Finale

2.1K 60 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 54 ( FINALE )

Unedited...
"Masakit ang tiyan ko," reklamo ni Nica
matapos nilang kumain ni Gab sa tambayan
ng binata.
"Hala ka, buntis ka na thabz," pananakot ni
Gab kaya masamang nilingon siya ni Nica.
"Hindi ako buntis!" sabi ni Nica. Silang
dalawa lang ang nandito kaya maayos pa
ang pag-uusap nila.
"Buntis ka, nakalimutan ko yatang ihugot
last month," sabi ni Gab.
"Gab naman!" reklamo ni Nica at hinampas
sa balikat ang kasintahan.
"Biro lang, takot ka talagang mabuntis. May
ibang lalaki ka, ano?" Kunwari ay nagdududa
na tanong ni Gab.
"I hate you! Lalaki ka riyan! Ikaw nga ang
maraming babae eh!"
"Noong nanliligaw pa ako, ako ang seloso
pero ngayong tayo na, ikaw naman ang
selosa," napailing na sabi ni Gab. Panay kasi
ang paratang ni Nica na may babae siya.
"Bakit? Kasi girlfriend mo na ako kaya
nambabae ka na," nagtatampong sabi ni
Nica. Subukan lang ni Gab na lokohin siya
dahil puputulan talaga niya ito.
"My sweet Nica," bulong ni Gab at lumapit
sa dalaga saka hinapit ito sa bewang. "Ang
cute mo pero kapag magselos, daig mo pa
ang dragon kung bubuga ng apoy."
"Wala ba talaga? Subukan mo lang na
lokohin ako at hindi na talaga kita
papansinin habambuhay," pagbabanta ni
Nica. Matamis na ngumiti si Gab at mabilis
na ginawaran ng halik sa mga labi ang
kasintahan.
"Just stay like this. Gusto kong nagseselos
ka," bulong ni Gab at nakipagtitigan sa
dalaga.
"Gusto mo talagang pinapakulo ang dugo
ko?" nakasimangot na sabi ni Nica.
"Masarap kasi sa pakiramdam na nagseselos
ang thabz ko. Mas lalo akong nagiging
macho sa ginagawa mo," sagot ni Gab.
"Macho?" panunuya ni Nica. "Gab naman,
wala ka nang abs! Puro fats na lang ang
meron ka."
Napakamot si Gab sa ulo. Ang taba na niya.
No, chubby lang pala. Hindi naman ganoon
kataba kagaya ng dati dahil may sapat na
ehersisyo na sila ni Nica.
"At least masarap ako sa ibabas ng kama,"
pilyong sabi ni Gab at nakipag-nose to nose
sa dalaga. "Gusto mong patunayan ko sa
'yo, Nica Guttierez Lacson?"
"Hey!" sabi ni Nica at tinulak si Gab. "Hindi
na, napatunayan ko na."
"Kaya nga naadik ka na sa katawan ko eh,"
todo ngiti na sabi ni Gab at niyakap ang
nakatalikod na dalaga. Hindi siya
magsasawang yakapin si Nica kahit na
habambuhay pa.
"Adik ka na, Gab," sabi ni Nica at tinanggal
ang mga kamay ni Gab sa bewang niya.
"Adik sa 'yo," natatawang sabi ni Gab.
Bumukas ang pinto kaya mabilis na
naghiwalay ang dalawa.
"Para kayong mga tanga!" sabi ni Luis. Kahit
na hindi umaamin si Gab, alam na niya na
lumagpas na ang dalawa sa limitasyon nila
bilang magkasintahan.
"Pakialam mo? Inggit ka?" pagsisinuplado ni
Gab at inakbayan si Nica.
"Psh! May saltik na ang utak mo!" ani Luis.
"Baboy!"
"Ang lakas mong mang-asar! Abs lang ang
lamang mo sa akin!"
"At least ako may abs, ikaw wala," ani Luis.
"So? At least ako may Nica,"
pagmamayabang ni Gab.
"Tama na nga," saway ni Nica sa magkambal.
"Magsisimula na ang program, lamon pa rin
kayo nang lamon?" Hindi makapaniwalang
tanong ni Luis. Kanina pa niya hinahanap ang
dalawa para sa picture taking. Kahit ang
parents nila, labis na nag-aalala na dahil
baka nagtanan na ang mga ito.
"Okay, susunod na," pagsuko ni Gab at
hinila na si Nica palabas ng tambayan.
Graduation nila ngayon at busy ang lahat.
"Mabuti na lang dahil hindi ka tumigil sa
pag-aaral noong nasa Japan ka, thabz," sabi
ni Nica. Kahit na matindi ang pinagdaanan ni
Gabriel Vince sa Japan, hindi pa rin nito
pinabayaan ang pag-aaral.
"Oo naman, education is the key to success,
'ika nga," nakangiting sabi ni Gab.
Holdinghands sila habang naglalakad
patungo sa malaking auditorium.
Pagkapasok nila, bumungad ang maingay na
mga graduating students.
"Nakaka-proud lang tayo," sabi ni Nica.
"Proud ako sa sarili ko dahil hindi kita
nabuntis," bulong ni Gab kaya humaba ang
tainga ni Nica sa sinabi ni Gab.
"Ang bunganga mo!" saway ni Nica saka
kinurot sa tagiliran ang kasintahan.
"Ouch!" natatawang daing ni Gab at hinila
ang dalaga palapit sa mga magulang nila.
"Nandito na pala sila," sabi ni Ann nang
makita sila. "Apo? Congrats!"
"Salamat po, Lola Ann," masayang sabi ni
Gab at niyakap ang lola.
"Congrats, Nica," naiiyak na bati ni Isay sa
anak at niyakap si Nica.
"S-Salamat po," sabi ni Nica at niyakap ang
mga magulang.
"Tama na muna ang drama, pumila na tayo
dahil mag marcha na tayo," sabi ni Luis kaya
nagpaalam muna sila.
"G-Graduate na ang mga anak ko," naiiyak
na sabi ni Lance Leonard habang
pinagmamasdan ang kambal na anak habang
umaakyat sa entablado. Parang kahapon
lang, silang apat pa nina JM, Jacob at Lee
Patrick ang ga-gradutae tapos ang Mommy
at Dylan pa ang iiyak-iyak pero ngayon, sila
ni GV na ang nandito sa baba at proud sa
sarili na nakapagpatapos sila ng mga anak.
"Kaya nga proud ako sa 'yo dahil kahit na
ganito ka, responsable kang asawa at ama,
mine," sabi ni GV at inakbayan ang asawa.
Nang matapos ang ceremony, nilapitan ni
Nica ang mga magulang at inabot sa ama
ang diploma.
"K-Kagaya po ng pangako ko, nagkadiploma
na po ako, papa." Umiiyak na sabi ni Nica at
niyakap ang ama. Oo nga't lumampas sila ni
Gab sa limit pero hindi siya bumitiw sa
pangakong makapagtapos siya at
magkaroon ng diploma. Gusto niyang ibalik
ang lahat ng paghihirap ng mga magulang
niya noong iginagapang siya sa pag-aaral.
"S-Salamat, anak," pasalamat ni Cardo at
hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.
"M-Masaya ako para sa 'yo, Nica," ani Isay
at niyakap ang mag-ama niya. "Alam kong
makakaya mo dahil may tiwala ako sa 'yo."
Masaganang tumulo ang mga luha ni Nica.
Ang sarap sa pakiramdam na makita ang
mga magulang niya na masaya habang
hawak ang kaniyang diploma.
"S-Salamat po sa tiwala," luhaang sabi ni
Nica at hinigpitan ang pagkayakap sa mga
ito lalo na sa ama. Kahit na mahigpit ito,
binigyan pa rin siya ng kalayaan at tiwala
lalo na sa relasyon nila ni Gab.
Bestfriend!" tili ni Sunny na palapit sa kanila
at niyakap si Nica. "Graduate na tayo!"
"Oo nga," masayang sabi ni Nica at gumanti
sa yakap ng kaibigan.
"Wait lang, puntahan ko muna ang mommy
ko. Balika ako para magpa-picture tayo,"
paalam ni Sunny at tumakbo na nang makita
ang mga magulang.
Nagpa-picture sila sa umiikot na
photographer sa ibabaw ng stage. Ilang
sandali pa ay nagsibabaan ang mga
estudyante kaya napatabi sina Nica.
"Anak? Baka bawal magpa-picture?" bulong
ni Cardo dahil lahat ng tao ay sa kanila
nakatingin. Bababa na sana sina Nica nang
pigilan sila ng isang guro.
Biglang namatay ang lahat ng ilaw sa
auditorium kaya nataranta ang mga tao.
Biglang umilaw ang malaking screen sa
puting tela na nasa stage at lumabas ang
powerpoint video na "Perfect" ni Ed Sheeran
ang music background.
Nanlaki ang mga mata ni Nica nang makita
ang mukha sa video.
I found a love for me, 🎶
Darling, just dive right in and follow my lead
🎶
Well, I found a girl beautiful and sweet
Oh. I never knew you were 🎶
The someone waiting for me
'Cause we were just friends when we fell in
love 🎶
Not knowing what it was
I will not give you up this time 🎶
But darling, just kiss me slow 🎶
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Baby I'm dancing in the dark
With you between my arms 🎶
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When you said you looked a mess 🎶
I whispered underneath my breath but you
heard it darling.
You look perfect tonight 🎶
Napatutop si Nica habang nakatingin sa
video nila ni Gab. Nahihiya siya na hindi niya
maipaliwanag at the same time, nagtataka
kung bakit bigla na lang ito lumabas dahil
wala siyang matatandaang ganitong ginawa
nila ni Gab. Ang ibang litrato ay natutulog
siya at ang iba ay kumakain sila ni Gab.
Meron ding pictures na nagde-date sila ni
Gab na ang saya nila tingnan. Iyong
magkasintahan na walang magawa kundi ang
maging masaya at mag-enjoy habang
kasama nila ang isa't isa.
Well I found a woman stronger than anyone
I know. 🎶
She shares my dreams. 🎶
I hope that someday I'll share her home.
🎶
I found a love to carry more than just my
secrets.
To carry love. 🎶
To carry children of our own.🎶
We are still kids but we're so inlove
Fighting against all odds 🎶
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl. I'll be your man 🎶
I see my future in your eyes 🎶
Napatili ang lahat nang lumabas si Gab na
nakatoga mula sa backstage na may bitbit
na bouquet ng red roses at nakangiting
lumapit kay Nica.
"T-Thabz?" usal ni Nica habang nakatutok
ang mga mata kay Gab.
"Hi," nakangiting bati ni Gab nang tuluyang
makalapit sa kasintahan af mga magulang
nito.
"A-Ano ang ibig sabihin nito?" kinakabahang
tanong ni Nica. Nahihiya siya sa mga tao sa
paligid.
"Nica Guttierez!" seryosong sabi ni Gab at
nakipagtitigan sa dalaga.
Nabigla si Nica nang may idinikit si Gab sa
noo niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang
pahabang papel na kulay puti kaya
napakunot ang noo niya.
"G-Gab..." usal ni Nica at pinaharap sa
kaniya ang papel para mabasa ang nakasulat
dito.
Napalunok siya ng laway at biglang bumilis
ang pagpintig ng puso niya. "Will you marry
me?"
"Nagsimula ang lahat noong first day ng
klase. Nakilala kita at sa unang pagkakita ko
sa 'yo, nabihag mo na ang puso ng
matabang si Gab," nakangiting sabi ni Gab
at hinawakan ang mga kamay ni Nica saka
pinisil. "Ikaw lang ang babaeng tumanggap
at nagmahal sa akin kahit na ano pa ang size
at mukha ko."
"T-Thabz..." sambit niya nang lumuhod si
Gab sa harapan niya.
"Gusto kong sa pagtatapos ng pasukan dito
sa CTU, gusto kong magsimula tayo ng
panibagong kabanata sa buhay natin, thabz.
Gusto kong ipakita sa lahat ng nakasaksi ng
pinagdaanan natin na uuwi tayo sa kasalan,"
sabi ni Gab habang nakatingala sa
pinakamagandang babae sa paningin niya.
May dinukot siya sa bulsa at napasinghap
ang lahat nang makita ang mamahaling
singsing matapos buksan ni Gab ang pulang
box.
"Will you marry me, Nica Guttierez? Will you
be my wife for the rest of my life?" buong
pagmamahal na tanong ni Gab kaya
napakagat si Nica sa ibabang labi na hindi na
napigilan ang pagtulo ng mga luha.
Napatingin siya sa mga magulang na nasa
likuran niya at humihingi ng pahintulot.
"Kung saan ka liligaya, nandito lang kami ng
mama mo na nakasuporta, anak," sabi ni
Cardo kaya niyakap ni Nica ang mga
magulang saka muling humarap kay Gab na
nakaluhod pa rin.
"Y-Yes, Gabriel Vince Lacson. I will marry
you," umiiyak na sagot ni Nica.
"Yes!" sigaw ni Gab at tumayo saka
ipinasuot sa daliri ni Nica ang singsing.
Kasyang kasya ito sa dalaga.
"I love you, thabz ko!" masayang sabi ni Gab
at niyakap ang umiiyak na dalaga pero cute
pa rin.
"I love you too, thabz ko," bulong ni Nica at
pinahidan ang mga luha.
Nagsilapit ang pamilya nila para batiin sila.
"Promise, I will be your suitor kahit na
tumanda pa tayo," pangako ni Gab. Araw-
araw niyang liligawan si Nica para araw-araw
nitong mararamdaman kung gaano niya ito
kamahal at kung gaano siya kasaya dahil
nagmamahalan sila.
"My fat suitor," nakangiting pagtama ni Nica
at nakisabay sa mga estudyante sa pagtapon
ng graduation cap nila.

-------------------THE
END----------------

A/n:
Salamat sa lahat ng nakabasa. Hehehe.
Ayieee....
❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤💏💑💏💑💏
💑💏💑💏💏💑💏💑💑
💏💑💑💏💏💏💏💏💏
💏💏💏💏💏💏💏💏💏
💏💏💏💏💏💏💏💏💏
💏💏💏💏💏💏💑💏

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon