MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38
Unedited...
"Halika na," yaya ni Gab nang pumasok sa tambayan.
"S-Saan?" tanong ni Nica na tumayo at inilagay ang mga kamay sa likuran niya habang nakatitig kay Gab.
"Ihahatid na kita sa bahay ninyo, hindi safe ang lugar na ito sa 'yo sa araw na ito," tinatamad na sagot ni Gabriele.
Tumalikod si Gab at binuksan ang pinto kaya mabilis na sumunod si Nica sa kaniya. Paglabas nila, lahat ng taong nadadaanan ay napatingin sa kanila. Parang gusto nang lumubog ng dalaga pero kailangan niyang makalabas sa CTU bago pa siya kuyugin ulit ng mga ito.
May mga napatabi sa daan pero masama ang tingin sa kaniya lalo na ng mga babae. Malapit na sila sa parking lot nang tumigil si Gab sa paglalakad at lumingon sa kaniya.
"Puwede bang pakibilisan naman ng paglalakad? Ang bagal mo!" reklamo ni Gab kaya napasimangot si Nica. Akala mo, ang bilis maglakad noong mataba pa. Bakit siya noon, hinihintay naman niya ito kapag maglakad sila ah. "Huwag mo akong bigyan ng ganiyang mukha, Nica!"
"Fine," sagot ni Nica at tinalikuran si Gab pero maagap itong humawak sa kanang braso niya.
"At saan ka pupunta?" galit na tanonf ni Gab.
"L-Lalabas na. Mag-aabang ng taxi para makauwi na," sagot ng dalaga. Baka mamaya, isipin pa nitong close na sila at sumbatan na naman siya.
"Sino ang nagsabi sa 'yo ba mag-abang ka ng taxi sa labas?" Napakunot ang noo ng dalaga sa sinabi ni Gab. Binuksan ng binata ang pintuan sa front seat. "Sakay na, ihahatid na kita."
Hindi kumikibo si Nica. Nakatitig lang siya kay Gab na nasa pintuan ang kotse ang kaliwang kamay para hindi ito sumara. "What? Gusto mo, buhatin pa kita, Nica?"
"H-Ha? Hindi na," sagot ng dalaga saka lumapit sa sasakyan at sumakay, "Salam--" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng isara ni Gab ang pintuan. "Suplado!" bulong niya at napatingin sa unahan.
Umikot si Gab at sumakay sa driver's seat saka pinaandar ang kotse. Ito pa rin ang kotse na gamit niya noonc mataba pa siya kaya malaki na ang upuan nito sa kaniya.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Paminsan-minsan ay napapasulyap si Nica kay Gab na nagmamaneho. Aaminin niya, mas lalo itong naging guwapo kung sa pisikal na anyo ang pagbabasehan. But she wants the old Gab. Iyong kahit na mataba, eh, mabait sa kaniya.
"G-Gab?" tawag niya pero hindi lumingon o sumulyap ang binata sa kaniya. Naka-concentrate ito sa pagmamaneho. "Salamat sa pagligtas sa akin kanina. Kung hindi dahil sa 'yo, baka napahamak na ako."
"Maliit na bagay," tipid na sagot ni Gab at napasulyap kay Nica na nakangiti. "May nakakatawa ba? Ba't nakangiti ka?"
Humarap si Nica sa kaniya na nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi.
"Wala lang, masaya lang ako dahil hindi ko akalaing tulungan mo ako," sagot ni Nica kaya napabuntonghininga si Gab at tumigil nang magpula ang stoplight.
"Magpasalamat ka, pero huwag mo nang dagdagan pa ng ngiti! Walang dapat na ikatuwa!"
Itinikom ni Nica ang mga labi nang muling pinaandar ni Gab ang sasakyan nang mag-green light at sumeryoso. Ano ba ang mali kung ngingiti siya? Palibhasa bini-big deal nito ang lahat.
Hindi na ulit nagsalita si Nica at inaliw na lang ang sarili sa mga sasakyang nakakasabay nila kaya sobrang tahimik ng buong sasakyan.
"Huwag kang tumunog," pakiusap na bulong ni Nica sa tiyan. Pagtingin niya sa relo, ala una na pala at hindi pa siya kumakain. "Utang na loob, huwag kang tumunog. Malapit na tayo." Ito na lang ang paulit-ulit na panalangin niya. Wala pa naman siyang kain kaninang breakfast.
Krruukkk...
Napakagat siya sa ibabang labi at napasulyap kay Gab nang tumunog ang tiyan. Thanks God at wala itong imik. Sa unahan ang konsentrasyon nito kaya mukhang walang narinig. Bakit pa kasi tumutunog ang tiyan niya ngayon? Sana humapdi na lang, matitiis pa niya.
Ang ginagawa na lang niya ay humihinga nang malalim para hindi tumunog. Kung binuksan lang sana ni Gab ang stereo para kahit papano, may ingay naman at hindi maririnig ang nag-aalburuto niyang tiyan.
Tumigil ang sasakyan kaya napatingin siya kay Gab na tinatanggal ang seatbelt.
"M-May dadaanan ka ba? Lilipat na lang ako ng taxi," tanong ni Nica. Wala siyang dalang pera pero puwede naman niyang bayaran kapag nasa bahay na siya.
"Bumaba ka na," walang ganang sabi ni Gab kaya tinanggal ni Nica ang seatbelt. Salamat at pababain na siya ni Gab. Nahihirapan na rin naman siyang makasama ito, parang hindi siya makahinga. Kung dati ay sa katabaan siya nasisikipan, ngayon naman ay sa presensiya nitong negatibo.
"Salamat sa pag-- kyah!" Bigla na lang siyang hinatak ni Gab.
"G-Gab--"
"Hindi ako makapagpaneho sa maingay na tiyan mo!" seryosong sabi ni Gab at hinila na papasok sa seafood restaurant.
"S-Sorry," mahinang paumanhin ni Nica. Kaunti lang ang costumer dahil hindi na lunch time. Inihaw ng pusit, shrimp at smoked tuna ang in-order ni Gab.
"Kung naiingayan ka, sana uuwi--"
"Kumain ka na, Nica. Dami mong satsat!"
Palagi na lang siyang hindi pinapatapos ni Gab ng sasabihin. Kinuha niya ang kutsara at nilagyan ng kanina at ulam ang plato niya.
Naiilang siyang sumubo dahil kay Gab kaya kaunti lang siya kung kumain. Wala siyang pera kaya kung siya pagbayarin ni Gab, maghuhugas na lang siya ng pinggan mamaya.
"Puwede bang kumain ka nang maayos?" tanong ni Gab kaya napatingin si Nica sa binatang nakatitig sa kaniya. "Hindi ako makakain sa ikinikilos mo!"
"Ako nga rin e," ani Nica. "Hindi rin ako makakilos sa presensiya mo kaya sa bahay na lang ako kakain."
Inilapag ni Gab ang kutsara't tinidor at blangko ang mukhang tinitigan si Nica kaya hindi na talaga ito nakakain pa.
"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Nica.
"Bakit din?" baliktanong ni Gab kaya napayuko ang dalaga. Hindi sila magkakaunawaan ni Gab.
"Puwede bang ayusin mo ang kilos mo, Nica? Kanina ka pa ah!" Parang bata lang siya kung sawayin ni Gab.
"Eh kasi--"
"Ibabalik kita sa CTU, sige ka. May ilang oras pa silang pagpiyestahan ang katawan mo!" pagbabanta ni Gab na ikinasimangot ni Nica.
"Naiilang ako sa 'yo, Gab!" prangkang sabi ni Nica. Napansin niya ang pagkuyom nito ng kanang kamao na nasa ibabaw ng mesa.
"Pero hindi ka naman naiilang sa akin noon, ah!" ani Gab.
"Noon 'yon. Noong mataba ka pa at mabait," sagot ni Nica na mukhang hindi nagustuhan ni Gab dahil biglang dumilim ang mukha nito.
Muling hinawakan ni Gab ang kutsara't tinidor, "Kumain ka na, malamig na ang pagkain natin."
Walang nagawa si Nica kundi ang kumain. Masarap naman ang pagkain pero nawawalan pala ng lasa kapag hindi hindi niya gustong makasabay ang kaharap niya.
Napasulyap siya kay Gab na pinapahidan na ang bibig. Tapos na ba ito? Pero hindi pa sila nakakalahati.
"A-Ayaw mo na bang kumain?" tanong niya.
"Tapusin mo na at iuuwi na kita," sabi ni Gab at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag. "Hello, Sheryl?"
Napasimangot si Nica sa narinig at sunod-sunod na subo ang ginawa. "Yes, may pinuntahan lang ako," sagot ni Gab at napatingin kay Nica na magana nang kumain. "Kung may susundo sa'yo, magpasundo ka na lang, I'm busy, babe."
"Psh! Babe? Puwe!" bulong ni Nica at inubos na ang laman ng plato. Kahit walang ganang kumain, subo lang nang subo.
"'Kay, bye."
Tinapos na ni Gab ang tawag at pinagmasdan si Nica na malapit nang maubos ang kinakain.
"Hindi ka ba natatakot na tumaba?" curious na tanong ni Gab.
"I've been there. Okay lang na tumaba ako," walang ganang sagot ni Nica at ininom ang four season juice.
"I bet, gusto mo pa ring pumayat," wika ni Gab.
"Sino ba ang gustong tumaba? Pero who cares? At least alam ko kung sino ang totoong tao. Hindi iyong magugustuhan ka lang dahil maganda ang katawan mo!" sagot ni Nica at pinahidan ang mga labi ng tisyu.
"True," pagsang-ayon ni Gab.
"Ikaw Gab? Hindi ba't ayaw sa 'yo ni Sheryl? Bakit ngayon, kayo na?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Nica.
"That was before. Isa pa, mataba pa ako noon. At least naging honest siya at hindi nagkukunwari."
"Really? Paano kapag tumaba ka ulit? Sa tingin mo, hindi ka niya iiwan?" bulalas ni Nica at inayos ang pagkakaupo.
"That won't happen. Isa pa, problema ko na iyon at hayaan mong ako ang maghahanap ng solusyon," sagot ni Gab.
"Gusto ko nang umuwi, Gab. Busog na ako, salamat sa libreng pagkain." Binayaran naman ni Gab kaya umaasa siyang libre lang siya nito.
"Mabuti naman at kumain ka nang marami," nakangiting sabi ni Gab pero inirapan lang siya ni Nica.
Lumabas na sila at nang makasakay ay salubong ang mga kilay ni Nica na nakatingin sa labas ng bintana.
"Salamat sa pinagsasabi mo noon, Nica. Dahil sa 'yo, pumayat ako at nagkaroon ng maraming--"
"Kasintahan," mabilis na sabat ni Nica na nasa unahang kalsada ang mga mata.
"Kaibigan," dagdag ni Gab sa sinasabi niya kanina. "Nagkaroon na ako ng maraming kaibigan at nagawa ko na ang lahat ng gusto ko; bastketball, swimming, racing at kung anu-ano pang activities na ginagawa ng mga ka-age natin."
"Masaya ako para sa 'yo, Gab. Alam kong matagal mo nang minimithi ang pumayat at na-achieve mo iyon. Pero wala akong pakialam sa pasalamat mo! Sa 'yo na iyon!" pagsisinuplada ni Nica.
"Ba't ka galit?" tanong ni Gab at binusinahan ang nasa uhanang sasakyan dahil hindi pa umaalis.
"Just stating the fact, Gab. Wala akong pakialam sa pasalamat mo!" sagot ni Nica. Isaksak nito sa baga ang pasalamat na sinasabi niya.
"Bakit mo ginawa iyon, Nica?" seryosong tanong ni Gab na iniliko na ang sasakyan at binagalan ang pagpatakbo.
"Kapag sagutin kita ng tama, maniniwala ka ba? Hindi naman, 'di ba?"
"Try me," sagot ni Gab at napasulyap kay Nica.
"Hindi na iyon mahalaga, Gab. Pumayat ka na, may--" Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil alam niyang masasaktan siya kaya itinikom na lang ni Nica ang mga bibig.
"May?" ulit ni Gab.
"Wala," ani Nica at umayos sa pagkakaupo.
"May ano? Huwag mo akong bitinin, Nica Guttierez!" ani Gab na tumaas na ang boses.
"May Sheryl ka na!" singhal ni Nica na pinandilatan si Gab ng mga mata.
"Sheryl," ulit ni Gab at napasulyap kay Nica.
"Oo, may Sheryl ka na at marami pang iba!" ani Nica. Ang pait ng lalamunan niya e.
"Sabi mo, gusto mo si Thabz na mataba, 'di ba? Na ang baboy tingnan?" tanong ni Gabriel.
"Mataba lang siya pero mas guwapo siya sa 'yo!" sagot ni Nica at sinamaan ng tingin ang katabi.
"Paano naging guwapo si Thabz? Eh, ang taba niya tingnan? Guwapo ba 'yon? Eh, walang nagkakagusto sa kaniya?"
"Meron, hindi mo lang alam!" sagot ni Nica. "Ako! Gusto ko ang mataba at baboy na si Thabz."
"Ano ang nagustuhan mo sa kaniya, Nica?"
"Hindi siya kagaya sa 'yo, Gab," sagot ng dalaga kaya tumahimik si Gab.
Inihimpil ni Gab ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Nica.
"Salamat sa paghatid, Gab," pasalamat ni Nica saka tinanggal ang seatbelt at lumabas na. Lumabas na rin si Gab at napasandal sa sasakyan habang pinagmasdan ang dalagang palapit sa gate nila.
"Nica?" tawag ni Gabriel Vince kaya lumingon si Nica matapos buksan ang gate. Iniiwasan niyang mapatingin sa mga mata ni Gab dahil nasasaktan lang siya.
"Paminsan-minsan, dinadalaw ako ni Gab na mataba," wika ni Gabriel at tinitigan si Nica sa mga mata. "Iyong Gab na si Nica lang ang mahal niya."
Mapait na ngumiti si Nica. "Pakisabi sa kaniya na mula noon, si Thabz lang ang minahal ni Nica kaya nagawa ko siyang saktan, alang-alang sa kalusugan niya, Gab." Pumasok na si Nica sa loob ng bahay nila.