MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 32
Unedited...
After 1 year...
Second day of school, third year college na
si Nica.
"Parang kailan lang," bulong ni Nica at
iginala ang mga mata sa kabuuan ng
Cresantemum University o mas kilala sa
tawag na CTU. Walang pinagbago, kagaya
pa rin ng dati na malawak at medyo magulo
dahil sa fraternities. Mas naco-control lang
dahil sa mga Lacson na mas nakakataas sa
mga ito. Sila ang nagbibigay ng balanse sa
both parties mapa-sorority man o fraternity
inside or outside ng CTU.
Napatingin siya sa dalawang lalaking
estudyanteng nagsitakbuhan at hinahabol ng
mga frat members.
"Ano ba 'yan, second day of school, may
habulan na nagaganap!" sabi ng isang
estudyante.
Hindi lang si Luis ang namimigay ng death
note kundi pati na rin ang mga pinsan nito
na college student na rin.
"Kumusta na kaya siya?" pabulong na
tanong ni Nica sa sarili nang maalala ang
lalaking kinatatakutan ng lahat noon pero
mabait kapag kakilala ka niya.
Isang taon na rin ang nakalipas pero wala
siyang balita kay Gariele Vince Lacson.
Iniiwasan na rin niya si Luis dahil masasaktan
lang siya kapag marinig ang pangalan ni
Gab. Kahit su Sunny, hindi na rin
nagkukuwento o name-mention si Gab.
Lahat ng estudyante ay nakalimutan na rin
ang pinakamatabang nilalang sa CTU nang
makalipas ang ilang buwan.
"Friend? Kumusta ka?" tili ni Sunny habang
palapit sa kaniya.
"Ba't ka absent kahapon?" agad na tanong
ni Nica nang makalapit na ito kaya
napasimangot si Sunny.
"Hindi ba puwedeng tanungin mo muna ako
kung kumusta ang summer vacay ko? Gosh!
Hindi ka talaga TF!" reklamo ni Sunny.
"TF?" ulit ni Nica.
"True friend. Ay, ang slow--ouch!"
pagtataray ni Sunny pero napahawak sa
batok nang batukan siya ni Nica. "Ang sakit
naman! Sadista ka talaga!"
"Maya ko ba sa TF na 'yan! Talent fee lang
ang alam ko!" pagsisinuplada ni Nica.
"Sus, TF kita kaya huwag kang ano!
Pasalamat ka, maganda ka," sabi ni Sunny at
ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso
ni Nica at naglakad patungo sa classroom
nila. "Excited na ako ngayong school year."
"Bakit naman?" tanong ni Nica at napatingin
sa kaibigan na maaliwalas ang mukha.
"Wala lang. Ganoon talaga kapag nagle-level
up ka, exciting!" sagot ni Sunny na todo
ngiti sa kaibigan.
"In love ka lang, eh," sabi ni Nica. Mukhang
nagkaka-lovelife na si Sunny pero hindi lang
nito inaamin sa kaniya.
"Hindi ah!" tanggi ni Sunny.
"Bahala kang mag-deny! Basta ako, sigurado
akong may lovelife ka na," siguradong sabi
ni Nica. Kabisado na niya si Sunny pero
ayaw niyang magtanong.
Pagkapasok nila sa classroom nila, ang
daming flowers sa upuan niya kaya
napabuntonghininga siya.
Mula nang umalis si Gab, ganito na parati.
Ang daming bulaklak na natatanggap niya
araw-araw mula sa mga manliligaw. Wala
ring nakakaalam ng tunay na pag-alis ni Gab
maliban sa kanila.
Naalala na naman niya si Gab. Hindi ito
kagaya ng dati na kapag may magbigay ng
bulaklak sa kaniya, binibigyan ni Gab ng
death note kaya ang ending, isang bouquet
lang ng bulaklak ang natatanggap niya.
"Kalimutan mo na siya!" saway ni Nica sa
sarili at kinuha ang lahat ng bulaklak saka
ipinalit sa bulaklak na nasa flower vase ng
guro na kakalagay lang niya kahapon. Ang
iba, ilalagay niya sa table ng teacher nila sa
next subject.
"Iba talaga kapag pretty ka," nakangiting
sabi ni Sunny na tinutulungan si Nica.
"Marami ang flowers everyday para makuha
ang fresh flower."
Ngumiti si Nica at kinurot ang kaibigan,
"Loka ka talaga, Sunny."
Nang matapos ang klase nila ngayong
umaga, napagpasyahan ng dalawa na
maglakad-lakad muna sa tree park dahil
maaga pa silang pinauwi ng guro. Hindi pa
naman busy ang sxehd nila dahil ang iba ay
nasa bakasyon pa.
"Nica? Kumusta na kaya si Gab?" tanong ni
Sunny habang naglalakad sila sa tree park
kaya napatigil si Nica sa paglalakad at
malungkot na naupo sa mahabang bench.
"Malamang, galit siya sa akin," malungkot na
sabi ni Nica.
"Hey, huwag mo ngang sisihin ang sarili mo,
ginawa mo lang ang nararapat," pag-aalo ni
Sunny at naupo sa tabi niya. "Sabi ni Luis,
hindi naman talaga nagda-diet si Gab kapag
nasa bahay noon. Nagtatago siya ng pagkain
sa kuwarto at patagong hinatiran ng
pagkain ng lola niya kaya medyo okay na rin
ang ginawa mo."
"Pero ang hard pa rin ng mga sinabi ko,"
nakayukong sabi ni Nica na pinipigilan ang
mga luha. Isang taon na pero hanggang
ngayon, inuusig pa rin siya ng konsensiya.
Alam kasi niya kung gaano kasakit ang
pagsabihan ng mga ganoong salita.
"Minsan, kailangan nating saktan ang isang
tao para matauhan. Kahit gaano pa ang
pangungumbinsi mo kay Gab, wala pa ring
mangyayari, Nica. Unless magsama kayo sa
iisang bubong para gabayan siya na
imposible namang mangyari. Ang bata mo
pa," pagbibigay ng payo ni Sunny para hindi
na ma-guilty ang kaibigan. "Babalik si Gab
at maiintindihan ka niya."
Pilit na ngumiti si Nica, "Hayaan mo na,
basta iyon na 'yon."
"Yeah. Iyon na 'yon pero mahal mo siya kaya
hanggang ngayon, nasasaktan ka pa rin."
"Hindi--"
"Huwag mo nang i-deny, mahal mo si Gab
kaya okay lang sa 'yo na kamuhian ka niya
para maging healthy lang siya. The power of
true love," tukso ni Sunny. "Hey, one year
na ang nakalipas, sa tingin ko, pumayat na si
Gab. Pero kapag mataba pa rin, bahala na
siya."
"Sana nga, okay na siya," puno ng pag-
asang wika ni Nica. Hindi niya pinangarap na
hahantong sila ni Gab sa kanila mula nang
makilala niya ito. Ganoon nga siguro kapag
umiikot ang mundo, nagiging baliktad ang
pangyayari.
"In fairness, tumaba ka," puna ni Sunny.
"Really?" nabahalang tanong ni Nica. Hindi
siya payat at tabain siya kaya ingat na ingat
siya sa pagkain dahil ayaw na niyang
tumaba.
"Ahm? Hindi naman ganoon. Maganda ka pa
naman kahit na tataba ka pa. Slight lang
naman ang pagtaba mo. Sa awa ng nasa
Itaas, hindi pa naman nagfo-form ang fats
sa tiyan mo," natatawang sagot ni Sunny na
para bang himatayin si Nica nang marinig
ang salitang "taba". Well, ganoon din naman
siya. Nature n siguro sa mga babae na
kapag sabihan na mataba, negatibo ang
dating. 'Liban na lang sa mga payat talaga
na gustong tumaba.
"Hmp! Sana lang hindi na ako tumaba," sabi
ni Nica.
"Mabuti naman at nahabol mo ang grades
mo," pag-iiba ni Sunny. Muntik nang hindi
umabot sa cut-off si Nica kaya iyak nang
iyak ito last sem dahil baka mawala ang
scholarship niya.
"Oo nga eh, sana lang maging ma-maitain
ko this year," sagot ni Nica. Kapag mawalan
siya ng scholarship, paano na? Gipit pa
naman ang parents niya ngayon dahil hindi
maganda ang takbo ng negosyo nila dahil
nagkasakit ang papa niya last December.
"Oh my gosh!" bulalas ni Nica saka
napatayo.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Sunny na
himatayin yata sa pagkagulat.
"S-Sunny, may meeting pala kami ngayon,"
natarantang sabi ni Nica. "Maiwan muna
kita."
"Sige, sa canteen ka na lang dumiretso
kapag tapos na, nagugutom ako," sagot ni
Sunny kaya tumakbo na si Nica palapit sa
building na pagme-meeting-an nila.
Nakahinga siya nang maluwag nang wala pa
ang guro pagpasok niya sa isang silid na
para sa kanilang mga scholar.
Mga tungkol sa grades at project lang
naman nila ang pinag-uusapan nila.
"Magpapatawag ako ulit ng meeting kapag
may maisip na akong project natin ngayong
buwan. Meanwhile, ang painting lang muna
sa faculty room ang gagawin natin," sabi ng
gurong in-charged sa kanila.
"Okay po, ma'am," magalang na sagot ng
mga estudyanteng scholar at nagsitayuan na
sila.
"Nica?" tawag ni Tanya at lumapit kay Nica
na lalabas na sa pinto.
"Yes?" nakangiting tanong ng dalaga.
"Hindi ba't magkaibigan kayo ni Luis?"
atubiling tanong ni Tanya na kahapon lang
niya nakilala.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Nica.
"P-Puwede bang pakibigay ito sa kaniya?"
sabay lahad ng isang paperbag kay Nica.
"Natatakot kasi ako na baka bigyan niya ako
ng death note."
"Bakit naman? Wala ka namang dapat na
katakutan kapag wala kang ginagawang
masama," sagot ni Nica.
"Ate Nica? Sige na, please. N-Natatakot
talaga ako," pakiusap ni Tanya kaya walang
nagawa si Nica at inabot niya ito.
"Hindi ko alam kung nasaan si Luis," sagot ni
Nica at napasilip sa paperbag. Damit lang
naman ang laman nito.
"N-Nasa rooftop po siya," sagot ni Tanya na
halatang natatakot ang mukha. Lahat na
yata ng baguhang estudyante, kilabot ang
nararamdaman sa tuwing makakasalubong
ang mga Lacson. Kaunting mali lang, death
note kaagad ang natatanggap nila.
"Sige," pagpayag ni Nica at lumabas na.
Ihahatid na muna niya kay Luis ang
pinakiusap ni Tanya. Nagugutom na siya
pero nag-text si Sunny na pumipila na ito sa
canteen kaya may time pang ihatid kay Luis
ang paperbag.
Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito
habang palapit siya kaya kumatok muna siya
ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
"Morning, Luis," nakangiting bati ni Nica
kaya napatingin ang mga ito sa kaniya pero
kay Luis ang mga mata niya.
"Nica? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong
ni Luis.
"May pinabigay pala si Tanya sa 'yo," sagot
ni Nica at napasulyap sa dalawang kasama ni
Luis. Ang isa ay pinsan nila at ang isa ay
hindi niya kilala pero familiar ang mukha.
Baka pinsan din nina Luis dahil medyo hawig
ang mukha ng dalawa. Guwapo ito,
matangkad at matikas ang pangangatawan.
Napayuko siya nang magtama ang mga mata
nila ng binata. Tahimik lang ito pero bakit
parang ang dami na nitong sinasabi sa
kaniya sa pamamagitan ng titig lang?
Napaka-expressive ng mga mata nitong
nagre-remind sa kaniya ng isang tao.
Naiilang siya sa mga titig ng lalaki at bigla
na lang siya nakaramdam ng kaba sa dibdib
na para bang may mga dagang
naghahabulan dito.
"Hindi ko siya kilala," sagot ni Luis at inabot
ang paperbag saka tiningnan ang laman
nito. "Oh? Kilala ko na pala," agad na
pagbawi ng binata.
Napansin niya ang pamumula ng mukha ni
Nica habang nakayuko kaya napatingin siya
sa dalawang kasama.
Nginitian niya si Nica. "May kailangan ka pa
ba, Nica?"
"W-Wala na," sagot ni Nica at tumingala kay
Luis dahil naiilang siya sa titig ng lalaking
kasama nito na halatang hindi nito
nagustuhan ang pagpasok niya. "Iyon lang
ang ipinunta ko. Mauna na ako, Luis, kanina
pa ako hinihintay ni Sunny." Paalam ni Nica
at tumalikod niya dahil hindi niya kaya ang
init ng mga mata ng lalaking nakaputing
sleeveless. Ang ilong nito, mga mata at mga
labi ay hindi na bago sa kaniya.
Nanghihina ang tuhod pero sinubukan
niyang maglakad. Dito sa rooftop na ito.
Dito sila huling nagkita bago lumayo ang
lalaking bumihag sa puso niya. Tama ba ang
hinala niyang si Gab ang nasa harapan niya?
O kamukha lang dahil kadugo nito? Pero
kung si Gab man, ang laki na ng pinagbago
nito.
Binuksan niya ang pinto pero napatigil sa
paglabas nang marinig ang sinabi ng pinsan
nina Luis.
"Kuya Gab? Mauna na ako sa inyo, magkikita
pa kami ni Mommy," paalam ng pinsan nila.
Kaagad na isinara ni Nica ang pinto at
sinubukang bilisan ang pagbaba sa hagdan.
Si Gab nga. Nagbalik na si Gab na maganda
na ang katawan pero alam niyang may iba
na sa pagkatao nito.