19

1K 44 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...
"Mom? Sa labas na lang po ng gate ako
bababa," sabi ni Gab sa inang
nagmamaneho.
"Are you sure?" tanong ni GV.
"Yes po," magalang na sagot ni Gab at
itinapon sa maliit na basurahan ang popsicle
stick.
"Gab? Sa tuwing titingin ako sa 'yo,
lumalamon ka ng kung anu-ano. Puwede
bang tigilan mo nang kumain? Tingnan mo
nga ang katawan mo! Kahit sampung tao,
hindi ka kayang buhatin!" saway ni GV. Siya
ang naalibadbaran sa katawan ng anak lalo
na kapag maglakad ito.
"Grabe ka naman, mine. Ang hard mo na sa
anak natin," saway ni LL kahit na medyo
naiinis na sa katabaan ng anak.
"Kung binantayan mo lang sana 'yan sa
kusina, e di hindi ganiyan kalaki ang katawan
niya!'" paninisi ni GV. Isa rin 'tong asawa
niya e. Sa tuwing sawayin niya si Gab, palagi
itong pinagtatanggol ng asawa.
"Mom? Huwag na po kayong manisi.
Kasalanan ko na ang lahat!" naiiritang sabat
ni Gab. Palagi na lang ganito ang naririnig
niya sa mga magulang--diet dito, diet doon.
Hindi na ba sila nagsasawa?
"Kasalanan mo? Hindi ka ba naawa sa
katawan mo? Gab naman, ang taba-taba mo
na! Sobrang tama. Ikaa yata ang
pinakamatabang tao sa bansang ito! Hindi ka
ba naaawa sa sarili mo? Ang lakas pa ng
loob mong manligaw samantalang ang laki
ng katawan mo! To be honest, kapag ako
ang niligawan mo, hindi kita sasagutin!"
prangkang sabi ni GV sa anak. Kapag siya
lang talaga ang nagpapakain sa anak, hindi
ito lulubo ng ganito.
"M-Mine? Tama na," saway ni LL.
Nahihirapan siyang sawayin ang mag-ina
niya dahil parehong matigas ang ulo ng
dalawa.
"Tama na? Tingnan mo nga ang katawan ni
Gab! Bilang ama, natutuwa ka ba sa
ganiyan!" singhal ni GV at pinabilisan ang
pagtakbo. Sarap ibangga sa poste ang kotse
na minamaneho niya.
"M-Mine, dahan-dahan lang, mabangga
tayo," saway ni LL. Kaya hindi talaga siya
sang-ayon na si GV ang magmaneho dahil
wala itong preno minsan.
"Kung hindi mo ako tutulungan kay Gab--"
"Oo na!" sigaw ni Gab. "Palagi namang ako
ang nakikita ninyo!"
"Huwag kang sumigaw!" sigaw rin ni GV at
napadiin ang hawak sa manibela.
"H-Huwag kayong sumigaw," mahinang
pakiusap ni LL sa mag-ina niya. Akala ba
niya, siya ang ama at siya ang dapat na
tumaas ng boses? Pero bakit ganito? Sila
ang nagsisigawan sa harapan niya?
"'Yong totoo, Gab? Kailan mo pa huling
nakita ang daliri ng mga paa mo?" tanong ni
GV.
Hindi sumagot si Gab at pasimpleng yumuko
pero sa halip na paa ang makikita, bilbil niya
ang nakikita niya. Mabuti pa nga ang buntis
na manganganak, nakikita pa nila ang mga
paa nila. Samantalang siya, ne kuko, hindi
niya makita.
"Itabi mo na lang ako riyan. Maglalakad na
ako pababa!" sabi ni Gab nang malapit na
sila sa gate. Mamaya pa niya kasi makukuha
ang kotse dahil na-flat ang gulong kahapon.
Ewan niya kung bakit pero ang lakas naman
ng pang-aasar nilang nabibigatan daw ang
kotse niya sa kaniya. Exaggerated lang sila
masyado.
"Ingat ka, 'nak," sabi ni LL. Alam naman
niyang nagtatampo na si Gab sa kanila.
Walang paalam na bumaba ang binata
matapos tumigil ang ina.
"Gab?" tawag ni Luis na palabas ng gate.
"Hindi mo sinabing wala ka palang sasakyan.
Sana sabay na tayo." Kaya pala parang may
kulang sa garahe nila kanina. Wala pala ang
sasakyan ng kakambal.
"Okay lang. Ihahatid naman ng driver
mamaya," sagot ni Gab.
Sumabay sa paglalakad pabalik si Luis kay
Gab.
"Saan ka ba pupunta at palabas ka na?"
tanong no Gab sa kapatid na inilagay ang
mga kamay sa likuran nito at binagalan ang
paglalakad para makasabay sa kaniya.
"Kakarating ko lang din. Nakita kita kaya
sinalubong na kita para sabay tayong
pupunta sa classroom," sagot ni Luis at
napasulyap kay Nica na kakalabas lang ng
classroom nito. "Si Nica."
"Alam ko," sagot ni Gab. "Mataba lang ako,
hindi bulag."
Napakamot na lang sa ulo si Luis. Parang
ang suplado yata ni Gab ngayon. Baka nag-
away na naman sila ng mga magulang nila.
"Morning, Nica," nakangiting bati ni Gab.
"Morning,"tipid na sagot ni Nica at
napasulyap kay Gab na kasama si Luis.
"Hi, Nica," nakangiting bati ni Luis.
"Hello, Luis."
"Nica? Sabay tayong mag-lunch mamaya,"
ani Gab.
"Sa labas ako kakain," sagot ni Nica.
"Sasama ako. Kahit saan naman, puwede
ako," wika ni Gab at ngumiti da magandang
dalagang kaharap. Maaga pang pinaganda ni
Nica ang araw niya. Bawing-bawi ang
pagtatampo niya sa ina kanina.
"Bahala ka. Mauna na ako," paalam ni Nica sa
kambal dahil nagugutom pa siya. Pupunta
siya sa canteen para kumain ng pancit. Male-
late raw ng one hour ang teacher nila kaya
may oras pa siya. Tinext na rin niya si Sunny
na sa canteen na ito dumiretso.
Habang naglalakad, alam niyang nakasunod
ang mga mata ni Gab pero pinigilan niya
ang leeg at ulo na lumingon. Masyado na ba
siyang paasa kay Gab? Hanggang ngayon
kasi, hindi pa rin ito tumitigil sa panliligaw
sa kaniya. Ang hirap naman itago dahil ang
laki nito.
"Sila na ba ni Gab?"
Ayan na naman sila. Kapag maglalakad siya,
siya lang ang pinagtitinginan ng halos lahat
ng estudyante sa paaralang ito.
Dumiretso siya sa counter at nag-order.
Madali lang ang maghanap sa kaniya ng
upuan dahil marami pa ang bakante.
Nakakalahati na siya nang dumating si
Sunny.
"Oh? Dumating ka pa?" tanong ni Nica nang
maupo si Sunny sa harapan niya.
"Oo naman. Napuyat kasi ako e," nakangiting
sabi ni Nica.
"Palagi ka na lang nagpupuyat sa mga
katextmate mo," sabi ni Nica.
"Oo naman. Minsan, lovelife-lovelife rin 'pag
may time. Palibhasa may Gab ka na."
"Pati ba naman ikaw?" bulalas ni Nica.
"Bakit ba? Iyon naman ang nakikita namin sa
inyo. Deny ka pa."
"Bahala kayo. Malisyoso ninyo!"
nakasimangot na sabi ni Nica at inubos na
ang kinakain.
Nang matapos silang kumain, bumalik na
ang dalawa sa classroom nila para sa next
subject.
Nang matapos ang last period nila sa
umaga, nasa labas si Gab at naghihintay.
"Let's go?" tanong ni Gab nang makalabas si
Nica.
"Sa labas ako kakain," malamig na tugon ni
Nica kahit na marami ang kaklase niyang
nakikinig.
"Sasama ako," giit ni Gab at sinundan si Nica
na mabilis na naglalakad pababa ng hagdan.
"Nica, sandali!"
Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa
kanila pero walang pakialam si Gab. Si Nica
lang naman ang mahalaga sa kaniya.
Hindi na niya nakikita si Nica na baka nasa
baba na.
"Bakit pa kasi may hagdan!" reklamo niya
habang bumababa sa hagdan. Mahigpit din
ang hawak niya sa gilid ng hagdan dahil
baka mahulog siya at gumulong pababa.
"Thank you, Papa God," bulong na
pasalamat niya at pinahiran ang pawis sa
mukha ng panyong hawak. Pati kilikili niya,
pinagpawisan sa pagbaba sa hagdan. Para
siyang galing sa langit na pinababa sa
impyerno gamit ang hagdan.
"Nica!" malakas na tawag niya sa dalaga na
palabas na ito sa gate pero hindi man lang
huminto ang dalaga.
Naririnig naman ni Nica ang pagtawag ni
Gab kaya mas binilisan niya ang paglalakad.
Ang sama na siguro niya pero hindi lang
niya nagustuhan ang idea ng mga
estudyante na sila na ni Gab. Mahirap kapag
makarating sa mga magulang niya. Paano na
lang ang tiwala na ibinigay ng ama niya?
Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at lumiko
sa kanto. Ang alam niya ay magbubukas ng
karenderya ngayon ang kaibigan ng mama
niya kaya puntahan niya.
Napatigil siya sa paglalakad nang may
humarang na tatlong lalaki sa daanan niya.
"Bawal dumaan ang magaganda rito, kiss
muna," pilyong sabi ng lalaking tambay na
kaedad lang niya.
"Oo nga. Kiss muna," nakangising sabi ng
lalaking namumula ang mga mata kaya
napaatras si Nica at napahawak sa dibdib.
Mukhang kakatapos lang nilang humithit ng
marijuana.
"P-Padaan lang po," sabi niya. Iilan lang ang
dumadaan dito dahil hindi main road.
"Hindi nga puwede. Dapat may kiss kaming
tatlo," pilyong sabi ng lalaking malaki ang
katawan sa kanilang tatlo.
"Hoy! Layuan ninyo si Nica!"
Napatingin silang tatlo sa lalaking mataba na
papalapit sa kanila.
"Tol? May baboy!" natatawang sabi ng
pinakapayat na nakatali ang mahabang
buhok.
"G-Gab, diyan ka lang," sabi ni Nica.
"Katayin natin ang pakialamerong mataba na
'yan!" sabi ng malaki ang katawan at
susugod na kay Gab kaya mabilis na
tumakbo si Nica palapit sa binata.
"Takbo, Gab!" sigaw niya at hinawakan ang
kamay ni Gab para tumakbo.
"Sandali--" Walang nagawa si Gab kundi ang
sumunod kay Nica na tumatakbo na dahil
hila-hila nito ang kaliwang kamay niya.
"B-Bilisan mo!" kinakabahang sabi ni Nica
kaya napapatingin ang iilang tao sa kanila
lalo na't maingay ang paghakbang ni Gab.
Sa abot ng makakaya, binilisan ni Gab ang
pagtakbo dahil ramdam niya ang
panginginig sa kamay ni Nica na pinipiga ang
kamay niya. Para silang hinahabol ni
Kamatayan lalo na't ang bilis ng pagtibok ng
mga puso nila dahil sa kaba. Panay ang
lingon din ni Nica sa likuran nila dahil
nakasunod pa rin ang tatlong adik habang
tumatawa.
Paano, takot na takot ang dalaga habang
tumatakbo tapos may bitbit pa itong
mataba. Para siyang nagma-marathon na
may hila-hilang baboy na sa tuwing
tumatakbo, parang nabibiyak ang naapakan
ni Gab dahil sa bigat ng mga paa. Ang takbo
nito, mahinang jogging lang ng mga normal
na tao.
"N-Nica, s-sandali!" hinihingal na sabi ni Gab
at tumigil na sa pagtakbo saka hinila ang
kamay na hawak ni Nica. Pakiramdam niya,
mula Luzon hanggang Mindanao na yata ang
natakbo nila kahit na mga 400 meters pa
lang naman. Hindi na niya naramdaman ang
mga paa sa sobrang pamamanhid.
"M-Maabutan nila tayo, Gab!" puno ng takot
sa boses ni Nica habang nakatingin sa
binatang napapahawak sa tiyan nito at
hinihingal. Parang kakatapos lang nitong
maligo sa ulan dahil ang basang-basa ang
katawan at buhok nito dahil sa pawis.
"P-Putiks!" galit na sabi ni Gab at kumuha
ng hangin sa paligid dahil kinakapos na siya
ng hininga. "Ikaw na ang tumakbo palayo.
Haharapin ko na lang sila!" Hindi naman
talaga siya tatakbo e. Si Nica kasi, bigla
siyang hinila kaya nakisabay na siya.
"G-Gab, mapapahamak ka," natatakot pa rin
na sabi ni Nica.
"W-Wala akong pakialam! B-Basta hindi na
ako tatakbo. S-Sigurado naman ako na
ligtas ka na kaya t-tumakbo ka na!"
hinihingal na sagot ni Gab.
"H-Hindi kita iiwan," naiiyak na sabi ni Nica.
Kasalanan naman niya ang lahat. Kung sana,
hindi siya nagmamatigas kay Gab.
"Tahan na. B-Bumalik na s-sila," mahinang
sabi ni Gab at itinapon ang panyong puwede
nang pigaan dahil sa pawis niya.
"S-Sorry, Gab. I'm sorry," paumahin ni Nica
at muling hinawakan ang kamay ni Gab.
Awang-awa siya sa binata.
"Okay na, ligtas ka na," sabi ni Gab na
medyo kumalma na pero ang bilis pa rin ng
paghinga. Humarap siya kay Nica at
pinahidan ang mga luha nito. Gusto sana
niyang yakapin pero puno siya ng pawis.
Baka mandiri pa si Nica sa kaniya. "Halika na,
balik na tayo sa CTU. Sa tambayan na lang
tayo kumain."
Walang nagsasalita habang naglalakad sila
pabalik sa CTU. Nagtataka pa nga ang mga
nakakasalubong nila kung bakit basang-basa
si Gab. Puti pa naman ang tshirt nito kaya
humuhulma ang ilang layer ng tama sa
katawan nito.
"G-Gab? Sa canteen na lang ako kakain.
Maligo ka na muna sa tambayan ninyo," sabi
ni Nica nang makapasok sila sa main gate.
"Sige," pagsang-ayon ni Gab.
Naikuyom ni Gab ang kamao nang papalayo
na si Nica sa kaniya. Shit lang! Sa lahat ng
tao sa mundo, si Nica lang ang
nakapagpatakbo sa kaniya ng ganoon
kahaba. Pasalamat lang talaga si Nica dahil
mahal niya. Kung hindi, baka kanina pa niya
sinipa palayo sa CTU.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon