22

1K 44 1
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...
"Sumama ka na sa bahay, gusto kang makita
ni Mommy," yaya ni Gab kay Nica.
"Ayaw ko, nahihiya ako," tanggi ni Nica.
Kagabi pa ito text nang text na sumama siya
sa bahay nito.
"Sige na," pangungulit ni Gab. "Kahit one
hour lang."
"Papagalitan ako ni Papa," nakasimangot na
sabi ni Nica. Second semester na at birthday
pa niya ngayon pero hindi alam ni Gab.
"Hindi ba talaga puwede?" tanong ni Gab.
"Hindi," sagot ni Nica at todo iling pa.
Napasimangot siya. Nangako itong
magbabawas ng timbang last sem break
kahit 2kgs lang pero sa halip na bumawas,
nadagdagan pa ito ng tatlong kilo. Paano,
kain lang nang kain ang ginagawa nito.
"Galit ka ba dahil hindi ako pumayat?"
tanong ni Gab.
"Sarili mo 'yan kaya bahala ka da buhay mo.
Ang akin lang naman, gusto ko na maging
healthy ka at maranasan mo naman ang
maglakad nang mabilis. Alam mo namang
mataba ka, 'di ba? Sana tulungan mo rin ang
sarili mo!" sabi ni Nica.
"Pero hindi ko nga ka--"
"Hindi mo kaya! Hindi mo kaya! Puro na lang
hindi mo kaya! Hindi ko hinihingi na
pumayat ka nang sobra. Kahit na ganiyan ka
na, pero huwag ka namang tumaba pa!"
naiinis na sabi ni Nica. "Madali kang
magkakasakit kapag tumatanda ka na niyan!
Sa ngayon, wala ka pang problema dahil
bata ka pa! Pero Gab naman, pakidisiplina
ng sarili mo!"
Natahimik si Gab at malungkot na nakatingin
kay Nica. Oo na't nangako siya at hindi niya
natupad iyon. Kasalanan talaga ng pagkain
dahil masarap sila. Paano, sa bahay lang siya
at wala siyang ginagawa kundi lumamon
nang lumamon.
"S-Sorry na, Nica. Pangako, makapagbawas
ako ng timbang ngayong buwan," pangako
niya at hinawakan ang dalaga sa kanang
kamay. "Huwag ka nang magtampo,
tutuparin ko na ang pangako ko sa 'yo. May
two months pa naman ako."
Mas lalong sumimangot si Nica. "Two
months? Gab naman? Sa nalalabing two
months mo, December pa?" bulalas ni Nica
kaya natigilan si Gab. Pagkasabi ni Nica na
December, lechon na may apple kaagad ang
nakikita niya sa diwa.
"K-Kaya 'yan," hindi siguradong sabi ni Gab.
Binawi ni Nica ang kamay saka naglakad
palabas sa tambayan nina Gab. Kanina pa
siya dapat na nakauwi pero ang kulit ni Gab.
"Nica? Sorry na. Punta ka na sa bahay
ngayon, miss ka na raw ni Mommy,"
pakiusap ni Gab at hinarangan si Nica sa
daan. Napa-poker face na lang si Nica. Kung
pumayag siya, baka pauwi na siya sa bahay
nila.
"Fine. Pero mabilis lang ako, okay?
Hinihintay ako nina Papa," pagpayag ni Nica
kaya napangiti si Gab.
"Sure, Nica. Mabilis lang talaga," masayang
sabi ni Gab at hinila na si Nica patungo sa
carpark. Sanay na rin ang mga estudyante sa
kanila na naghihilaan palagi.
Matapos ang ilang minuto, nasa mansion na
sila nina Gab.
"Marami ang pala ang mangga ninyo," puna
ni Nica na nakatingala sa indian mango na
puno ng bunga. Hindi pa season ng mangga
ngayon dahil ang ibang puno ay
namumulaklak pa lang.
"Oo. Gusto mo?" tanong ni Gab kaya
lumiwanag ang mukha ni Nica.
"Talaga? Sige!" masiglang sabi ni Nica at
hinayaan na lang si Gab na hawakan siya sa
kanang kamay papasok sa bahay nila.
"Nica!" nakangiting sabi ni GV nang makita
ang dalaga. Napasulyap siya sa kamay ng
dalawang naka-holdinghands pero hindi siya
nagpahalata dahil baka mahiya pa ang mga
ito. "Mabuti at napapayag ka ni Gab na
dumalaw."
"Oo nga po e," nakangiting sagot ni Nica at
humalik sa pisngi ni GV. "kumusta na po
kayo, Tita GV?"
"Okay lang," magiliw na sagot ni GV at
napatitig sa magandang mukha ni Nica.
Nakaramdam ng pagkailang si Nica sa titig
ng ina ni LL kaya napayuko siya.
"Halika, magmeryenda na tayo," yaya ni Gab.
"Pagkain lang palagi ang laman ng utak mo!"
wika ni LL na palapit sa kanila.
"Halina kayo," yaya ni GV. Kanina pa nila
hinihintay ang dalawa dahil sabi ni Gab, alas
dos sila darating.
"Halika na, Nica." Hinawakan niya sa bewang
ang dalaga saka iginiya papunta sa dining
room.
"Ang tagal ninyo!" reklamo ni Luis na nauna
nang kumain dahil natatakam siya sa luto sa
mesa.
"Nauna ka pa talaga sa amin kumain?" naiinis
na sabi ni Gab. Sarap dukutin ng pagkain sa
bibig ni Luis.
"Kanina pa kami nahihintay e!" reklamo ni
Luis at naupo na ang apat.
May spaghetti, salad, ice cream, mango
float at halos lahat ng dessert sa mesa pero
ang isa sa nakaagaw ng atensiyon ni Nica ay
ang three layers cake sa mesa.
"Teka lang, kanta muna tayo," pagpigil ni LL
sa mag-ina niya kaya pumaplakpak sila sabay
kanta habang nakatingin kay Nica.
"Happy birthday to you. Happy birthday to
you. Happy birthday, Happy birthday.
Happy birthday, Nica!"
Napatutop sa bibig si Nica habang
nakatingin sa magpamilya na kumakanta sa
kaniya ng happy birthday.
"G-Gab..." sambit niya nang tumigil ang
mga ito. Hinawakan ni Gab ang isang kamay
ni Nica na nasa ibabaw ng mesa saka pinisil.
"Hindi ko nakalimutan ang kaarawan mo,
Nica. Wala akong i-surprise sa 'yo kundi ito
lang. Ang i-celebrate ang birthday mo
kasama ang buong pamilya ko," sabi ni Gab
kaya napangiti si Nica.
"S-Salamat po sa inyo," magalang na
pasalamat ni Nica at humarap kay Gab na
nasa kanang bahagi niya. "Lalo na sa 'yo,
Gab."
"Wala iyon. Alam mo namang bahagi ka na
ng pamilya namin," nakangiting sagot ni LL.
Ang ganda ng daughter-in-law niya e.
"Kapag awayin ka nitong anak ko, isumbong
mo lang sa akin at ako mismo ang
bubugbog sa kaniya!"
Pasimpleng inabot ni LL ang ice crean at
inalok sa asawa. "Ice cream, mine. Masarap
'to sa mainit ang ulo." Pero hindi siya
pinansin ni GV at napatingin kina Gab at
Nica.
"Mabuti naman at sinagot mo si Gab kahit
na ganiyan siya kataba," wika ni GV.
Nagpapasalamat talaga siya na tanggap ni
Nica ang pagkatao ni Gab.
"H-Hindi pa ho niya ako sinasagot,"
nahihiyang sabat ni Gab at napasulyap kay
Nica. Damn, pahamak talaga ang mga
magulang niya. Baka isipin ni Nica,
sinasamantala niya ang pagkakataong
kasama niya ang pamilya niya o ang worse
ay baka isipin nitong ginagamit lang niya
ang mga magulang niya.
Ngumiti si Nica sa tatlong kaharap nila ni
Gab, "Mabait naman po si Gab."
"Pasensiya ka na, akala ko kasi, kayo na,"
paumanhin ni GV.
Kumain na sila habang nagkukuwentuhan at
pagkatapos ay nagpahinga muna sila sa
veranda pero si Luis ay nagpaalam na dahil
may date pa raw ito.
"Maiwan na muna namin kayo," paalam ni LL
at niyaya si GV na pumunta sa library dahil
magpapaturo siya tungkol sa pinaplano
nilang business.
"Ang astig naman ng mommy mo," puna ni
Nica nang silang dalawa na lang. Maganda
ang ina ni Gab pero minsan, napupuna niya
ang kilos nitong tigasin.
"Mahabang istorya," nakangiting sabi ni Gab.
At least, nagmamahalan ang mga magulang
nila. Madalas din kasing pasaway ang dad
niya kaya hindi mapigilang masapak talaga
bg kanilang ina.
"Gab? Pahinging mangga," nakalabing sabi ni
Nica nang mapasulyap sa mangga. Kanina pa
talaga hinihila ng puno ang mga mata niya.
Siguro magkakaroon na siya ng buwanang
daloy kaya gusto niyang kumain ng maaasim.
"Sige, pero walang aakyat," sabi ni Gab at
tumayo. Wala ang hardinero at driver nila
ngayon. Sumunod naman si Nica sa kaniya.
"Marunong akong umakyat," sabi ni Nica
nang tumingala sa itaas ng puno.
"Huwag na. Baka mabalian ka," sabi ni Gab
at kinuha ang hagdan. "Ako na ang aakyat."
"Huwag, baka mahulog ka," pagpigil ni Nica
matapos ayusin ang hagdan sa ilalim ng
puno.
"Matibay 'to kaya huwag kang mag-alala,"
sabi ni Gab.
"Gab naman, huwag na lang. Hindi na ako
kakain," sabi ni Nica. Paano kung mahulog si
Gab?
Sa totoo lang, ayaw naman talagang
umakyat ni Gab dahil hindi pa niya
nasubukan kung matibay nga ang hagdan
pero nang makita niya ang pagkadismaya sa
mga mata ni Nica sinikap niyang ipakitang
kaya niya. Huwag lang talaga bumigay ang
hagdan.
"G-Gab? Huwag na," pagpigil ni Nica at
mabilis na hinawakan ang hagdan ng
umakyat si Gab.
"Kaya ko 'to. Papakainin kita ng mangga,"
sabi ni Gab nang makaakyat na. Sinikap
niyang makaabot ng isang mangga.
"Tama na, okay na 'to," sabi ni Nica nang
masalo ang mangga.
"May dalawa pa. Maaabot ko 'to," sabi ni
Gab at sa abot ng makakaya, inabot niya
ang dalawa pang nasa malapit sa kaniya.
Hindi mapigilan ni Nica na mapangiti habang
nakatingala kay Gab. Kahit na natatakot siya,
hindi niya maiwasang humanga sa binata. Sa
wakas, nakaakyat na ang baboy sa punong
mangga.
"Thank you God!" bulalas ni Gab nang
makababa na at napatingin kay Nica na
hawak ang tatlong pirasong mangga.
"Salamat, Gab. Salamat sa surprise ninyo ng
family ko," pasalamat ni Nica.
"Wala iyon. Mahal ka ng pamilya ko kaya
mag-ieffort din sila dahil special day mo,"
sabi ni Gab at pinatalikod si Nica.
Napapaiksi ang dalaga nang maramdaman
ang malamig na bagay sa leeg.
"Huwag kang gumalaw," sabi ni Gab habang
inaayos ang silver necklace sa leeg ni Nica.
"Happy birthday, Nica. Sana magustuhan mo
itong regalo ko," bati ni Gab.
"G-Gab? Ang mahal nito," nahihiyang sabi ni
Nica habang nakahawak sa pendant ng silver
necklace na may black diamond na pendant.
"Walang diyamanteng kayang sapawan ang
kinang ng ganda mo, Nica," sabi ni Gab at
hinawakan si Nica sa magkabilang balikat
saka pinaharap sa kaniya.
"G-Gab..." naiilang na wika ni Nica.
"I love you, Nica. Gagawin ko ang lahat para
mahalin mo rin ako sa kabila nitong
katabaan ko," buong pusong sabi ni Gab at
nakipagtitigan kay Nica.
Nandito na naman, naba-blangko na naman
siya sa titig ni Gab.
"N-Nica..." sambit ni Gab at hinaplos ang
pisngi ng dalaga. Dahan-dahang bumaba
ang mukha ni Gab habang ang mga mata ay
sa mapupulang mga labi ng dalaga.
Napapikit si Nica nang maramdaman ang
mainit at malambot na mga labi ni Gab sa
mga labi niya. Hindi niya kayang kumilos.
"Ano ang ginagawa ninyo riyan?" tanong ni
GV kaya mabilis na nagkahiwalay ang
dalawa.
"Nagbo-body bonding," pabulong na sagot
ni Gab kaya napakunot ang noo ni Nica.
"Ano?" tanong ni GV dahil hindi klaro sa
pandinig niya ang isinagot ni Gab.
"N-Nagbo-bonding po. Isa pa, kumuha ako
ng mangga para kay Nica," napakamot sa
ulo na sagot ni Gab.
"Pasensiya na sa istorbo," paumanhin ni GV.
"Gusto ko pala ng mangga, Nica?"
"Opo, natatakam ako," sagot ni GV.
"Ako rin," ani GV. "Teka lang, magpapakuha
tayo."
Tinawag niya si LL na palabas ng mansion.
"Mine? Akyat mo kami ng mangga."
"Mine? Ang taas kaya," reklamo ni LL.
"Lintik ka! Si Gab nga, nakakuha ng bunga
sa laki ng katawan niya! Aakyat ka ba, o
hindi?" tanong ni GV at pinandilatan ang
asawa.
"Ang sabi ko, mataas ang puno pero aakyat
naman ako, mine!" sabi ni LL na napakamot
sa ulo. Wala siyang choice kundi umakyat ng
mangga.
"Nica," bulong ni Gab na nakahawak sa
kamay ng dalaga habang nakatingala sila kay
LL na paakyat na ng mangga. "I love you,"
dagdag niya kaya hindi na umimik pa si Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon