MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 31
Unedited..
"Kumain ka na, Gab. Sige ka, mangangayat
ka niyan," biro ni Luis pero hindi na
kumikibo pa si Gab. Kagabi pa itong walang
kain at mugto ang mga mata. Nagmumukha
tuloy itong baboy na na-depress.
"G-Ganoon na ba ako kasama para lokohin
lang ni Nica?" malungkot na tanong ni Gab
sa kakambal habang nakaupo sa ibabaw ng
kama.
"Gab? Malay mo, may rason si Nica,"
malungkot na wika ni Luis.
"Ano ang rason niya? Pera? Bakit kailangan
pa humantong sa ganito? Niloloko lang niya
ako. Pinapaikot!" galit na sabi ni Gab.
Napabuntonghininga si Luis at napatingin sa
kakambal na hirap na hirap sa pagtayo.
"Alam mo namang masama sa 'yo ang
sobrang katabaan, 'di ba? Gusto lang niyang
magpapayat ka," sabi ni Luis.
Humarap sa kaniya si Gab at napa-smirk.
"Pumayat? Ito ba ang solusyon niya para
pumayat ako? Ang saktan ako nang sobra?"
Naikuyom niya ang kamao. Kahit kay Sheryl,
hindi niya nagawang magmakaawa at higit sa
lahad, lumuhod para lang mahalin ni Nica.
Wala sa pamilya nila ang gumamit ng
malaking pera para lang makuha ang
babaeng minimithi. Kahit ang Lolo Dylan at
mga ninuno niya ay never pa nangyari.
"Gab? No matter what it is, may rason si
Nica." Giit ni Luis. Ayaw niyang masaktan si
Gab pero mas ayaw niyang kamuhian nito si
Nica dahil alam niya ang tunay na rason.
"Hindi na niya mababawi ang mga masasakit
na salitang binitiwan sa akin. K-Kung hindi si
Nica iyon, wala lang iyon sa akin pero siya?
Siya na minahal ko nang sobra? Luis? Alam
mo kung gaano ako nagpakatanga sa kaniya.
Naging saksi ka kung paano ako manligaw sa
kaniya pero sa ganito lang pala kami
magtatapos? Ang sakit e! Matatanggap ko
pa kung sinabi na lang niya na may mahal na
siyang iba pero ang ikumpara ako sa iba?
Ang sabihing nakakadiri ako dahil mataba
ako? Fuck her!" galit na sabi ni Gab. Galit
siya pero alam niya sa puso niyang
pinapanalangin pa rin niya na sana ay
panaginip lang ang lahat. He loves her so
much na kaya niyang talikuran ang lahat
pero sa isnag iglap lang, sa ilang mga salita
lang ni Nica, gumuho ang lahat ng pangarap
niya.
"G-Gab? Huwag mong kasuklaman si Nica,
ginawa lang niya--"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mula kahit
kanino. Kung iyon ang tingin ni Nica sa akin,
iyon na iyon! Pero sana naisip niya na ne
minsan, hindi ko siya ininsulto. Never ko
siyang inisipan ng masama at itinuring ko pa
nga siyang isang prinsesa. Pero kung ito ang
kapalit g lahat ng kabutihang ipinakita at
ipinaramdam ko, sige! Mas mainam nang
isipin kong hindi na lang kami magkakilala!"
Lumapit siya sa closet at itinapon sa sahig
ang lahat ng mga damit. Kinuha niya ang
tatlong malalaking maleta at isa-isang
inilagay sa loob kahit na hindi maayos ang
pagkakatiklop.
"Ano ang ginagawa mo?" nagtatakang
tanong ni Luis.
"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ni
Gabriele.
"Aalis ka?" nag-aalalang tanong ni Luis.
Napatigil si Gab sa ginagawa at isang
malalim na buntonghininga ang pinakawalan
bago humarap sa kakambal, "Kung iyon ang
nakakabuti para kay Nica, aalis na lang ako
para wala na siyang makitang mataba!
Pagod na siya sa kakahila sa baboy na
katulad ko!" Muli na naman niyang inilagay
ang ibang gamit sa malaking maleta. "Kung
sabagay, nakakahiya naman na ang isang
magandang babae at gusto ng lahat, may
bitbit na elepante araw-araw. Kung iyon ang
ikapanatag ng kalooban niya, ibibigay ko!
Pero huwag lang siyang umasang pagbalik
ko, si Gab pa rin ang kaharap niya. Si Gab
na kahit mataba, kayang gawin at ibigay ang
lahat para sa kaniya!"
"Gab? Huwag kang mag-isip ng masama kay
Nica, kilala mo siya at alam mong hindi niya
iyon sinasadya," sabi ni Luis. Naaawa siya
kay Nica. Alam niyang labis din itong
nasasaktan sa ginawa. Nasaksihan niya kung
paano tumulo ang mga luha nito at gumuhit
ang sakit sa mga mata nang lumabas si Gab
noon sa rooftop.
"Sana nga, kilala ko siya," pabulong na sabi
ni Gab at isinara ang zipper ng isang maleta.
Hinarap niya si Luid at mapait na ngumiti.
"Hindi ba't ikaw ang gusto ni Nica? Bakit
hindi mo siya ligawan? Gusto mo naman
siya, 'di ba?"
Natigilan si Luis sa sinabi ni Gab at hindi
mahanap ang mga salitang sasabihin.
"Kakambal kita, Luis. Ligawan mo si Nica,
malaki ang chance mo sa kaniya. Tutal, may
maipagmalaki ka naman at lahat ng
hinahanap niya, nasa sa 'yo na," sabi ni Gab
at muling naupo sa kama habang nasa mga
maleta ang mga mata. Aalis na siya. Hindi
na niya makikita pa ang babaeng inakalang
iba sa lahat. Ang babaeng akala niya,
tanggap siya kung ano at sino siya. "Sana
ako na lang ikaw. Na marami ang
nagkakagusto at perpekto sa paningin ng
lahat."
Mapait na ngumiti si Luis, "Alam mo,
masuwerte ka, Gab, dahil kahit kaunti lang
ang nagpapakita ng pagmamahal sa 'yo, at
least lahat ng iyon ay totoo," sabi ni Luis at
tinapik sa balikat ng kakambal. Mali si Gab.
Dahil mula noon, hinihiling niya na sana, siya
na lang si Gab. Si Gab na kahit masungit at
mataba, gusto ng mga totoong taong
nakapalibot sa kanila.
---------------------
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin,"
malungkot na sabi ni Nica.
"Pero ang harsh mo. Alam mo ba ang
dating nu'n? Ang sama-sama mong babae,"
sabi ni Sunny. Ikinuwento sa kaniya ni Nica
ang buong pangyayari at hindi siya
makapaniwala sa nagawa ng dalaga.
"Hindi ko na alam ang gagawin. Masyado
lang akong nataranta that time at natakot
para sa kaniya," nag-aalalang sagot ni Nica
at napakagat sa kanang hinlalaki.
"Humingi ka ng patawad kay Gab. Aminin
mo ang totoo dahil Nica? Hindi talaga
mabuti e. Nagmumukha kang gold digger,"
pangungumbinse ni Sunny. "Puwede mo
namang sabihin na tulungan mo siyang
mag-diet at kapag makabawas siya within
one year ng ganitong kilo, sasagutin mo
na."
Napayuko si Nica at napakagat sa ibabang
labi. "B-Baka mali nga ako," pabulong na
sabi ng dalaga. "Hindi ko na naisip kung
nakakasakit ba ako o hindi. Ang naisip ko
lang ay kung paano siya mag-diet within
realizing na sumobra na ako sa limit."
"Puntahan natin si Gab, humingi ka ng sorry
at kausapin natin na tutulong ka para
pumayat siya o 'di kaya'y ako. Tutulungan at
sasabayan natin siya sa healthy lifestyle
niya."
Tumango si Nica. Ilang gabi nang inuusig
siya ng kaniyang konsensiya dahil sa mga
pinagsasabi. Tama si Sunny, hindi siya nag-
isip bago sabihin ang lahat ng iyon kay Gab.
"Tatawagan ko si Luis, sasabihin kong
pupunta tayo sa bahay nila para makausap si
Gab," wika ni Sunny.
Lumabas ang dalawa sa mall at pumara ng
taxi para magpahatid sa bahay nina Gab.
"Hindi sinasagot ni Luis ang tawag ko,
unattended e," sabi ni Luis.
"Hayaan mo na, doon na lang. Sana lang
kausapin pa ako ni Gab," kinakabahang
tanong ni Nica. Sana mapatawad siya ni Gab
sa mga pinagsasabi niya. Hindi naman niya
sinasadya e.
Habang palapit sila nang palapit sa mansion,
mas lalong kinakabahan si Nica at nanlalamig
ang mga kamay.
"S-Sunny? Paano kung hindi ako mapatawad
ni Gab? Paano kung gold digger na nga ang
tingin niya sa akin?" naiiyak na tanong ni
Nica.
Hinawakan ni Sunny ang kanang kamay ni
Nica, "Mahal ka ni Gab at naniniwala akong
maintindihan ka niya."
"Sana lang, Sunny. Sana lang," sabi ni Nica
at napatingin sa labas ng bintana.
"Mahal mo na talaga si Gab kahit na mataba
siya, ano?" nakangiting tanong ni Sunny
kahit na hindi na niya kailangang tanungin
pa ang bagay na iyon. Kitang-kita naman sa
mga mata at kilos ni Nica e.
"Sana maintindihan ako ni Gab," nakayukong
sabi ni Nica kahit na nasa isip niya ang
pagdududa. Baka hindi na talaga siya
mapatawad ng binata.
Pagdating sa mansion, kaagad silang
bumaba sa taxi matapos magbayad at nag-
doorbell. Bumukas ang malaking gate kaya
nasilip nila ang malawak na hardin ng
mansion.
"Magandang umaga po, nandiyan po ba si
Gariele?" magalang na tanong ni Sunny.
"Si Sir Gab po ba? Nasa loob po," sagot
nito. "Sino ho ba kayo?"
"Pakisabi si Nica at Sunny," sagot ni Sunny
nang mapansing hindi na nagsasalita si Nica
at namumutla. "Okay lang kahit na
makalimutan mo ang Sunny pero huwag ang
Nica, ha. Pakisabing si Nica."
"Sino 'yan?" tanong ng magandang babae
palapit sa kanila.
"Ma'am? Hinahanap po nila si Sir Gab,"
sagot ng katulong kaya lumapit si Ann sa
dalawang dalaga na nasa labas ng gate.
Parehong maganda ang dalawa lalo na ang
nasa kanan.
"You must be Nica," sabi ni Ann kaya
napatingin si Nica sa babaeng kahit na may
edad na, maganda pa rin ito at mukhang
bata ng sampung taon sa tunay na edad.
"Y-Yes po," magalang na sagot ni Nica. "P-
Paano ho ninyo ako nakilala?" Noong nakita
niya ang pamilya nina Gab, wala si Ann. Mga
magulang lang ni Gab ang nandoon.
Ngumiti si Ann. "Nakita ko sa cellphone at
laptop ni Gab," sagot ni Ann. Noong
hinahatiran niya si Gab ng pagkain, palaging
mukha ni Nica at tinititigan nito. "Pasok
muna kayo."
Pumasok ang dalaga at parehong namangha
sa laki ng mansion at mamahaling gamit.
Napansin din nila ang dalawang elevator sa
loob ng mansion.
"Maupo kayo," nakangiting sabi ni Ann kaya
sabay na naupo ang dalawa na nakaharap
kay Ann.
"Mabuti at napasyal kayo," nakangiting sabi
ni Ann at sumenyas sa katulong na magdala
ng merienda.
"Opo, gusto lang po sana makausap ni Nica
si Gab," sagot ni Sunny.
"Si Gab ba?" malungkot na wika ni Ann at
napatingin kay Nica. "Umalis na siya e."
"H-Ho?" saad ni Nica na napatingin sa mga
mata ng lola ni Gab. "S-Saan ho siya
pupunta?"
"Sa Japan," malungkot na sagot ni Ann.
"Kaninang umaga lang siya umalis." Hindi
siya tututol na pupunta ang apo sa Japan
pero pinagkaisahan siya ng buong pamilya.
Isa pa, si Gab na mismo ang nagdesisyon na
tumungo roon.
"P-Pero ayaw po niya sa Japan," pabulong
na wika ni Nica.
"A-Alam ko," naiiyak na wika ni Ann. "M-
Mamamatay siya roon. Hindi siya papakainin
tapos babarilin pa."
Kahit na anong pakiusap niya kay Dylan at
Gab, hindi na nagbago pa ang desisyon ng
mga ito kaya dadalawin na lang daw nila si
Gab monthly. Tutal, may private plane
naman sila.
Napatingin siya kay Nica na tumayo.
"Kain muna kayo," alok ni Ann nang inilapag
ng katulog sa mesa ang meriendang
carbonara.
"S-Salamat na lang po," sagot ni Nica at
mabilis na tumakbo palabas sa mansion.
Bahala na kung makita siya ng mga itong
tumutulo ang mga luha. Wala na, iniwan na
siya ni Gab.A/n;
Baka may naisulat akong Dale at Suin dito
at sa mga susunod na chapter, Gab at Nica
po talaga 'yan. May na-edit kasi me kanina
na Dale at Suin e. Baka hindi pa naubos.
Hehehe
