MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 36
Unedited...
"Hindi mo ba talaga naiintindihan si Nica?
Gab naman, buksan mo nga ang isipan mo!"
Tumaas na ang boses ni Luis dahil
napapagod na ri siya sa pagpapaliwanag sa
kakambal. "Kaya lang niya nagawa iyon para
sa 'yo. Ipinaalam ko sa kaniya ang lahat ng
nangyari sa 'yo sa Japan--"
"Tama na, Luis! Nakakapagod ka na! Paulit-
ulit na lang!" nakasimangot na sabi ni Gab
habang nagthre-threadmill. Nasa mini gym
sila ng mansion at nakagawian nang every
Saturday morning ay nandito sila. Hindi
kagaya ng dati, si Luis lang ang gumagamit
nitong gym.
"Ano ba talaga ang ikinagalit mo kay Nica?"
"Lahat ng sinabi at ginawa niya!" sagot ni
Gab. Kahapon, nag-confess si Nica sa kaniya
pero hindi niya alam kung papaniwalaan niya
ito.
"Psh! Ang hirap mong paintindihin!"
"Kung talagang mahal niya ako, Gab, dapat
noong mataba pa niya inamin sa akin na
mahal niya ako! Bakit ngayon lang? Dahil
katawan at mukha pa rin ang basehan ng
pagmamahal niya!" galit na sabi ni Gab.
"Isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba
si Nica?" seryosong tanong ni Luis at tumigil
sa pagthre-threadmill saka naupo at
pinanood ang kakambal na puno na ng
pawis. Aminado siyang malaki ang
pinagbago ni Gab lalo na sa pisikal na anyo.
Ganoon pa rin naman ito sa kanila 'liban na
lang kay Nica.
"Hindi na," sagot ni Gab. "Marami nang
babae sa paligid ko na mas higit pa kaysa sa
kaniya. Nandiyan si Sheryl, alam kong virgin
pa siya. Isa pa, siya naman talaga ang unang
niligawan ko."
"Sheryl..." ulit ni Luis. "Hindi ba't siya rin
ang unang babaeng binasted ka dahil sa
katabaan mo?"
"Iba si Sheryl kaysa kay Nica. May
pagkamaldita man si Sheryl pero at least
alam kong totoo siya. Una pa lang, inamin
na niyang ayaw niya sa akin dahil mataba
ako at wala akong nakitang mali roon."
"Bakit mo ikukumpara si Sheryl kay Nica
kung magkaiba naman pala sila? Gab? Mahal
ka ni Nica noon pa," sabi ni Luis kaya tumigil
si Gab at pinahidan ng puting towel na nasa
balikat ang pawis. Kinuha niya ang mineral
water at uminom ng kaunting tubig.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Gab.
"Naalala mo pa ba noong bata pa tayo?
Iyong sabi kong crush ko?" tanong ni Luis.
"So?" tanong ni Gab.
Nagsimulang nagkuwento si Luis nang
nangyari noon sa Children's Park lalo na
nang inamin ni Nica na crush nito si Luis.
Tinatamad na naupo si Gab sa tabi ni Luis at
naikuyom ang kamao. "Gusto pala ako noon
ni Nica? Dahil payat ako. Pero nang
nagkabaliktad ang mundo, ginamit niya iyon
lara makaganti sa akin. Para saktan ako,
great!"
Napanganga si Luis sa tinuran ng kakambal.
Sa pagkapikon ay tumayo siya at malakas na
sinuntok si Gab kaya natumba ito kasama
ang silyang inuupuan.
"Wala ka na bang maisip tungkol kay Nica
kundi negatibo lang?" galit na sabi niya pero
nasipa siya ni Gab sa kanang binti kaya
napaupo rin siya at napahawak sa binti dahil
sa sakit.
"Gago ka pala e! Tapos na kami ni Nica at
hindi ko na siya mahal! Pareho naming
sinaktan ang isa't isa kaya patas lang!" sigaw
ni Gab at humulmang sisipain ang kakambal
pero kaagad na bumukas ang pinto.
"Ituloy mo 'yan at kamao ko ang hahatol sa
inyo!" galit na pagbabanta ni GV sa mga
anak kaya mabilis na umayos ang dalawa.
Bumangon si Luis at lumapit sa ina.
"S-Sorry, Mom," sabay na paumanhin ng
dalawa.
"Ano ang problema at nagsisigawan kayo?"
seryosong tanong ni GV na palipat-lipat ang
mga mata sa dalawa. "Gusto ninyong
magsakitan pisikal? Tumayo kayo sa harapan
ko!"
"Okay na po kami," sabi ni Luis at
pinandilatan si Gab.
"Opo, okay na kami ni Luis."
Niyaya sila ng ina para maupo sa sitting
room na kung saan, nandoon si Lance
Leonard na nagla-laptop.
Nag-open forum silang apat at sinabi kung
ano ang pinag-aawayan at pino-problema.
"Matagal na po iyon, Mommy. Wala na po,"
tanggi ni Luis matapos tanungin ng ina kung
may gusto pa ba siya kay Nica.
"Asus... Lokohin mo sila pero huwag ako,
Luis. May gusto ka naman pala kay Nica, e
di siya ang pormahan mo!" sabat ni Gab
kaya masakit na tinitigan siya ng ina.
"May naalala ako sa sitwasyong 'to e,"
nakangising sabi ni LL at napasulyap kay GV.
"Iyong pareho kayong may gusto ng kapatid
mo pero isa lang ang gusto niya sainyo--
aray!" Daing niya matapos kurutin ni GV sa
hita. "Anak ng--masakit! Pasalamat ka,
mahal kita, mine."
"Hindi ka nakakatulong, Lance Leonard!
Umalis ka nga sa harapan naming tatlo! Wala
kang silbing ama!" pagtataboy ni GV.
"Ganiyan ka na lang palagi sa akin. Hindi
porket mahal kita, abusuhin mo na ako!
Ipagpatuloy mo pa 'yan, iiwan na talaga
kita!" sumbat ni LL kaya napa-poker face si
GV.
"Iwan mo kami? Ba't hindi mo pa gawin
ngayon, Lance Leonard!" pagtatray ni GV
kaya napa-facepalm na lang ang kambal
nilang anak.
"G-Grabe ka naman, mine. Iwan ko kayo kasi
magsho-shopping ako. Kailangan mo ng
bagong damit at nighties," sagot ni LL at
napakamot na lang sa batok pero hindi na
siya pinakinggan ni GV. Bakit ba kapag nasa
harapan sila ng mga anak, ganito kasungit si
GV? Pero kapag silang dalawa na lang, ang
bait-bait e. Ang gulo. Pero masaya naman
siya dahil may times na napapagalitan din
niya ang asawa kapag sumusobra na ito.
"Mabalik tayo sa inyong dalawa," sabi ni GV
at muling hinarap ang mga anak. "Kung
hindi na talaga mahal ni Gab si Nica, hayaan
mo na siya, Luis. Ikaw naman, Gab,
pabayaan mo na si Nica. Nagsisi na nga ang
tao e."
Naayos naman ng kambal ang gusot sa
kanila at nangako si Luis na hindi na niya
kukulitin pa si Gab tungkol kay Nica pero
walang iniwang pangako si Gab. Ang sabi
lang nito, susubukan niyang iwasan si Nica
para wala nang ulo.
Tumayo si LL kaya napatingin ang tatlo sa
kaniya.
"Saan ka pupunta, Lance Leonard?" tanong
ni GV.
"May pupuntahan lang, hindi naman yata ako
kailangan sa pamilyang ito. Kaya mo na
yata, mine," malungkot na sagot ni LL. Ne
hindi man lang siya pinapansin at
pinapakinggan ng mag-ina niya.
Napabuntonghininga si GV saka tumayo at
sinundan ang asawa sa kuwarto nila.
"Galit ka?" tanong ni GV pero hindi sumagot
si LL. Nahiga ito sa kama at napatingala sa
kisame.
"Alam kong nagtatampo ka, gusto ko lang
humingi ng pasensiya, mine. Sorry na. Kasi
naman, binabalik mo ang nakaraan," pahingi
ng patawad ni GV at nahiga sa tabi ng
asawa tapos niyakap ito.
"Naalala ko lang naman. Wala naman
sigurong masama kung sambitin ko? Isa pa,
pinaghirapan din naman kitang makuha, ah!"
nagtatampong sagot ni LL. Napasiksik si GV
sa dibdib niya kaya niyakap niya ito.
"Sorry kung sumobra na naman ako, mine.
Pero alam mong mahal naman talaga kita,
'di ba?" paglalambing ni GV.
"Mahal kita, mine. Mahal ko kayong pamilya
ko," sabi ni LL at yumuko para halikan ang
malambot at mainit na mga labi ng asawa.
Parang kailan lang, silang quadruplets pa
noon ang bida sa CTU.
---------------------
"Sino ang sumira sa tarpaulin natin?" tanong
ni Gab. University Week nila ngayon at may
pinakabit siyang tarpaulin para sa grupo nila.
By department na naman ang labanan
ngayon. Pero pagdating niya, napunit na
ang tarpaulin nila. Ke aga-aga, sinisira nila
ang modo niya.
"Ang HRM department," sumbong ng isang
kasama niya.
"Saan sila ngayon?" salubong ang kilay na
tanong ni Gab.
"Nasa Anndy's hall," sabat ni Romolo na
kaklase nila.
Tumalikod si Gab at dumiretso sa Anndy's
hall. Nang malapit na siya sa mga HRM
team, sinipa niya ang upuan kaya napatingin
ang grupo sa kaniya.
"Sino ang nagpunit ng tarp namin?"
Dumadagundong ang boses na tanong ni
Gabriele Vince kaya nagkatinginan ang mga
ito, clueless.
"Uulitin ko, sino ang walang hiyang
nagsabotahe ng tarpaulin namin?" ulit niya
na kulang na lang ay hagisan ng bomba ang
HRM students.
"A-Ako," sagot ni Sunny na nakataas ang
kamay kaya lahat sila ay napatingin kay
Sunny. "Sorry pero hindi ko naman
sinasadya. Actually, nakausap ko na si Luis
dahil nagpagaw ako ulit pero after thirty
minutes pa raw matapos."
Naglaro kasi sila ng softball kahapon pero
sa tarpaulin nina Gab tumama ang bola
matapos niyang matamaan ang softball.
"Huwag na!" sabi ni Gab at tumalikod pero
bago pa siya makahakbang palayo, nasa
likuran niya si Nica na kakarating lang at
nagtataka kung ano ang nangyari.
"Ngayon ka lang? Hindi ba't alas siyete ang
call time?" tanong ni Gab na napatingin sa
relo. Alas otso na.
"Traffic lang," sagot ni Nica at napayuko
dahil sa kanila na ang mga mata ng
teammates niya.
"May kinalaman ka rin ba sa pagkapunit ng
tarpaulin namin?" nagdududang tanong ni
Gab.
"P-Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ni
Nica.
"Nagtatanong lang. Baka kasi magkasama
kayo ni Sunny sa pagsabotahe ng tarp
namin," sagot ni Gab.
"Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa
akin, Gab?" pagalit na tanong ni Nica.
Uminit bigla ang ulo niya sa paratang ni
Gab.
"Nagtatanong lang ako, Nica!" napa-smirk si
Gab, "ano ang masama roon? Unless, guilty
ka?"
Napakagat si Nica sa ibabang labi at
nagbabaga ang mga matang tinitigan si Gab.
"Kung may masama man sa ating dalawa,
hindi ba't ang nag-iisip ng masama sa iba?"
taas noong tanong ni Nica kaya napasinghap
ang mga nakarinig sa kanila.
"Sinasabi mo bang ako ang masama sa ating
dalawa, Nica?"
"Wala akong sinabi, Gabriel Vince! Bakit?
Hindi ba?" tanong ni Nica na ikinagulat ni
Gab. Dalawang beses na niyang nakitang
ganito si Nica manalita. Una, noong
ininsulto siya dahil sa katabaan at ngayon
naman.
"Lumabas din ang tunay na kulay mo, Nica!"
galit na sabi ni Gab.
"Wala akong pakialam! Kung palagi mong
isipin na ganoon ako kasama, bahala ka sa
buhay mo! Pero Gab, paulit-ulit kong
sasabihin sa 'yo na wala kang puso, Gabriel
Vince Lacson!"
"How dare you!" galit na sabi ni Gab at
mahigpit na hinawakan si Nica sa kanang
braso. "Huwag mong sagarin ang pasensiya
ko kung ayaw mong masipa sa paaralang
ito!" pagbabanta ni Gab. Bahala na kung
magsigawan sila ni Nica sa harap ng
maraming tao.
"Pagod na ako! Mas mainam pang ipa-
kickout mo ako kung sa bawat pagsalubong
natin, pagkamuhi ang nakikita ko sa mga
mata mo!" matapang na sagot ni Nica.
"Huwag kang mag-alala, aalis na ako sa
paaralang ito next semester para hindi ko na
makita ang suplado at may makitid na utak
kagaya mo!"
Napanganga ang mga nakarinig. Nagtagis
ang bagang ni Gab at uminit ang ulo niya sa
sinabi ni Nica.
"Nica? Tama na," malumanay na saway ni
Sunny nang lapitan si Nica at hinawakan ang
kanang kamay ng kaibigan.
"Sino ka para pagsabihan ang kakambal ko
ng ganiyan?" singhal na tanong ni Luis na
papalapit sa kanila.
Napayuko si Nica. Hindi na siya
nakapagtimpi at nasagot niya si Gab.
"L-Luis," nahihiyang sambit ni Nica.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!
Hindi porket minsan ka nang niligawan ni
Gab, basta-basta mo na lang siya insultuhin
sa harap ng maraming tao! Tandaan mo,
kami pa rin ang may-ari ng paaralang
pinapasukan mo!" Marami ang natutuwa sa
nangyayari.
"Huwag kang makialam, Luis!" saway ni Gab
sa kakambal.
"Hindi Gab! Dapat lang malaman ni Nica na
isa na lang siyang basura sa buhay mo!" galit
na sabi ni Luis na malapit na kay Nica.
"Will you--" Gab.
Hindi na natuloy ni Gab ang sasabihin nang
idinikit ni Luis ang death note sa noo ni
Nica.
"L-Luis?" nagtatanong ang mga matang
wika ni Sunny habang nakatitig sa madilim
na mukha ng binata pero nang hindi
nagbago ang facial expression nito,
hinigpitan niya ang pagkapit sa kamay ng
kaibigan. "N-Nica? Takbo!" sigaw ni Sunny
at hinila si Nica palayo sa mga estudyanteng
palapit na sa kanila.
"Pakisarado ng gate, make sure na hindi siya
makalabas ng CTU sa buong araw!" utos ni
Luis sa mga miyembro ng Alpha Sigma Rho.
Tinapik niya ang balikat ni Gab na hindi
kumikilos pero nagtatagis ang bagang dahil
sa galit. "Ako na mismo ang gumawa no'n
para sa 'yo, Gab. Huwag kang mag-alala,
ang mga taga CTU na ang bahalang
humusga kay Nica!"A/n;
Nai-imagine n'yo ba ang nai-imagine ko,
B1? Hahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/323382652-288-k778335.jpg)