MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 50
Unedited....
"Salamat at dumalo kayo," nakangiting pasalamat ni Sheryl at humalik sa pisngi ni Gab matapos abutin ang regalong ibinibigay ng binata.
"Oo naman," nakangiting sagot ni Gab at inakbayan si Nica nang kurutin siya nito sa tagiliran. "Sheryl? Maupo na kami, pagod na ako e."
"Sure. Maghanap na lang kayo ng table dahil aasikasuhin ko pa ang ibang bisita," sabi ni Sheryl na maganda sa suot na cocktail dress.
"Thabz? Halika na," yaya ni Gab at hinawakan ang kamay ni Nica pero agad na hinila ni Nica ang kamay kaya napakamot na lang si Gab sa ulo.
"Gab!" tawag ng magandang babae na nakaupo sa isang mesa kasama ang mga kaibigan.
"Tita Hael!" bulalas ni Gab at hinila si Nica palapit sa asawa ng Tito Jacob niya. "Nasaan na po si Tito Jacob?" tanong niya.
"Naiwan sa bahay kasama ang pinsan mo," sagot ni Hael at napatingin kay Nica. "Oh? Ang ganda mo naman, hija. You must be Nica."
"Yes po," nakangiting sagot ni Nica.
"I'm Hael, asawa ng kapatid ng ama ni Gabriel," pagpakilala ni Hael saka inilahad ang kamay.
"Pleased to meet you po," magalang na wika ni Nica. Ang ganda nito, parang magkaedad lang sila. Ganito ba ang mga Lacson? Ang gaganda ng mga babae nila.
"Dito na kayo maupo," offer ni Hael kaya pumayag ang magkasintahan. Napatingin si Nica sa dalawang babaeng dumating na halos magkamukha. Ipinakilala siya ni Gab kina Jaff at Jaffy.
"Pansin ko, puro kayo kambal," bulong ni Nica. Magkambal pala sina Jaff at Jaffy. Si Jaffy ay asawa ng kapatid ng ama ni Gab.
"Oo, kapag tayo ang magka-baby, kambal din," bulong ni Gab at pinisil ang kamay ni Nica na nasa ilalim ng mesa.
"Kayo na ni Sheryl ang mag-anak ng kambal!" nakasimangot na sabi ni Nica na ikinangiti ni Gab.
"Masaya," ani Gab kaya napatingin si Nica sa kaniya.
"Masaya? Masaya pala na magkaanak ka sa kaniya? E di kayo na!" pabulong na sabi ni Nica. Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Gab sa bewang niya at inilapit ang bibig malapit sa tainga niya.
"Masaya kasi alam kong nagseselos ka," bulong ni Gab.
"Hindi ako nagseselos!" tanggi ni Nica.
"Selos ka eh," tukso pa ni Gab at pinisil ang babyfats ni Nica sa bewang.
"Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang anakan ko, thabz," nakangiting bulong ni Gab.
"Anakan mo mukha mo!" ani Nica kaya lumapad ang ngiti ni Gab.
"Aanakan kita at magiging kamukha ko ang mga anak natin," giit ni Gab. Mas lalong gumaganda si Nica kapag magselos. Iginala niya ang mga mata sa paligid, wala na siyang makita pang mas maganda sa babaeng katabi niya ngayon.
Tumahimik si Nica at hindi na nakipagtalo pa kay Gab.
"Gab?" tawag ni Jaffy kaya napatingin ang magkasintahan sa kaniya.
"Bakit po, Tita Jaffy?"
"Pansin ko, tumaba ka," puna ni Jaffy.
"Oo nga," segunda ni Hael. "Bagay sa 'yo na ganiyan kaysa sa huling pagkikita natin na ang payat mo."
"Magaling lang po mag-alaga si Nica," nakangiting sagot ni Gab at napasulyap sa katabing kasintahan.
"Naku Nica, masarap ka bang magluto? Dapat na alagaan mo si Gab, dahil malakas pa naman 'yan kumain," nakangiting sabi ni Jaffy. Naalala niya noong mataba pa ito, ang isang kain ni Gab, pang one week na yata niyang kain. Ayaw pa nitong magpasaway sa kanila.
"Masarap naman po siyang magluto kaysa kay Lola Ann," si Gab na ang sumagot kaya tumawa ang tatlong ginang sa harapan nila.
"Sumbong kita kay Lola Ann," bulong ni Nica.
"Secret lang natin 'yon, thabz," bulong ni Gab. Hindi pa na-discover ni Nica ang luto ng Lola Ann nila.
Hindi pa tapos ang party nang nagyaya si Gab na umuwi na dahil pinapapunta sila ng Lola Ann niya sa mansion para sa family dinner.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay, ang iyak ng Tito Jacob nila ang sumalubong sa kanila.
"Hindi ka titigil?" tanong ni Lee Patrick at malakas na inihagis ang hawak na throw pillow sa mukha ng kapatid na namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.
"H-Hindi lang kasi ninyo alam kung gaano kasakit ang iniwan," humihikbing sabi ni Jacob.
"Umuwi ka na, letse ka!" pagmumura ni Lance Leonard.
"H-Hanapin muna natin ang a-asawa ko," pakiusap ni John Jacob.
"Umuwi ka na, pauwi na si Hael. Palibhasa tulog ka lang nang tulog!" pagtataboy ni John Matthew. Kakatawag lang niya kay Jaffy at magkasama raw sila ni Hael sa isang birthday party.
"A-Alam mo kung saan ang asawa ko?" Muling nabuhayang tanong ni Jacob.
"Magkasama po kami kanina sa birthday party ni Sheryl, Tito Jacob. Pauwi na rin siya. Si Tita Jaffy na ang maghahatid sa kaniya," sabat ni Gab na hawak ang kamay ni Nica. Minsan lang magkikita ang quadruplets at madalas ay umiiyak ang Tito Jacob niya. Palagi na lang kasing wala ang Tita Hael nila sa bahay. Palibhasa tulog mantika ito kaya hindi na ginigising ni Hael kapag umalis dahil alam nitong pagod na pagod.
"Maglagay kasi kayo ng note sa ref o sa pinto kapag umalis si Hael," suhestiyon ni John Matthew.
"May nakalagay naman sa pinto pero hindi niya sinabi kung saang birthday party siya pupunta," sagot ni Jacob kaya napa-poker face na lang ang tatlo niyang ka-quadruplets.
"Kain na tayo!" masayang yaya ni Ann sa mga anak. "Ako ang nagluto."
"Mom? Uwi na po ako, bumalik na po ang asawa ko," masiglang paalam ni John Jacob at nagmamadaling lumabas.
"Mom? Kailangan ko pong puntahan si Jaffy, baka may makalaban na naman siya. Alam mo naman, palaban siya."
"Naku, bilisan mo na," natarantang sabi ni Ann kaya tumakbo na palabas si John Matthew.
"Back-up, Mom," sabi ni Lee Patrick at sinundan si John Matthew.
"Saan ka pupunta, Lance Leonard?" tanong ni Ann sa natirang anak.
"P-Pinapauwi na po ako ni GV, sasapakin daw niya ako kapag wala pa ako sa bahay after fifteen minutes," sagot ni LL at hindi na hinintay ang sagot ng ina.
"Kain na tayo, Nica," nakangiting yaya ni Ann. "Alam kong pupunta ka kaya nagluto ako ng espesyal na ulam para sa 'yo. Masarap ang specialty kong beefsteak." Pagmamayabang ni Ann kaya napalunok ng laway si Gab.
"Sige po," excited na sabi ni Nica.
"Thabz? Uwi na lang tayo," pabulong na yaya ni Gab na kulang na lang ay buhatin ang kasintahan palabas ng mansion ng lolo't lola niya.
"Ano ka ba, naghanda siya para sa atin kaya halika na," yaya ni Nica at hinila si Gab papasok sa dining room.
"Oh? Kumakain ka na pala, baby?" ani Ann kay Dylan na kumakain na.
"Actually, tapos na akong kumain. Pasensiya ka na, Nica, kanina pa kasi ako nagutom," paumanhin ni Dylan saka tumayo matapos inumin ang tubig.
"Okay lang po," nakangiting sabi ni Nica at inilapit ang katawan kay Gab. "Thabz? Ayaw ba nilang makasama tayo sa pagkain?" naiiyak na tanong ni Nica.
"H-Hindi ganiyan," nahihiyang sagot ni Gab at hinila ang isang silya saka pinaupo si Nica. "Basta, malalaman mo rin mamaya."
Naupo na silang tatlo at nagsimulang kumain.
"Nica? Hija? Kain ka ng beefsteak ko, para talaga sa 'yo 'yan," nakangiting alok ni Ann kaya inabot ni Nica ang plato dahil mukha pa lang, masarap na ang beefsteak nito. Naaamoy na nga niya ang masarap na lasa ng beefsteak ng lola ni Gab.
Isinubo ni Nica ang isang piraso ng karne. Napatingin siya kay Gab pero hindi gumagalaw ang bibig.
"Kumusta ang luto ko? Masarap ba?" tanong ni Ann kaya wala sa sariling tumango si Nica na hindi alam kung iluluwa ang beefsteak o lunukin. Partida isang piraso pa lang ang nasa bibig niya.
"Tubig, thabz," alok ni Gab kaya agad na inabot ni Nica ang baso na may lamang tubig.
--------------------
"Pasensiya ka na sa luto ni Lola Ann, minsan lang naman siya magluto kapag may espesyal na bisita," paumanhin ni Gab.
Tatawa-tawa si Nica dahil sa naranasan kanina. "Okay lang, nabusog naman ako, thabz,"sagot ng dalaga. Totoong nabusog siya. Sa isang karne, nakalimang subo yata siya ng kanin.
"Ngayon alam mo na kung bakit lumayas sina Daddy," ani Gab at niyakap ang dalagang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. "Hindi ka ba takot sa kidlat?"
Isinara niya ang kurtina dahil malakas ang ulan sa labas kaya hindi sila makauwi. Nasa kuwarto sila ni Gab ng mansion.
"Hindi naman dahil alam kong nandito ka," sagot ni Nica na hinayaan lang si Gab na yakapin siya nang sobrang higpit.
"Mahal kita, thabz," bulong ni Gab at hinalikan ang makinis na leeg ni Nica.
"I love you too," sagot ni Nica.
"Thabz? Gusto mo maglugaw?" tanong ni Gab.
"Busog pa ako," sagot ni Nica.
"Sure ka? Kukuha ako sa baba, nagluto si Manang," ani Gab.
"Bahala ka," sagot ni Nica. Lumayo si Gab sa kaniya.
"Bababa lang ako, kukuha ako ng lugaw para may makain tayo," paalam ni Gab saka lumabas na. Napabuntonghininga si Nica at muling sumilip sa labas. Sana ay tumila na ang ulan para makauwi na sila. May tiwala siya kay Gab pero sa sarili niya? Hindi siya sigurado.