25

1.2K 49 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...
"Nica? Punta tayo sa gym," yaya ni Sunny
habang naglalakad sila sa hallway. May 30
minutes pa naman silang break ngayong
hapon.
"Ano ang gagawin natin doon?" tanong ni
Nica na busy sa pag-reply kay Gab dahil
panay ang text nito kung nasaan siya.
"Manonood ng basketball game. May
friendly game yata ang CTU at Westbridge,"
sagot ni Sunny na excited dahil nandoon ang
team galaxy ng mga Villafuerte.
"Ayaw ko. Ikaw na lang," sagot ni Nica.
"Bakit ayaw mo? Sige na, gusto kong
makita ang team galaxy," pamimilit ni
Sunny. Actually, tatlo pa lang ang nakita
niya sa personal pero ang tatlo ay hindi pa.
Sikat ang anim sa pagiging maloko at higit
sa lahat, pagiging guwapo kaya marami ang
babaeng umaasang mapapansin ng mga ito.
"Hindi ako interesado sa kanila," wala sa
mood na sagot ni Nica.
"Hmm? Faithful ka kay Gab?" tukso ni Sunny
kaya sumimangot na naman si Nica. Palagi
na lang isinisingit ni Sunny si Gab sa usapan
nila kahit na hindi naman ito related.
"Palagi na lang si Gab. Hindi ba puwedeng
wala lang ako sa mood?" pagtataray ni Nica
pero kaunti lang.
"Uy? Ang ganda ng lipstick. Ginamit na niya
ang bigay ni Gab," tukso ni Sunny.
"Sayang naman na ma-expire," sagot ni
Nica. Isa pa, ang ganda ng pinili ni Gab.
Bagay na bagay sa lips niya.
"Hello, Sunny. Saan kayo pupunta?" tanong
ni Luis nang makasalubong nila.
"Sa gym," sagot ni Sunny at napatingin kay
Luis. Bagong gupit ang mokong at mukhang
maaliwalas ang mukha. In fairness, ang pogi
nito at ang bait pa. Si Gab lang talaga ang
mailap sa ibang tao at kay Nica lang
lumalapit.
"Manonood kayo ng game namin?"
nakangiting tanong ni Luis.
"Kasali ka? Bakit nandito ka pa?" tanong ni
Sunny. Ang lakas na ng hiyawan sa gym kaya
sigurado siyang nag-uumpisa na ang laban.
"Sub lang ako at doon na ako patungo,"
sagot ni Luis at napasulyap kay Nica na busy
sa kaka-text. Napatingin siya sa cellphone
nitong hawak. Sigurado siyang galing ito kay
Gab dahil kasama siya nang bumili ang
kakambal. Maganda naman si Nica at mabait
kaya wala siyang problema kung gagastos
ng malaki ang kakambal niya. Huwag lang
sana nitong lokohin si Gab dahil masamang
magalit ang baboy na iyon. Napailing siya.
Nagiging harsh na siya sa kapatid.
"Ganoon ba? Gusto kasi naming makita ang
team galaxy," excited na sabi ni Sunny.
"Ikaw lang," sabat ni Nica. Hindi siya fan ng
mga Villafuerte at Lacson. Pero na-involve
na siya kay Gab kaya wala na siyang
magagawa pa.
"Hmm? Talaga? Gusto mong makita ang
team galaxy? Eh, mas pogi naman ako kina
Kuya," biro ni Luis na inirapan lang ni Sunny.
"Luis!" nakangiting sabi ng lalaki na
papalapit sa kanila.
"Ano ang ginagawa mo rito?" umuusok ang
ilong na tanong ni Sunny nang makita ang
lalaking kinaiinisan niya. Minsan na niya
itong nasagupa sa isang party.
"Bawal ba ang taga Westbridge rito?"
nakangiting tanong ng binatang mas
matangkad lang nang kaunti kay Luis.
"Bawal lalo na kung ikaw ang papasok!"
naiinis na sagot ni Sunny. Ang ganda ng
modo niya pero sinisira lang ng hinayupak
na 'to.
"Sunny? Kapag ba gabi, lumiliwanag ka rin?"
biro ng lalako at napasulyap kay Nica. "Ang
ganda naman ng kasama mo, puwede ko
bang makilala?"
"Girlfriend na siya ni Gab kaya back-off!"
singhal ni Sunny kaya napangiti ang binata
saka napailing.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Paano ka napasagot ng isang elepante?"
"Ang hard mo!" singhal ni Sunny. "Mas
guwapo at mas mabait si Gab kaysa sa'yo!"
Ngumiti ang binata. "Mas macho naman ako!
Alam mo bang ako ang pinakaguwapo sa
buong Westbridge? Pasalamat sina Luis,
hindi ako pumasok dito. Kung dito lang ako
nag-aaral, mawawalan ng saysay ang ka-
pogi-an nila."
"Yabang mo!" singhal ni Sunny kaya
napatingin na sa kanila ang ibang
estudyante. Ang iba ay napatili nang
mamukhaan ang guwapong outsider. "Hindi
ka team galaxy kaya huwag kang
magmayabang sa harapan ko!"
Napa-smirk ang binata. "So? Kapag pala
team galaxy, pogi na?"
"Oo! Kaya huwag kang magmayabang kasi
hindi ka guwapo!" sagot ni Sunny kaya
napakamot na lang sa ulo si Luis. Si Nica ay
sinasaway na si Sunny.
"Nica, bitiwan mo ako! Ginigigil ako nitong
hayop na 'to e!" saway ni Sunny.
"Alis na ako, Luis. Baka mamaya, ma-
highblood pa si Sunny at magkatagpo pa
ang magkabilang mundo namin," biro ng
lalaki saka tinalikuran na sila.
"Psh! Yabang!" bulong ni Sunny at hinila si
Nica papasok sa gym.
"Nica!" tawag ni Gab nang makita sila.
Nanlaki ang mga mata ni Sunny nang makita
ang lima nitong kasama-ang team galaxy.
Pero kulang sila ng isa.
"Hello," bati ni Nica.
"Oh Luis! Sino ang magandang chicks na
kasama mo? Ganda a!" puri ni Matter
habang nakatitig sa magandang mukha ni
Nica.
"Type mo?" natatawang tanong ni Clouds sa
kapatid.
"Type ko siya," nakangiting sabat ng isa
nilang kapatid at nauna nang lumapit kay
Nica. "I'm Dust."
Nakipagkamay siya kaya naiilang na inabot ni
Nica. Ang mga taga CTU ay napatingin sa
kanila. Inggit na inggit kay Nica dahil
nakadaumpalad niya ang isa sa team galaxy.
"Girlfriend ko siya," walang kabuhay-buhay
na sabat ni Gab kaya natigilan ang lima at
palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa
habang nakabuka ang bibig.
Pasimpleng binawi ni Dust ang kamay at
napakamot sa batok. "Really? Ang ganda
niya, Gab." Lumayo si Dust kay Nica at
bumalik sa apat na kapatid.
"Oo," sagot ni Gab at lumapit kay Nica saka
inakbayan ang dalaga.
"Nasaan na si Moon?" tanong ni Star dahil
kanina pa nila hinahanap ang kapatid.
"Malay ko. Baka nang chicks," biro ni
Matter.
"Ako ba ang hinahanap ninyo?" tanong ni
Moon na papalapit sa kanila kaya nanlaki ang
mga mata ni Sunny. Ang lalaking mayabang,
kapatid ng lima?
"Oh, hello. Sunny, 'di ba?" inosenteng
tanong ni Moon at humarap kay Sunny. "I
am Moon-your opposite," nakangising
pagpakilala ni Moon. "Kaya pala na-aattract
ka sa akin."
"E-Excuse me," pasintabi ni Nica at
tinalikuran ang mga ito bago pa siya
sumabog.
"Mauna na kami," paalam ni Nica at sinundan
si Sunny pero pinigilan siya ni Gab.
"Mauna na po kami mga kuya," paalam ni
Gab at hinila si Nica palayo sa mga ito.
Walang nagsasalita habang naglalakad sila.
Hindi alam ni Nica kung saan siya pupunta at
ganoon din si Gab hanggang sa napadpad
sila sa tree park.
"Gusto mo ba si Kuya Dust?" tanong ni Gab
nang maupo sa tabi ni Nica na nakaupo sa
mahabang bench.
"Bakit mo natanong?" balik-tanong ng
dalaga. Kanina pa niya naramdaman ang
tensiyon sa pagitan nila ni Gab.
"D-Dahil gusto ka niya," malungkot na sagot
ni Gab.
"Bakit mo naman naisip iyon?" tanong ni
Nica.
"D-Dahil guwapo siya at marami ang
nagkakagusto sa kaniya," sagot ni Gab. "S-
Sorry pala kung girlfriend ang pagpakilala
ko sa 'yo kanina," paumanhin ni Gab pero sa
kaloob-looban niya, nasasaktan siya.
"Okay lang 'yon. Wala sa akin kung isipin
man nilang magkasintahan tayo, Gab. Hindi
porket guwapo at macho sila, e,
magugustuhan ko na. Hindi naman sa mukha
ang basehan ng pagmamahal e," sagot ni
Nica at nginitian si Gab.
"Hindi ka galit?" paninigurado ni Gab.
"Hindi," sagot ni Nica saka umiling.
"P-Pasensiya ka na kung medyo possesive
ako kanina kahit na wala namang tayo pero
hindi ko kasi kayang sila ang makakalaban ko
sa puso mo dahil alam kong wala akong
panalo," malungkot na paumanhin ni Gab.
Sikat ang anim sa pagiging guwapo pero
siya ano? Sikat lang sa pagiging mataba.
"Wala iyon, thabz. Huwag ka nang
malungkot dahil para sa akin, mas guwapo
ka sa kanilang lahat," sabi ni Nica kaya
natigilan si Gab.
"G-Guwapo ako?" ulit ni Gab.
"Oo naman. Ang pogi kaya ng thabz ko,"
nakangiting sabi ni Nica at hindi na napigilan
ang sariling kurutin ang magkabilang pisngi
ng binatang namumula. Ang lambot lang.
Mahinang kinurot ni Gab ang braso ni Nica
saka napayuko. Para siyang nakakutang sa
ulap sa naisip. Isang baboy na nakalutang sa
ulap. Sarap sa pakiramdam.
"Mataba ka nga lang pero ang pogi mo,"
sabi ni Nica kaya napasimangot si Gab.
Kailangan pa talagang i-remind na mataba
siya? Para tuloy siyang baboy na biglang
nahulog mula sa ulap. Lakas makapanira ng
trip ni Nica e. Pero napangiti siya nang
mapansing masaya si Nica. Sanay naman
siyang nilalait dahil sa katabaan pero kapag
si Nica ang manlait, nagtatampo siya. Ewan
ba niya. Siguro dahil sa ayaw niyang maging
pangit sa paningin nito.
"Arte ko!" bulong ni Gab. Para siyang bakla
na nag-iinarte. Pero kaagad na napailing.
Ang sama ng iniisip niya tungkol sa sarili.
Mataba na matangkad tapos bakla pa siya?
"Thabz? Babalik na ako sa klase ko dahil
baka nandoon na ang teacher namin,"
paalam ni Nica na tumayo na.
"Ihatid na kita, Nica," sabi ni Gab at tumayo
rin.
"Nasa third floor kami at gusto kong
gumamit ng hagdan," nakangiting sagot ni
Nica.
"Ayaw mo ng elevator?" nakangiwing tanong
ni Gab.
"Ayaw. Baka mabura naman ang lipstick ko,"
makahulugang sagot ni Nica kaya biglang
napunit ang mga labi ni Gab. Ang lapad ng
ngiti niya e.
"Okay lang, thabz. Bibilhan kita ng
maraming lipstick," sagot ni Gab kaya
tumawa si Nica at hinila ang kamay ni Gab
palabas sa tree park.
"Nakahand-bonding tayo," mahinang sabi ni
Gab habang nakatitig sa kamay nila ni Nica.
Ang dalaga na mismo ang humawak sa
kamay niya. Ibig bang sabihin nito, gusto na
rin ni Nica na maka-holdinf hands siya? Or
baka gusto na rin siya ni Nica? Bumilis ang
tibok ng puso niya sa naisip.
"Ayaw mo, thabz?" tanong ni Nica na
lumingon sa kaniya.
"G-Gusto..." mabilis na sagot ni Gab. Kung
tama ang naisip niyang gusto rin siya ni
Nica, paano na ang sexlife nila? Kapag mag-
body bonding sila, paano na?
"Bakit namumutla ka?" tanong ni Nica kay
Gab. Hindi naman sila naglakad nang malayo
o tumakbo pero putlang-putla ang mukha
nito at namamawis pa ang noo.
"H-Ha? Wala, thabz. Halika na, ihahatid na
kita. Maghahagdan tayo," sagot ni Gab at
iniwas ang mga mata saka hinila na si Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon