23

1.1K 47 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited.
"Nica? Magpapasko na. Saan mo balak
magbakasyon?" tanong ni Gab habang
naglalakad sila sa isang park na nadaanan.
Alas kuwatro pa lang naman kaya naisipan
muna nilang tumigil at naglakad-lakad.
"Diyan lang sa bahay," sagot ni Nica.
"Sa ibang bansa, ayaw mo? Maganda sa
Europe ngayon," sabi ni Gab.
Ngumiti si Nica. "Kapag magsabi kang
Europe, parang ang dali-dali lang a. Wala
kaming perang pambili, Gab. Palawan pa
nga lang, hindi ko pa napuntahan e," sabi ni
Nica. Hindi naman sila kagaya ng mga ito na
mayaman.
"Hindi ka pa nakapag-abroad?"
Umiling si Nica. "Hindi pa. Pero sabi nina
Mama at Papa, mas okay na kapag nandito
ako sa 'Pinas kung sapat naman ang
magiging sahod ko dahil ang hirap ng buhay
abroad."
"Dating OFW ang mga magulang mo?" hula
ni Gab.
"Oo," sagot ni Nica. "Factory worker sila sa
Japan at doon na rin sila nagkakilala."
"Ganoon ba? Oo nga. Kaya huwag ka nang
mag-abroad. Dito na lang tayo sa Pilipinas.
Kaya naman kitang buhayin e," sabi ni Gab.
Kapag silang dalawa ang mag-asawa, hindi
na kailangan ni Nica na mangibang bansa pa.
Siya na ang magtatrabaho para sa magiging
pamilya nila.
"Bakit mo ako bubuhayin?" tanong ni Nica
at napasulyap kay Gab na nakatayo sa
harapan niya. "Maupo ka, Gab."
Naupo si Gab sa tabi ni Nica at kinuha ang
kamay nito. "Kasi responsibilidad ng isang
lalaki na buhayin ang asawa niya."
Tumawa si Nica saka mahinang hinampas
ang kanang braso ni Gab. "Ang lakas mong
mag-isip ng future."
"Bakit? Hindi ka ba nag-iisip ng future
kasama ko?" tanong ni Gab at napatitig kay
Nica. Ang cute nito sa pink na sombrero.
"Hmm? Hindi ko iniisip iyon. Ang mahalaga
ay ang ngayon," sagot ni Nica. Hindi naman
sila ni Gab at wala siyang balak na sagutin
ito pero wala rin yatang balak na sumuko si
Gab sa kaniya. Hindi dahil sa ayaw niya kay
Gab kundi masyado pa silang bata. Maybe,
magiging okay rin ang lahat.
"Nica? Wala ka bang balak na sagutin ako?"
tanong ni Gab.
"Gab? Masyado pa tayong bata para sa
kaniyang bagay. True love waits," sagot ni
Nica at pinagmasdan ang katabing mataba.
"Bakit? Pagod ka na ba, Gab?"
Ngumiti si Gab at tumingin sa mga batang
naglalaro sa swing at ang iba ay
naghahabulan. Parang sila lang noon ng mga
pinsan sa clubhouse nila. Naalala tuloy niya
ang mga Villafuerte lalo na ang mga
pasaway na team galaxy. Anim din 'yon kaya
halos mamamaos na ang Tito Sky nila sa
kakasigaw para manahimik ang anim.
"Hindi naman ako nagsasawa. Pero to be
honest, kailangan ko lang ng assurance.
Alam mo na, mahirap ang umasa, Nica,"
sagot ni Gab. Baka ligaw siya nang ligaw
pero may iba na pala si Nica.
"Paano kung magmahal ako ng iba, Gab?
Paano kung hindi ikaw ang lalaking mapili
kong pakasalan? Magagalit ka ba sa akin?"
tanong ni Nica.
"M-Magtatampo pero irerespeto ko ang
desisyon mo. Hindi ko hawak ang buhay mo,
Nica. Pero kung hindi man ako ang lalaking
papakasalan at mamahalin mo--"
Napabuntonghininga si Gab. Parang ang
sakit naman yatang isipin na ikakasal at
bubuo si Nica ng pamilya sa ibang lalaki?
"S-Sana ako pa rin ang pipiliin mo. Hindi ko
iniisip na iba ang makakasama mo
habambuhay."
Hindi nagsalita si Nica. Kinuha niya ang pink
lipstick sa shoulder bag at pinahidan ang
mga labi niya kahit na hindi nakatingin sa
salamin. Sanay na siyang maglagay.
"B-Bagay sa 'yo," puri ni Gab kaya napangiti
si Nica.
"Salamat, hindi ba kalat?" tanong ng dalaga.
Umiling si Gab at pinagmasdan ang
magandang mukha nito.
"Gusto mong g ikalat ko?" tanong ni Gab
kaya sumimangot si Nica.
"Huwag na!"
"Bakit mahilig kang mag-lisptick pero
blushon, hindi?" tanong ni Gab.
"Dry kasi ang lips ko noon kaya pinapalagyan
ni Mama ng lipgloss hanggang sa nasanay na
akong maglagay ng lipstick," sagot ni Nica.
"Kapag ako ang kasama mo, hindi na 'yan
mada-dry kasi palagi kong babasain,"
pilyong sabi ni Gab kaya tumawa si Nica at
hinampas na naman ito sa balikat.
"Hmm? Loko ka, Gab!" sabi ng dalaga at
tumayo. "Tara, habulan tayo. Ikaw ang taya."
"Nica naman, huwag mo akong pahirapan,"
reklamo ni Gab nang tumakbo si Nica kaya
hinabol niya.
"Gab? Bilis pa!" natatawang sabi ni Nica at
tumigil saka pinagmasdan si Gab na
tumatakbong palapit sa kaniya. "Bilis pa!
Malapit ka na!" Tawa pa rin siya nang tawa.
"Nica naman! P-Pasalamat ka, mahal kita!"
hinihingal na sabi ni Gab. Kung hindi, hindi
niya gagawin ang katangahang ito.
"Wahahahaha. Ang taba niya tapos
tumatakbo siya! Baboy!" natatawang sabi ng
bata na tinuro si Gab na tumakbo na naman
dahil tumakbo si Nica palayo sa kaniya.
"Oo nga! Hahaha ang pangit niya!" pagsang-
ayon ng isang batang lalaki na nasa pitong
taong gulang pa lamang.
"Baboy! Baboy! Baboy! Baboy!" tukso ng
lahat ng bata kay Gab kaya tumigil si Nica at
binalikan si Gab na tumigil sa paghabol sa
kaniya at hinarap ang mga bata.
"Baboy mo po, kuya! Ang taba-taba mo!"
natatawang sabi ng batang lalaki kaya
pumula ang mukha ni Gab sa pagkapikon.
"Kayong mga--" Napatigil si Gab sa
pagsasalita nang ipinulupot ni Nica ang
kamay sa braso niya.
"Mataba nga siya pero mabait ang matabang
ito," nakangiting sabi ni Nica at napatingala
kay Gab.
"Ate? Ang ganda mo po pero bakit siya ang
boyfriend mo?" curious na tanong ng cute
na batang babae na may bitbit na manika.
"Kapag magdadalaga ka na, huwag kang
tumingin sa panlabas na anyo ng manliligaw
mo. Tumingin ka sa mabuti niyang puso,"
nakangiting sagot ni Nica. Hinila na niya si
Gab palayo sa mga bully na bata.
"Pumapatol ako sa mga bata, Nica!" galit na
sabi ni Gab. Kung wala lang si Nica, baka
nilitson na niya ang mga bata at binitin
patiwarik at nang magtanda.
"Hmm? Mga bata pa sila at hindi pa nila
alam ang pinagsasabi nila. Pagbigyan mo na
sila," malumanay na sabi ni Nica saka hinihila
pa rin si Gab. Mabuti na lang dahil
sumusunod naman ito sa kaniya.
"Mga bata pa pero bully na? Sarap
pangsapakin!" nanggigigil na sabi nu Gab.
Tumigil si Nica sa paglalakad. "Bakit ka ba
galit sa kanila? Mga bata pa sila. Ikaw ba,
hindi ka nang-aasar noong bata ka pa?"
tanong ni Nica kaya napatahimik si Gab. Ang
sakit lang kasi pakiramdam niya,
pinagkaisahan siya ng mga bata e.
"Eh, ano kung mataba ka, Gab? Tama naman
sila. Mataba ka talaga kaya huwag ka nang
magalit," pag-aalo ni Nica kaya mas lalong
napasimangot si Gab.
"Isa ka pa, Nica, e!" reklamo ni Gab.
Tumawa si Nica at pinisil ang braso ni Gab.
"Ang cute mo naman, thabz e!"
Tumigil si Gab kaya napatigil din si Nica.
"Thabz?" ulit ni Gab.
"Thabz," nakangiting wika ni Nica. "Taba.
Mula ngayon, ikaw na si Thabz!"
"Pasimpleng bully ka rin eh!" naiinis na sabi
ni Gab.
"Huwag ka nang magalit, thabz. Ilibre mo na
lang ako ng ice cream," sabi ni Nica at hinila
si Gab pero hindi ito gumagalaw. "Thabz
naman, ang bigat mong hilain. Halika na,
libre mo 'ko ng dirty ice cream."
"Psh! Ang bully mo, Nica!" reklamo ni Gab at
sumunod na kay Nica palapit kay Manong
sorbetero.
"Manong? Cheese nga po," sabi ni Nica at
tumingala kay Gab na hawak na ang kanang
kamay niya. "Ikaw, thabz? Ano ang gusto
mo?"
"Wala!" sagot ni Gab na nagtatampo pa rin
kay Nica.
"Dalawang cheese flavor po," sabi ni Nica
dahil halata namang umuusok na ang ilong
ni Gab sa inis sa kaniya.
Matapos magbayad ni Gab, ibinigay ni Nica
ang isang ice cream sa kaniya.
"Ayaw ko. Ubusin mo," wika ni Gab kaya
inubos na ni Nica.
"Gab? Huwag ka nang magtampo. Kung
ayaw mong tawagin kita ng thabz, o sige, e
di huwag na lang," sabi ni Nica.
"Eh, binu-bully mo rin ako e," sabi ni Gab.
"Hindi a. Binibiro lang kita e. Masanay ka
na," sagot ni Nica at kinurot ang matabang
pisngi ng binata. Alam niyang agaw-pansin
na sila dahil sa extra size ni Gab. "Halika na,
uuwi na tayo, thabz."
"Sige," pagsang-ayon ni Gab na naiilang na
sa mga matang mapanghusga.
"Magta-taxi na lang ako dahil malapit lang
ang bahay namin. Baka magalit si Papa
kapag makita ka niya," sabi ni Nica. Alas
singko 'y media na kaya tamang-tama lang
na pauwi na ang mga magulang niya.
"Ihahatid na--"
"Gab, huwag na, please. Baka mahuli ako ni
Papa. Next time na lang ulit," sabi ni Nica.
"Sure ka?" nag-aalalang tanong ni Gab.
"Oo." Nica.
"Sige. Kukunin ko na lang ang plate number
ng taxi na sasakyan mo," pagpayag ng
binata at pinara ang taxi na papalapit.
Binuksan niya ang pinto sa front seat at
kinuha ang plate number ng driver. "Kuya?
Ingatan mo po ang babaeng ito. Kapag may
mangyaring masama, ikaw talaga ang ire-
report ko sa police!" pagbabanta ni Gab
kaya napangiti ang taxi driver.
"Ako na po ang bahala sa syota mo, sir,"
sagot ni Manong.
"Text mo 'ko kapag nasa bahay ka na," bilin
ni Gab.
"Okay," sagot ni Nica at nginitian si Gab.
"I love you," pahabol ng binata pero palayo
na ang taxi na sinasakyan ni Nica kaya
lumapit na siya sa kotse niya.
Pagdating sa bahay, nadatnan niya ang Lola
Ann niya sa sala kasama si Luis.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Luis.
"Magkasama kami ni Nica," sagot ni Gab
kaya napangiti si Ann.
"Kumusta ang date ng apo ko?" masayang
tanong ni Ann. Wow, luma-lovelife na si
Gab.
"Okay naman po. Medyo nainis lang ako kay
Nica dahil tinutukso niya ako," sumbong ni
Gab. Pero hindi naman siya galit. Medyo
nagtatampo lang nang kaunti.
"Ano ang tukso niya sa 'yo?" tanong ni Luis.
"Tinawag niya akong thabz. For short daw
ng taba," sagot ni Gab kaya humalakhak si
Luis.
"Nainis ka roon?" hindi makapaniwalang
tanong ni Luis.
"Kyaaah! Ang sweet naman ng endearment
ninyo, thabz!" kinikilig na sabi ni Ann.
"Endearment?" nagtatakang ulit ni Gab at
napatingin sa dalawa.
"Hindi ka pa kasi nagka-lovelife," napailing
na wika ni Luis.
"Hmmm? Endearment. Kagaya ng honey,
baby, love, mine. E ang sa inyo ni Nica,
thabz," sabi ni Ann.
"H-Hindi niya ako binu-bully?" tanong ni
Gab.
"E mataba ka naman talaga. Ang sweet nga
ng thabz e," sagot ni Ann kaya hindi
namalayan ni Gab na napangiti na rin siya.
"Magpapalit lang po ako ng damit ko,"
paalam ni Gab at mabilis na pumunta sa
elevator at nang nasa kuwarto na ay kaagad
na kinuha niya ang cellphone.
Nag-text na pala si Nica sa kaniya na nasa
bahay na ito kaya tinawagan niya.
"Gab? Dito na ako sa bahay," sabi ni Nica
nang sagutin nito ang tawag.
"N-Nica? Thabz na lang pala ang itawag mo
sa akin. Okay na ako," nakangiting sabi ni
Gab saka humiga sa kama at napatingin sa
kisame habang ang kamay ay nakahawak sa
cellphone na nasa kanang tainga.
"Okay lang ba?" tanong ni Nica.
"Okay lang," sagot ni Gab at napakagat sa
ibabang labi, "thabz," dagdag niya.
Narinig niya ang pagtawa ni Nica sa kabilang
linya. Ang sext ng pagtawa nito.
"Sige na, magluluto pa kami ni Mama, bye
na, thabz," sabi ni Nica saka tinapos na ang
tawag.
Ilang segundo pang nanatiling nakatitig si
Gab sa kisame.
"Thabz," ulit niya saka isinubsob ang mukha
sa unan.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon