30

1.2K 38 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited....
"Okay ka lang?" tanong ni Sunny kay Nica
nang pumasok ito.
"Oo naman," sagot ni Nica at nginitian ang
kaibigan. "Bakit? Ano bang meron at
natanong mo ako?"
"Wala lang. Makapal kasi ang makeup mo,"
sagot ni Suin. May kakaiba talaga kay Nica
e.
"Masama ba kung maglagay rin ako ng
makeup? Hindi lang lipstick ang
nagpapaganda sa tao," sagot ni Nica.
"Okay, kung sabagay, maganda ka nga.
Kahit na walang makeup, maganda ka pa
rin," nakangiting sabi ni Sunny.
"Ready ka na sa final exam?" tanong ni Nica.
"Medyo," sagot ni Sunny.
Nang dumating ang guro, nag-take sila ng
final exam. Two days ang exam nila at
ngayon ay first day pa lang.
Palabas na silang dalawa nang makita ni Nica
na nag-aabang si Gab sa labas ng classroom
nila.
"Ehem... Mauna na ako," nakangiting sabi ni
Sunny at iniwan na ang dalaga.
"Can we talk?" tanong ni Gab kay Nica.
"Kailangan pa ba?"
"Yes, gusto lang kitang makausap nang
maayos," sagot ni Gab.
Walang pasabing naglakad si Nica pakaayat
sa hagdan. Walang reklamong sumunod
naman ang binata sa kaniya hanggang sa
nakarating na sila sa rooftop.
Tumigil si Nica at hinarap ang binatang
nagsasara ng pinto. Tumutulo ang pawis
nito pero ne hindi na inabala ang sariling
punasan. Sa halip ay may kinuha ito da
backpack.
"Punasan mo nga ang pawis mo, nakakainis
tingnan! Hindi ka ba nahihiya? Nanliligaw ka,
pero pawisin ka? Ikaw lang yata ang
manliligaw na walang hiya sa nililigawan!"
nandidiring sabi ni Nica kaya natigilan si Gab
pero ipinagpatuloy ang pagkuha ng nais sa
bag.
"Bakit mo ako gustong makausap, Gab?"
pagmamaldita ni Nica na tila inip na inip na.
"Ang bagal mo! Ang bagal mo na ngang
maglakad, ang kupal mo pang kumilos!"
"Sabi mo, gusto mo ng mayamang
kasintahan, 'di ba?" tanong ni Gab at kinuha
ang ilang malalaking sobre saka inilapag sa
upuan. "Siguro, puwede na 'yan? Ilang
milyon ang kailangan mo para mahalin ako,
Nica?"
Natigilan ang dalaga saka napatitig sa
perang nasa upuan. Ang dami nito at may
mga alahas pa si Gab na inilalapag.
"Kulang pa 'yan. Wala pa sa kalahating share
ko sa pera ng mga magulang ko. Pero kapag
maubos, sabihin mo lang. Kung gusto mo
ng bahay at sasakyan, sabihin mo lang at
ibibigay ko. Just name your price, Nica,"
mahinang sabi ni Gab pero napatingin siya
kay Nica na malakas na tumawa.
"Ang kayamanan mo, hindi kasing laki ng
yaman ng isang manliligaw ko. Oo,
mayaman kayo pero kung hati-hatiin ang
yaman ninyo, maliit lang ang mapupunta sa
'yo. Pasensiya ka na, Gab, mas mahalaga sa
akin ang pera at kahihiyan. Marami akong
pera pero nakakahiya na dahil sa pagpatol
ng lalaking pinakamataba sa mundo."
"S-Sana panaginip lang ang lahat ng 'to,"
malungkot na sabi ni Gab habang nakatingin
sa perang inilapag niya sa mahabang upuan.
Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat ang lahat
ng ini-offer niya para sa pagmamahal ni
Nica.
"Hindi ito panaginip, Gab. Ito ang
katotohanang kailangan mong tanggapin.
Hindi lahat ng bagay, madadaan mo sa pera
lalo na't hindi ka naman kasingyaman ng
iba!" wika ni Nica at sinalubong ang mga
mata ni Gab na nagbabadyang tumulo.
"K-Kapag pumayat--"
"Wala ka nang pag-asang pumayat! Hindi ka
na papayat dahil wala ka namang
determinasyong pumayat!" Isa-isang kinuha
ni Nica ang mga sobreng naglalaman ng
pera at ibinalik sa bag na hawak ni Gab.
Tumutulo ang mga luhang pinagmasdan lang
siya ni Gab.
"Hindi mabibili ng pera mo ang
pagpapapayat mo? Pathetic!" sabi ni Nica at
tiningala si Gab. "Tingnan mo nga ang sarili
mo! Nakakadiri kang tingnan! Naghalo na
ang mga luha at pawis mo!"
"K-Kahit na masakit ang mga pinagsasabi
mo sa akin, m-mahal pa rin kita, Nica,"
halos pabulong na sabi ni Gab. Ang sakit!
Kanina pa siya sinasaksak ng mga matatalim
na salita ni Nica. Ilang araw niyang pinag-
iisipan kung ano ba ang kasalanan niya sa
dalaga at ganito ang isinukli sa kaniya sa
kabila ng panliligaw niya.
"Hindi kita mahal, Gab!" naka-crossed arms
na sagot ni Nica at tinaasan ito ng kilay.
Natigilan si Nica nang lumuhod si Gab sa
harapan niya. "M-Mahal kita, s-sana mahalin
mo rin ako, parang awa mo na. A-Alam
kong mataba ako pero hindi ka na
makakatagpo pa ng lalaking kagaya ko, Nica.
H-Handa akong magpapayat para sa 'yo,
sabihin mo lang."
"Pero ang problema, wala ka nang pag-asa!"
sagot ni Nica.
Luhaang napatingala si Gab sa kaniya kaya
iniwas ni Nica ang mga mata.
"I-Ito ang una at huling araw na luluhod ako
sa 'yo, Nica." Nahihirapang tumayo si Gab
inihulog ang hawak na bag sa harapan ni
Nica.
"Bayad 'yan sa lahat ng pagiging mabuting
mo sa akin, sana masaya ka sa pera at alahas
na 'yan!"
Galit na pinahidan ni Gab at mga luha at
tinalikuran si Nica.
Napatitig si Nica sa bag na naglalaman ng
pera at alahas. Dinampot niya ito at inilapag
sa upuan. Wala na si Gab.
Nanghihinang naupo siya sa mahabang
bench saka hinayaang tumulo ang kanina
pang niyang pinipigilang mga luha.
"G-Gab..." sambit niya saka humagulgol sa
pag-iyak. Ang sakit! Kung nasasaktan si Gab
sa mga pinagsasabi niya, mas lalong
nasasaktan siya.
"N-Nica..."
Napatingala siya sa lalaking nasa harapan
niya.
"Luis..." sambit niya saka mas humagulgol.
Naupo si Luis sa tabi niya saka niyakap siya
at hinimas ang likod niya
"Tahan na..."
"S-Sinaktan ko siya, Luis."
"Hindi mo naman kailangan sabihin iyon.
Puwede namang--"
"Wala na," malungkot na sagot ni Nica saka
kumalas sa pagkakayakap kay Luis at
tumayo.
"Ang pera--"
"Hindi ko kailangan ng pera," malungkot na
sagot ni Nica. "Wala akong hinihinging
kapalit sa lahat ng ipinakita ko kay Gab."
"Pero kailangan mo ng pera," sabi ni Luis.
Mapait na ngumiti si Nica sa binata. "Hindi
lahat ay nabibili ng pera, lalo na ang
pagmamahal, Luis."
Malungkot na napangiti si Luis habang
nakatingin sa dalagang papalabas na ng
pintuan.
"Sana ako na lang ang minahal mo,"
malungkot na ngumiti si Luis. Mali si Gab.
Hindi ito malas dahil mataba. Kung tutuusin,
mas masuwerte ito kaysa sa kaniya dahil may
isang babaeng handang isakripisyo ang
dignidad para lang sa kaligtasan nito.

...................... Flashback................

Pumasok na si Gab sa classroom nila pero
umalis si Luis para puntahan si Nica sa
classroom nito.
"Luis," wika ni Nica nang lumabas sa
classroom, "May kailangan ka? Kumusta si
Gab?"
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni
Luis na seryoso ang mukha kaya tumango si
Nica kahit na alam niyang parating na ang
guro nila. Mukhang mahalaga ang pag-
uusapan nila ni Luis.
Sa rooftop siya nito dinala.
"A-Ano ba ang pag-uusapan natin, Luis?"
kinakabahang tanong ni Nica.
"About kay Gab," sagot ni Luis na ikinakunot
ng noo ni Nica.
"A-Anong meron kay Gab?"
"Nasabi ba niya sa 'yo ang nangyari sa Japan
noong Christmas?" tanong ni Luis.
"Ah, na nagda-diet siya? Oo," sagot ni Nica.
Medyo pumayat si Gab nang umuwi ito.
"Bago siya mag-diet?"
"Ano bang meron?" naguguluhang tanong ni
Nica.
Isang malalim na buntonghininga muna ang
pinakawalan ng binata bago magsalita.
"Na-ospital si Gab."
"B-Bakit?" nagulat na tanong ni Nica.
"Bigla siyang hinimatay. Prehypertension,
prediabetes, fatty liver at sabi ng doctor,
prone siya sa heart disease at kung hindi
maagapan, baka ikamatay niya. Kung
tutuusin, madali lang talaga ang solusyon
pero tamad siyang mag-diet at higit sa
lahat, mag-exercise. Gagawin niya ngayon
pero kinabukasan, titigil na naman ito."
Mahabang paliwanag ni Luis. Gusto sana
nilang iiwan si Gab sa Japan para sa
kalusugan pero nagpupumilit itong umuwi at
nangakong magda-diet at exercise na pero
paano nito magagawa kung kaunting oras
lang na hindi nakakakain, halos mamatay na?
Dagdagan pa ng Lola Ann nilang kinukunsinti
ang katakawan ni Gab dahil naaawa raw ito
sa apo.
"Pero nagda-diet na siya," wika ni Nica.
"Wala namang ipinagbago sa timbang niya,"
sagot ni Luis kaya natahimik si Nica. "Isa pa,
hindi talaga siya nagda-diet. Nagche-cheat
siya dahil dinadalhan siya ng pagkain ni Lola
Ann gabi-gabi at marami siyang chichirya sa
loob ng kuwarto."
"A-Ano ang gagawin natin para matulungan
siya?" nag-aalalang tanong ni Nica.
"Kumbinsihin mo siyang mag-exercise at
kontrolin ang pagkain. Nica? Sa 'yo lang
sumusunod si Gab," pakiusap ni Luis. "Kung
sa Japan lang sana siya, makaka-exercise
siya dahil baril ang kaharap niya."
Nang malaman ng buong pamilya ang
kalusugan ni Gab, tinututukan na nila ito ng
baril para tumakbo. Kahit sa ibabaw ng
mesa, may baril din sa tabi ng mga Lola at
Tita niya at kung magpapadagdag pa si Gab
ng pagkain, binabaril nila ang plato niya. At
least kapag nandoon si Gab, hindi
makaeksena ang Lola Ann nila. Bantay-
sarado rin ang vital signs nito para
masiguradong hindi ikakapahamak ni Gab
ang paraan nila para pumayat ito.
"P-Pero hindi lahat ng oras, kaya ko siyang
bantayan," malungkot na sagot ni Nica.
Tumunog ang cellphone ni Luis kaya sinagot
niya ang tumatawag, si Gab.
"Rooftop," sagot ni Luis kaya napasulyap si
Nica sa kaniya.
"Sure. Kakaalis lang din ng chicks ko e," sabi
ni Luis at sumenyas kay Nica na si Gab ang
kausap niya.
Nang ibalik ni Luis sa bulsa ang cellphone,
humarap si Luis sa kaniya.
"Papunta na rito si Gab, umalis ka na bago
ka pa niya maabutan," sabi ni Luis kaya
tumango si Nica.
"Salamat sa impormasyon, Luis. Hindi
ipinaalam sa akin ni Gab," pasalamat ni Nica.
"Wala iyon. Sige, mag-elevator ka na lang
dahil maghahagdan 'yon si Gab. I think, nag-
eehersisyo naman 'yon kapag nandito sa
school dahil alam niyang nandito ka,"
natatawang sabi ni Luis.
"Samalat, Luis." Muling pasalamat ng dalaga.
"Nica? Puwede bang huwag mong ipaalam
kay Gab na nag-usap tayo? Magagalit ang
baboy na iyon," pakiusap ni Luis.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipalaam,"
sabi ni Nica at lumapit na sa pinto para
lumabas.
"G-Gab..." sambit ng dalaga na para bang
may ginagawang milagro at nahuli ito.
"A-Ano ang ginagawa mo rito, thabz?"
tanong ni Gab na nanlamig ang buong
katawan.
Ngumiti si Nica, "Hinahanap kita."
Napasulyap si Gab kay Luis na lumapit sa
kanila.
"Ang bilis mo naman yata?" tanong ni Luis.
"Akala ko, after fifteen minutes ka pa. Nag-
elevator ka, noh?"
"Does it matter?" mahinang tanong ni Gab
na kay Nica pa rin ang mga mata.
"Cheating 'yon, Gab," sabi ni Nica. Alam ni
Gab na pinipilit lang ni Nica na makabawi sa
pagkagulat.
"Mas okay nang mag-cheat sa pagpapayat
kaysa mag-cheat sa relationship," mahinang
sagot ni Gab at iniwas ang mga mata.
... ...........End Of FLASHBACK..........

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon