24

1.1K 47 0
                                    



MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited.
"Kumusta ang new year, thabz?" tanong ni
Gab nang magkita sila. Kanina pa niya ito
hinihintay na dumating.
"Okay lang, thabz," nakangiting sagot ni
Nica.
"Thabz," ulit ni Gab at napakagat sa ibabang
labi. 'Kay sarap pakinggan ng tawagan nila
kahit na noong una, nainsulto siya.
"Thabz?" tanong ni Gab habang naglalakad
na sila palapit sa building ina Nica.
"Thabz?" sagot ni Nica at napatingala kay
Gab. Ilang araw silang hindi nagkita dahil
bago mag-new year, pumunta ang mga ito
sa ibang bansa at doon na nagdiwang ng
bagong taon kasama ang iba pang pamilya.
"K-Kapag ba may mataba kang kakilala,
thabz din ang tawag mo sa kanila?" curious
na tanong ni Gab.
Tumigil si Nica at hinarap si Gab saka
sinalubong ang mga mata. "Ikaw lang ang
tinatawag kong thabz."
"T-Talaga?" tanong ni Gab na nagliwanag
ang mga mata.
"Oo naman. At least kapag sabihin kong
thabz, ikaw iyon," natatawang sagot ni Nica
dahil ang cute ni Gab. Nagniningning pa
talaga ang mga mata nito na para bang ito
lang ang nag-iisang batang binigyan ng
regalo ni Santa noong pasko.
"Kapag may iba ka pang tawagin na thabz,
papatayin ko ang lahat ng matataba sa
buong mundo," wika ni Gab kaya
napasimangot si Nica.
Ngumiti si Gab, "Peace, Nica. Biro lang,
thabz."
"Halika ka na nga, thabz! First day ng school
kaya dapat na hindi tayo ma-late," yaya ni
Nica at hinawakan ang kanang kamay ng
binata saka hinila na papasok sa building.
"Thabz? Ang taba ko na ba talaga?" tanong
ni Gab.
"Pumayat ka na e," puna ni Nica. Matabang-
mataba pa rin si Gab pero parang medyo
pumayat na ito.
"I lose weight," sabi ni Gab kaya nanlaki ang
mga mata ng dalaga.
"Really?"
"Yes, five kilo," sagot ni Gab.
"Very good, thabz! I'm happy for you,"
proud na puri ni Nica na kulang na lang ay
yakapin niya ang binata.
"Sino ba ang hindi papayat sa ginawa nila sa
akin?" naiinis na sabi ni Gab. Paano, sa
tuwing kakain siya, kinukuha ng mga pinsan
niya ang pagkain. Sa umaga naman, kapag
hindi siya tumakbo, pinapaputukan siya ng
mga tito para tumakbo. Isinusumpa niyang
hindi na siya babalik pa sa lugar na iyon!
"Pero mas mabuting pumayat ka nang kaunti
lang," sabi ni Nica.
"Bakit? Kapag ba mataba ako, hindi mo ako
magugustuhan?"
"Thabz naman, huwag ka nang magtampo.
Hindi naman nakakahawa ang pagiging
mataba pero paminsan-minsan, control-in
mo rin ang pagkain dahil nakakasama sa
kalusugan natin ang sobrang taba," pag-
aalo ni Nica.
"Oo na. Hindi mo lang alam ang
pinagdaanan ko sa Japan. Ang hirap
talagang mag-diet, thabz," sabi ni Gab.
Pinisil ni Nica ang kamay ni Gab.
"Pero nakaya mo, 'di ba? Paunti-unti lang,
makakaya mo rin. Okay?" sabi ni Nica at
ubod ng tamis na ngumiti kay Gab.
"Okay," wika ni Gab. Paano siya magagalit
kay Nica? E, hindi niya kaya. Tampo lang
siguro pero galit? Hindi e.
"Ang sweet naman ninyong dalawa," wika ni
Sheryl nang makasalubong nila.
"Salamat," pasalamat ni Gab sa magandang
babae na unang niligawan niya pero
binasted lang siya.
"Mabuti naman at nakatagpo ka na ng
babaeng mahal ka," sabi ni Sheryl at
nilagpasan sila.
"Huwag mo nang pansinin 'yon, thabz," sabi
ni Gab at inakbayan si Nica nang mapansing
natahimik ito.
"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Nica.
"Hindi na. Ikaw na ang mahal ko. I had a
crush on her pero mabilis namang nawala,"
sagot ni Gab.
"Sure?" paninigurado ni Nica.
Tumawa si Gab, "Kapag girlfriend lang kita,
iisipin kong nagseselos ka."
Lumapad ang ngiti ni Gab nang mapansing
namumula ang magkabilang pinsgi ni Nica.
Ang cute.
"Nagseselos ka, thabz?" tanong ni Gab.
Huwag lang sana nitong aminin dahil baka
mahimatay siya.
"O-Oo, medyo," pag-amin ni Nica kaya
natigilan si Gab. Totoo ba ang narinig niya?
Nagseselos si Nica?
Humalakhak si Nica. "Biro lang, thabz.
Siyempre makaya ka pa ring maghanap at
magmahal ng iba dahil wala namang tayo."
"Hindi ako natutuwa sa biro mo!"
nakasimangot na sabi ni Gab.
"Peace na tayo, thabz," pangungulit ni Nica.
"Paasa talaga kayong mga babae!" bulong ni
Gab at hinila na si Nica palapit sa elevator.
Humarap si Nica sa binatang salubong ang
kilay. "Thabz? Sorry--"
"Pasok na!" sabi ni Gab at tinulak si Nica
papasok sa elevator saka pinindot ang close
button.
"Galit ka, thabz?" tanong ni Nica. Pinindot ni
Gab ang stop button at yumuko kay Nica
kaya napasiksik ang dalaga sa dingding.
Paano kung pahigain siya ni Gab at durugin?
E di para siyang pinisang luya.
"Natatakot ka ba sa akin, Nica?" seryosong
tanong ni Gab. Iniwas ni Nica ang mga mata
saka umiling.
"W-Wala namang dapat na ikakatakot, t-
thabz," sagot ni Nica na nilalabanan ang
takot. Dalawa lang sila sa loob ng elevator
at ang laki pa ni Gab.
"Good," sagot ni Gab at itinipa ang mga
kamay. "Hug mo 'ko, thabz!" Biglang umiba
ang tono ng boses ni Gab. Para itong cute
na baboy na humihingi ng hug kaya ngumiti
si Nica at lumapit kay Gab saka niyakap ito.
Gusto sana ni Nica na yakapin nang buo
pero hanggang bewang lang ni Gab ang mga
kamay niya. Sa laki nito, parang buong
mundo ang niyayakap niya. Ang lambot ng
katawan. Parang nasa kama lang siya e.
"Miss na miss kita, Nica. Akala ko, hindi na
tayo magkikita," wika ni Gab at niyakap si
Nica pero maluwag lang dahil natatakot siya
na baka mapisa ito. Hindi pa naman niya
kontrolado ang puwersa niya.
"G-Gab..." sambit ni Nica nang
magkahiwalay ang mga katawan nila.
"I love you, thabz," pabulong na wika ni
Gabriele at hinawi ang buhok ni Nica na
tumatakip sa mukha nito.
Yumuko siya saka inangkin ang mga labi ng
dalaga. Hindi umiwas si Nica at hindi rin
tumanggi kaya niyakap niya ito sa balikat
para mas dumiin ang mga labi niya sa
matamis at malambot na mga labi ni Nica.
Nagulat si Gab nang gumalaw ang mga labi
ni Nica at gumanti sa mga halik niya
hanggang sa lumalim ang halikan nila.
"T-Thabz," sambit ni Nica nang
magkahiwalay ang mga labi nila.
"S-Sorry, baka kung ano pa ang isipin nila,"
paumanhin ni Gab at pinindot ang third
floor kaya muling umandar ang elevator.
"Pero Nica, mahal kita. Mahal na mahal kita,
okay?"
"Huwag mo muna akong kausapin, Gab!"
sabi ni Nica na tumilapon yata ang utak niya
at hindi niya kayang mag-isip. Bakit ba kasi
gumanti siya sa mga halik ni Gab? Para na
rin niyang inamin na gusto niya ito.
Bumukas ang pinto kaya naunang lumabas si
Nica.
"Sorry na," paumanhin ni Gab. Naglabaliktad
yata? Kaninang pumasok sila, si Nica ang
humihingi ng tawad tapos ngayong palabas
na sila, siya na ang humihingi ng tawad.
Napatigil si Nica at humarap kay Gab. "Shit!"
sambit niya saka natarantang dinukot ang
panyo sa bulsa at inabot kay Gab. "Pahiran
mo ang mga labi mo!"
Namutla siya. Agad na tumalikod si Gab
nang mapansing nabura na ang lipstick ni
Nica. Kaunti pa lang naman ang mga
estudyante kaya walang nakapansin sa kanila
dahil hindi na bago sa mga ito na
magkasama sila ni Nica.
Pasimpleng dinukot ni Nica ang lipstick sa
bulsa at nilagyan ang mga labi.
"Next time, kapag ako ang kasama mo,
huwag ka nang maglipstick," sabi ni Gab na
humarap na kay Nica. "Wala na ba?"
"W-Wala na," nahihiyang sagot ni Nica.
Muntik na silang mahuli. Paano na lang
kapag hindi niya napansin at naalala? E di
alam nilang naghalikan sila ni Gab?
"Thabz?" nakangiting tawag ni Gab habang
nakasunod kay Nica.
"Hmmm?"
"Salamat sa kiss," pabulong na pasalamat ni
Gab kaya napalunok ng laway si Nica at
ipinagpatuloy ang paglalakad.
"K-Kalimutan na natin ang nangyari kanina.
B-Basta walang nangyari," pakiusap ni Nica
na hiyang-hiya sa sarili. Ang dali naman yata
niyang sumuko?
"May nangyari at hindi ko iyon
makakalimutan," sabi ni Gab. Alam niya.
Sigurado siyang mahal siya ni Nica.
Assuming na kung assuming.
"Gab naman e," ani Nica. Pinigilan siya ni
Gab sa kabilang braso at dinukot ang medyo
maliit na box sa bulasa. "Pasalubong ko
pala, thabz."
"May pasalubong ka pa talaga," sabi ni Nica.
Napatingin ang apat na estudyanteng
napadaan sa kanila lalo na sa gift na hawak
ni Nica.
"Oo naman. Ikaw pa. Alam mo namang hindi
ka puwedeng mahuli," nakangiting sabi ni
Gab.
"Sige na, papasok na ako sa classroom,"
sabi ni Nica at itinago sa bag ang regalo ni
Gab bago pa makita ng lahat.
"Sige na, thabz. Mamaya, text mo 'ko kapag
uwian na ninyo. Sabay tayong kakain ng
lunch," bilin ni Gab at napatingin sa
dalagang napalingon sa kaniya nang papasok
na ito sa classroom.
"Sige, text kita, thabz," wika ni Nica at
pumasok na sa classroom.
"Uy, masaya ang new year niya!" nakangiting
sabi ni Sunny nang maupo si Nica sa tabi
niya.
"Himala, ang aga mo yata?" tanong ni Nica.
"Maaga naman talaga ako. Iniiba mo ang
usapan e," nakataas ang kilay na sabi ni
Sunny.
Binuksan niya ang bag pero hindi niya
inilabas ang regalo ni Gab.
"Ano 'yan?" pabulong na tanong ni Sunny at
sumilip sa loob ng bag ni Nica.
"Regalo ni Gab," sagot ni Nica at binuksan
ang regalo na hindi inilabas sa bag niya.
Pareho silang nakasilip.
"Wow! Generous ni Gab," mahinang wika ni
Sunny nang makita ang iPhone X at sisley
Hydrating lipstick-isa sa mamahaling lipstick
sa buong mundo.
"Sana may maliligaw rin ako kagaya niya,"
kinikilig na sabi ni Sunny kaya napangiti si
Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon