11

930 38 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...
"Kumusta ang makulong sa elevator kasama
ang baboy?" natatawang tanong ng lalaking
kaklase ni Nica nang pumasok siya.
"Uy, huwag kang ano. Baka magsumbong
'yan at bigyan tayo ng death note," saway
ng kaibigan nito.
"Nagsusumbong ka ba, Nica?" tanong ni
Karlo. "Huwag mong sabihin, mas mahalaga
sa 'yo ang kasikatan at pera kaysa sa
kahihiyan?"
Naikuyom ni Nica ang kamao at nilagpasan
ang mga ito. Alam niyang siya ang topic ng
buong CTU mula pa kahapon. O mas tamang
sabihing mula pa nang binigyan siya ng love
note ni Gabriele Vince.
"Sayang ang ganda. Kung sabagay, iyan lang
naman ang puhunan niya," sabi ng
kasintahan ni Karlo.
"Well? Ganoon naman talaga ang nagagawa
ng pera. Ano ba kayo, ang yaman kaya ng
mga Lacson. Kahit paano, magaganda ang
lahi," natatawang sabat ng isa pang babae
nilang kaklase.
"Ang problema, paano malahian ni Gab si
Nica?"
Tumawa silang lahat.
"Hayaan mo na sila," naiinis na sabi ni Nica
at tinapik sa balikat ang kaibigan.
"Kasalanan kasi 'to ni Gab!" naiinis na bulong
ni Nica. Minsan lang siyang mapikon sa mga
manliligaw pero naubos ang pasensiya niya
kay Gab.
"Hindi ka ba puwedeng dumistansiya sa
kaniya?" nag-aalalang tanong ni Sunny.
"Gusto ko pero lapit pa rin siya nang lapit!"
"Wala ka bang nararamdaman para sa
kaniya?" usisa ni Sunny.
"Wala," sagot ni Nica. Wala talaga. Kung
mayroon man siyang feelings para kay Gab,
pagkainis at pagkairita iyon. Ayaw pa naman
niya na may kumo-control ng buhay niya.
"Malay mo, baka ma-fall ka sa kaniya," sabi
ni Sunny. Nica rolled her eyes. Kung ang
ibang manliligaw niya na mabait, hindi niya
nagustuhan, si Gab pa kaya?
"Huwag na nga natin siyang pag-usapan!"
sabi ni Nica kaya tumahimik na si Sunny.
"Nica? Para sa 'yo," sabi ng kaklase niya at
inabot ang tatlong pulang rosas at isang
imported at malaking chocolate kaya
napatingin sa kaniya ang mga kaklase niya.
Nakatitig lang si Nica sa inaabot ng kaklase
kaya siniko siya ni Sunny.
"S-Salamat," napilitang kinuha ito ni Nica at
binasa ang nakalagay sa note card.
"For the most beautiful girl on earth. Gab"
pagbasa niya sa isip. Nakakahiya na ang
ginagawa nito pero ayaw naman niyang
itapon o ipabalik dahil baka kung ano pa
ang isipin nito.
"Ang sweet naman ni Gab," bulong ni Sunny
na nakatitig sa maliit na papel na hawak ni
Nica.
"Hindi siya nakakatuwa," pabulong na pag-
amin ng dalaga. Napi-pressure na siya sa
ginagawa ng binata. Naiipit na rin pero wala
siyang magawa. Mahirap lang sila.
Kakausapin na talaga niya si Gab mamaya
para tumigil na ito. Mula kahapon nang
ihatid siya nito sa fifth floor, hindi na sila
nagkita at nagkausap pa. Obviously,
nagtatampo si Gab sa kaniya. Ito pa talaga
ang may ganang magtampo? E siya nga
itong natakot dahil sa nangyari sa elevator?
Okay, alam naman niyang may nasabi siyang
hindi nito nagustuhan pero dahil lang iyon sa
inis niya.
Buong klase siyang wala sa sarili. Buo na
ang loob niyang kausapin si Gab para tumigil
na ito sa kahibangan sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sunny after
ng klase nila.
"May kakausapin lang ako," sagot ni Nica.
Na-text na niya si Gab at sa tambayan nila
sila magkikita. Bahala na kung ano ang
sasabihin ng lahat nang makakita sa kanila.
Si Gab?" hula ni Sunny.
"Yes," sagot ni Nica.
"Sagutin mo na siya?" nakangiting tanong ni
Sunny.
"Wala akong time na makipagbiruan," sagot
ni Nica.
"Ouch! Babastedin mo siya?" kunwari ay
nasasaktan tanong ni Sunny.
"Bahala na," sagot ni Nica. Wala siyang
choice. Kailangan niyang gawin ito dahil
kung hindi, habambuhay siyang magiging
alila ng anino ng binata.
"Ingat ka, delikado pa rin siya kapag
magalit," nag-aalalang paalala ni Sunny.
"Salamat," pasalamat ni Nica at naglakad na
paakyat sa hagdan. Nang makababa siya
hiningal siya. Ilang baitang din kasi mula sa
third floor.
"Bawiin mo ang death note!" malakas ang
boses na utos ng magandang babae sa
kausap kaya napalingon si Nica. Si Gab ang
kausap nito sa hallway kaya napakunot ang
noo niya.
"Kapag naibigay ko na, wala nang bawian
pa," seryosong sagot ni Gab na walang
pakialam sa mga nakikinig at nakatingin sa
kanila.
"Hindi ka nakakatuwa! Bakit mo siya
binigyan ng death note? Dahil ba sa akin?"
tanong ng babae habang nakatingala kay
Gab.
Lumapit si Nica para mas marinig ang
usapan ng dalawa. Kung sabagay, marami rin
naman ang gustong makiusyoso. May babae
yatang naglakas ng loob na kausapin si Gab.
Kilala ni Nica sa mukha pero hindi sa
pangalan ang babae. Ito ang napansin
niyang sinulyapan ni Gab nang minsang nag-
uusap sila. Maganda ito at marami rin ang
nagkakagusto.
"Kung nakatanggap man siya ng death note
mula sa akin, wala kang kinalaman doon.
Masyado lang siyang maangas kaya deserve
niya na makatanggap ng death note. Any
problema with--"
Pak!
Napasinghap ang mga estudyante sa ginawa
ng magandang babae. Napahawak si Gab sa
pisngi matapos dumapo ang malakas na
sampal nito.
"Alam kong galit ka sa kaniya dahil siya ang
pinili ko kaysa sa 'yo! Huwag mong idamay
ang ibang tao sa naging desisyon ko! Hindi
kita gusto, Gab! At kahit kailan, hindi ako
magkakagusto sa 'yo! Sino ba naman ang
babaeng magtitiyaga sa isang kagaya mo?
Feeling guwapo pero mataba naman!
Mayaman ka lang pero hindi lahat ng babae,
madadaan mo sa pera!" prangkang sabi ng
babae. Galit siya dahil nakatanggap ng death
note ang boyfriend niya. Alam niyang wala
na sa lugar ang ginawa ni Gab.
"Wala kang kinalaman sa pagbigay ko ng
death note sa kasintahan mo!" giit ni Gab na
pinipigilan lang ang sariling saktan ang
babaeng kaharap. Tao lang siya at
napapahiya rin. Oo, napahiya siya sa pag-
amin ni Sheryl na nanligaw siya rito at sa
tahasang pagsigaw nito na nabasted siya ng
dalaga.
"Sino ang babaeng gustuhing mahalin ka?
Bakit hindi mo itanong sa isa mo pang
nililigawan, Gab?" nakangiting tanong ni
Sheryl at napatingin kay Nica na nakikinig
lang sa kanila. "Bakit hindi mo itanong sa
kaniya kung gusto ka rin niya?"
Napalingon si Gab sa babaeng tinutukoy
nito. Nagulat siya nang makita si Nica na
nakatingin sa kanila. Kanina pa ba ito?
"Miss? Nililigawan ka ni Gab, 'di ba? Bakit
hindi mo aminin sa kaniya ang totoo mong
nararamdaman? Natatakot ka bang
mabigyan ng death note? O nadala ka rin ng
pera niya?" tanong ni Sheryl. Naubos na ang
pasensiya niya kay Gab. Noong una, okay pa
dahil hindi na ito nangungulit sa kaniya pero
ang bigyan nito ng death note ang
boyfriend niya, hindi na yata makatarungan
ang pagiging bully nito?
"H-Huwag mong idamay si Nica rito!"
natarantang sabi ni Gab. Hindi niya kayang
marinig ang pagkabigo kay Nica sa harap ng
maraming tao. Lahat ay hinihintay ang sagot
ng dalaga kaya nagmamakaawang tumingin
si Gab sa dalagang hindi niya matukoy kung
galit ba ito o natutuwa sa narinig?
Hindi umimik si Nica. Sa halip na sumagot,
tumalikod ito sa kanila.
"N-Nica..." tawag ni Gab at hinabol ang
dalaga. "Nica, sandali!"
Lahat ng estudyante ay tumabi. Mahirap na
kapag madapa si Gab at madaganan sila.
"Nica!" Hinihingal na sabi ni Gab nang
maabutan ang dalaga. Naglalakad naman ito
pero siya, tumatakbo na. Ang liliit pa naman
ng mga hakbang niya dahil ang bigat ng
mga paa.
"May klase pa ako, Gab," wika ni Nica.
"Nica? Hindi ko kayo sinabay na niligawan.
Mas nauna lang si Sheryl," paliwanag ni Gab.
Thanks God at hindi siya nito pinahiya.
"Kung ano man ang sa inyo, wala na akong
pakialam pa roon, Gab. Isa pa, hindi mo
naman ako kasintahan kaya hindi mo na
kailangan pang magpaliwanag," sagot ni
Nica. Kanina habang narinig niya ang mga
sinabi ng ibang estudyante tungkol kay Gab
habang pinapahiya ito ng dating niligawan,
nakaramdam siya ng awa sa binata. Ngayon
lang niya nakitaan ng sakit sa mga mata si
Gab dahil sa pagkapahiya.
"P-Pero mahal kita," pabulong na sagot ni
Gab kaya napabuntonghininga si Nica.
"Gab? Tama na," sabi ni Nica. "Hindi mo na
kailangang magpaliwanag pa sa akin."
"Pero Nica, hindi naman tama ang
pinaparatang niya sa akin," sabi ni Gab.
Hindi porket niligawan niya noon si Sheryl,
e, iyon na ang rason niya kung bakit
binigyan niya ng death note ang boyfriend
nito.
"Gab? Sa susunod na lang tayo mag-usap
dahil may pasok pa ako," ani Nica.
"Ano pala ang pag-uusapan natin?" curious
na tanong ng binata kaya natulala si Nica.
"May kinalaman ba ito tungkol sa panliligaw
ko sa 'yo?"
"H-Ha? Ahm... H-Hindi. May itatanong lang
sana ako kung ano ang tunay na pangalan
ng mommy mo," sagot ni Nica. Parang
double kill naman yata kapag tapatin niya si
Gab ngayon? Nextime na lang.
"Ganoon ba? Gamaliel Vilma Maye Lacson,"
nakangiting sagot ni Gab. Interesado ba si
Nica sa parents niya? Magandang senyales
iyon.
"K-Kaya pala Gabriele Vince ang name mo.
For short, GV," sabi ni Nica at nginitian ito.
"Sige Gab, maiwan na kita."
"Oo. Sige Nica, ingat," nakangiting sabi ni
Gab. Si Nica lang talaga ang
nakakapagpagaan ng loob niya. "Ihatid na
kita?"
"Huwag na, alam kong pagod ka," sabi ni
Nica. Paano, pawisan ang mukha nito na
akala mo, pinagulong sa mantika.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon