MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 33
Unedited...
"Bumalik na siya," sabi ni Nica kay Sunny
habang kumakain sila sa canteen.
"Si Gab?" tanong ni Sunny.
"O-Oo," sagot ni Nica.
"Paano mo nalaman? Kailan? Ano ang sabi
niya sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni
Sunny.
"Nakita ko siya kahapon sa rooftop pero
mukhang hindi na niya ako kilala,"
malungkot na sagot ni Nica. Magdamag
siyang hindi nakatulog dahil sa kakaisip kay
Gab.
"Kausapin mo," suhestiyon ni Sunny. "Malay
mo, baka naghihintay lang din siyang
kausapin mo."
Umiling si Nica, "Hindi ko alam kung siya pa
ang Gab na nakilala ko."
"Bakit?"
"Ibang-iba na siya, payat na siya at mas lalo
siyang gumuwapo."
"Ano ka ba, mahal ka ni Gab kaya huwag
kang mahiyang lapitan siya," sabi ni Sunny
na excited nang makita ang transformation
ni Gab.
"Mahal niya ako noong mataba pa siya,"
mahinang saad ng dalaga at
napabuntonghining. "Alam mo naman ang
nangyari bago siya tumungo sa Japan, 'di
ba?"
Hinawakan ni Sunny ang kanang kamay ni
Nica na nakapatong sa ibabaw ng mesa,
"Kung mahal ka niya, alam ng puso niya ang
katotohanan."
"H-Hindi ko rin alam. Pero kung hindi na
niya ako gusto, okay lang. Masaya ako para
sa kaniya. At least payat na siya at ang
guwapo pa."
"Maganda ka kaya dapat lang na magkaroon
ka ng self-confidence. Gusto ka ni Gab at sa
pangalawang pagkakataon, mapaibig mo
siyang muli," pagbibigay ng lakas ng loob ni
Sunny at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Kahit na wala na siyang pagtingin sa akin,
okay lang. Masaya ako para sa kaniya," sabi
ni Nica at ipinagpatuloy rin ang pagkain.
"Kyaaah. Ang guwapo nila!" tili ng isang
estudyante kaya napatingin sila sa pintuan.
Pumasok si Luis na kasama si Gab.
"Si Gab na ba 'yan?" hindi makapaniwalang
tanong ni Sunny habang nakatingin sa
guwapong lalaking kasama ni Luis. Ang
ganda na ng katawan nito at ang guwapo.
"Oo," malungkot na sagot ni Nica.
"Gab! Luis!" tawag ni Sunny kaya napatingin
ang kambal sa kanila.
"Uy? Sunny!" nakangiting sabi ni Luis at
hinila si Gab palapit sa kanila.
Habang papalapit nang papalapit sina Gab,
bumibilis din nang bumibilis ang pagtibok
ng puso ni Nica. Hindi siya makahinga.
"Hello, Nica," nakangiting bati ni Luis.
"H-Hi," sagot ni Nica at pasimpleng
napasulyap kay Gab na kay Sunny ang mga
mata.
"Kumusta ka na, Sunny. Long time no see
ah," tanong ni Gab.
"Okay lang," natutuwang sagot ni Sunny.
"Okay lang kami ni Nica."
"Mabuti naman at okay ka," sagot ni Gab.
"Si Nica? Hindi mo ba siya kumustahin?"
tanong ni Sunny kaya siniko ito ni Nica. Siya
ang nahihiya para sa kaibigan e. Baka sabihin
ni Gab, nagpapabugaw siya kay Sunny.
"Sa nakikita ko, okay naman siya. I'm sure,
mayaman na ang boyfriend niya," walang
ganang sagot ni Gab at sinulyapan si Nica
pero walang emosyon ang mga mata pero
nandoon ang panghuhusga.
Napayuko si Nica. Naramdaman niya ang
biglang paglamig ng paligid dahil sa walang
emosyong boses ni Gab nang marinig ang
pangalan niya. Gusto sana niyang sagutin si
Gab pero hindi niya alam kung ano ang
sasabihin.
"Gab? Kumain na kayo?" nakangiting tanong
ni Sheryl na palapit sa kanila.
"Hindi pa," sagot ni Gab at nginitian ang
dalaga.
"Dito na kayo sa table namin, dalawa lang
naman kami," alok ni Sheryl kaya napatingin
si Nica kay Gab na maaliwalas ang mukha
habang nakatingin kay Sheryl. Hindi ba't ito
ang babaeng nambasted sa kaniya noon
dahil ang taba nito? Bakit ang bait pa rin ni
Gab dito?
"Sure," sagot ni Gab.
"Maiwan muna namin kayo," paalam ni Luis
na kay Nica ang mga mata. Ipinagpatuloy ni
Nica ang pagkain at inisip na hindi niya
nakita si Gab. Na wala pa ito o hindi niya
nakilala.
"Bakit nakipag-usap si Gab kay Sheryl? Akala
ko ba, binasted niya siya nito?" hindi
makapaniwalang tanong ni Sunny at
nanggigigil na tinusok ang isang hiwa ng
carrot sa plato at kinain. "Ne hindi ka man
lang kinumusta? Kaagad pa na nagbigay ng
conclusion na may mayamang boyfriend ka
niya?"
"Hayaan mo na siya," malungkot na sabi ni
Nica.
"Hayaan? Hindi e! Gigil niya ako e! Ang
kapal ng mukha ni Gab!" pagmamaktol ni
Sunny pero mapait na ngumiti si Nica.
"Kung iyon ang ikabubuti ng kalooban ni
Gab, hayaan mo siya. Naiintindihan ko
naman siya."
"Nakakainis ka, Nica!" Napapadyak ang mga
paa ni Sunny. "Bawiin mo si Gab!"
"Paano ko babawiin kung siya mismo ayaw
lumapit? Maging masaya na lang tayo para
sa kaniya." Nasasaktan man siya sa malamig
na pagtrato ni Gab, kailangan niyang ipakita
na matatag siya.
-------------------------
Alas sais na ng hapon, wala pa ring taxi na
dumdaan. Kahit jeep, nasa kabilang kanto
tumitigil dahil siksikan ang pasahero. Hindi
naman makapunta roon si Nica dahil ang
lakas ng ulan.
"Grabe, ang laki ng ipinagbago nimg
katawan ni Gab. Akalain mo 'yon? Kaya pala
siya nawala ng isang taon dahil nagpapayat
pala siya?" sabi ng babaeng kakasilong lang
sa waiting shed.
"True. Baka binasted ni Nica," pagsang-ayon
ng kasama kaya kaagad na napatalikod si
Nica bago pa siya mamukhaan ng mga ito.
"Oo nga noh? Hmm? Hindi na sila
nagkakasama e. Ibang babae na ang
palaging kasama ni Gab," pagsang-ayon din
ng isang mahaba ang buhok.
"Who you na si Nica ngayon," wika nito.
"Ang arte naman kasi ni Nica! Ang yaman na
nga ni Gab, choosy pa siya."
Napakagat si Nica sa ibabang labi. Kilala na
siya ng mga ka-batch niya at higher years
dahil palagi silang magkasama noon ni Gab
pero ngayon, hindi na. Ne hindi nga siya
kinakausap ng binata at kapag
magkasalubong, ne hindi man lang siya
nagawang sulyapan ni Gab. Nang tumigil ang
sundo ng dalawa, kaagad na sumakay na
ang mga ito.
Padilim na nang padilim pero wala pa rin
siyang masasakyan at palakas na ang ulan
kaya napagdesisyunan niyang suungin na ang
ulan para lumipat sa kabilang kanto pero
narinig niya ang pagbusina ng itim na
kotseng nasa tapat lang ng waiting shed na
sinisilungan niya.
"Sakay na!" sigaw ni Gab nang bumukas ang
pinto.
"Huwag na!" pasigaw na sagot ni Nica pero
bumusina ito nang mahaba at hindi tumitigil
kaya napilitan siyang tumakbo nang buksan
ni Gab ang backseat.
"S-Salamat," nanginginig na pasalamat niya
nang makapasok. "Basa ako."
"Hindi ka ba sinundo ng kasintahan mo?"
tanong ni Gab kaya tumigil si Nica sa
pagpunas ng panyo sa kanang braso.
"W-Wala pa akong boyfriend," sagot ni Nica
at napatingin sa labas ng bintana.
"Why? Wala ka bang nakitang mas mayaman
kaysa sa--"
"Kung pinasakay mo ako para lang
insultuhin, ibaba mo na lang ako, Gab!" galit
na sabi ni Nica na ikinatawa ni Gab.
"Bakit ka maiinsulto kung iyon naman ang
gawain mo, Nica?"
"Itigil mo ang sasakyan at bababa ako,
Gab!"
Pero sa halip ma tumigil, mas lalong bumilis
pa ang pagpatakbo nito.
"Or baka naman sinasabi mo lang na wala
kang kasintahan dahil gusto mo pang
makabingwit ng mas mayaman? Kapag sino
ang mas may malaking offer, doon ka!"
nakangising sabi ni Gab na nakangisi kaya
naikuyom ni Nica ang kamao.
"Isipin mo ang gusto mong isipin! Pinasakay
mo lang ako para insultuhin? Salamat sa
effort, Gab!"
"Walang anuman, Nica. Kilala mo ako, ma-
effort talaga ako," sagot ni Gab.
"Salamat at kasama ako sa ini-effort-an
mo!" pagtataray na pasalamat ni Nica.
"Magkano ba ang ibabayad ko sa 'yo dahil
pumayag kang sumakay sa kotse ko?"
tanong ni Gab at napasulyap sa dalagang
mukhang giniginaw na dahil basa ang damit
pero wala siyang balak na pahiramin ito ng
jacket niya.
"Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin,
Gab?" hindi makapaniwalang tanong ni Nica.
"Why? Hindi ba't ganoon ka? Mukhang
pera? Ginagamit ang ganda para makahanap
ng mas maperang mapangasawa?" pang-
iinsulto ni Gab. "Magkano ang last offer sa
'yo, Nica?"
"Itigil mo ang sasakyan!" sigaw ni Nica.
Hindi na baleng maligo siya sa ulan basta
huwag lang niyang marinig ang pang-
iinsulto ni Gab sa kaniya. Ang sakit na! Ang
sakit-sakit na dahil para na rin siyang
sinasaksak ng paulit-ulit ni Gab gamit ang
matatalim na mga salitang binibigkas ng
mga labi nito.
Tila bingi ang binata at mas lalong bumilis
ang takbo ng sasakyan hanggang sa
nakarating sila sa bahay nina Nica.
"Salamat sa paghatid mo sa akin! Sana ito
na ang huli!" nanggigigil na sabi ni Nica at
tinanggal ang seatbelt.
"This is just a beginning, Nica!" sabi ni
Gabriele.
"Do whatever you want, Gab! Kung iyon ang
makapagpasaya sa 'yo, gawin mo!"
matamlay na sabi ni Nica at lumabas na.
Kung sabagay, deserve nga niya siguro na
ituring ni Gab na para bang basahan at
masamang nilalang sa mundo. Aminado
naman siyang masakit ang mga pinagsasabi
niya noon kay Gab.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Gab sa
manibela habang nakatingin sa babaeng
minahal niya noon pero ngayon ay labis na
kinamumuhian na niya.
Umuwi na siya sa bahay nila para
magpahinga dahil napagod siya sa paglalaro
ng basketball kasama ang mga kaklase niya.
"Ano ang ginawa mo kay Nica?" bungad ni
Luis nang pumasok siya.
"Ano ang pakialam mo?" salubong ang kilay
na tanong ni Gab.
"Nakita kita, pinasakay mo siya kanina, Gab!"
naiinis na sabi ni Luis habang sinusundan
ang kakambal na paakyat na sa hagdan.
"So? Hinatid ko siya sa bahay nila dahil
mukhang pulubi na nag-aabang ng
masasakay sa labas ng paaralan," sagot ni
Gab na nasa ikalimang baitang na.
"Tigilan mo na si Nica. Walang kasalanan ang
tao," sabi ni Luis na sinusundan pa rin ang
kakambal.
"Huwag mo 'kong pangunahan, Luis! Kung
concern ka sa kaniya, bakit hindi mo siya
nililigawan? Ah, kasi guwapo at macho ka
lang pero mas mapera pa rin ang ibang
nanlili--"
"Shut up, Gab! Hindi ganiyan si Nica! Mahal
ka niya kaya--"
"Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo,
Luis! Ito ang gusto niya- ang kamuhian ko
siya! Ang pinakaayaw ko ang babaeng
mapagkunwari!"
"Ganiyan na ba kakitid ang utak mo, Gab?
Kailan mo pa maintindihan si Nica?" sigaw ni
Luis.
"Bakit Luis? Ano ang kabayaran para malinis
mo ang pagkatao ni Nica?" makahulugang
tanong ni Gab kaya naikuyom ni Luis ang
kamao.
"Baliw ka na, Gab!"
Hindi na umimik pa si Gab at dumiretso na
sa kuwarto nito pero bago pa niya buksan
ang pinto, nagsalita na naman si Luis na
nasa likuran pa rin niya.
"Kung galit ka kay Nica, bakit hindi mo siya
bigyan ng death note araw-araw?" hamon ni
Luis kaya natigilan si Gab saka walang
emosyon na humarap sa kakambal.
"Salamat sa idea, Luis," ani Gab saka
pumasok na sa loob ng kuwarto.
