49

1.2K 44 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 49

Unedited....
"Shit!" sambit ni Gabriel Vince nang
pumasok sa kuwarto. Isa-isa niyang
tinanggal ang poster na nakakabit sa wall at
pinunit. Sa dinami-rami ng papel, pupunitin
talaga niya lahat ng ito. "Magbabayad ang
gumawa nito!" malakas na sigaw ni Gab.
"Gab!" Hinihingal na sabi ni GV nang
pasipang buksan ang pintuan.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni LL na
patakbo ring sumugod nang marinig ang
sigaw ni Gab sa buong kabahayan.
Kakarating lang nito mula kina Nica at
ganito na ang nangyari.
"Ano ang nangyari sa kuwarto mo?" tanong
ni GV nang makita ang mga punit na papel
sa sahig pero nakakuyom lang ang mga
kamay ni Gab at nandidilim ang mukha.
Yumuko si GV at dinampot ang isang
pirasong papel sa sahig na hindi pa napunit.
"Oh? Si Luis 'to ah," sabi ni GV kaya lumapit
si LL para tingnan ang hawak ng asawa.
"Sino ang batang katabi niya?" tanong ni
Lance Leonard.
"Mapapatay ko talaga si Luis!" galit na sabi
ni Gab at lumabas sa kuwarto.
"Si Nica yata 'to," wika ni GV at hinarap ang
asawa. "Sundan mo si Gab, baka
magpatayan ang kambal natin!"
Sabay na tumakbo ang asawa. Nakababa na
si Gab sa hagdan kaya halos talunin na ni LL
ang hagdan nang makitang kinuha ni Gab
ang baseball bat.
"Gab!" tawag ni GV pero tila bingi ang anak
na pumunta sa kusina pero agad na
lumabas.
"Bilisan mo kasi, LL!" sigaw ni GV kaya halos
nataranta si LL sa sigaw ng asawa.
"Masakit ang tuhod ko, mine!" reklamo ni
LL. Masakit talaga dahil napaltos ito kagabi.
"Lintik! Kapag may mangyaring masama sa
mga anak natin, babaliin ko na talaga ang
mga tuhod mo!" pagbabanta ni GV.
"Palibhasa nakabukaka lang siya kanina,"
bulong ni LL na hindi na nilakasan dahil baka
siya ang unang patayin ni GV kapag
magreklamo siya.
"Luis!" sigaw ni Gab at hinigpitan ang
pagkahawak na baseball bat habang palapit
sa kakambal na nakaupo at nagbabasa ng
magazine sa gazebo habang nakapatong pa
ang mga paa sa table na nasa harapan niya.
"Gabriel!" nakangiting bati ni Luis at
napatayo.
"Hayop ka!" singhal ni Gab kaya kumaripas
ng takbo si Luis.
"Sandali, Gab!" pagpigil ni LL sa anak na
inaagaw ang baseball bat na hawak nito.
"Bitiwan mo ako, daddy!"
"Gab naman, huminahon ka," pakiusap ni LL
na halos yakapin na ang anak. Putsa, ang
lakas nito.
"Hindi! Papatayin ko talaga si Luis! Dad?
Papatayin ko siya!" Nanginginig na ang
buong katawan ni Gab pero tumigil si Luis
sa pagtakbo at tumatawang humarap sa
dalawa.
"Fuck!" pagmumura ni Luis nang malakas na
sapak ang natanggap niya sa ina.
"Ano na naman ang kagaguhang ginawa mo,
Luis Loki?" Pasigaw na tanong ni GV.
"Wala--ouch!" daing ni Luis at napahawak sa
batok nang muli siyang sapakin ng ina.
"At ano ang nakita naming litrato ninyo ni
Nica sa loob ng kuwarto ni Gab?"
nakapamewang na tanong ni GV.
"Dad? Bitiwan mo ako!" sabi ni Gab na
nahulog na ang baseball bat niya pero hindi
mapulot dahil pinipigilan siya ng ama.
"Ang bitter kasi! Pinunit niya ang litrato
namin ni Nica. Mabuti na lang dahil may
kopya pa ako," sagot ni Luis.
"At talagang sinabi niya sa 'yo?" galit na
sabi ni Gab saka malakas na tinulak ang ama
na agad namang natumba dahil hindi nito
inaasahan ang gagawin niya.
"Papatayin talaga kita!" sigaw ni Gab at
sinugod ang kakambal. "Ouch!" daing niya at
napahawak sa pisngi dahil kamao ni GV ang
sumalubong sa kaniya.
Malakas na tumawa si Luis pero kaagad na
natahimik at napahawak din sa kaliwang
pisngi nang hindi niya inaasahan ang suntok
ng ina. Mas mabuti pang ang ama nila ang
susuntok sa kanila dahil kaya pa nila ang
puwersa nito pero kapag ang ina, nakakakita
talaga sila ng star kahit na may araw. Bakal
yata ang kamay ng ina nila e.
"Kayong dalawa? Huwag kayong umalis!"
sabi ni GV at inutusan si LL na kumuha ng
lubid.
"Damn!" ani Gab.
"Subukan ninyong tumakas at isinusumpa
kong itatakwil ko kayo!" pagbabanta ni GV
na sumenyas sa katulong na isara ang gate.
"M-Mom? Naiihi na po ako," nakangiwing
sabi ni Gab.
"N-Natatae na rin po ako," wika ni Luis at
napahawak sa tiyan pero pinulot ni GV ang
baseball bat.
"Walang tatae at walang iihim kung ayaw
ninyong durugin ko ang bayag ninyo!"
pagbabanta ni GV. Subukan lang ng kambal
na tumakbo.
Natahimik ang dalawa at kinilabutan nang
makita ang amang may bitbit na lubid.
"D-Dad? Lubid na yata 'yan sa barko, ah."
Kinakabahang sabi ni Luis. Ang laki kasi ng
lubid na bitbit nito.
"Talian mo si Gab at ako naman kay Luis."
Utos ni GV. "Hep! Balik, Gab!" sigaw ni GV
nang tumakbo si Gab. "Huwag mo akong
pahabulin sa 'yo dahil itatali kita sa sasakyan
at ilibot sa buong villa!"
Napapreno si Gab at parang drug addict na
isinuko ang sarili sa ama. Naiiyak sila pareho
habang hinahayaang talian sila ng mga
magulang.
"M-Mom? Alam po ba ninyo ni Daddy ang
Republic Act 7610?" tanong ni Luis nang
sinisigurado ng ina na mahigpit ang
pagkakatali nito.
"May ganiyan ka pang nalalaman? Sa bahay
na ito, ako ang batas!" sagot ni GV at hinila
ang anak na nakatali ang mga kamay palapit
sa malaking puno.
---------------
"Mommy? Baliktad na ang bituka ko!" sigaw
ni Gabriel. Nahihilo na siya.
"Mom? Grabe kayo! Child abuse na ito!"
sigaw ni Luis na nakikita ang mga langgam
sa malaking ugat ng punong-kahoy.
Nakabitin sila patiwarik ni Gab habang ang
mga paa at kamay ay nakatali.
"Kasalanan mo kasi 'to!" paninisi ni Gab.
"Bitter mo kasi!" sagot ni Luis. "Kayo na nga
ni Nica, pati pa naman ba remembrance
naming dalawa, pinagdidiskitahan mo pa?"
"Wala kang pakialam! Girlfriend ko na siya at
lahat ng gusto ko, gagawin ko!" sagot ni
Gab na bumaliktad na rin yata pati ang utak
niya. Ang higpit ng pagkakatali ng ama niya.
"Gusto rin ba ni Nica?" tanong ni Luis.
Kahapon, nang ipaalam ni Gab sa kaniya na
natatandaan na nito si Nica dahil sa litrato,
sumagi na kaagad sa isip niya na pinunit o
sinunog ni Gab at nang tanungin niya si
Nica, tamanga ang hinala niya.
"Oo naman!" ani Gab.
"At least marami akong copies. May
remembrance kami ni Nica. Akalain mo 'yon?
Ang ganda talaga niya noong bata pa tayo,"
nakangising sabi ni Luis kaya gumalaw si Gab
na gustong makawala sa tali.
"Hayop ka, Luis!"
Natahimik sila pareho at hinintay kung kailan
sila pakawalan ng mga magulang.
Nagmumukhang dayuhan sila sa isang isla at
nabihag ng mga katutubo tapos iihawin
mamaya matapos bitayin.
"Gab? Huwag kang ma-insecure dahil kayo
na ni Nica. Mahal ka naman niya e," sabi ni
Luis at napasulyap sa kakambal.
"Natatakot pa rin ako na baka maagaw siya
ng iba," pag-amin ni Gab.
"Kung mahal mo siya, dapat na magtiwala
ka sa kaniya," ani Luis.
"Alam kong pareho lang naming mahal ang
isa't isa pero natatakot pa rin ako na baka sa
dulo ng istorya, hindi ako ang lalaking
makakatuluyan niya," pag-amin ni Gab.
Marami ang nagmamahalan na hindi
nagkakatuluyan sa bandang huli. Na kahit na
ginawa na nila pareho ang lahat, hindi pa rin
sapat para magsama sila habambuhay.
"Just do your best, Gab." Pagbibigay payo
ni Luis.
"Pero hindi mo na ba mahal si Nica?
Nasasaktan ka rin ba, Luis?" tanong ni Gab.
Kakambal pa rin niya ito at alam niyang
selfish siya pero wala siyang pinagsisisihang
hindi siya nagparaya.
"Hindi ko alam," pag-amin ni Luis. "Gusto ko
si Nica pero natutuwa ako na kayo ang
magkatuluyan. Nasasaktan?" Napatitig si
Luis sa asong nakatingala sa kanila habang
kumakahol. "Hindi naman ako nasasaktan.
Basta ang saya lang kapag maasar kita at
isipin mong mahal ko nga si Nica."
"Psh! Huwag mo nang uulitin 'yon!"
"So? Bati na tayo?" tanong ni Luis.
"Punitin mo muna ang picture ninyo," sagot
ni Gab kaya malakas na tumawa si Luis.
Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi
nakuha ang gusto.
"Lahat ng iyon, nasa kuwarto mo na kaya
huwag kang mag-alala. Ikaw kasi, ang arte
mo noon!"
"Gusto mo kasi si Nica," depensa ni Gab.
"Pero ikaw ang gusto niya," ani Luis. "Kahit
na nilait-lait mo siya, ikaw pa rin ang pinili
niya."
"Kahit na gusto ka ni Sunny para kay Nica,
hindi ko hahayaang mangyari iyon, Luis.
Alam ko kasing malulungkot si Nica kapag
hindi ko siya ipaglaban dahil lang sa gusto
ka ng iba para sa kaniya."
Napangiti si Luis, "Hindi lahat ng gusto ng
nasa paligid ay iyon na ang masusunod. Sa
bandang huli, si Nica pa rin ang masusunod
kung sino ang mahal niya at kung kanino
siya sasaya. Magdudusa lang siya kapag ako
ang makatuluyan niya."
"Mabuti alam mo!" sabi ni Gab na ang sakit
na ng mga kamay at paa. "Mommy? Bati na
kami ni Luis!" sigaw niya nang makita ang
mga magulang na palapit sa kanila.
"Dapat kasi hindi ka nag-diet para hindi nila
naisipang ibitin tayo patiwarik sa puno," sabi
ni Luis. Never pa talaga naisip ng parents
nila na gagawin ito sa kanila dahil sa size ni
Gab. Dalawa lang naman 'yan e. Kung hindi
maputol ang sanga, ang tali ang mapuputol
sa size noon ni Gab.
Ibinaba na sila ni LL kaya laking pasalamat
ng kambal.
"Akala ko, wala na kayong balak na ibaba
kami," sabi ni Luis na hinihilot ang
namumulang kamay.
"May pupuntahan pa kaming party e," ani
Gab. Malapit nang magkasugat ang mga
kamay niya dahil sa lubid.
"Sa susunod na mag-away pa kayo, ilulunod
ko na kayo sa tubig!" pagbabanta ni GV.
Pumasok ang dalawa para maghanda sa
birthday party ni Sheryl. Naunang umalis si
Gab para sunduin si Nica.
"Thabz? Ang aga mo naman," sabi ni Nica.
Alas kuwatro pa lang at ang usapan nila ay
alas sais siya nito pupuntahan.
"Mas mabuti nang maaga kaysa sa late, 'di
ba?" sagot ni Gab at inabot kay Nica ang
tatlong pulang rosas na kinuha sa hardin nila
at tsokolate na bigay ng Tita Jaffy nila.
"Salamat," nakangiting pasalamat ni Nica at
inamoy ang mahalimuyak na rosas.
"Masaya ka na?" walang emosyon na tanong
ni Gab.
"Galit ka?" inosenteng tanong ni Nica.
"Nagtatampo," pag-amin ni Gab. Ibinalik ni
Nica ang bulaklak kay Gab.
"Bibigyan mo ako ng bulaklak tapos sabihing
nagtatampo ka?" pagsisinuplada ng dalaga.
"Sinabi mo kasi kay Luis na pinunit ko ang
larawan ninyo," ani Gab.
"Totoo naman," sagot ni Nica. "Pati pa
naman iyon, pagselosan mo?"
"Hindi mo lang alam ang nararamdaman ko
dahil wala ka namang pinagseselosan sa
akin!" madamdaming sabi ni Gab.
"Wala ba? Hindi mo lang alam, Gab!
Natatakot din ako na baka magbago ka.
Natatakot din ako na baka iwan mo ako para
sa iba pero hindi ko ipinapakita dahil may
tiwala ako sa 'yo! Naniniwala ako na
panindigan mo ang ipinangako mo dahil
alam kong mahal mo ako!" Naiiyak na sabi ni
Nica at tinalikuran ang kasintahan.
"Thabz!" ani Gab at hinabol si Nica na
malapit na sa kuwarto saka niyakap mula sa
likuran. "Sorry."
"Ba't ka ganiyan? Iyon na nga lang ang
remembrance namin ni Luis e," sumbat ni
Nica. Naramdaman niya ang paghigpit ng
pagkayakap ni Gab sa bewang niya habang
hawak pa rin ng kanang kamay ang mga
rosas na ibinalik niya.
"N-Nagseselos kasi ako dahil wala tayong
picture noon. Ang labas kasi, parang si Luis
ang first love mo at sampid lang ako," pag-
amin ni Gab. Humarap si Nica sa binata pero
hindi pa rin nito tinatanggal ang mga kamay
sa bewang niya.
"Psh! Hindi totoo iyon. Kahit na wala tayong
litrato, nakaukit ka pa rin at alaala natin sa
puso ko, Gabriel Vince Lacson."
Paunti-unting napunit ang mga labi ni Gab.
"T-Talaga, thabz?" masayang tanong ni Gab.
Tumango si Nica. Hindi na niya ipaalam na
ang panlalait na alaala iyon dahil baka mag-
alburoto na naman si Gab. Okay, may
pagka-possesive si Gab pero minsan lang
naman. Minsan, gusto niya at kinikilig siya
pero minsan, naiirita na rin siya.
"Oo," sagot ni Nica at tinanggal ang mga
kamay ni Gab. "Teka lang, magbibihis lang
ako para makaalis na tayo."
"Teka? Sina Tito?" tanong ni Gab nang
makapasok na si Nica sa kuwarto nito.
"Umalis," sagot ni Nica at isinara ang pinto.
"Damn! Thabz? Papasok ako sa kuwarto
mo," nanghihinayang na sabi ni Gab pero
hindi na sumagot pa si Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon