MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
Unedited...
"Alis na po ako," paalam ni Nica sa mga
magulang.
"Mag-ingat ka at bawal ang manliligaw,
okay?" bilin ng ama na nasa sala at
nagbabasa ng peryudiko.
"Hindi naman maiwasan ang manliligaw,"
sabat ng kaniyang ina.
"Puwede naman. Palapit pa lang, sabihin mo
nang bawal," ani Cardo. Siyempre ang
ganda ng anak nila at hindi lingid sa
kaalaman na marami ang nagkakagusto kay
Nica. Palagi nga itong may dalang bulaklak
sa tuwinv umuwi na bigay raw ng manliligaw
pero napapansin nilang wala nang bitbit si
Nica nitong mga nakaraang linggo.
"Sus, hindi maiwasan 'yan. Ang mahalaga,
alam ni Nica ang limitation niya," sabi ni
Isay. Noong kabataan niya, ang dami ring
nanliligaw sa kaniya dahil medyo kamukha
niya si Nica. Mas maganda nga lang ang
anak dahil nakuha nito ang matangos na
ilong ng ama.
"O baka naman may boyfriend ka na, Nica?"
seryosong tanong ni Cardo at napatingala sa
anak. Babakuran talaga niya si Nica dahil
nag-iisang anak lang nila ito ni Isay.
"Wala po," sagot ni Nica at nginitian ang
ama. "Huwag po kayong mag-alala, pa.
Hindi po ako maghahanap ng iba hanggat
hindi ko pa naibalik ang sakripisyong ginawa
ninyo para sa akin."
"Naku, huwag mo na kaming intindihin ng
mama mo. Ang mahalaga, ikaw. Bata ka pa
samantalang kami, nagkakaedad na. Dapat
kapag mawala kami, may maiwan kami sa 'yo
bilang mga magulang mo."
"Pa? Huwag naman po kayong magsalita ng
ganiyan. Matagal pa tayong magkakasama.
Basta, darating ang araw na magbubuhay
don at donya kayo. Ako na ang
magtatrabaho para sa inyo," sabi ni Nica at
niyakap mula sa likuran ang ama na nakaupo
sa sofa.
"Naku, huwag mo na akong bolahin, Nica.
Umalis ka na dahil late ka na," sabi ni Cardo
na nakangiti.
"Sige po, basta. Promise ko sa inyo 'yan,
tine will come na maayos ko pa lalo ang
buhay natin!' determinado at puno ng pag-
asang sabi ni Nica.
"Huwag mong sabihin 'yan, gawin mo," sabi
ni Isay.
"Opo," sabi ni Nica at masayang lumabas sa
bahay. Minsan, nakakainis din ang nag-iisang
anak pero wala rin siyang choice. Mahal
naman siya ng ina lalo na ng kaniyang ama.
Sumakay siya sa tricycle at lumipat sa dyip
papunta sa CTU. Siksikan sa loob ng dyip
kaya naalala niya si Gab. Puno talaga ito ng
pawis nang bumaba sila.
Sumeryoso niya nang mapansin ang sariling
napangiti. Masyado na yata siyang sinakop
ni Gab.
"Ba't ko ba iniisip ang elepanteng 'yon?"
nakasimangot na sabi niya sa sarili at
umayos sa pagkakaupo dahil kumuha pa ng
dalawang pasahero ang lintik na driver.
Siyam-siyam lang daw dapat pero sampu-
sampu na e.
"Kuya? Bukas na lang? Mahuhulog na po
ang puwet ko!" mataray na sabi ng bakla.
"Ano ang gusto po ninyo? Kalong-kalong
kami?"
"O sige na, larga na!" sabi ng konduktor at
pinagpag pa ang nasa likod na Nica kaya
napatakip sa tainga ang dalaga.
Matapos ang ilang minuto, bumaba na si
Nica na magulo ang buhok.
"Mahangin ba sa labas?" natatawang tanong
ni Sunny na kakababa lang din sa kotse ng
ama na naghatid sa kaniya.
"Naman!" nakasimangot na sagot ni Nica at
kinuha ang hairbrush sa shoulder bag at
sinuklay ang buhok na ngayon ay
nagkabuhol-buhol na.
Papasok na sila ng gate nang may isang
estudyanteng humarang sa kanila at umabot
ng three white roses kay Nica.
"Salamat," pasalamat ni Nica at ibinalik ang
suklay saka kinuha ang bulaklak.
"Ang sipag ni Gab ah," nakangiting sabi ni
Sunny.
"Bahala siya," sabi ni Nica at inamoy ang
bulaklak na hawak. Kahit galit o naiinis siya
sa taong nagbigay, ayaw naman niyang
idamay ang mga rosas.
"Sagutin mo na kasi," sulsol ni Nica.
"Hindi pa ako maghanda sa ganiyang bagay,"
sabi ni Nica.
"Sus, ikaw rin, baka manligaw sa iba si Gab,"
pananakot ni Sunny.
"E di manligaw siya sa iba. Mas okay nga
'yon para wala nang mangulit sa akin," sabi
ni Nica.
"Weeh? Madalas ko kaya kayong makita ni
Gab na magkasama. Aminin mo na kasi,
gusto mo na si Gab pero nahihiya ka lang
aminin," pangungulit ni Sunny.
"Bahala ka. Sunny naman, ang aga pa para
sirain mo ang araw ko," sabi ni Nica.
"Fine! Kung ayaw mong aminin, okay lang.
Mapagkatiwalaan naman ako," sabi ni Sunny
pero mas pinili ni Nica na manahimik na
lang.
Dumiretso sila sa classroom nila. Kaunti pa
lang sila kaya inayos ni Nica ang mga rosas
sa flower vase na nakapatong sa table ng
kanilang guro. Tuwang-tuwa naman ang
teacher niya dahil palaging fresh ang
bulaklak sa ibabaw ng mesa nito.
"Nica? Kayo na ba ni Gab?" tanong ni Rose.
"Bakit mo natanong?" balik-tanong ng
dalaga.
"Huwag mo nang i-deny. Nahihiya ka bang
aminin? Nakita kayo namin noong isang
araw sa mall. Naka-holdinghands pa kayo
palagi kapag maglakad," sagot ni Rose. Ang
iba ay interesado sa sagot ni Nica pero hindi
lang nagpahalata dahil baka magsumbong si
Nica.
"Wala akong dapat na i-deny at wala akong
dapat na ikahiya. Kung ano man ang
namamagitan sa amin ni Gab, sa amin na
lang iyon," sagot ni Nica at nginitian nang
ubod ng tamis ang mga kaklase. Kailangan
huwag siyang magpadala sa galit sa araw na
ito.
Tumahimik na sila nang pumasok ang guro.
Mas gustuhin pa ni Nica na walang
kumakausap sa kaniya kaysa sa ganito na
marami ang naiintriga sa relasyon nila ni
Gab.
Si Gab naman kasi, panay ang lapit sa kaniya
at sapilitan pa siyang hinahatak nito sa kung
saan.
Buong maghapong busy siya dahil hectic
ang schedule niya ngayong Martes. Isa pa,
malapit na rin ang final exam nila kaya dapat
lang na mag-aral siya nang mabuti para
hindi mawala ang scholarship niya.
Nagpapasalamat siya dahil walang Gab na
umistorbo sa kaniya ngayong araw hanggang
sa umuwi siya ng bahay.
"Bakit ganiyan ang suot mo? Ang iksi naman
yata?" tanong ng ama nang lumabas siya sa
kuwarto matapos magpalit ng damit.
"Nasa bahay lang naman po ako, Pa."
"Kahit na. Paano kung may bisita tayo?
Huwag kang bumili sa labas kapag ganiyan
ang ayos mo!" saway ni Cardo kay Nica. Ang
iksi ng maong na shorts nito at body fit pa
ang dirty white tshirt. Hindi naman mataba
si Nica pero may laman at malapad ang
balakang kaya ang ganda ng kurba ng
katawan nito. Plus ang tangkad pa ng
dalaga.
"Opo, huwag po kayong mag-aalala, Papa,"
sagot ni Nica at napailing sa ama.
"Kumain na tayo," yaya ni Isay na kakalabas
lang ng kusina at may bitbit pang sandok.
"Yehey!" masayang sabi ni Nica saka nauna
sa amang tumungo sa kusina dahil kanina pa
kumakalam ang sikmura niya. Alas siyete na
kasi at sanay na silang maaga pang
kumakain para maagang makatulog.
Pagkatapos kumain, naghugas ng plato si
Nica samantalang nanood naman ng balita
ang mga magulang.
Kakatapos lang niyang pagpunas ng basang
kamay sa tuyong tuwalya at papasok na sana
sa kuwarto nang mag-ring ang cellphone
niya.
Si Gab ang tumatawag kaya hinayaan lang
niyang mag-ring ito.
Pumunta siya sa banyo ng kuwarto para
mag-toothbrush. Paglabas niya, ring pa rin
nang ring ang cellphone niya kaya napilitan
na siyang sagutin ito.
"Bakit na naman, Gab?" singhal niya.
"Mauubos na ang dugo ko sa kakapapak ng
mga lamok. Lumabas ka na riyan sa bahay
ninyo, nandito ako sa labas," sabi ni Gab.
"Huwag mo nga akong lokohin!" sabi ni Nica
at pinutol ang tawag saka nahiga sa kama.
"Sino ang pinagloloko niya?" bulong ni Nica
pero nang hindi makatiis ay tumayo siya
saka lumapit sa bintana. Maingat na
binuksan niya ang jalousie. Napatutop siya
sa bibig nang makita si Gab na nasa labas ng
gate nila na panay ang pindot sa cellphone.
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig
ang ama na lalabas daw ito. Mabilis na
tumakbo siya palabas ng kuwarto at
inunaham ang ama sa pinto.
"Bakit ganiyan ang mukha mo, Nica?"
tanong ni Cardo.
"H-Ha? Dad? Kuwan, b-bibili ako ng
makakain sa labas. M-Magpupuyat po ako,"
sagot ni Nica.
"Ano ba ang gusto mo? Ako na ang bibili.
Gabi na at ganiyan pa ang suot mo. Hindi
puwede!" sabi ni Cardo.
"Oo, kami na lang dahil bibili kami ng balut
sa labasan," sabat ni Isay na palapit sa kanila
habang sinusuot ang jacket.
"P-Pero--"
"Bawal ka nang lumabas!" sabi ng ama kaya
natameme si Nica, "Dito ka lang dahil
marami ang tambay sa labas."
Binuksan ni Cardo ang pinto at lumabas
kasama si Isay. Wala sa sariling sumunod si
Nica sa mga magulang.
"I-Ihahatid ko po kayo sa gate para i-lock
ko po. Tawag na lang kayo kapag nandito
na kayo sa labas para mabuksan ko kayo,"
agad na depensa ni Nica nang humarap ang
ama.
Nang nasa gate na sila, nakahinga siya nang
maluwag nang hindi na makita si Gab sa
labas. Baka umalis na ito.
"Isara mo na at huwag na huwag kang
magpapasok kahit na sino," bilin ng ama at
lumabas na.
Malayo na ang mga ito kaya isasara na sana
ni Nica ang gate nang may tumawag sa
kaniya.
"Nica!" sabi ni Gab. Nanlaki ang mga mata
ng dalaga nang makita si Gab na lumabas sa
mayabong na halamanan sa labas ng gate ng
kapitbahay nila.
"Ano ang ginagawa mo rito?" kinakabahang
tanong niya dahil baka may makakita sa
kanila.
"Nica, hindi kasi kita nakita kanina kaya
gusto lang kitang makita bago ako umuwi,"
sagot ni Gab at pinahidan ang pawis.
Saktong nasa tapat ng bahay nila ang poste
kaya kitang-kita niya ang mga pawis sa
mukha ni Gab.
"Halika, Gab!" Hinila niya ang binata papasok
at kaagad na isinara ang gate pero
nanginginig pa rin sa takot ang mga tuhod.
"Umuwi ka na, baka maabutan ka ng ama
ko."
"Uuwi na nga ako dahil nakita na kita," sagot
ni Gab at dinukot ang chocolate sa likod
pero natunaw na ito. "S-Sorry pero
natunaw na e," paumanhin ni Gab.
"Salamat, umuwi ka na," sabi ni Nica at agad
na kinuha ang tsokolate para hindi na
humaba pa ang usapan.
"Nica? Buksan mo ang gate!" Nanlaki ang
mga mata nila pareho nang kumakatok ang
ama at tumunog ang cellphone ni Nica dahil
tinatawagan siya ng ina.
"Magtago ka!" natarantang pabulong ni Nica
kaya nataranta rin si Gab at mabilis na
tumakbo sa madilim ba bahagi ng bahay
nina Nica.
Sakto lang na nakatago siya sa bumukas ang
gate.
"Pa!" sabi ni Nica.
"Nakasalubong namin si Pareng Lando. Wala
daw balut sa labasan," sabi ni Cardo.
Napasulyap si Nica sa kinaroroonan ni Gab,
nanlaki ang mga mata niya nang maaninag
na umaakyat ito sa malaking puno ng
mangga na nasa tabi lang ng gate nila.
Tatalon yata ito kapag nasa tuktok na ng
gate.
Napakagat siya sa ibabang labi nang
nakakalahati na si Gab ay dumausdos ito
pababa at slow motion pa talaga dahil
sinusubukan nitong kumapit.
"Pasok na tayo. Mahamugan kayo," yaya ni
Cardo.
"S-Sige po. Mas mabuti pa," pagsang-ayon
ni Nica at muling napasulyap kay Gab na
sinusubukan namang umakyat sa puno pero
para itong baboy na pumapadausdos pababa
dahil hindi makakapit ang katawan sa puno
dahil sa sobrang bigat.
Ang sama man niya pero ito talaga ang nai-
imagine niya. Sana mapatawad siya ni Gab sa
imahinasyon niya.
"May problema ba, Nica?" tanong ni Cardo
na nasa pintuan na dahil nakatulala lang si
Nica.
"Wala ho! Gusto ko lang maglanghap ng
sariwang hangin bago pumasok," sagot ni
Nica saka tumakbo na papasok para hindi
magduda ang ama. Siya ang huling pumasok
kay siya ang sumara ng pinto pero bago
iyon, sinilip muna niya si Gab.
Ang higpit pa rin ng yakap nito sa malaking
puno pero dahan-dahan talagang
dumadausdos pababa dahil hindi nito
kayang iangat ang malaking katawan. Para
itong baboy na sinusubukan maging katulad
ng pusa na expert umakyat sa puno. Pero
baboy talaga siya, at wala pang baboy na
kayang umakyat sa tuwid at malaking puno.
Hindi alam ni Nica kung maawa, tatawa o
maiinis siya kay Gab lalo na't nasa harapan
niya ang mga magulang.
"Nica?" tawag ni Isay sa anak.
"Isasara ko na lang po ang pinto." Mabilis na
isinara ni Nica ang pinto saka ini-lock.
"Mag-aaral lang po ako sa kuwarto ko dahil
malapit na ang exam."
"Mabuti naman," sabi ni Isay.
Mabilis na pumasok si Nica sa kuwarto at
ini-lock nang masara at mabilis na sumilip sa
bintana. Laking pasalamat niya nang
makitang maingat na binuksan ni Gab ang
gate para makalabas. Thanks God at sa
wakas, wala na ito sa bakuran nila nang
tuluyan nitong naisara ang gate ng bahay
nila.
