MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 26
Unedited...
"Hala, para kanino 'yan?" tanong ni Sunny
nang may delivery boy na lumapit sa kanila
at naglapag ng dalang pagkain sa mesa.
Nasa covered court sila ng kaklase dahil
nagpa-practice sila ng class presentation.
"Para sa inyo po," magalang na sagot ng
kasama nitong may bitbit na pagkain.
"Guys? Sino ang nag-order?" tanong ni
Christine sa mga kaklase dahil ang daming
pagkain at mula pa talaga sa mamahaling
restaurant.
Walang sumagot at lahat ay nagsilapit.
Eleven thirty na at nag-uusap sila kung saan
kakain.
"Kuya? Baka mali po ang address na
pinuntahan ninyo," sabi ni Joseph.
"Dito po e, San Isidro covered court. Para
daw kay Miss Nica Guttierez at sa mga
kaklase niya," sagot ng delivery boy kaya
lumapit si Nica.
"Sa akin ho? H-Hindi ho ako nag-order at
wala akong pambayad diyan," sabi ni Nica.
"Bayad na po ito. Sabi ni Sir Gab, kumain ka
raw nang marami at huwag magpagutom
dahil baka mahilo ka," sagot ng delivery boy
kaya napakagat sa ibabang labi si Nica. Ang
mga kaklase niya ay napatingin sa pagkain at
napa "ayie".
"Ehem! Ayaw ka talaga pagutuman ng thabz
mo a," nakangiting sabi ni Sunny. Alam na
niya ang endearment ng dalawa at kinikilig
talaga siya.
"Hmp? Kumain ka na nga lang! Alam kong
gutom ka na!" kunwari ay naiinis na sabi ni
Nica pero nang makita ang masasarap na
pagkain lalo na ang crabs at hipon, hindi
niya mapigilan ang mga ngiting sumilay sa
kaniyang mga labi. Kapag pagkain ang pag-
uusapan, magaling si Gab diyan.
Kinuha niya ang cellphone habang nakatingin
sa mga kaklaseng magiliw na kumakain.
"Thabz? Natanggap mo na ba ang pagkain?"
tanong ni Gab nang sagutin ang tawag niya.
"Salamat pala ha," pasalamat niya. Kanina
kasi, tinanong ni Gab kung kumain na siya at
ang sagot niya ay hindi pa at hindi niya alam
kung saa sila kakain ni Nica dahil malayo ang
karenderya.
"Wala iyon. Sige na, kain ka nang marami
para kahit paano, hindi ka mahilo," sabi ni
Gab sa kabilang linya.
"Salamat, Gab. Ingat ka riyan," sabi ni Nica.
Ang alam niya, nasa isang isla si Gab dahil
bumisita sa mga pinsan pero nagawan pa rin
nito ng paraan para mapadalhan siya ng
pagkain.
"Salamat, thabz. Sige na, kakain pa kami.
Ang sarap ng seafoods nila rito kaya naisip
kong seafoods din ang ipapakain ko sa 'yo,"
sabi ni Gab na puno ng pagkamangha ang
boses kaya alam na ni Nica na isang kaldero
na namang kanin ang naubos ni Gab. Wala
ring silbi ang pagpapayat nito dahil nabawi
rin ang nawalang timbang.
"Sige na, thabz. Ingat ka riyan at bumalik
ka, okay?"
"Oo, thabz. Mamaya, diyan na ako. I love
you," sabi ni Gab kaya napangiti si Nica.
Hindi niya kayang sagutin ang huling sinabi
nito kaya nagpaalam na siya.
"Sige na, thabz. Kakain na muna ako,"
paalam ng dalaga at tinapos ang tawag.
"Spoiled ka kay Gab, ha," sabi ng kaklase
niya nang maupo sa tabi nito.
"H-Hindi naman," sagot ni Nica at napayuko.
"Hindi raw. Kung sabagay, iba talaga ang
maganda at mabait," sabi ni Christine.
Ngumiti lang si Nica sa mga ito. Ano ba ang
sasabihin niya?
"Mahal mo ba talaga si Gab? O dahil lang sa
pera niya?" prangkang tanong ni Joey kaya
napatingin ang mga kaklase sa kaniya.
"Huwag mo sanang masamain, Nica. Alam
kong mabait ka at hindi mo ako isusumbong
kay Gab para bigyan ng death note."
Ngumiti si Nica. "Friends lang kami ni Gab at
kung darating man ang araw na mahalin ko
siya, hindi iyon dahil sa pera niya. Mabait si
Gab, hindi lang ninyo kilala ang buong
pagkatao niya," malumanay na sagot ng
dalaga.
"Fine! Talo na kami. Sayang, liligawan sana
kita," nanghihinayang na sabi ni Victor,
"...pero mukhang may nanalo na e.
Binabakuran ka na ni Gab."
Masayang nagkuwentuhan sila.
Nagpapasalamat si Nica dahil hindi na
naiilang ang mga kaklase niya sa kaniya at
naniniwala na ang iilan na hindi siya
nagsusumbong kay Gab.
---------------------------------
"Pa? Hindi naman po ako magpapagabi.
Hanggang alas onse lang ang party at
puwede mo akong sunduin ng alas diyes.
Sige na po, please," pakiusap ni Nica sa
ama. February ngayon at may party ang
freshmen at sophomores.
"Payagan mo na, sa hotel lang naman
idaraos ang valentines party kaya hindi 'yan
mawawala dahil mahigpit naman ang security
ng hotel," pangungumbinse ni Isay. Hindi
naman lahat ng oras ay kailangan nilang
ikulong si Nica. Kawawa naman ito kung
hindi maranasan ang buhay teenager.
"Sige. Pero alas diyes, kailangan sa labas ka
na ng hotel dahil susunduin kita," pagpayag
ng ama kaya lumiwanag ang mga mata ni
Nica.
"Yehey! Sige po. Promise, maaga pa ako,
daddy!" sabi ni Nica at niyakap ang ama.
"May magagawa pa ba ako?" napipilitang
sabi ng ama.
Ang ina niya ang nag-ayos sa kaniya dahil
marunong naman ito. Isa pa, hindi naman
niya kailangan ng makeup. Para sa kaniya,
ang lipstick na ibinigay ni Gab ay sapat na.
"Saan galing ang lipstick na ito, Nica?"
tanong ni Isay at binasa ang brand. Nagulat
pa siya nang malamang mamahaling lipstick
ang gamit ng anak.
"Bigay po sa akin ng kaibigan ko, ma."
"Siya rin ba ang nagbigay ng iPhone sa 'yo?"
tanong ni Isay at sinuklay ang mahaba at
malambot na buhok ng anak.
"Yes po," sagot ni Nica. Narinig niya ang
pagbuntonghininga ng ina.
"Alam kong marami kang manliligaw at ang
iba sa kanila ay mayaman pero anak? Dapat
hindi ka tumatanggap ng regalo mula sa
kanila lalo na kung wala kang balak na
sagutin sila."
"H-Hindi ko po kasi matanggihan dahil
magagalit siya," nahihiyang sagot ni Nica.
"Kahit na. Basta huwag ka nang tumanggap,
okay? Baka kung ano ang hilingin nilang
kapalit sa 'yo at mapahamak ka lang," sabi ni
Isay kaya napangiti si Nica.
"Huwag po kayong mag-alala, mabait po
siya."
"Mahal mo na ba siya? Kayo na ba?"
seryosong tanong ng ina. Umiling si Nica.
"Hindi ho," sagot ni Nica.
"Basta mag-ingat ka pa rin. Alam mo
namang nag-iisa ka lang at mahal na mahal
ka namin lalo na ng ama mo kaya iniingatan
ka lang namin," sabi ni Isay habang
nakatingin sa repleksyon nila ng anak.
"Naiintindihan ko po kayo, Ma."
Matapos mag-ayos, inihatid siya ng ama sa
hotel na pagmamay-ari ng mga Lacson. Ang
daming sinabi ng ama niya bago siya
pinalabas sa sasakyan pero lumilipad na ang
isip niya sa party.
Habang naglalakad sa pasilyo, namangha
siya sa ganda ng hotel. Ang bango ng
paligid at sobrang linis pa ng sahig. Lahat
ng gamit ay halatang mamahalin na maiilang
kang hawakan.
Lahat ng nakakasalubong niya ay nakangiti
at kinikilig dahil ang iba ay binigyan ng
bulaklak ng crush nila.
Pagkapasok niya, agad na sinalubong siya ni
Sunny.
"Nica!"
"Sunny, ang ganda mo," manghang sabi ni
Nica. Maganda naman talaga si Sunny lalo
na kapag mag-ayos.
"Asus... Mas maganda ka. Saan na si Gab?"
tanong ni Nica.
"Hindi ko alam," sagot ni Nica. Hindi pa
nagte-text si Gab mula pa kanina. Siguro
busy ito.
"Halika, may table na kaming kinuha," sabi ni
Sunny at hinila si Nica. Nagkaroon nang
kaunting program at ilang sandali pa'y
tumugtog ang malamyos na musika kaya
sumayaw ang mga lovers.
Napatingin si Nica sa bulaklak na bumulaga
sa harapan niya. Napangiti siya nang makita
ang malaking brasong may hawak nito kaya
lumingon siya.
"Hi, flowers for you, thabz," nakangiting
sabi ni Gab kaya kinuha ito ni Nica at inamoy
ang bouquet ng pulang rosas.
"Salamat,thabz. Happy valentines day,"
nakangiting sabi ni Nica.
"Happy valentines day," wika ni Gab na
naupo sa tabi ni Nica. "Pasensiya na kung
late ako."
"Okay lang," sagot ni Nica. Naka tuxedo si
Gab kaya hindi niya alam kung matatawa o
matutuwa pero ang cute pa rin nito lalo na't
may pulang ribbon sa kuwelyo nito.
"Sayaw tayo?" yaya ni Gab.
"Sige," sabi ni Nica saka inilapag sa upuan
ang bulaklak at tumayo.
Hawak kaya silang pumunta sa gitna ng
dance floor. Tumabi pa ang ilang madaanan
nila para makadaan si Gab.
"You're beautiful, thabz," puri ni Gab.
"Guwapo ka rin, thabz," puri ni Nica at
ipinulupot sa leeg ni Gab ang mga kamay
niya. Sa bewang naman niya ang mga kamay
ng binata.
May mga nakatingin sa kanila pero dedma
lang nila. Ang mahalaga ay masaya sila at
walang inaapakang iba.
"Thabz? Puwede ba tayong lumabas? May
inihanda akong dinner date para sa atin,"
sabi ni Gab.
"Pero--"
"Kahit thirty minutes lang," sabi ni Gab.
"Sige," sagot ni Nica at nagpatangay sa
binata palabas sa function room. Dinala siya
ni Gab sa isang silid ng hotel kaya nag-
alinlangang pumasok si Nica.
"Gusto ko ng privacy," sabi ni Gab at pinisil
ang kamay ni Nica na hawak niya para hindi
matakot ang dalaga. Wala naman silang
gagawing masama.
Nang makampante na si Nica, nagpatangay
siya kay Gab papasok. Pink and white
candles ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid
na may mesa sa gitna at maraming pagkaing
nakahanda. Isa lang ang mahabang upuan na
kasya sa kanilang dalawa. May mga rose
petals pa sa sahig kaya sobrang bango ng
silid.
"Halika na, thabz."
Naupo sila at binigyan ni Gab ng pagkain si
Nica. "Kumain ka nang marami." Kaya na-
late siya dahil ini-setup pa niya itong room
para sa dinner date nila ni Nica.
"Gab? Salamat," sabi ni Nica nang matapos
na silang kumain. Kapag si Gab ang kasama
niya, hindi talaga mawawala ang pagkain sa
moment nila.
May dinukot si Gab sa bulsa at binuksan ang
maliit na box sa harap ni Nica.
"G-Gab..." sambit ni Nica nang makita ang
mamahaling singsing.
"Happy valentines day, thabz. Sana
magustuhan mo," sabi ni Gab at kinuha ang
singsing saka hinawakan ang kaliwang kamay
ni Nica at pmipinasuot ang singsing.
"G-Gab? Hindi ko matatanggap ito," sabi ni
Nica at huhubarin na sana pero pinigilan siya
ni Gab.
"Wala akong hinihiling kapalit sa lahat ng
ibinibigay ko sa 'yo, Nica," sabi ni Gab at
nginitian ang dalaga. Inangat niya ang mga
kamay saka masuyong hinaplos ang
namumulang pisngi ng dalaga.
"G-Gab..." sambit ni Nica. Masikip na nga
ang upuan nilang dalawa, maa lalo pang
sumikip nang yumuko si Gab habang
nakatitig sa mga mata niya.
"I love you, thabz," bulong ni Gab masuyong
inangkin ang mga labi ni Nica.
Hindi tumutol ang dalaga. Sa halip na itulak
si Gab palayo, napakapit siya sa braso nito
at wala sa sariling gumanti sa halik ng binata
hanggang sa naging maalab ang kanilang
halikan.
"Oooh!" ungol ni Gab at mas lalong
nilaliman ang halik. Gusto niya si Nica.
Gustong gusto niyang papakin ang matamis
na mga labi nito at ihiga sa kama. Kusang
gumalaw ang mga kamay niya papasok sa
blusa ni Nica.
Tila wala sa sariling tinugon ni Nica ang mga
halik ni Gab. Pumadausdos siya at napahiga
sa mahabang sofa na inuupuan nila ni Gab.
Ang init ng mga palad ni Gab na
gumagapang sa dibdib niya matapos nitong
buksan ang butones sa pang-itaas niyang
blusa.
Yumuko ang binata at inangkin ang kanang
dibdib niya kaya napakagat si Nica sa
ibabang labi habang nakahawak sa buhok ng
binata.
"G-Gab--" sambit ni Nica nang pumatong si
Gab sa kaniya. "G-Gab... H-Hindi a-ako m-
makahinga..." nahihirapang sabi niya. Shit!
Nasa kaniya na yata ang lahat ng bigat ni
Gab. Para siyang nadaganan ng napilay at
napakalaking elepante. Mapipisa siya kapag
hindi pa makaalis si Gab sa ibabaw niya.
"N-Nica..." natarantang sabi ni Gab. Hindi
na niya kayang tumayo dahil ang liit lang ng
sofa kaya naipit ang katawan niya.
"G-Gab--ano ba! M-Mamamatay ako," sabi
ni Nica kaya gumulong si Gab at inihulog
ang katawan sa sofa. Ang lakas ng tunog ng
paglagapak nito sa sahig. Napahawak si Nica
sa dibdib at hinahabol ang hininga. Grabe,
nawalan siya ng hangin nang madaganan ni
Gab. Lahat yata ng organs niya ay muntik
nang madurog kung hindi pa nakaalis si Gab
sa ibabaw niya.
"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni
Gab kahit na masakit ang likod niya sa
pagkabagsak. Nakahiga pa rin siya sa sahig
at nakahawak sa paa ng mesa para hanapin
ang nawawalang lakas.
"O-Okay lang. I-Ikaw? Nasaktan ka ba?"
nag-aalalang tanong din ni Nica habang
inaayos ang damit na nabuksan ni Gab.
Iginalaw niya ang mga kamay at paa. Mabuti
na lang dahil hindi nadurog ang mga buto
niya. Grabe, ang bigat talaga ni Gab.
"O-Oo," sagot ni Gab na humingi ng tulong
kay Nica para makatayo.
"B-Balik na tayo, Gab. Malapit nang mag-
alas diyes. Baka nasa labas na ng hotel sina
Papa," yaya ni Nica matapos tulungang
makatayo ang binata.
Salamat na lang dahil mataba si Gab. Kung
hindi, baka wala naisuko na niya ang Bataan
kani-kanina lang.