53

1.8K 45 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 53

Unedited....
"Dalhin mo na kaya ang lahat ng gamit mo
at ilipat sa bahay nina Nica!" sabi ni GV.
Nakaupo sila ni LL sa sala nang magpaalam
si Gab na pupunta muna kina Nica.
"Kahapon, magkasama naman kayo ah," ani
LL.
"Kahapon iyon. Pero iba namang araw
ngayon," depensa ni Gab. Eh, sa nami-miss
niya si Nica e.
"Hay naku, Gab. Umalis ka na nga!
Nagkakaputi na ako ng buhok dahil sa 'yo!"
pagtataboy ni Lance Leonard sa anak.
"Matanda ka na po talaga, daddy. Ako lang
ang idadahilan mo eh," pang-aasar ni Gab
saka hinarap ang ina. "Hindi ba, Mommy?
Mahina na si Daddy kasi tumatanda na?"
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni GV kaya
napasimangot si LL.
"Mine naman, ikaw lang ang
nakakapagpatunay na hindi totoo ang mga
sinasabi nila!" pagtatampo ni LL.
"Tsk! Ewan ko sa 'yo, LL. Matanda ka na
nga," sagot ni GV kaya tumahimik si LL
bilang pagtatampo.
"Gab? Alam mo namang may tiwala sa iyo
ang mga magulang ni Nica, 'di ba?"
seryosong sabi ni GV. "Kaya huwag mong
sirain ang tiwala ng mga magulang ni Nica.
Alam mo namang nag-iisang anak lang siya."
"Mom? Alam ko na po iyon kaya huwag kang
mag-alala."
"Huwag mong buntisin ang anak ng tao dahil
nag-iisa lang iyon." Tahimik pa rin si LL na
nakikinig lang sa mag-ina niya.
Pinagkaisahan talaga siya ng mga ito.
"Kaya ko naman po siyang buhayin kung
mabuntis ko man si Nica."
"Kahit mahirap sila, respeto pa rin, Gab.
Huwag mong ituring ang pamilya niya na
mas mababa kaysa sa atin. Kapag magmahal
ka, mahalin mo rin ang pamilya niya,"
pagbibigay payo ni GV at napasulyap kay LL.
Kahit na palagi niyang inaasar ang asawa,
aminado siyang hindi niya naramdaman na
mahirap siya kaysa kay LL mula nang
mahalin siya nito.
"Mom? Gusto ko na pong mag-asawa,"
pag-amin ni Gab kaya napanganga si LL. Si
GV naman ay napa-poker face. Inaasahan na
niya ito mula kay Gab. Kung tutuusin, kasal
na lang talaga ang kulang sa mga ito kahit
na hindi pa aamin si Gab.
"Magtapos muna kayo ni Nica at saka na
natin pag-uusapan 'yan," sabat ni LL kaya
itinaas ni Gab ang mga kamay.
"Alis na po ako dahil kanina pa ako hinihintay
ni Nica," paalam ni Gab. May usapan silang
magsisimba sila ngayon.
"Umalis ka na, sumasakit ang ulo ko sa 'yo,"
pagtataboy ni LL kaya lumabas na si Gab sa
bahay at pumunta sa bahay nina Nica pero
nasa bukana na siya ng subdivision nang
ma-flat ang gulong ng sasakyan niya kaya
nilakad na lang niya papasok.
"Sino 'yan? Parang baguhan lang siya rito,"
tanong ng babaeng nadaanan ni Gab na
nakatambay sa labas ng tindahan.
"Boyfriend 'yan ni Nica," sagot ng kasama
nitong babae na umiinom ng Sting.
"Really? Ang pogi naman niya," puri ng
babae na kakabalik lang mula sa Antipolo
kaya huli na siya sa balita sa mga kababata
niya.
"Maganda rin naman si Nica," ani nito kaya
hindi mapigilan ni Gab ang ngumiti. Kilala na
siya ng mga kapitbahay nina Nica dahil
madalas silang mamasyal at mag-jogging.
Nag-doorbell siya nang makarating sa tapat
ng gate nina Nica.
"Thabz," sabi ni Nica nang pagbuksan siya.
Ang cute ng dalaga na nakapantalon at
sombrero. Iniregalo ni Gab ang sombrero sa
kaniya nang pumunta ito sa Europe kaya
madalas niya itong gamitin kapag
magkasama sila.
"Hi," nakangiting bati ni Gab at humalik sa
pisngi ni Nica. Kaya pala mabigat ang
pakiramdam niya dahil may nakalimutan
siya- bulaklak.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
Nica. Para kasing binagyuhan ang hitsura ni
Gab.
"Nakalimutan kong bumili ng flowers," sagot
ni Gab pero hindi naniniwala si Nica.
"Flowers nga lang ba?"
Tumawa si Gab at inakbayan si Nica. "Tutal,
nakabihis ka na, alis na tayo," yaya ni Gab
kaya nagpatangay si Nica. Nag-taxi na lang
sila patungo sa simbahan sa Baclaran.
"Halika, thabz," sabi ni Gab at hinawakan
ang kamay ni Nica papasok.
"Gab? Nasa simbahan tayo, bakit ganoon
ang mukha mo kanina?" tanong ni Nica.
"Wala. Nakalimutan ko lang talaga bumili ng
flowers, thabz," nakangiting sagot ng binata
at piningot ang ilong ni Nica. "Wala akong
babae kagaya ng iniisip mo."
"Wala ba talaga?" nakataas ang kilay na
tanong ni Nica.
"Wala, thabz. Ang cute mo magselos,
thabz."
"Hindi ako nagseselos, Gabriel Vince Lacson!
Tumigil ka na, magsisimula na ang pari,"
saway ni Nica kaya nanahimik na si Gab.
Habang nakikinig sa sermon ng pari, naka-
holdinghands naman silang dalawa.
Paglabas sa simbahan, dumiretso sila sa
MOA at nanood ng sine.
"Thabz? Bakit walang tao?" tanong ni Nica.
Kaunti lang ang nanonood dahil hindi naman
sikat ang movie. Sa itaas lang ang maraming
tao pero dito sa baba ay kaunti lang.
"Alam mo ba kung ano ang gusto ko?"
tanong ni Gab at dinala sa mga labi ang
kanang kamay ni Nica. "Ang ganito tayo."
"Hmp? Thabz? Mahal mo pa ba ako?"tanong
ni Nica. Isinandal ni Gab ang ulo ng dalaga
sa balikat niya.
"Hindi ako magsasawang mahalin ka, thabz,"
sagot ni Gab at hinagkan sa ulo ang dalaga.
Ang bango talaga ni Nica at sarap yakapin.
"Thabz? Gumawa na tayo ng baby," bulong
ni Gab na hindi pumapasok sa utak ang
pinapanood nila.
"Ayaw ko pa," tanggi ni Nica saka umiling.
May pangako pa siya sa mga magulang niya
kaya hindi pa puwede. Alam niyang
nagsisinungaling na siya sa mga ito lalo na
ang ingatan ang pagkababae habang hindi
pa sila ikinakasal ni Gab.
"Gusto ko nang sa loob mo na lang palagi,"
sabi ni Gab. Pinagbigyan naman siya ni Nica
pero once a month lang. Iyong after ng
menstruation nito para sure na hindi
mabuntis ang dalaga.
"Gumamit ka ng condom," ani Nica.
"Ayaw," parang batang sagot ni Gab. Ang
layo ng agwat nila sa ibang nanonood kaya
nakapag-usap sila nang maayos. "Walang
skin to skin contact kaya hindi ko ramdam."
Nasubukan na rin nila minsan ang condom
pero hindi pa nakakalahati si Gab at tumigil
na ito at tinanggal kaya ang ending,
withdrawal sila palagi. Ayaw naman niyang
pumayag na mag-pills si Nica dahil
natatakot siya sa side effect nu'n kaya
hintayin na lang niya na makasal sila para
kahit araw-araw, wala nang withdraw-
withdraw.
"Malibog kang baboy ka," sabi ni Nica. Oo,
tumataba na naman si Gab. Sa katunayan,
8kgs ang idinagdag ng timbang nito pero
hindi lang ganoon kahalata dahil matangkad
ang binata.
"Baboy ka rin," nakangiting sagot ni Gab at
pinisil ang baba ni Nica saka yumuko para
hagkan ito. Hindi naman tumanggi si Nica
kaya mas nilaliman niya ang halik hanggang
sa pareho na silang nawawalan ng hangin
kaya humiwalay ang nga labi nila.
"I love you, thabz," bulong ni Gab at
niyakap ang dalaga.
"I love you too, thabz ko," sagot ni Nica at
napatingin sa malaking screen pero nasa
kalagitnaan na ang horror movie na
pinapanood kaya wala siyang maintindihan.
"Buntisin na kita..." bulong ni Gab kaya
nakangiting kinurot niya ito sa tagiliran.
Wala na talaga itong bukambibig kundi ang
buntisin siya.
"Manood ka na," ani Nica.
"Ikaw na lang ang panoorin ko, thabz,"
bulong ni Gab na naglalakbay na ang
kaliwang kamay sa ilalim ng blusa ni Nica.
"G-Gab..." saway ni Nica. Malamig ang
sinehan at madilim sa part nila dahil horror
movie pa ang pinapanood nila. Nagsisigawan
na ang magbarkadang nasa paligid nila pero
sila, naglalandian lang.
"T-Thabz?" bulong ni Gab at hinagkan ang
leeg ni Nica saka kinuha ang kamay ng
dalaga. "T-Touch me..."
Nagulat si Nica nang makapang nakabukas
na ang zipper nito. Pagdating si Gab,
nawawala ang pagkamahinhin at mahiyain
niya kaya ipinasok niya ang kamay sa brief
nito. Sumalubong naman ang nakatagong
alaga ng binata.
"Oh, S-Shit," namamaos na sambit ni Gab at
pinisil ang malambot na siopao ni Nica. "T-
Thabz? Aaaah. L-Labas na tayo, please."
Pakiusap ng binata bago pa siya magwala sa
loob ng sinehan. Respeto na lang kay Nica
dahil nakita niyang may guard na umiikot sa
loob. Kapag mahuli sila, malaking scandal ito
para sa pamilya nila.
"S-Sige..." Nahihiyang wika ni Nica saka
tumayo nang pakawalan ang alaga ni Gab.
Inayos muna ni Gab ang sarili saka inakay
ang kasintahan palabas sa sinehan.
Tuloy-tuloy sila sa labas at pumara ng taxi.
"Sa Five Star Hotel po," sabi ni Gab matapos
isinara ang pinto ng taxi.
----------------------
"Nasa labas na ang boyfriend mo," bulong ni
Sunny kaya napasulyap si Nica sa labas.
Nakatayo si Gab at nakikipag-usap sa mga
kaibigan habang hinihintay ang uwian niya.
Last sem na nila ito at makapagtapos na sila
sa pag-aaral. Masaya naman siya dahil kahit
paano, mabait na kasintahan si Gab. May
mga times na nag-aaway sila pero kaagad
namang naayos.
Sumenyas si Gab na aalis muna kaya
tumango siya. May fifteen minutes pa kasi
silang natitira kaya sigurado siyang susulitin
ng guro nila dahil absent ito kahapon.
Ganiyan naman ang ibang teacher. Aabsent
tapos kapag bumalik, ang mga estudyante
ang ipe-pressure para makahabol sa lesson.
"Class dismissed," anunsiyo ng guro kaya
naghiyawan ang mga kaklase nila ni Sunny.
Last period na kasi nila ngayon at halos
lahat ay may kani-kaniyang lakad dahil
Friday. Ang iba ay mag-aayos pa para sa
nightout mamaya.
"Ang ganda mo, Nica," puri ni Sunny nang
nagmamadaling naglagay ng lipstick si Nica
sa mga labi.
"Maganda ka rin naman, Sunny," puri ni Nica
sa kaibigan.
"Saan ka na pupunta?" tanong ni Sunny na
palabas na sila sa classroom.
"Puntahan ko lang si Gab sa rooftop," sagot
ni Nica.
"Sus, ikaw na ang masaya sa lovelife," ani
Sunny.
"Masaya ka na rin naman," nakangiting sabi
ni Nica at tinapik ang balikat ng kaibigan.
"Mauna na ako, Sunny. Kanina pa 'yon
naiinip si Gab."
Naghagdan na si Nica para makapag-
exercise siya. Ang bigat na naman ng
katawan niya dahil kain lang sila nang kain ni
Gab. Ayaw na sana niya pero mapilit ang
binata kaya wala rin siyang nagagawa.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Medyo mainit pa sa buong paligid dahil
mataas pa ang araw kahit na alas kuwatro 'y
media na ng hapon.
"Thabz?" tawag niya at lumapit sa
kasintahang nakahiga at tinatakpan ng
kamay ang mukha para protektahan sa sinag
ng araw. Bahagyang nakapikit si Gab kaya
malaya niyang napagmasdan mukha nito
kahit madalas naman niya itong nasisilayan.
Ang guwapo talaga nito at ang cute pa ng
medyo makapal na kilay at matangos na
ilong.
"Nandito ka na pala, thabz," ani Gab at
naupo sa tabi ng dalaga.
"Pasensiya ka na kung pinaghintay kita.
Pagod ka ba?" tanong ni Nica at kinuha ang
panyo saka pinahidan ang pawis nito sa noo.
"Hindi naman gaano. Naghagdan kasi ako
kanina kaya medyo napagod ako," sagot ni
Gab.
"Thabz? Chubby ka na ulit," nakangiting sabi
ni Nica.
"Okay lang, alam ko namang mamahalin mo
ako kahit na ano pa ang hugis ng katawan
ko," nakangiting sabi ni Gab at sinundot ang
baby fat ni Nica sa tagiliran kaya tumawa
ang dalaga.
"Huwag kang mag-alala, thabz, pareho lang
naman tayong lumulubo," natatawang sabi ni
Nica.
"Gusto kong ganito ang katawan mo,"
seryosong sabi ni Gab at hinaplos ang
magkabilang pisngi ng dalaga.
"Really?" tanong ni Nica. Palagi niyang
naririnig mula kay Gab na gustong-gusto
nito ang katawan niya.
"Masarap kayang kainin ang may laman,"
pilyong sabi ni Gab at kinindatan si Nica
nang mapansing namula ang magkabilang
pisngi nito.
"Loko ka!" ani Nica at hinampas ang balikat
ng kasintahan.
"T-Thabz? Niyaya ako nina Luis na maglaro
ng basketball," pag-iiba ni Gab.
"Kailan?"
"N-Ngayon na sana. Pero kung ayaw mo,
huwag na lang," nag-aalinlangang sagot ni
Gab at napakamot sa batok.
"Sige. Okay lang basta manood ako," sabi ni
Nica.
"Talaga? Payag ka?" nagliwanag ang mga
mata ni Gab.
"Oo naman," sagot ni Nica at tumayo.
"Halika na, manonood ako kaya galingan mo,
thabz." Paminsan-minsan, wala namang
masamang hayaan niya si Gab na mag-enjoy
itk kasama ang kakambal at mga barkada.
Isa pa, ayaw rin niyang maging mahigpit kay
Gab. Minsan, hinayaan din naman siya nitong
sumama kina Sunny. Tamang higpit lang
para masaya.
"Thabz?" tawag ni Gab at inabot kay Nica
ang isang blue rose.
"Bakit may rose?" tanong ni Nica.
"Wala lang," sagot ni Gab. "Wala naman
sigurong masama kung araw-araw kitang
liligawan, 'di ba?"
Napangiti si Nica saka inamoy ang bulaklak
na bigay ng kasintahan. Feeling virgin.

A/n:
Actually, wala nang problema. Eksena na
lang ang mga natira. Baka next chap, ending
na. Depende kung kailan ako sumpungin.
Pwede ngang ito na ang ending. Wala nang
important details sa susunod na chapter.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon