39

1.3K 49 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

Unedited...
Pagkapasok ni Gab sa bahay nila, kamao ni Luis ang sumalubong sa kanang pisngi niya.
"Fuck!" pagmumura ni Gab.
"Fuck you ka rin! Gago ka!" pagmumura din ni Luis kaya kaagad na pumagitna si LL sa magkambal.
"Ano na naman 'to?" galit na tanong ni LL.
"Itanong mo sa anak mong walang ginawa kundi magmayabang!" singhal ni Luis at itinuro si Gab.
"Ako pa ngayon ang mayabang, Luis? Sa tingin mo, tama lang ang ginawa mo kay Nica?" hindi makapaniwalang tanong ni Gab.
"Oo!" matapang na sagot ni Luis at walang halong pagsisisi. "Ikaw? Tama lang ba na bigyan mo ng death note ang kakambal mo?"
"Oo!" taas noong sagot ni Gab. "Bigyan mo ang lahat pero huwag lang si Nica! Hindi ako makapapayag na saktan ninyo siya!"
Napangisi si Luis. "Saktan namin siya? Pero hindi ba't ikaw rin ang unang nanakit sa kaniya?"
Naikuyom ni Gab ang kamao. "Sasaktan ko siya o hindi, wala ka nang pakialam sa buhay namin ni Nica! Hayaan mong kami ang bahalang magbigay ng solusyon sa problema namin! Hindi ba't nagulo ang lahat mula nang makialam ka?" Palipat-lipat ang mga mata ni LL sa kambal. Hindi niya alam kung sino ang kakampihan dahil wala siyang idea sa nangyayari.
"Nagulo? Tinutulungan ko lang kayo! Tapos ano? Ako pa ngayon ang palabasin mong masama?" depensa ni Luis.
"Huwag kang makialam sa amin ni Nica, mas lalo mo lang pinapasama ang sitwasyon!" seryosong sabi ni Gab at tinalikuran na ang dalawa.
Dumiretso siya sa kuwarto at pabagsak na inihiga ang katawan sa malapad na kama. Ang laki na ng space para sa kaniya. Hindi kagaya noon, sakop niya ang buong kama.
Inunan niya ang ulo sa dalawang braso at napatingin sa puting kisame. Masyadong mahirap ang pinagdaanan niya sa Japan. Tuwing alas kuwatro, nagjo-jogging na siya. Skyflakes at tubig lang ang breakfast niya. Sa tanghali, isang cup ng kanin at gulay. Sa hapon naman, dalawang pirasong itlog lang at tubig. Ilang buwan siyang ganiyan tapos may pampapayat pang pill na pinapainom sa kaniya. Kahit na lumuhod na siya sa harapan ng mga ito, tila bingi ang buong angkan nila. Kahit na ayaw niyang mag-jogging at ehersisyo sa umaga, baril ang pupukaw sa kaniya. Nakikisabay rin siya sa ibang pinsan kapag may training ang mga ito para maaliw siya. Closely monitored lang ang kalusugan niya ng family doctor.
Dinaig pa niya ang The Biggest Loser sa pinapagawa sa kaniya. Pero naging inspirasyon niya ang mga salita ni Nica. Isang taong wala siyang balita mula sa dalaga. Isang taong puro iyak na lang ang ginagawa niya gabi-gabi dahil sa pang-iinsulto ni Nica kahit na nasa kabilang isip niya na baka lang nasabi iyon ni Nica ay para sa kapakanan niya.
Pero tao lang siya. What if totoo ang mga pinagsasabi ni Nica? Masakit pa rin. Sinubukan niyang makipag-usap nang maayos bago siya umalis pero pinagtabuyan siya ni Nica. Maiintindihan naman niya kung sinabi nitong pumunta muna siya sa Japan para mag-diet. Oo, naging cheater siya sa kinakain pero kapag nandiyan si Nica, he did his best naman. Nakikinig naman siya kay Nica e. Pero paano kung si Luis nga ang gusto nito?
"Hindi na bale," bulong ng binata at napangiti nang maalala ang nangyari kanina sa sasakyan. Nagseselos si Nica.
---------------------
"Sorry pala kahapon kung hindi na kita nahanap, Nica. Ikaw kasi, tumakbo ka," paumanhin ni Sunny at naupo sa tabi ni Nica na nakaupo sa mahabang bench at nanonood ng women's volleyball. Nagkahiwalay sila kaya si Nica na lang ang hinabol ng mga ito. Gusto sana niyang tumulong pero hindi niya mahanap si Nica.
"Okay lang, Sunny. Hindi ka na dapat na madamay pa," sagot ni Nica at nginitian ang kaibigan. Siya lang naman ang may death note kaya siya lang ang dapat na parusahan.
"Tinulungan ka niya," sabi ni Sunny kaya napatingin ang kaibigan sa kaniya.
"Bahala siya!" ani Nica at napasimangot.
"Mahal ka pa niya," pabulong na sabi ni Sunny sabay siko sa kaibigan.
"Hindi na," malungkot na saad ni Nica. Hindi naman talaga. "May Sheryl na siya."
"Sus, mahal ka ni Gab at kahit na lumipas man ang mahabang panahon, hindi magbabago iyon!" giit ni Sunny at napatingin sa mga kaklaseng naghihiyawan dahil mukhang mananalo na sila.
"Galit siya sa akin. Isa pa, una niyang minahal si Sheryl," sagot ni Nica. "Wala akong laban do'n! Maganda siya, mayaman pa."
"Unang niligawan pero hindi minahal," pagtatama ni Sunny.
"Hindi naman niya liligawan kung hindi niya mahal," ani Nica at napasulyap kay Luis na palapit sa kanila.
"Hi," bati ni Luis pero walang umimik sa dalawa. "Sorry pala sa nagawa ko kahapon, Nica."
"Alam kong may rason ka, Luis. Tama lang na saktan ako," mahinang sagot ni Nica.
Mapait na ngumiti si Luis, "I don't want to hurt you, but it hurts me more na makita kang nasasaktan dahil sa maling nagawa ko."
"Ginawa mo lang ang part mo bilang kapatid niya, Luis. Huwag kang ma-guilty," nakangiting sabi ni Nica.
"Wala kang mali, Luis! Si Gab ang may tama sa utak!" sabat ni Sunny. "Pero ayaw ko pa rin sa ginawa mo kay Nica kahapon!"
"Sorry," paumanhin ni Luis at napasulyap kay Nica.
"Wala iyon, Luis," ani Nica.
"Bilang paghingi ng kapatawaran, libre ko kayo sa canteen," nakangiting sabi ni Luis.
"Wow!" bulalas ni Sunny. "Game!"
Napailing na lang si Nica nang tumayo at sumunod sa dalawa. Minsan, naisip niyang bagay rin pala ang dalawa. Pero alam niyang may ibang mahal si Sunny.
Pagdating nila sa canteen, puno ang table kaya wala silang choice kundi makisalo sa table nina Gab at Sheryl.
Bale napagitnaan nila ni Sunny si Luis at nasa harapan nila sina Gab at Sheryl.
"Babe? May gagawin ka pa ba mamaya?" malanding tanong ni Sheryl na nagpapadugo ng tainga ni Nica.
"Oo," sagot ni Gab at napasulyap kay Nica na nilagyan ng manok ang plato ni Luis.
"Bakit mo sa akin inilalagay? Paano ka mabubusog niyan?" natatawang tanong ni Luis.
"Diet ako," sagot ni Nica. Totoo, diet talaga siya. Mahirap nang lumubo ulit.
"Ganoon mo ba ako kamahal para gusto mo akong tumaba?" natatawang tanong ni Luis kaya napataas ang kilay ni Gab. Balakid talaga ang si Luis mula noon pa.
"Mas okay sa akin na tumaba ka, Luis. Basta huwag ka lang magbago," nakangiting sagot ni Nica. "Kaysa iba naman diyan, binago ng pagpayat ang ugali niya."
"Kain ka pa, babe," sabi ni Gab at inilagay sa plato ni Sheryl ang ilang hiwa ng beefsteak. "Ayaw kitang magutom."
"Thanks. Ang sweet naman ng babe ko," nakangiting pasalamat ni Sheryl at napahawak sa braso ni Gab. Aminado naman si Nica na maganda at makinis talaga si Sheryl at malakas ang sex appeal kaysa sa kaniya. Nakakainis lang dahil sa harapan pa niya maglalandian ang dalawa.
"Kakain lang, ang dami pa ninyong arteng apat!" salubong ang kilay na wika ni Sunny. Hindi talaga siya nag-iexist sa table na ito. Para siyang referee sa double wrestling.
Naunang natapos sina Gab at Sheryl kaya hinatid muna ni Gab ang dalaga sa team nila.
"Aminin mo, nagseselos ka na!" sabi ni Sunny.
"Paano, nakakainis na sila! Ang landi pa ni Sheryl!" salubong ang kilay na sabi ni Nica.
"Nagseselos ka nga?" nakataas ang kilay na tanong ni Sunny.
Nakalabing tumango si Nica. "Alam mo namang mahal ko ang dating baboy na iyon, 'di ba?"
Napatingin sila kay Luis na tumatawa pero kaagad na itinikom ang mga labi dahil sa kaniya ang mga mata ng dalawa. "Ang cute mo lang kasi, Nica." Napakamot siya sa ulo. Minsan lang siya makatagpo ng babaeng inaaming nagseselos ito. "Hayaan mo, matauhan din si Gab."
"Mauntog sana nang pagkalakas-lakas!" wika ni Sunny. Badtrip talaga siya kay Gab mula nang bumalik ito. Palagi na lang kasi nitong sinasaktan si Nica.
Nang matapos silang kumain, humiwalay na si Luis sa kanila at bumalik sa grupo nito. Ganoon din sina Nica at Sunny.
Bandang alas kuwatro, pumunta sila sa basketball court para manood ng laban ng HRM versus BSBA.
Ang lakas ng hiyawan lalo na't naglalaban sina Luis at mga pinsan nito.
"CR lang ako," paalam ni Sunny na kanina pa naiihi. "Gusto mong sumama?"
"Tinatamad akong maglakad," sagot ni Nica kaya mag-isang pumunta si Sunny sa CR pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin ito kaya tinawagan na niya. Hindi na raw ito makabalik dahil emergency lang daw.
"Nag-ienjoy ka ba?"
Napalingon si Nica sa lalaking naupo sa tabi niya.
"Medyo," sagot niya at umusog nang kaunti dahil ayaw niyang magdikit ang balat nila ni Gab.
"Medyo means hindi?" tanong ni Gab.
"Pakialam mo? Umalis ka na nga! Pumunta ka na kay Sheryl mo!" pagtataboy niya pero napa-smirk si Gab.
"Selos?" tanong ni Gab.
"Ba't naman ako magseselos? Wala namang tayo!" sagot ni Nica at inirapan ang katabi.
Hinawakan siya ni Gab sa kanang kamay at hinila patayo.
"Ano ba!" ani Nica.
"Lumabas na tayo, boring dito!" sabi ni Gab. Napansin ni Nica na nasa kanila ang mga mata ng nasa likuran nila kaya nagpatangay na siya kay Gab palabas ng gym.
"Ba't ka nanghihila?" tanong ni Nica nang malayo na sila sa gym.
"Nagpahila ka naman," sagot ni Gab na sa parking lot ang daang tinatahak nila.
"Saan mo 'ko dadalhin, Gab?" tanong ni Nica nang makarating na sila sa kotse ni Gab.
"Basta," sagot ng binata at binuksan ang pinto sa front seat.
"Anong basta?" tanong ni Nica.
"Actually, may isang taong humiling sa akin na dalhin kita sa lugar na iyon dahil gusto ka niyang makita," sagot ni Gab at tinulak si Nica papasok sa loob ng sasakyan at isinara para hindi na ito makalabas pa.
"Gab naman! Saan mo ako dadalhin?" tanong ng dalaga habang nasa biyahe na sila.
"Huwag ka na kasing dada nang dada! Manahimik ka na lang!" sagot ni Gab na medyo pinabilisan ang pagmaneho.
"Baka ipa-kidnap mo ako!" nakalabing sabi ni Nica kaya napangisi si Gab.
"Mahirap ka lang, wala silang mapapala sa 'yo," sabi ni Gab na ikinasimangot ni Nica.
"E di ikaw na mayaman! Sino ba ang kikitain natin?" pangungulit ni Nica pero hindi na sumagot pa si Gab kaya biglang kinabahan si Nica. Paano kung masamang tao ang kikitain nila at ipagkanulo ni Gab? Uso pa naman ang mga sindikatong nagbebenta ng organs sa China.
Matapos ang ilang minutong pagbiyahe, tumigil sila sa amusement park.
"Baba na." Utos ni Gab nang makahanap ng mapa-parking-an.
"Dito na ba siya?" tanong ni Nica nang makababa. At least medyo matao ang lugar na ito kaya puwede pa siyang makasigaw kung may masamang gagawin ang ime-meet nila ngayon.
"Yes," sagot ni Gab at hinawakan ang kanang kamay niya saka pumasok na sa amusement park. "Ang lamig ng mga kamay mo, Nica."
"G-Gab? Nasaan siya? Sino ang kikitain natin?" nagtatakang taong ni Nica nang makapasok na sila.
Tumigil si Gabriel at yumuko saka hinawakan si Nica sa baba saka nginitian nang magkasalubong ang mga mata nila.
"G-Gab..." sambit ni Nica. Ang guwapo ng mokong. "Sino ang ime-meet natin?"
"Si Thabz," sagot ni Gabriel at pinisil ang baba ni Nica. "Gusto kitang makasama, thabz."
Natigilan si Nica pero bago pa siya makapagsalita, hinigit na siya ni Gab at hinila para kumuha ng ticket.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon