16

1.1K 45 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: Sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited...
"Kasi naman, may klase pa kami mamaya!"
reklamo ni Nica. Bigla na lang kasi siyang
hinila ni Gab nang puntahan siya nito sa
classroom nila.
"Ihahatid kita pabalik. Kakain lang tayo," sabi
ni Gab.
"Hanggang sa panliligaw mo, pagkain pa rin
ang nasa utak mo?" bulalas ni Nica kaya
napakamot sa ulo si Gab.
"Ayaw mo pa no'n? Kapag mag-asawa tayo,
sure kang hindi kita pagugutuman. At least
mapapakain ko ang mga anak natin," sagot
ni Gab. Kaysa naman sa mga lalaking puro
porma lang pero kapag maging syota na ang
nililigawan, ang babae pa ang nagbabayad
ng pamasahe at bayad sa dyip.
"Palusot ka pa!" wika ni Nica na palabas na
sila sa gate ng CTU.
"Nica? Masarap ang kumain kaysa sa mag-
diet. Life is too short, so? Bakit natin
hayaan ang sarili nating mawala sa mundong
ito na gutom at hindi nakain ang gusto?"
tanong ni Gab. Hindi talaga uso ang diet sa
kaniya. Kung hindi lang si Nica ang kausap
niya, baka aawayin pa niya ito.
"Tama ka, life is too short kaya nga dapat na
ingatan natin ang buhay natin para mas
makasama pa natin nang matagal ang mga
mahal natin sa buhay," depensa ni Nica. "Isa
pa, mali ang masobrahan sa pagkain. Hindi
ka gutom, katakawan ang tawag diyan. Alam
mo 'yan."
"E di ibig sabihin, gusto mo pa ako
makasama nang matagal kaya gusto mo
akong mag-diet?" nakangiting tanong ni
Gab at napakunot ang noo dahil hindi niya
alam kung saan sila papunta.
Tumigil si Nica at tinaasan ng kilay ang
binata. "Paano kung oo? Magda-diet ka
na?"
Ngumiti si Gab, "Kapag iyon ang gusto mo,
ibig sabihin, katawan ko lang ang habol
mo."
"Extra large ka lang talaga!" sabi ni Nica.
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ni Gab at
hinawakan sa kanang braso ang dalaga.
"Sa pinakamalapit na mall, Gab."
"Sana sinabi mo. E di sana dinala ko ang
kotse ko," sabi ng binata na ipapara na sana
ang paparating na taxi pero pinigilan ni Nica
ang kamay niya.
"Maglalakad tayo," sabi ni Nica kaya naging
malaki ang mga mata ng binata.
"What? Are you kiddin' me?" bulalas ni Gab.
Sa kabilang kanto pa ang alam niyang mall.
Iyon lang naman ang pinakamalapit na mall
dito.
"Seryoso ako, Gab."
"Nica naman. Alam kong suitor mo ako pero
huwag mo naman akong pahirapan," reklamo
ni Gab. Baka magkapaltos siya sa paglalakad.
"Kakain naman tayo kaya okay lang.
Pampatunaw lang ng taba," sabi ni Nica at
nginitian siya nang ubod ng tamis kaya
natigilan si Gab.
Ang ganda talaga ni Nica. Ang sarap nitong
pagmasdan habambuhay. Pero ilang sandali
pa'y napailing si Gab.
"Taxi na lang tayo, Nica. Hindi ko talaga
kaya," sabi niya kaya tumigil si Nica.
"Malaya kang bumalik, Gab. Hindi kita
pipilitin na sasama sa akin." Nagugutom na
rin siya kaya gusto na niyang kumain. Isa pa,
mas pabor pa nga kay Gab ang gagawin
niya.
"Grabe ka naman sa akin. Ang bully mo!"
hinaing ng binata kaya natawa si Nica.
"Ikaw ang bully sa ating dalawa. May death
note ka, remember?"
Sumimangot si Gab, "They deserved it."
"See? Ayaw mo lang aminin na bully ka," ani
Nica at napansing kahit na nagtatalo,
sumusunod pa rin si Gab sa kaniya sa
paglalakad.
"Bumalik ka na, Gab! Hindi kita kailangan!
Baka mapagod ka lang!" sabi ni Nica at
binilisan ang paglalakad at nilakihan ang mga
hakbang.
"Damn! Nica naman! Dahan-dahan lang!"
reklamo ni Gab at halos patakbo nang
hinabol ang dalaga. Para itong may
hinahabol na last trip e.
"Bahala ka! Ayaw mong sumama, 'di ba?"
sagot ni Nica na medyo malayo na ang
agwat sa binata pero paminsan-minsan ay
nililingon niya ito. Gusto man niyang maawa
dahil ramdam niya ang paghihirap nito pero
malapit na sila. Nakikita na nga niya ang
entrance ng mall.
"Kung hindi lang kita mahal, akala mo,
gagawin ko 'to?" pasigaw na sabi ni Gab.
Ang sakit na talaga ng binti niya. Napansin
niyang napapalingon ang mga estudyanteng
nadaanan at nakasabay nilang naglalakad
pero wala siyang pakialam. Siya si Gabriel
Vince Lacson at walang makakasaway sa
kaniya.
"Ambisyoso na mataba!" natatawang sabi ng
binatang hindi naka-uniporme ng CTU.
Mukhang taga Westbridge o Arellano ito.
"May sinabi ka?" tanong ni Gab at
sinubukang maging kampante sa harapan
nito kahit na hinihingal siya.
"Oo! Ang sabi ko, ambisyoso ka! Sa ganda
niyan, sa tingin mo, papatulan ka niya?"
Tumawa ito at nakitawa rin ang tatlong
kaibigan nito na palapit sa kanila.
"Bakit? At sino ang papatulan niya, kayong
mga pobre kayo?" matapang tanong ni
Gabriele at nakipagtitigan sa nang-asar sa
kaniya.
"Dude? Mukhang lalaban a. Le-lechon-in na
ba natin?" tanong ng kasama nitong kalbo
kaya napangisi si Gab. Apat sila at isa lang
siya pero kaya niya ang mga ito.
"Subukan lang ninyo at ipapa-hunting ko
kayong apat!" pagbabanta niya.
"Gab! Ang tagal mo!" reklamo ni Nica na
bumalik. Lakad siya nang lakad nang
mapansing hindi na nakasunod si Gab sa
kaniya.
"Wow! Ang ganda mo nga, miss! Hindi ka
bagay sa matabang 'to!" sabi ng kalbo at
pinagmasdan pa mula ulo hanggang paa si
Nica na puno ng paghanga.
"Ok nga! Bagay ka sa amin," nakangising
pagsang-ayon ng kaibigan nitong mahaba
ang buhok na hanggang balikat.
"Tumahimik kayong apat! Pag-uumpugin ko
kayo e!" pagbabanta ni Gab. Ayaw talaga
niyang may nagbabastos kay Nica. Kaya nga
binibigyan ng death note ang mga umaaway
rito.
"Gab? Tama na," saway ni Nica.
"Hindi ka niyang papatulan dahil baboy ka!
Ulol!" natatawang sabi ng kalbo.
"Baboy! Baboy! Baboy!" natatawang pang-
asar ng apat na parang mga bata lang na
may binu-bully.
"Ang taba mo tapos mag-ambisyon ka ng
ganiyan kaganda?" sabi ng kalbo.
"Baboy ka! Nakakahiya! Paano kayo mag-
sex? Baka hanggang finger lang dahil hindi
mo kayang ilabas ang sandata mo dahil sa
fats mo?" natatawang sabi ng naka-jacket
kaya naikuyom ni Gab ang kamao.
"Okay lang, kasinglaki naman ng mga daliri
ko ang mga sandata ninyo kaya hindi na
bago!" depensa ni Gab.
"Gab? Tama na!" muling saway ni Nica at
hinawakan ito sa kanang braso. Ang laki pa
naman ng braso ni Gab.
"Miss? Bakit ka ba nakikisama sa kaniya?
Sayang ang ganda mo!" sabi ng kalbo.
"Oo nga, miss. Sa amin ka na sumama,"
segunda ng may mahabang buhok kaya
susugod na sana si Gab pero napigilan ni
Nica.
"Wala ho kayong pakialam kung sino ang
sasamahan ko. Mas pipiliin ko pang sumama
sa kaniya kaysa sa inyo! At kung mahalin ko
man siya, wala na kayo roon!" Hinila na niya
si Gab palayo sa mga ito. May sinasabi pa
nga ang apat pero hindi na niya naririnig.
"Ikaw kasi, kung sinu-sino ang pinapatulan
mo!" naiiritang sabi ng dalaga.
"N-Nica? Salamat pala sa pagtanggol sa
akin," nahihiyang pasalamat ni Gab at
napangiti nang masulyapan ang mga kamay
ni Nica na nakapulupot braso niya. Para
silang magkasintahan talaga.
Pasimpleng pinakawalan ni Nica ang braso ni
Gab. "Halika na nga! Libre mo 'ko ng
pagkain dahil kanina pa ako nagugutom!"
Wala nang reklamo si Gab dahil nasa tapat
na sila ng mall. Habang nakasakay sa
elevator, kung anu-ano pa ang sinasabi ng
kasama nila sa loob na magbarkadang
babae. Kesyo baka ma-overload, mataba, at
love is blind.
Sa foodcourt sila dumiretso. Agad na nag-
order si Gab ng pagkain at pinahintay niya si
Nica sa nakuha nilang table.
Nawili sa pakikinig ng music si Nica kaya
hindi niya namalayang nasa harapan na pala
niya si Gab.
"Kain na tayo," nakangiting sabi ni Gab.
Kagaya ng inaasahan, masarap at marami
ang in-order ni Gab.
Naglagay rin si Nica ng pagkain sa plato niya
at nagsimulang kumain habang ay busy na
sa kakakain ng kanin at pork sisig.
Matapos nilang kumain, nagyaya si Nica na
maglaro muna kaya sunod naman nang
sunod ang binata sa kaniya kahit na
pinagtitinginan sila ng mga tao. Ang
tangkad pa naman ni Gab.
"Gusto mo pa? Bibili ako ng token," tanong
ni Gab. Nawili sa paglalaro ng basketball ang
dalaga kaya hindi na nila namalayan ang
oras.
"Huwag na. Quarter one na pala. May pasok
pa ako ng one thirty," sagot ng dalaga
matapos mapatingin sa relo.
"Sige, balik na tayo sa CTU," ani Gab.
Lumabas na sila sa mall at walang nagawa
ang binata nang magdesisyon si Nica na
maglakad pa rin sila pabalik sa CTU.
"Ang layo naman!" reklamo ni Gab pero nasa
gate na sila ng paaralan.
"Magkasama na naman sila?" tanong ng
isang estudyante sa kasama nang makita ang
dalawang naglalakad papasok.
"Pera-pera lang," natatawang sagot nito
pero hindi na sila pinatulan pa ni Nica.
Binagalan niya ang paglalakad para hintayin
si Gab pero tumigil ito sa isang bench at
naupo. Pagod na pagod at pawis na pawis
kaya nilapitan niya.
"Magpalit ka ng damit, baka magkasakit ka,"
sabi ni Nica dahil tila naliligo na ito sa
sariling pawis. Mainit pa naman kaya muling
tumayo si Gab nang medyo okay na ang
paghinga saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Wala ring silbi ang paglalakad nila dahil
ganoon pa rin ang kain ni Gab. Para itong
bilanggo na bibitayin na bukas kung kumain.
Napailing si Nica habang nakatingin sa
binatang paika-ikang naglalakad palapit sa
tambayan nila. Para isang malaking hayop sa
isang isla na natamaan ng sibat ng mga
pirata.
Naglakad na siya pabalik at hinayaan ang
mga mapanghusgang mga mata sa palibot
niya.
"Saan ka galing? Bakit pawisan ka?" tanong
ni Luis nang pumasok si Gab na tila hirap na
hirap sa paghinga kaya agad na kumuha siya
ng tuwalya sa kuwarto.
"Ouch!" daing ni Gab nang tanggalin ang
sapatos. "Oh shit!" reklamo niya nang makita
ang malaking paltos sa magkabilang paa
matapos tanggalin ang medyas.
"Grabe, in love ka na nga talaga,"
nakangising sabi ni Luis at itinapon ang puti
at malapad na tuwalya sa kakambal.
"Ang hirap talagang magmahal!" reklamo ni
Gab habang pinupunasan ng tuwalya ang
pawisang mukha.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon