10

1K 40 1
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...
"Kain ka pa, Nica," alok ni GV sa dalaga.
"Akalain mo 'yon? Ikaw pala ang babaeng
gusto ng anak ko. Small world, 'di ba?"
"O-Oo nga po," naiilang na sagot ni Nica.
Hindi niya mapigilan ang sariling mapatingin
sa babaeng kaharap. Ang ganda ng ina ni
Gabriel. Parang teenager lang.
(GV Potoy Lacson)
"Naku, kung alam ko lang, hindi lang iyon
ang matitikman ng hold-upper na 'yon! Baka
dila lang niya ang walang latay!"
Tipid na ngumiti si Nica. Ang astig nito
kahit na sa tingin niya, bata pa ito. Para
kasing 5 years lang ang gap nito sa kanila.
"Mine naman, huwag ka ngang ganiyan.
Tama na iyon, ha. Paano kung napahamak
ka?" nag-aalalang saway ni Lance Leonard sa
asawa.
"Tumigil ka nga, LL! May kasalanan ka pa sa
akin!" saway ni GV.
Tahimik na kumain si Nica. Nahihiya siyang
humarap sa mga ito kaya hanggat maaari, sa
pagkain siya nakatingin.
"Gusto mo pa ba ng pagkain?" tanong ni
Gabriele sa dalaga.
"H-Hindi na," sagot ni Nica at napasulyap sa
plato ng katabi. Parang kanina pa naman ito
kumakain? Pero bakit hindi pa rin nauubusan
ng kanin ang plato nito? Nakailang
padagdag na kaya si Gab?
"Gusto mo pa ng kanin, Gab?" tanong ni GV
sa anak.
"H-Hindi na po," sagot ni GV nang
mapansing nakatitig si Nica sa plato niya.
"Mabuti naman at nagdi-diet ka na," sabi ni
LL kaya tumawa si Luis.
"Sa bahay na lang daw, Dad," sabat ni Loki
Luis kaya pinandilatan siya ni Gabriele Vince.
"Ihatid na kita sa inyo, Nica," alok ni Gab
kaya napatingala si Nica rito.
"Huwag!" mabilis na tanggi ni Nica kaya
napatingin ang mga magulang ni Gab sa
kaniya. "Ahm... K-Kasi Gab, magagalit ang
ama ko kapag may m-maghatid sa akin na
hindi niya kakilala. A-Alam mo naman iyon,
'di ba?"
"Oo, kaya lang, gusto ko sanang makausap
sila pero huwag na lang. Masyado pang
maaga," sagot ni Gab kaya napangiti si GV.
"Ganiyan nga dapat, Gab. Harapin mo ang
mga magulang niya para malaman nilang
seryoso ka sa anak nila," sabat ni GV.
"Huwag kang gumaya sa iba riyan, dinadaan
sa puwersahan at pangba-blackmail ang
lahat." Napatingin siya sa dalagang bumihag
sa puso ng mataba niyang anak. Ang ganda
ni Nica, matangos pa ang ilong at ang hinhin
kumilos.
Kung kaedad lang niya ito noon, malamang,
liligawan niya. Well, noong pusong lalaki pa
siya. Kaso si LL, parang ewan. Mahilig
mang-blackmail. Isa pa, pinatikim siya noon
ng KFC kaya naging malambot ang puso
niya.
"Ako ba ang pinapakinggan mo, Mine?"
tanong ni LL. Parang siya talaga ang
pinapatamaan ng asawa e.
"Wala naman akong sinabi ah," inosenteng
sagot ni GV.
Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Ilang beses
na napapagalitan ni Nica ang sarili kung
bakit pa siya sumama rito. Ayan tuloy, mas
naging mahirap sa kaniya ang lahat.
Matapos nilang kumain, nagpaalam na si
Nica kaya naman nagpresenta na si Gab na
ihatid siya. Ayaw pa sana niya pero
nagpumilit ang binata.
"Pasado alas otso na. Baka magalit ang
parents mo. Kung ihatid na lang kaya kita sa
bahay ninyo?" nag-aalalang tanong ni Gab.
"Huwag na. Okay lang ako. Idadahilan ko na
lang na may ginawa pa ako sa library," sagot
ni Nica.
Walang nagawa si Gab kundi sa kanto lang
niya hinatid si Nica. Pinasakay muna niya ito
sa tricycle bago umalis para masiguradong
ligtas ang dalaga.
Nang makauwi si Gab, agad na pinuntahan
siya ng ina sa kuwarto bago sila matulog.
"Mom? Ba't ka nandito?" tanong ng binata.
"Gusto mo ba talaga si Nica?" tanong ni GV.
Naupo si Gab kaya ang lakas ng pag-uha ng
kama.
"Opo, gusto ko po siya," seryosong sagot ni
Gab.
"Pero Gab, hindi ka ba nabahala na kapag
maging kayo, baka kung ano ang sasabihin
ng ibang tao. I mean--"
"Dahil maganda siya at ako, mayaman lang?
Na ang taba-taba ko para sa kaniya?" sabat
ni Gab. "Alam ko na po iyan, Mommy. Isa
pa, wala naman sa taba nasusukat ang
pagmamahal, 'di po ba?"
"Pero kailangan mo ring magpapayat para
kahit paano, mas magustuhan ka pa rin
niya," pagbibigay payo ni GV.
"Bakiy ikaw, Mommy? Tanggap ka naman ni
Dad kahit na titibo-tibo ka," ani Gab.
"Iba naman ang kaso namin."
"Walang pinagkaiba, Mommy. Mahal ka ni
Daddy kaya tinanggap ka niya noon at
minahal kahit na kilos lalaki ka lalo na kung
manamit," sabi ni Gabriele Vince.
"P-Pero kapag may mahal ka, hindi ba
dapat, magbago ka para sa kaniya? Mag-
adjust lang kayo sa isa't isa," ani GV. "Sa
una, mahirap talaga pero kapag tumagal na,
masanay ka na rin."
Tumayo si GV nang hindi na kumibo pa ang
anak. Ang tigas pa rin talaga ng ulo ni Gab.
Sa totoo lang, sobra-sobra na kasi ang
katabaan nito. Hindi naman sila ganito
kataba ni LL. Ang payat pa nga niya e. Pero
bakit naging ganito kataba ang anak nila?
Paano kasi si Ann, panay ang pakain kay
Gab. Tuwang-tuwa pa talaga ito kapag
nauubos ni Gab ang isang buong cake.
------------------
"Tulungan na kita sa bitbit mo, Nica," sabi ni
Gab nang paglabas niya ng classroom ay
saktong napadaan si Nica na may bitbit na
mga bola ng pang-basketball.
"Huwag na," sagot ni Nica.
"Saan mo 'yan dadalhin?" tanong ni Gab.
"Fifth floor," sagot ni Nica.
"Ihahatid na kita," seryosong sabi ni Gab at
inagaw kay Nica ang bitbit na bolang
nakalagay sa malaking screen bag tapos
hinila ang dalaga patungo sa elevator.
"Paano nila nagawang ipabitbit sa 'yo itong
mga bola na sa fifth floor pa ang klase
ninyo?" naiinis na tanong ni Gab.
Mapapagod si Nica sa kakabitbit.
Nahihiyang pumasok si Nica sa elevator dahil
marami ang nakatingin sa kanila.
Sumikip na naman ang paligid niya nang
sumara ang pinto ng elevator.
"Nica? Pasensiya ka na kina Mommy
kahapon," paumanhin ni Gab sa dalagang
nakayuko.
"Wala iyon. Salamat sa kaniya at iniligtas
niya ako," pasalamat ni Nica na nasa sahig
ng elevator ang mga mata.
Biglang tumigil ang elevator.
"Shit!" sambit ni Gab nang hindi na
mabuksan.
"H-Hindi na mabuksan?" natarantang tanong
ni Nica. Nahihirapan na nga siya sa ilang
segundong magkasama sila ni Gab tapos
masira pa ang elevator?
"Sorry, Nica. Babalik din ito," paumanhin ni
Gab nang makita ang takot sa mga mata ni
Nica. "Hey, huwag kang matakot."
"P-Paano kung hindi na mabuksan? Sana
naghagdan na lang ako!" tanong ni Nica.
Takot talaga siya. Paano kung may
masamang balak si Gab sa kaniya?
"Hindi kita pababayaan kaya huwag kang
mag-panic," sabi ni Gab at tinawagang ang
tigaayos nito.
Napatingin si Gab kay Nica nang marinig ang
paghikbi nito.
"Hey, sorry sa nangyari," paumanhin ni Gab
na inaalo ang dalaga.
"K-Kung hindi ka nagpumilit na ihatid ako,
h-hindi sana nangyari ito!" sumbat ni Nica at
pinahidana ang mga luha.
"S-Sorry, hindi na mauulit," paumanhin ni
Gab. Talagang mapapatalsik niya ang mga
tauhan ng CTU.
"P-Palabasin mo m-muna ako bago ka
humingi ng kapatawaran!" Napaupo si Nica
sa sahig at niyakap ang mga tuhod saka
umiyak nang umiyak.
Dinukot ni Gab ang panyo saka inabot kay
Nica pero hindi kinukuha ng dalaga. Galit
talaga ito sa kaniya kaya pinahid na lang ni
Gab ang hawak na panyo sa pawis ng
mukha. Ang init. Para tuloy siyang ginigisa
sa sariling mantika.
"Hindi ko naman alam na mangyayari ito.
Ang gusto ko lang ay makatulong sa 'yo,"
depensa ni Gab.
"Tumulong?" tanong ni Nica, "tutulungan
mo ako pero imbes na mapadali, mas lalong
lumala ang nangyari!"
Naikuyom ni Gab ang kamao. Malapit na
siyang mapuno kay Nica pero kailangan
niyang control-in ang galit para hindi niya
ito masaktan.
"Ano? Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng
death note? Mas mainam pa iyon kaysa sa
ganito mo ako kung ituring!"
"Gusto mo ba talaga ng death note?" galit
na tanong ni Gab.
"Oo! Pero pagkatapos sana huwag mo na
akong lapitan pa kagaya ng ibang babae
dahil ayaw ko sa 'yo! Wala akong gusto sa
'yo, Gab," prangkang wika ni Nica kaya
natigilan ang binata. Mas mainam nang
habang maaga, malaman na ni Gab ang
totoo.
"P-Pero gusto kita," mahinang wika ni Gab
at yumuko kay Nica, "Ayaw mo ba sa akin
dahil mataba ako?"
Napapikit si Nica. Ang sama naman yata niya
kapag oo ang isasagot niya. "Hindi naman
dahil sa mataba ka pero ayaw ko lang talaga
ng ganiyang ugali na ikaw na nga itong
nanliligaw, ikaw pa ang matapang.
Nakakasakal, Gab," pag-amin niya kaya
nagtagis ang bagang ni Gab.
Umandar na ang elevator. Nang tumigil sa
fourth floor ay pagalit na dinampot ni Gab
ang mga bola at humarap kay Nica.
"Kahit mataba ako, seryoso naman ako sa
'yo, Nica! Pasalamat ka pa nga, sa dinami-
rami ng babae, ikaw pa ang napili kong
mahalin. Oo, mataba ako pero kung gaano
ako kataba, ganoon din kalaki ang
pagmamahal ko sa 'yo!"
mahabang saad ni Gab at naiinis na lumabas
nang bumukas ang elevator.
Inayos ni Nica ang sarili at tumayo nang
makita ang maraming estudyanteng
nakatingin sa kanila. Napatingin siya kay Gab
na papalayo na habang bitbit ang mga bola.
Para itong elepante sa circus na may bitbit
na bola para paglaruan.
Napabuntonghininga siya saka patay-
malisyang lumabas dahil mga nandidiring
mga mata ang nakatutok sa kaniya.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon