28

924 40 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28

Unedited...
"Nagda-diet na ako," sabi ni Gab matapos
mag-order ng isang cup ng rice at gulay.
"Mabuti naman," sabi ni Nica at matamis na
ngiti ang iginawad sa kaharap.
Nasa restaurant sila ngayon dahil
nagugutom na si Nica. Si Gab naman ay
ganoon din pero kaunti lang ang kinakain
nito. Nag-order lang siya nang marami para
kay Nica.
"Gab? Gusto mo ng lechon paksiw?"
"Huwag!" mabilis na pagpigil ni Gab sa
kamay ni Nica na lalagyan na sana ang plato
niya. "Seryoso ako sa pag-diet ko, Nica."
"Mabuti naman," nakangiting sabi ni Nica at
sinumulan nang kumain.
"Gab? Huwag mo na akong ihatid sa bahay,
please lang," pakiusap ni Nica. Siya na ang
pinag-uusapan ng kapitbahay at kung anu-
ano ang pinagsasabi ng mga ito lalo na ng
kaedad niya. Na kesyo mapera si Gab kaya
pumapayag na ang ama niya na ligawan ito.
Ganito at ganiyan. Kaya lumalabas na gold
digger sila.
"Bakit? Akala ko ba, okay lang kina Tito at
Tita?" nagtatakang tanong ni Gab.
"Okay lang naman pero alam mo na, naaawa
na ako sa mga magulang ko dahil sa tsismis.
Kung ako lang, kaya ko pa," sagot ni Nica.
"Hanggang kanto na lang kita ihahatid," sabi
ni Gab at kinuha ang platong may lechon
paksiw kaya napataas ang kilay ni Nica. "N-
Ngayon lang 'to. Kaunti lang kasi ang kain
ko kagabi."
Tumawa si Nica. "Sige lang, treat mo rin
minsan ang sarili mo, thabz."
"Kapag pumayat ako, thabz, magiging
masaya ka ba?" tanong ni Gab at
pinagmasdan ang mukha ng dalaga.
"Oo naman. Gusto kong magbawas ka ng
timbang para healthy ka na," sagot ni Nica
at ipinagpatuloy ang pagkain. Hinayaan na
niya si Gab na magpadagdag ng extra rice
dahil tila gutom na gutom ang binata.
Kawawa naman si Gab, parang isang buwang
hindi pinakain.
"Gabriele!" masiglang tawag ni Luis na
papalapit sa kanila. "Lumalamon ka na
naman?"
"Grabe ka naman! Alam mo namang wala
akong kinain kagabi at kaninang umaga, 'di
ba?" nakasimangot na depensa ni Gab sa
kakambal.
"Nakita ko kasi si Lola Ann na may bitbit na
pagkain kagabi," sabi ni Gab habang
nakatingin kay Nica na magiliw na kumakain.
"Ano ang gusto mong palabasin, Luis?"
hindi maipintang tanong ni Gab.
Ngumiti si Luis at tinapik sa balikat ang
kakambal, "Wala naman, baka binigyan lang
ng pagkain ni Lola Si Lolo Dylan," sagot ni
Luis. Sa mansion ng grandparents nila sila
natulog kagabi dahil nami-miss na raw sila
ng Lola Ann nila.
"Psh! Lumayas ka na nga sa harapan namin
ni Nica, istorbo ka!" pagtataboy ni Gab kaya
tumawa si Luis.
"Bye, Nica. Kain lang kayo," sabi nu Luis at
nginitian ang dalaga bago umalis at pumunta
sa mga barkada.
"Thabz? Bakit hindi ka sumasama kina Luis?"
tanong ni Nica nang silang dalawa na lang.
"Hindi ko trip ang trip nila," sagot ni Gab.
"Mahilig kasi sila sa party at babae."
Ngumiti si Nica, "Oo nga pala, good boy
ang thabz ko." Walang bisyo si Gabriele
Vince at tanging pagkain lang ang kaagaw ni
Nica sa binata.
"Oo, sa 'yo lang ako, thabz," wika ni Gab at
ipinagpatuloy ang masarap na pagkain.
Hindi maiwasang pagmasdan ni Nica ang
matabang binata sa harapan. Ang sarap ng
kain nito, nakakadala.
Matapos ang kanilang foodtrip, tumayo na
sila.
"Ganda ng girlfriend mo, Gab ah," puri ng
kaibigan ni Luis na taga Westbridge saka
hinagod ng tingin si Nica.
"Hindi pa niya girlfriend 'yan, nililigawan pa
lang," pagtatama ni Luis kaya masama na
ang tingin ni Gab dito.
"Doon na rin papunta 'yon!" sagot ni Gab at
inakbayan si Nica na hindi man lang kumibo
at tinanggal ang kamay niya.
"Ah? Hindi pa pala. Baka puwedeng ligawan
din namin?" biro ng kaibigan ni Luis na hindi
nagustuhan ni Gab.
"Hindi ako tumatanggap ng biro," seryosong
sagot ni Gab at kinuha ang kamay sa balikat
ni Nica at hinawakan ang kamay nito.
"Nagbibiro lang sila, bro," sabi ni Luis.
"Maiwan na namin kayo," paalam ni Gab at
hinila na si Nica palayo sa mga ito. Wala
siyang planong patulan ang mga walang
kuwentang kaibigan ni Luis dahil baka
dumilim lang ang paningin niya.
"Huwag mo na silang pansinin,"sabi ni Nica
nang makalabas na sila sa restaurant.
"Hindi ko maiwasan," sagot ni Gab na
nakakunot pa rin ang noo.
"Subukan mong iwasan dahil hindi ko naman
sila gusto," malumanay na sabi ni Nica
habang nakatingala sa binata kaya natigilan
si Gab. Kapagkuwa'y gumuhit ang ngiti sa
mga labi niya at inakbayan si Nica.
"Ako ba? Gusto mo na?" tanong ni Gab
habang palapit sila sa sasakyan niya.
"Hmm? Puwede," sagot ni Nica kaya
lumapad ang mga ngiti ni Gab. Sapat na sa
kaniya na ganito sila ni Nica kahit na wala
namang sila. At least masaya silang kasama
ang isa't isa.
"Pasensiya ka na, hindi ko lang maiwasang
ma-insecure lalo na't alam mo na--mataba
ako at macho sila."
"Okay lang," sagot ni Nica. "At least
pagdating sa puso, mas mataba pa rin ang
puso mo kaysa sa kanila." Mahinang
hinampas ni Nica ang kaliwang dibdib ni Gab
na nakaakbay pa rin sa kaniya. "Iyon ang
mas mahalaga at kailangan ng isang babae,
thabz!"
"Ibig sabihin, nasa akin ang kailangan mo?"
tanong ni Gab at pinisil ang balikat ni Nica.
"E-Ewan ko sa 'yo!" sabi ni Nica at pumasok
na sa sasakyan ni Gab nang pagbuksan siya
ng binata.
Habang nagmamaneho si Gab, napapansin
niyang panay ang sulyap ni Nica sa kaniya
kaya hindi niya mapigilan ang ngumiti.
"Thabz? Ang jacket mo pala, bukas ng
umaga ko na isauli," sabi ni Nica. Noong
isang araw, umulan at pinasuot sa kaniya ni
Gab ang jacket para hindi mabasa.
"Sige, ihatid mo na lang sa tambayan namin
ni Luis tapos sabay tayong magbre-
breakfast, thabz," sagot ni Gab saka medyo
pinabilisan ang pagmaneho dahil hindi
naman traffic pero nandoon pa rin ang pag-
iingat lalo na't si Nica ang kasama niya.
-----------------------
"Ma? Sa school na po ako kakain. Sabayan
ko lang si Gab para ma-monitor ko ang
kinakain niya," paalam ni Nica na bitbit ang
jacket ni Gab.
"Nica? Gusto mo ba ang matabang
manliligaw mo?" tanong ni Isay.
"Bata pa po ako at huwag ho kayong mag-
alala, alam ko po ang limitasyon ko," sagot
ni Nica.
"Ang amin lang naman, dapat mapunta ka sa
tamang lalaki kahit na hindi mayaman.
Tingnan mo kami ng papa mo, kahit na
kinakapos, masaya pa rin sa buhay," sabi ni
Isay kaya ngumiti si Nica.
"Alam ko po," sagot ni Nica at humalik sa
pisngi ng ina. "Aalis na po ako, ma. Baka
ma-late pa ako."
Saktong alas sais pa lang at mamayang alas
otso pa ang first subject nila kaya may time
pa siyang kumain ng breakfast kasama si
Gab.
Pagdating niya sa paaralan, agad na
dumiretso siya sa tambayan. Ang text ni Gab
kanina ay papunta na rin ito kaya inaasahan
niyang nauna ito sa kaniya dahil patigil-tigil
ang sinasakyan niya.
Kumatok muna siya ng tatlong beses pero
walang bumukas kaya nilakasan na niya ang
sunod na tatlong katok.
"Good morning!" masiglang bati niya nang
bumukas ang pinto pero natigilan siya nang
si Luis ang bumukas at topless ito.
"Oh? Nica, bakit nandito ka?" tanong ni Luis
at nilakihan ang pagbukas ng pinto. "Pasok
ka muna."
"S-Si Gab?" tanong ni Nica nang
makapasok.
"Wala pa," sagot ni Luis matapos isara ang
pinto. "Ang aga mo naman. May lakad kayo
ni Gab? "
Lumapit si Luis sa kaniya kaya iniwas ni Nica
ang mga mata. Ghad, hindi siya sanay na
may nakahubad sa harapan niya. Kahit ang
ama niya, hindi siya sinasanay na nakahubad
ito sa harap nila ng kaniyang ina. Iniwas niya
ang mga mata at sinikap na huwag
mapadako sa katawan ni Luis na puno ng
abs na tiyak pagkakaguluhan ng kababaihan
kapag makita nilang nakaganito si Luis. Kahit
naman sinong lalaki na nakahubad e,
naaasiwa sjya.
"Kay Gab ba 'yan? Akin na." Kinuha ni Luis
ang jacket na nasa kamay ni Nica.
"H-Ha? Salamat, Luis. Pakilagay na lang sa
kuwarto ni Gab," sabi ni Nica.
"Sige. Hintayin mo na lang si Gab, malapit
na siguro 'yon. Tawagan mo na lang," sabi
ni Luis.
"Hintayin ko na lang," sabi ni Nica.
"Maupo ka muna, baka mapagod ka sa
kakahintay kay Gab. Alam mo namang
mabagal maglakad 'yon," natatawang sabi ni
Luis.
Napalingon sila nang bumukas ang pinto at
hinihingal na pumasok si Gab.
"Thabz, dito ka na pala?" tanong ni Gab
nang makita si Nica na nakaupo sa sofa.
Napasulyap siya kay Luis na topless. "Bakit
nakahubad ka, Luis?"
"Nagbibihis ako nang kumatok si Nica. Akala
ko ikaw o si Manang kaya hindi na ako nag-
abalang magbihis pa," sagot ni Luis.
"Sa susunod, magbihis ka muna bago buksan
ang pinto," sabi ni Gab at napasulyap kay
Nica na hindi makatingin sa kanilang
magkambal.
"Fine. Si Nica lang naman at hindi siya
mahilig sa may abs," nakangiting sabi ni Luis
at lumingon kay Nica. "Right, Nica?"
Sa halip na sumagot, ngumiti lang ang
dalaga kaya hindi maiwasang magduda ni
Gab. Paano kung may ginagawa ang mga ito
kanina bago siya dumating? Nagiging
irrational na yata siya kaya napailing siya.
Hindi ganoon si Nica.
"Magbihis ka na!" seryosong utos ni Gab
kaya nagpaalam na si Luis sa kanila.
"Kanina ka pa, thabz?" tanong ni Gab at
naupo sa tabi ng dalaga.
"Hindi naman," sagot ni Nica.
"Kain na tayo. Medyo natagalan ako kasi
dumaan pa ako sa Jollibee ng breakfast
natin," sabi ni Gabriele kaya tumayo na si
Nica at sumunod sa kaniya.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon