45

1.2K 42 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 45

Unedited...
"Mabuti naman at naisipan mong sumama,"
nakangiting sabi ni GV habang naglalakad
sila sa tabing-dagat.
"Ipinaalam naman po ako ni Gab," sagot ni
Nica. Medyo naging kampante na siya sa ina
ni Gab kahit na medyo astigin ito.
"Tapang ni Gab a!" sabi ni GV na para bang
nakipaglaban ang anak sa leon na hari ng
kagubatan. "Sabihin mo lang kung niloloko
ka ni Gab at babalatan ko siya ng buhay!"
Ngumiti si Nica at napasulyap kay Gab na
nakangiti habang nakikipag-usap sa mga
pinsan.
"Mabait naman po si Gab," ani Nica at
nginitian ang binata nang magkasalubong
ang mga mata nila. May isinabi ito kina Kale
at lumapit sa kanila.
"Ahm? Mabait naman sa mga taong ka-close
niya," pagsang-ayon ni GV habang
nakatingin sa anak na papalapit sa kanila.
Sino ang mag-aakalang papayat ang anak
niyang mukhang elepante?
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"
nakataas ang kilay na tanong ni Gab.
"Napaka-feeling mo!" sabi ni GV at
mahinang sinuntok ang kanang balikat ng
anak.
"Mom? Ang sadista mo," nakangiting sabi ni
Gab at hinarap si Nica. "Puwede ko po bang
masolo ang thabz ko? Nagseselos na po ako
sa 'yo, mommy."
"Bakit? Dahil ba mas may karisma ako kaysa
sa inyo ng daddy mo?" biro ni GV at nagpa-
pogi sign pa.
"Oo na po, guwapo ka na po at maniwala ka
man o sa hindi, mas pogi ka kaysa kay
Daddy," natatawang sagot ni Gab. Hindi
naman lingid sa kaalam nila ni Luis na dating
'SheMan' ang ina. Babaeng may pusong
lalaki 'ika nga.
"Magtatampo ang pangit mong ama kapag
marinig ka niya," natatawang sabi ni GV.
Kahit na nagtatalo pa rin sila ni LL sa
nakaraan niya, nagiging okay naman ang
kanilang pagsasama. Siyempre mahal na niya
si LL at sigurado na siyang lalaki talaga pala
ang hanap niya.
"Hayaan mo po si Daddy. Totoo namang
pogi ka kaysa sa kaniya,"natatawag sabi ni
Gab at pasimpleng inakbayan si Nica.
"Sige na, tinatawag na ako ng daddy mo
kaya maiwan ko muna si Nica sa 'yo," paalam
ni GV at iniwan na ang dalawa para
makapag-usap naman.
"Nagustuhan mo ba rito?" tanong ni Gab at
pinisil ang balikat ni Nica.
"Oo, maganda," sagot ni Nica at napatingin
sa malawak at malinis na dagat. "Parang
paraiso."
"Namana namin ito kina Lola Patch at Lolo
Lee," pagkukuwento ni Gab. "Kapag gusto
naming mamasyal at magbakasyon, dito
kami pumupunta. Ang alam ko, dito yata
nag-honeymoon sina Lola Ann at Lolo
Dylan. Parang sina Mommy, dito rin yata."
"Ah," tanging nasabi ni Nica.
"Tayo, dito rin tayo, thabz," nakangiting sabi
ni Gab kaya uminit ang magkabilang pisngi
ng dalaga.
"Pero bata pa tayo kaya nextime na lang
naging pag-isipan 'yan," agad na bawi ni
Gab nang mapansing naasiwa si Nica sa
sinabi niya. "Mas mahalaga muna sa akin
kung paano ka mapasagot."
"Gab? Pagod ka na ba?" tanong ni Nica at
sinipa ang maliit na seashell na nasa unahan
nila at hinayaan ang buhangin na pumasok
sa tsinelas niya.
"Pagod? Hindi pa naman," sagot ni Gab at
idinikit si Nica sa katawan niya. "Mapapagod
lang ako kapag sabihin mo na naman na
hindi mo ako mahal."
"Sorry kung nasabi ko iyon noon,"
paumanhin ni Nica at ipinulupot sa bewang
ni Gab ang kaliwang kamay niya. "Pero
nagpapasalamat ako dahil dinala mo ako rito
ngayon."
"Wala iyon. Espesyal ka kasi sa akin kaya
ikaw ang kauna-unahang babae na ipinakilala
ko sa buong pamilya ko," sabi ni Gab at
dinampot ang magandang at kulay pink na
kabebe na nadaanan saka ibinigay kay Nica.
"Una at huling ipakilala ko sa buong pamilya
ko, Nica." Pagtatama niya sa huling sinabi.
Kinuha ni Nica ang kabebe saka tumigil at
hinarap si Gab. Kahit na pumayat na ito, si
Gab pa rin na mataba ang nakikita niya.
"Salamat, Gab."
Napatingin sila sa pinsan ni Gab na
tumatawag sa kanila para kumain na.
"Oo na. Storbo ka, Dale!" nakasimangot na
sabi ni Gab at niyaya na si Nica para bumalik
sa cottage. May iilang turista sa paligid pero
kaunti lang dahil mga high profile lang ang
nakakapasyal dito. Mostly ay mga sikat na
artista sa ibang bansa lalo na sa Korea. Last
month, dito nag-shooting ang anim na stars
ng Two Days And One Night para sa 10th
anniversary nila.
Masayang kumain ang mga ito kasama si
Nica. Paminsan-minsan ay kinakausap siya
nina Dale at Kale pero ang babaeng kapatid
nila ay medyo mailap at ang mga pinsan
kina Jacob, JM at Lee Patrick lang ang
kinakausap.
"Gab? Kumain ka pa," sabi ni Nica nang
mapunang gulay lang ang kinain ni Gab.
"Sige lang, wala akong gana, thabz," sagot
ni Gabriel.
"Sus? Nahihiya lang 'yan, Nica. Kumain ka na
kasi nang marami, baka pumayat ka niyan,"
sabat ni Luis.
"Ikaw ang kumain para tumaba ka naman,"
sabat ni Gab at inilagay ang maraming hipon
sa plato ng kakambal na hindi naman
tinanggihan ni Luis.
"Ikaw Luis? Wala ka bang ipakilala sa amin?"
tanong ni Christine na asawa ng Tito Lee
Patrick niya katabi ang bestfriend nitong si
Anndy na kapatid ng quadruplets. Limang
magkapatid sina LL. Quadruplets sila at
nag-iisanv babae si Anndy.
"Wala pa po akong balak na magkasyota,"
sagot ni Luis na napakamot sa ulo.
"Sus? Kunyari ka pa. Dami mo ngang babae
e," sabat ng pinsan nila kina Jacob at Hael.
"Swimming tayo! Hindi naman mainit dahil
nagtatago ang araw sa makapal na ulap,"
yaya ni Ann sa mga apo.
"Mamaya na, kumakain pa e," sabat ni Dylan
at nilagyan ng pagkain ang plato ni Ann.
"Kumain ka, baby. Pumapayat ka na naman."
"Ayaw," sagot ni Ann at ibinalik ang ulam sa
plato ni Dylan. "Ikaw ang kumain nang
marami kasi alam kong pagod ka."
"Salamat, baby. Kaya mahal na mahal kita
e," nakangiting pasalamat ni Dylan na hindi
maitago ang tuwa sa mukha.
Nang matapos silang kumain, nag-usap
muna ang quadruplets at Zero sa lilim ng
punong mangga habang ang mga anak nila
ay nagsitakbuhan na para maligo sa dagat.
"Let's go?" tanong ni Gab kay Nica nang
makalabas na ito sa cottage. Agad na iniwas
ni Nica ang mga mata. Topless si Gab kaya
kitang-kita ang malapad nitong dibdib at
abs.
"S-Sige..." naiilang na sagot ng dalaga.
Parang gusto niyang tumakbo nang akbayan
siya ni Gab pero pilit na pinapakalma niya
ang sarili.
"Ang sexy mo kahit na hindi daring ang suot
mo," bulong ni Gab na proud sa magandang
babaeng kasama. Black one piece ang suot
ni Nica at sinampawan ng swimming shorts
kaya sobrang simpleng tingnan. Hinawakan
niya ang kanang kamay ni Nica para holding
hands sila habang naglalakad.
"Ikaw nga rin eh, macho ka na," sabi ni Nica.
"Naging macho ako dahil sa 'yo," sabi ni
Gab. "Kaya huwag kang mag-alala, sa 'yo
lang ang katawan kong ito."
"Hmm? Alam kong marami nang nauna," ani
Nica na nakaramdam ng kaunting kurot sa
puso. Sa dinami-rami ng babae, hindi
maiwasang marami ang susuko kay Gab lalo
na't hindi na ito mataba. Kinumpirma naman
iyon ng pananahimik ni Gab.
"Halika na!" sabi ni Gab at binuhat si Nica
kaya napahiyaw ang dalaga.
"Gab naman! Ibaba mo 'ko!" sabi ni Nica at
napahawak sa leeg ni Gab lara hindi
mahulog.
"Ayaw ko!" natatawang sabi ni Gab at
tumakbo palusong sa dagat.
"Gab!" tili ni Nica nang bitiwan siya ni Gab
nang hanggang dibdib na nito ang tubig.
"Halika, sa gitna tayo, thabz," yaya ni Gab at
hinatak pa si Nica pagitna.
"Hindi ako ganoon kagaling lumangoy," sabi
ni Nica.
"Mas mabuti," sabi ni Gab at hinapit si Nica
sa bewang. "Para palagi kang nakayakap sa
akin."
"Baliw!" ani Nica at hinampas sa dibdib si
Gab. Pareho silang natahimik at hinayaan
ang magkayakap na katawang palutang-
lutang sa tubig.
"Thabz? Sana habambuhay tayong ganito,"
bulong ni Gab at hinawi ang basang buhok
ni Nica para mas mapagmasdan ang
magandang mukha ng dalaga. "Kapag
sagutin mo na ako, pangako ko, magpro-
propose kaagad ako sa 'yo."
"G-Gab..." sambit ni Nica at napatitig sa
seryosong mga mata ni Gab. "B-Bata pa
tayo para mag-asawa."
Ngumiti si Gab. "Ang pag-aasawa, walang
tamang edad 'yan. As long na handa na kayo
sa lahat ng aspeto, bakit pa ninyo
papatagalin? Sayang ang panahon para
maging masaya kasama ang buong pamilya,
thabz."
Sanay siyang maagang nag-aasawa ang
pamilya nila. Maaga rin namang nag-asawa
ang parents niya kaya okay lang sa mga ito
na maaga rin siyang mag-aasawa.
Nakasalalay na lang kay Nica ang lahat.
"H-Hindi pa ako handa," pag-amin ni Nica.
Medyo malayo ang mga pinsan ni Gab sa
kanila. Nasa gitna na kasi ang mga ito.
Yumuko si Gab at hinaplos ang magkabilang
pisngi ni Nica. "Dapat handa ka na para
walang masayang na oras, thabz."
Dahan-dahan siyang yumuko para angkinin
ang mga labi ni Nica. Hindi naman tumanggi
ang dalaga. Sa halip ay tinugon nito ang
mga halik niya hanggang sa lumalim ang
halikan. Naramdaman ni Nica ang
pagkabuhay ng nasa gitna ni Gab nang
idiniin nito ang katawan sa kaniya.
"G-Gab?" nagtatanong ang mga mata ni
Nica habang nakatingala sa binata.
"Gusto kita at gusto ka niya. Sorry, thabz.
Normal lang naman siguro na magising ang
alaga ko lalo na't gusto niyang magpalahi sa
'yo?" paumanhin ni Gab. Nagsasabi lang
naman siya ng totoo.
Ngumiti si Nica at kinurot si Gab sa kanang
pisngi. "Bumalik na tayo, parang babalik na
si Haring Araw," yaya ni Nica kaya napalitang
sumama pabalik si Gab matapos pakalmahin
ang sarili.
Hawak-kamay silang lumapit sa cottage na
kung saan, nagvi-videoke na ang mga lalaki.
"Ouch!" daing ni Gab at napatigil sa
paglalakad saka napahawak sa ulo.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni
Nica.
"I-I'm fine, nahilo lang," sagot ni Gab na
hindi makakilos dahil umiikot ang paningin
niya. Kapag gumalaw siya, paniguradong
matutumba siya.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni Luis na
palapit na kanila.
"N-Nahihilo raw siya," sagot ni Nica na
nakahawak sa kanang braso ni Gab.
"May problema ba--shit!" sabit ni Lance
Leonard at agad na tumakbo sa mga anak
nang inalalayan ni Luis si Gab dahil nawalan
ng malay.
"Gab!" tili ni Nica dahil sa pagkagulat kaya
kaagad na tumakbo ang mga lalaki at
pinagtulungan si Gab patungo sa resthouse.
Palakad-lakad sina Nica at GV sa loob ng
silid habang sinusuri ni Zero si Gab.
"Okay lang naman siya," sabi ni Zero, "pero
kailangan lang niyang magpahinga at
kailangan din niyang magpa-check ng dugo
niya para malaman kung anong chemical
element ang kulang sa katawan. Masyadong
napuwersa ang katawan niya sa pagda-diet
at ehersisyo kaya ngayon lang lumabas ang
side effect."
Malungkot na pinagmasdan ni Nica si Gab na
natutulog dahil sa pampatulog na itinurok
nila . Ayaw talaga nitong mag-diet noon
dahil mamatay raw ito kapag hindi makakain
pero ngayon, halos hindi na kumakain dahil
takot na bumalik sa dating katawan.
"A-Ano ba ang kailangang gawin?" naiiyak
na tanong ni GV. Marami na ang
napagdaanan ng katawan ni Gab kaya
bumigay na ito.
"Rest and heathy foods," sagot ni Zero.
"Okay lang 'yan. Siguraduhin na lang
ninyong proper diet ang kinakain niya. Pero
kailangan din ng check-up dahil baka may
ibang sanhi pa ang pagkahimatay niya."
Napabuntonghininga si Nica pero kahit
paano, nakahinga na siya nang maluwag.
Akala niya kung ano na. Sana lang ay wala
talaga itong sakit dahil hindi niya makakaya
pa kung may mangyaring masama pa kay
Gab. Pero may tiwala naman sila kay Zero.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon