8

1.3K 58 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited....
"Ibig sabihin, gusto ka ni Gab? Kayo na ba?"
pabulong na tanong ni Sunny kay Nica. Nasa
tree park sila na malayo sa ibang
estudyante. Kahit sa paglalakad, umiilag ang
iba sa kaniya.
"H-Hindi ko alam," sagot ni Nica habang
nakatitig sa 'love note' raw ni Gab.
"Sabi niya, pagmamay-ari ka na niya. Ibig
sabihin, kayo na."
"Hell, no!" medyo tumaas ang boses ni Nica.
Ang pinakaayaw niya ay may nagco-control
ng buhay niya. Sino ito para angkinin siya?
Oo nga't may utang na loob siya kay Gab
pero hindi naman yata tama na ito ang
kabayaran?
"Pero gusto ka niya," ani Sunny.
"Pero Sunny naman, hindi ko siya gusto,"
pag-amin ni Nica.
"Dahil ba mataba siya?" tanong ni Sunny.
Umiling si Nica. "Dahil ayaw ko sa kaniya.
Mayaman siya, bully at higit sa lahat,
mapagmataas."
"Sure ka na hindi ang katabaan niya ang
rason? Pogi rin naman si Gab," pangungulit
ni Sunny.
"Isa na rin iyon sa mga rason pero hindi
talaga. Ayaw ko lang talaga sa kaniya dahil
ang gaspang ng ugali niya. Ikaw ba, gusto
mo siya?" balik-tanong ni Nica kaya
napakamot sa batok si Sunny.
"Hindi rin. Mas bet ko si Luis," nakangiting
sagot ni Sunny dahil mabait ang binata.
"Pero hindi ko siya crush, ha. Mas bet ko
lang si Luis sa kanilang magkambal dahil
mabait siya sa akin."
"Crush mo talaga siya," biro ni Nica.
"Oo na, nagaguwapuhan at nababaitab pero
'yon lang. May iba akong crush," kinikilig na
sabi ni Sunny kaya napataas ang kilay ni
Nica.
"Sino? Kaklase natin? Kilala ko ba?" curious
na tanong ni Nica.
"Hindi," sagot ni Sunny na nakangiti pa.
"Mas ahead sila sa atin."
"Sino?"
"Basta," ani Sunny.
"Ay, nakakatampo ka, Sunny!"
nagtatampong sabi ni Nica. "Crush lang
naman pero ayaw mong sabihin. Ikaw nga,
alam mo ang lahat ng tungkol sa akin."
"Fine," napipilitang sabi ni Sunny, "Nasa
Westbridge sila. Mga Villafuerte."
Hindi kumibo si Nica. Hindi siya interesado
sa mga Villafuerte at Lacson. Nagkataon
lang talaga rito siya nag-aaral kaya na-
involve siya sa mga Lacson. Mayaman pa rin
pala ang crush ng kaibigan niya.
"Pero huwag mo ngang ibahin ang usapan,
ayaw mo ba talaga kay Gab?"
"Ayaw ko ng mayaman. Mas okay sa akin na
ang panliligaw ko, pantay lang ang antas
namin sa lipunan," sagot ni Nica.
"Naku, baka magwala siya."
"Hayaan mo siya," wika ni Nica at itinago sa
bag ang red card.
"Halika na, baka ma-late pa tayo," yaya ni
Sunny dahil mag-aala una na.
Kinuha ni Nica ang bag at sumama sa
kaibigan.
"Nica!" Napatigil sila nang marinig nila ang
tawag ni Gab nang mapadaan sila sa
classroom nila. "Nica, sandali!"
Tumayo si Gab. Nakatingin siya kanina sa
bintana nang saktong dumaan si Nica. Nasa
tabi lang naman siya ng pinto nakaupo dahil
mahirap sa kaniya ang lumabas.
"Bakit?" tanong ni Nica nang makalabas na
ito sa classroom.
"Puwede ba kitang maanyayahang mag-
dinner?" tanong ni Gab at matamis na
ngumiti kay Nica.
Napatulala ang dalaga. Guwapong-guwapo
talaga si Gab sa sarili. Hindi naman big deal
sa kaniya ang pagiging mataba nito dahil
wala naman siyang balak na sagutin ito kung
sakaling nanliligaw nga ito sa kaniya.
"Mauna na ako, Nica. Text na lang kita kung
nasa classroom na si Prof," paalam ni Sunny.
Gusto sanang magprotesta ni Nica sa pang-
iiwan ng kaibigan pero baka ma-offend si
Gab.
"P-Pasensiya ka na, Gabriele. Wala akong
time dahil bawal akong lumabas ng bahay
kapag makauwi na ako," paumanhin ni Nica.
Totoo naman talaga. Hindi siya pinapayagan
ng ama hanggat hindi ito kasama.
Masyadong marami nang masasamang tao sa
mundo ngayon. Kamakailan lang ay may
hinold-up na babae at ginahasang bago
pinatay ng pitong mga adik kaya double
ingat sila.
"G-Ganoon ba? Ipapaalam na lang kita sa
parents mo," sabi ni Gab pero umiling si
Nica.
"Mas lalo lang nila akong higpitan kapag
malaman nilang may nanliligaw sa akin,"
sagot ni Nica. Protective ang ama niya kaya
bawal talaga ang mag-entertain ng
manliligaw.
"Ayaw nila? O ayaw mo?" tanong ni Gab.
"Both," pag-amin ni Nica.
"Bata pa ako, Gab. Hindi pa ako handa na
magkaroon ng boyfriend," mahinahong
sagot ni Nica. Sana lang ay huwag itong
sumpungin ng pagkasuplado.
"Sige lang, hintayin ko ang araw na handa ka
na. Basta sa ngayon, liligawan muna kita,"
sagot ni Gab kaya napatulala si Nica.
Liligawan ba talaga siya ni Gab? Puwede
bang mambasted na kaagad? Of all her
suitors, si Gab ang pinakaayaw niya. Ayaw
talaga niya ng mga lalaking barumbado lalo
na itong si Gab. Matapang lang dahil malaki
ang katawan at mayaman.
"Pahingi na lang ako ng number kung okay
lang?" tanong ni Gab nang hindi kumikibo
ang babaeng kaharap. Natatakot ba ito sa
kaniya kagaya ng ibang estudyante?
"H-Hindi rin--"
"Humihingi ako ng harapan para alam mo
dahil kaya ko namang makuha ang number
mo sa opisina kapag ginusto no, Nica," saad
ni Gab kaya naningkit ang mga mata ng
dalaga.
"Sana marunong kang rumespeto ng privacy
ng iba!" sabi ni Nica nang hindi na kayang
tiisin ang ugali ng kaharap. Napataas ang
kilay niya nang tumingin si Gab sa babaeng
dumaan. Maganda ito, balingkinitan ang
katawan at matangkad.
"Kaso hindi ako marunong niyon,"
nakangiting sabi ni Gab nang muling
humarap kay Nica at pinapaalala sa sariling
crush niya ang babaeng kaharap. Ang cute
nito kahit na galit, namumula pa ang
magkabilang pisngi.
"Ano? Ibibigay mo? O hindi?"
"Kunin mo sa opisina kung gusto mo!"
pagsisinuplada ni Nica at tinalikuran si Gab.
Bahala na kung bigyan siya ng death note.
"Pasalamat ka, crush kita!" sigaw ni Gab kaya
biglang nagkaroon ng preno ang mga paa ni
Nica. Napasinghap naman ang mga nasa
paligid na hindi alam kung ano ang ire-react
dahil si Gab ang nagsabi. At kung sila sa
katayuan ni Nica, matutuwa ba sila? O
mandidiri? Well? Iba naman kasi ang
katabaan ni Gab. Maliban sa mayaman ito,
wala na. 'Yon lang talaga ang puwedeng
maipagmalaki ng babaeng magugustuhan
nito.
Ipinagpatuloy ni Nica ang paglalakad kaya
medyo nalungkot si Gab pero sinikap niyang
itago para hindi mapahiya.
"Okay lang 'yan," sabi ng lalaking umakbay
sa kaniya. Napalingon siya kay Luis na
nginitian siya. "Ganiyan talaga ang mga
babae, nagpapakipot sa una."
"Susuko rin 'yan," pagsang-ayon ni Gab.
"Tama. Isusuko rin niya ang Bataan," pilyong
sabi ni Luis para bigyan ng lakas ng loob
ang kakambal.
"Kahit 'wag na ang Bataan, puso na lang
niya," sagot ni Gab kaya tumawa si Luis.
"Corny mo!" wika ni Luis. "Halika na, balik
na tayo sa classroom."
Matapos ang klase nila, sabay silang
dumiretso sa tambayan.
"Manang? Kanino galing ang paperbag na
'to?" tanong ni Gab nang pag-upo nila sa
sala ay nakita niya ang paperbag sa center
table.
"Kay Tita Jaffy mo, pasalubong daw niya
mula sa Norway," sagot ng nagluluto kaya
napangiti si Gab.
"Alam ko na 'to!" sabi ni Gab at inabot ang
paperbag. Nagliliwanag ang mga mata nang
tama ang hinalang imported chocolates ang
laman nito.
"Pahingi ako," sabi ni Luis at inagaw ang
dalawang piraso.
"Tama na 'yan!" saway ni Gab saka tinago sa
likod ang papebag.
"Bigyan mo si Manang, damot mo talaga.
Kaya hindi ka pumapayat e," sabi ni Luis
kaya ibinalik ni Gab ang paperbag sa lap
saka kumuha ng dalawa at inilagay sa center
table.
"Manang, para sa 'yo itong sa table, ha,"
sabi ni Gab.
"Naku, salamat," pasalamat ni Manang na
busy sa pagluluto sa kusina.
Kinuha ni Gab ang pentelpen sa bag at
nagsulat sa maliit na papel.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Luis.
Nang matapos na ni Gab ang pagsusulat,
idinikit niya sa dalawang tsokolate ang
papel.
"Pakibigay naman kay Nica," pakiusap ni Gab
sa kakambal.
"Himala, ibibigay mo sa kaniya ang favorite
chocolates mo?" hindi makapaniwalang sabi
ni Luis. Wala pa itong binigyan ng imported
na chocolates. Kapag may bibigyan, bumibili
ito ng kung ano pero hindi niya pinamimigay
ang galing sa Tita Jaffy nila.
"Siya na ngayon ang mas favorite ko, hati
na lang tayo riyan sa chocolates mo,"
nakangiting sagot ni Gab kaya napa-poker
face si Luis.
Tumawag lang si Luis nang mautusan na
magbigay ng chocolates kay Nica.
Tinawagan din ni Gab ang opisina para
hilingin ang number ng dalaga.
Nang makauwi sila, bisita nila sina Mandy at
Cheska.
"Magandang hapon mo Tita Mandy, Lola
Cheska," magalang na bati ni Gab kahit na
naiinis kapag nandito ang mag-ina. Siya lang
kasi ang nakikita ng mga ito at palaging
pinupuna ang katawan niya.
"My ghad! Gab naman, ang taba mo na!"
bulalas ni Mandy kaya sumimangot siya.
Sinasabi na nga ba e. Prangka kasi ang
mag-inang 'to.
"Obvious naman, sinabi mo pa!"sabat ni
Cheska.
"Excuse me lang po, magpapalit lang ako,"
paalam ni Gab. Malaki pa naman ang respeto
niya sa dalawang babae. Mahal siya ng mga
ito at spoiled noong bata pa kaso nang
tumaba na siya, palagi na lang siyang
pinapagalitan kapag marami ang nakain.
Palibhasa mga payat sila.
"But mom? Ang taba na talaga ng
pamangkin ko. My gosh! Sarap sampalin ng
ama niya," daing ni Mandy. Honest lang
talaga siya pero agad na itinikom ang bibig
nang makitang papalapit si GV. Baka
mamaya, masuntok pa siya dahil pinuna na
naman niya ang katabaan ng anak nito.
---------------------
Nang makapasok siya sa kuwarto, agad na
kinuha ni Gab ang cellphone at minissed call
ang number ni Nica. Kinabahan siya nang
nag-ring.
Nag-text siya.
"Hope u lyk the chocolates..."
'Yun lang at pinindot na niya ang send
button. Nahiga siya sa kama at napatingin sa
ceiling. Ang lakas ng pagtibok ng kaniyang
puso.
Aatakihin na yata siya nang tumunog ang
cellphone niya.
"Oh shit! Nag-reply siya!" bulong niya saka
binasa ang reply nito.
"Who u?"
Nanlumo siya. "Ilang lalaki ba ang nagbigay
sa 'yo ng chocolates ngayong araw, ha? Ilan,
Nica?" galit na tanong niya habang nakatitig
sa cellphone na para bang nasa harapan
talaga niya si Nica.
"Kaasar ka!" sabi niya saka napapadyak pa
ng mga paa kaya umuga ang kama. Sakto
namang bumukas ang pinto at iniluwa sina
Ann at Cheska.
"Okay ka lang, apo?" nag-aalalang tanong ni
Ann habang nakatingin kay Gab na
patihayang nakahiga sa kama. Kitang-kita
nila ni Cheska kung paano ito pumadyak.
"Wala ho. Masama lang ang loob ko,"
nakasimangot na sabi ni Gab.
Biglang tumawa si Cheska kaya napatingin
ang mag-lola sa kaniya.
"Ano ang nakakatawa, Cheska?"
nakasimangot na tanong ni Ann. Napahawak
na talaga si Cheska sa tiyan na akala mo,
mamamatay na sa kakatawa.
"Alam ninyo 'yong hitsura ng baboy at
elepante na pinatihaya? Hahaha!" tawang-
tawa nito pero hindi nagustuhan ng mag-
lola. "Ganoon ang hitsura mo, Gab. Para
kang baboy na pinatihaya tapos hindi na
makatayo!"
Humalakhak si Cheska at lumabas nang
mapansing hindi na maguhit ang hitsura nina
Ann at Gabriele.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon