GV saka napakunot ang noo
nang makita ang tiyan ng anak. "Gab naman,
bakit parang mas lalo kang tumataba? Anak
naman, magbawas ka naman ng timbang
kahit kaunti lang."
Tumayo si Gab at naiinis na pinagmasdan
ang mga magulang. Napakapit si GV sa
braso ni LL dahil parang lalamunin sila ng
buo ng anak.
"Ano nga ulit ang tanong mo sa mommy
mo, Gab?" tanong ulit ni LL. Hindi kasi niya
narinig e.
"Wala!" galit na sagot ni Gabriele saka
tinalikuran ang mga magulang para matulog
na dahil may gagawin pa siya bukas.
Nang makahiga na sa kama, napatingin siya
sa kisame. Napangiti siya nang may imaheng
namuo sa kaniyang diwa. Isang nakangiting
babaeng ubod ng ganda.
"Liligawan kita," bulong niya at napangiti
nang maalala ang nangyari kanina sa
paaralan. Ang daming humahabol kay
Maxene na sorority member dahil sa inilagay
niyang death note. Pasalamat pa nga ito,
walang nakialam na frat member dahil may
respeto ang mga ito sa babae.
"Dapat lang sa kaniya," bulong ng binata.
Sinaktan kasi nito ang babaeng gusto niya
kaya magdusa ito. Sapat na ang ginawa niya
bilang kabayaran ng pambabastos nito kay
Nica. Ang lakas nitong sigawan at saktan
ang crush niya sa harapan pa niya mismo.
------------------------
Natatakot na lumapit si Nica sa locker niya.
Lahat naman yata ng estudyante, natatakot
dahil baka pagbukas nila ng locker, may
death note sa loob. Si Maxene ang unang
nakatanggap ng death note mula sa kambal.
"Baka siya lang ang inuna tapos ako na
ngayon?" pabulong na sabi niya habang
kinukuha ang susi sa loob ng bag. Napansin
niyang palinga-linga ang ibang babaeng
estudyante bago buksan ang locker. Ang iba
ay nakakahinga nang maluwag nang walang
makita sa locker.
Mariing napapikit siya matapos ipasok ang
susi saka binuksan ang locker. Dahan-dahan
niyang binuksan ang kaliwang mata habang
ang kanan ay nakapikit pa rin.
"Thanks God," sambit niya nang walang
makitang death note.
"Mabuti at wala ka," sabi ni Sunny na nasa
likuran niya.
"Oo nga," nakangiting wika ni Nica at inipit
ang buhok sa kanang tainga. "Akala ko
talaga, meron na."
Sabay na silang pumasok sa classroom nila.
Pagkapasok nila sa classroom, may bulaklak
sa upuan ni Nica kaya kinuha niya ito at
tiningnan ang note. Para talaga sa kaniya.
"Morning Nica Guttierez, keep smiling," basa
ni Nica sa isip. Walang nakalagay na
pangalan kung ganino galing.
"Ang ganda mo talaga, friend. Ang dami
mong manliligaw," nakangiting sabi ni
Sunny.
"Hindi naman," sagot ni Nica at inamoy
white roses. Hindi ito ang unang beses na
nakatanggap siya ng bulaklak. Mula noong
high school siya, madami na talaga. Sabi
nila, maganda raw siya. Pero kahit kailan,
hindi niya inisip na lamang siya sa ganda
kaysa sa iba. May girl crush din naman siya.
"Maganda ka talaga, makinis, at higit sa
lahat, matangos ang ilong. Pang hollywood
ang beauty mo, friend. Mag-artista ka
kaya," suhestiyon ni Sunny pero ngumiti lang
si Nica. Marami rin ang nagsasabing sumali
siya sa pageant o Starstruck at PBB pero
ayaw niya. Mas lalong ayaw ng parents niya
dahil magulo ang mundo ng showbiz.
Ilang sandali pa'y tumahimik na sila nang
magsimula ang klase.
May thirty minutes break pa sila kaya
naisipan nilang maupo sa labas ng classroom
para magpahangin. May malaking puno kasi
ng mangga sa tapat lang ng classroom nila.
"Mayaman naman kayo bakit ka
nakikipagkaibigan sa akin?" tanong ni Nica
kay Sunny.
Ngumiti ang dalaga. "Bakit? May
pamantayan ka ba sa pakikipagkaibigan?"
balik-tanong ni Sunny.
Napangiti rin si Nica. Maganda si Sunny,
matangkad at maamo ang mukha pero
minsan, may times na matapang din kapag
titigan niya.
"Wala rin," sagot ni Nica at napasulyap sa
dalawang matangkad na lalaking palapit sa
kanila.
"In fairness, si Maxene ang binigyan ni Gab
ng death note kahapon," natatawang sabi ni
Sunny. Well, inaasahan ng karamihan na
bibigyan din si Nica pero baka wala pa.
"Ba't nasa labas kayo ng classroom?" tanong
ni Luis nang malapit na sa kanila.
"Wala pa kaming klase, nagpapahangin
lang," sagot ni Sunny at napasulyap kay
Gab. Sa kanilang kambal, si Gab ang
mahirap pakisamahan. Palagi kasi itong
aburido.
"Ah, mabuti naman para makakita kami ng
maganda lalo na itong si Gab," pilyong sabi
ni Luis at napasulyap kay Nica. "Taga saan
ka, miss?"
"Taguig," tipid na sagot ni Nica kaya
napatingin si Gab sa dalaga habang nakipag-
usap sa kakambal niya.

Ang ganda talaga nito. Ang lamyos pa ng
boses, parang humahaplos sa puso niya.
Tapos ang mga mata nito, tila nakikiusap
din. Tama nga yata si Lola Cheska niya, hindi
healthy sa kaniya ang pagiging mataba dahil
mukhang hihimatayin siya habang tinitingnan
ang magandang mukha ni Nica.
"Nice flowers. Sino ang nagbigay?" tanong
ni Luis kaya napatingin si Gab sa bulaklak na
nasa kandungan ni Nica.
"Thanks. Hindi ko rin kilala," sagot ni Nica at
napasulyap kay Gab na nakatingin din pala
sa kaniya. Napansin niyang namumula ang
mukha nito kaya iniwas niya ang mga mata.
Sabi nila, bawal makipag-eye-to-eye
contact kapag matapang ang tao dahil baka
isipin nila, papalag ka.
"Nagagandahan lang siguro sa 'yo," ani Luis
kaya nginitian na lang ni Nica.
"Mauna na ako," paalam ni Gab at tumalikod
na. Hindi na niya kayang makipagtitigan kay
Nica.
"Sige, maiwan na muna namin kayo.
Nagmamadali si Utol e," paalam ni Luis at
hinabol ang kambal. Himala, bumilis yata
ang lakad ng kakambal niyang baboy.
Nanatili muna ang dalawa sa labas.
"Hi, mga miss," nakangiting bati ng lalaking
lumapit sa kanila, "Actually, napag-utusan
lang ako."
"Ano 'yon?" tanong ni Sunny.
"Puwede bang humingi ng number ninyong
dalawa? Utos lang ng master ko," sagot ng
binata. Neophyte siya ng isang fraternity at
iyon ang ipinag-utos sa kaniya ng ilang
miyembro sa araw na ito kaya wala siyang
choice kundi sundin ang mga ito.
"Hindi kasi kami namimigay ng number,"
sagot ni Nica.
"Sige na, please," pakiusap niya. Kapag kasi
magawa niya ito, hindi na siya maglalaba ng
mga damit nila. Kasama iyon sa servicing
niya bago pumasok sa fraternity.
"Hindi talaga," ani Sunny sabay iling kaya
napakamot na lang ito sa ulo.
"Pasensiya na sa abala," paumanhin niya at
laylay ang balikat na umalis. Pagpaliko niya
palipat sa kabilang building, natigilan siya
nang humarang si Gab sa daan niya. Saktong
nakasalubong pa niya ang mga mata nito
kaya kitang-kita niya ang galit sa mga mata
nito.
"E-Excuse me," nauutal na sabi.
"Ano ang kailangan mo kay Nica at lumapit
ka sa kanila?" seryosong tanong ni Gab. Ang
mga estudyanteng dadaan sana ay hindi na
natuloy. Sa halip, bumalik sila dahil ayaw
nilang masangkot sa gulo.
"A-Ang dalawang babae?" tanong niya na
lihim na nananalangin na sana ay huwag siya
nitong suntukin dahil baka hindi na siya
magising sa laki ng kamao nito.
"Oo! Bakit mo sila nilapitan?" tanong ni Gab
na nagbabaga ang mga mata.
"H-Hihingi ng number niya--shit!" Binalibag
siya ni Gab at kinuwelyuhan.
"Bakiy kailangan mo ang number niya? May
gusto ka ba sa kaniya?" nanginginig ang
kamaong tanong ni Gab at hinigpitan ang
kapit sa kuwelyo ng lalaki.
"I-Inutusan lang a-ako," nahihirapang
huminga na sagot nito. May gurong
papalapit kaya binitiwan siya ni Gab.
"Sino ang nag-utos sa 'yo?" Gab
"A-Ang mga master ko sa frat," sagot nito.
"Anong fraternity?" tanong ni Gab na
pinipigilan lang ang galit dahil baka
makapatay siya ng tao.
"A-Alpha sigma rho," sagot nito kaya mas
lalong naikuyom ni Gab ang kamao. Frat ito
ng ama nila.
"Umalis ka na at mamayang hapon, pakidala
sa tambayan namin ng pangalan ng mga
master mo," mahinang wika ni Gab kaya
kumaripas na ito ng takbo. Pinapakalma niya
ang sarili bago lumingon sa gawi nina Nica
pero mas lalong sumalubong ang mga kilay
niya nang makitang may lalaking umabot sa
dalaga ng pulang rosas kaya mukhang
binalewala nito ang white roses na pinalagay
niya sa upuan nito kanina.
"Hindi puwede," bulong niya at naikuyom
ang matabang kamao. Hindi puwedeng
marami siyang kaagaw kay Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon