MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 15
Unedited...
"Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?"
tanong ni Nica na naglalakad.
"Ihahatid kita," sagot ni Gab at sinabayan sa
paglalakad ang nililigawan.
"Kaya kong umuwing mag-isa!" ani Nica.
"Ihahatid na kita. May sasakyan ako para
hindi ka na mahirapan," wika ni Gab.
"Mas kumportable akong sumakay sa jeep,"
sabi ni Nica. Kanina pa kasi ito sunod nang
sunod sa kaniya. Hindi naman nito matago
ang katawan.
"Ayaw mo bang kasama ako?"
"Hindi ako kumportable," ani Nica na
palabas na sa gate.
"Gusto kitang makasama, Nica. Gusto kong
palaging nasa tabi kita," sabi ni Gab at
napasulyap sa dalaga.
"E di mag-jeep ka," she rolled her eyes at
pinara ang sasakyan may lamang limang
pasahero.
"Nica! Sa kotse ko na lang," hirit ni Gab
pero dedma lang siya ni Nica.
"Excuse me po," magalang na sabi ng dalaga
at naupo na sa upuan. Bahala si Gab. Ayaw
pa naman niya ng mga taong maaarte.
"Excuse me po, puwedeng pakitabi, uupo
ako!"
Napailingon si Nica kay Gab na umakyat sa
sasakyan at naupo sa tabi niya.
"Ang sikip naman ng pinto!" reklamo ni Gab.
Kailangan pa niyang tumagilid para kumasya.
"Maluwag 'yan. Mataba ka lang talaga,"
sabat ng lalaking pasahero kaya sumalubong
ang mga kilay ni Gab.
"Kuya? Huwag ka nang kumuha ng pasahero,
babayaran ko ang lahat ng upuan!" ani Gab
at dumukot ng pera sa pitaka at binigay kay
Nica. "Pakiabot naman ako kay Manong
Driver, please."
Inabot ni Nica ang isang libo at binigay sa
driver.
"Bakit ka sumakay?" tanong ni Nica. Alam
niyang nahihirapan si Gab at ilang minuto pa
lang ay namamawis na ito.
"Kasi ayaw mo sa sasakyan ko kaya ako na
lang ang mag-adjust para sa 'yo!" labag sa
kalooban na sagot ni Gab.
"Hindi mo na kailangang mag-adjust!"
"Kailangan kasi gusto kita," ani Gab at
napasulyap sa katabing dalaga. Hindi naman
ito ang firstime na pagsakay niya sa mga
pampublikong sasakyan pero ito ang
firstime niya mula nang lumubo siya.
"Marami naman diyan!"
"Isa lang ako magmahal," sagot ni Gab na
walang pakialam sa tatlong lalaki at
dalawang babae na kasama nila.
"Marami ang tao," pabulong na sabi ni Nica
na silang dalawa lang ang nakakarinig.
"Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka
mahihiya na ipagsigawan ito," ani Gab at
hinawakan ang kamay ni Nica.
"Ginagawa ko ang lahat para magustuhan
mo naman ako."
Pasimpleng hinila ng dalaga ang kamay at
inipit ang buhok sa tainga. Hindi niya alam
ang gagawin. Sana lang ay bumaba na si
Gab dahil naiilang siya lalo na sa limang
nakikiusyosa sa usapan nila.
"Usap na lang tayo pagbaba," pabulong na
sabi ni Nica kaya tumahimik na si Gab.
Naiintindihan naman niya ito at ayaw niyang
i-pressure ang dalaga.
Matapos ang bente minutos, pumara na si
Nica.
"Thanks God," wika ni Gab na para bang
tinorture ito ng ilang araw at sa wakas ay
pinalaya na.
Nauna siyang bumaba at nakailang minuto
pa siya bago tuluyang nakaapak sa
cementong kalsada. Dagdagan pa ng
sasakyang luma kaya pakiramdam niya,
malulusod na naman siya kapag ihakbang
ang mga paa.
"Panyo!" alok ni Nica nang makababa.
Paano, basang-basa ang mukha nito ng
pawis.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ng binata
at inabot ang panyo saka pinahid sa mukha.
Ganito talaga ang mga matataba kapag
napagod, pinagpapawisan kaagad.
"Siguro, dalawang kilo nanang nabawas sa
timbang mo dahil sa pawis mo," biro ni Nica
pero kaagad na naitikom ang bibig nang
lumaki ang mga mata ng binata.
"Biro lang, Gabriele. Hanggang dito ka na
lang, magta-trisikel na lang ako," sabi ni
Nica. Hindi siya puwedeng makita ng mga
magulang na may ibang kasama lalo na
kapag manliligaw niya.
"Ihatid na kita," sabi ni Gab.
"Sasakay tayo sa tricycle," ani Nica kaya
napangiwi si Gab nang makita ang mga
tricycle na nakaparada. Kasya naman yata
siya sa loob pero hindi sa pintuan. Isa pa,
kung makapasok siya, pustahab, hindi na
siya makakalabas pa.
"Hanggang dito na lang ba talaga ako?"
tanong ng binata na napakamot sa ulo. Bakit
ba ang liliit ng mga sasakyan sa Pilipinas?
"Oo," sagot ni Nica na lihim na napangiti.
Para kasi itong bagong lutong lechon na
namumula ang balat. Pawis na pawis pa ito.
Palihim na kinurot ni Nica ang sarili. Ang
bully niya kay Gab. Hindi dapat na ganito
ang ginagawa niya sa binata dahil alam
niyang hindi ito mabuti.
"Sige, ingat. Text ka kapag nasa bahay ka
na," nag-aalinlangang sabi ni Gab. Pagabi na
kaya baka mapahamak si Nica. Paano kung
rapist ang driver ng tricycle na masakyan
nito?
"Nica! Dito ka na sumakay," sabi ng isang
driver na kaibigan ng kaniyang ama.
"Mauna na ako, Gab. Huwag kang mag-alala,
kilala ng mga magulang ko ang sasakyan ko.
Isa pa, ninong ko siya," ani Nica dahil alam
niyang nag-aalala ito. Kita naman sa mga
mata ng binata.
"S-Sige," wika ni Gab at pinagmasdan si
Nica na sumakay sa tricycle hanggang sa
tuluyan na itong mawala sa paningin niya.
Nagpara siya ng taxi pero nakasampung taxi
na yata siya pero ne isa ay walang tumigil sa
kaniya.
"Okay, fine!" pagsuko niya at pinara ang
grab taxi.
Sa una ay nakita niya ang pagtutol sa mga
mata ng matandang driver pero mukhang
naawa naman ito sa kaniya kaya pumayag na
ito.
"Saan ho tayo, sir?" tanong ng matanda.
Nagulat pa ito nang sabihin niyang sa villa
ng mga Lacson.
"Salamat po sa paghatid sa akin, Manong,"
pasalamat ni Gab kahit na masyadong
malayo ang lugar nila. Alas diyes na ng gabi
dahil sa natagalan siyang maghanap ng taxi,
traffic pa sa EDSA.
"Wala iyon, sir," sagot ni Manong.
"Keep the change po," sabi ni Gab at inabot
ang limang piraso ng one thousand pesos.
"Naku, sobra-sobra naman po yata ito?"
wika ng matanda kaya ngumiti si Gab.
"Mas sobra po ang malasakit na ginawa
ninyo sa akin," nakangiting sabi ni Gab. Sa
lahat ng taxi driver, ito lang ang pumayag
na ihatid siya na hindi man lang nagtanong
kung saan ito magpapahatid. Habang nasa
biyahe na sila nang tanungin siya. Wala rin
itong presyo na idinemand.
Isinara ni Gab ang pinto at pagod na
naglakad papasok ng mansion ng Lolo Dylan
niya.
"Gab!" sabi ni GV na agad tumayo nang
makita ang anak.
"Mom? Napasyal kayo?" nagtatakang tanong
ni Gab dahil ang sabi nito, hindi ito bibisita
dahil pagod sa biyahe.
"Saan ka galing na bata ka?" galit na tanong
ni GV.
"Bro? Saan ka ba galing?" nag-aalalang
tanong ni Luis na lumapit sa kanila.
"M-May pinuntahan lang," sagot ni Gab at
napakamot sa ulo.
"Saan nga!" tanong ni GV na parang
tinubuan na ng sungay sa inis.
"Hindi ka ba sasagot ng matino?" galit na
tanong ni GV.
"Mommy, relax lang," sabat ni Luis.
"Mine naman, huwag mong takutin si Gab,"
sabat din ni LL.
"Saan ka galing, Gab?" tanong ulit ni GV na
binalewala ang mag-ama.
"Basta--"
Boogsh!
Nagulat sila nang malakas na tumama ang
kamao ni GV sa pisngi ng anak kaya
napaatras si Gab. Ang payat nito pero ang
puwersa, mas malakas pa kaysa sa
karaniwang lalaki lang.
"Kapag tinatanong ka, sumagot ka nang
maayos!" singhal ni GV.
"Mommy? Tama na, huwag mo nang--" Luis
Boogsh!
Isang malakas na suntok din ang natanggap
nito mula sa ina.
"Kayong dalawa, habang tumatanda kayo,
nagiging pasaway na kayo a! Ipagtanggol
mo pa si Gabriel, Luis!" galit na sabi ni GV.
Halos mataranta na sila sa kakaisip kung
saan na napadpad si Gab dahil hindi nila ito
matawagan. Off ang cellphone nito
"Mine naman! Huwag mong saktan ang mga
anak ko!" saway ni Lance Leonard kaya galit
na kinuha ni Gamaliel Vilma Maye ang
tsinelas. "B-Biro lang, mine. Dapat talaga,
dinidisiplina ang mga bata para hindi na
tubuan pa ng sungay."
Diniinan ni Gab ang paghawak sa pisngi.
Tumilapon yata ang diwa niya sa suntok ng
ina. Shit, sila lang yata ni Luis ang may ina
na kapag magalit, kamao nito ang ginagamit
nilang parusa. Mabuti pa ang ama nilang si
LL, minsan lang silang saktan.
"Isa ka pa!" singhal ni GV. "Kayong tatlo,
pasaway na kayong mag-ama sa akin a!
Hindi ba ninyo ako bibigyan ng peace of
mind?"
Tumahimik silang tatlong mag-ama na para
bang mga batang pinapagalitan ng
professor. Sino ba ang kakasa? E, kamao ng
ina ang sasalubong sa bibig nila kapag
magsalita pa.
"Waaah. Gab, nandito ka na!" tili ni Ann na
patakbong lumapit sa apo at niyakap ito.
"My ghad! Akala ko talaga, ikaw ang baboy
na natagpuang lumulutang sa Ilog Pasig."
Napatingin sila kay Ann. Seryoso ang mukha
nito at patulo na ang mga luha.
"K-Kasi b-baka--ano-- alam naman ninyo
minsan, iba ang tinatawag nila sa biktima,"
naiilang na sagot ni Ann dahil mukhang
kakainin na siya ng mga kaharap. Bakit?
Baboy naman ang tawag ng karamihan sa
matataba a.
"Ikaw Luis, hindi ba't sabi kong lagi mong
bantayan ang kakambal mo?" pagpatuloy ni
GV.
Kinuha ni Gab ang cellphone sa bulsa at
binuksan ito. Hindi pala niya nabuksan
matapos niyang i-charge dahil sa
pagmamadali nang makita niyang dumaan si
Nica kanina.
Tumunog ang cellphone ni Gab at nanlaki
ang mga mata nang si Nica ang tumatawag.
"Tumahimik muna kayo," sabi ni Gab.
"Mommy, hindi ko alam kung saan--" Luis.
"Tumahimik kayo sabi!" sigaw ni Gab at
sinipa ang maliit na silya na nasa harapan.
Lahat sila ay natigilan nang halos lumipad na
ang silya papunta sa punong-hagdan.
"Walang magsasalita dahil may sasagutin
akong tawag!" bilin ni Gab at pinindot ang
answer button. "Hello, Nica?"
"Gab? Ngayon ko lang nabuksan ang
cellphone ko. Nakauwi ka na ba?" ani Nica sa
kabilang linya.
"O-Oo, Nica. Mabuti naman at nakauwi ka
na," sagot ni Gab at napakagat sa ibabang
labi. Bumibilis ang pagtibok ng kaniyang
puso. Ang ganda ng boses ni Nica.
"Oo. Ikaw rin. Sige, goodnight. Pagod ako,"
sabi ni Nica.
Napapikit si Gab at napatingin sa mga taong
nasa harapan niyang tahimik na nakatitig sa
kaniya na para bang gusto rin nilang marinig
ang kausap niya.
"Good night, Nica. Pahinga ka na,"
nakangiting sabi niya. Narinig niya ang
pagtotot sa kabilang linya.
"Yes! Nag-goodnight siya sa akin!"
masayang sabi ni Gab at tinago ang
cellphone sa bulsa.
"Saan ka galing?" nakapoker face na tanong
ni GV.
"H-Hinatid ko po si Nica," sagot ni Gab at
isinalaysay sa kanila ang nangyari. Alam
naman niyang nag-aalala ang mga ito sa
kaniya dahil firstime niyang hindi nagpaalam
sa mga ito at naiwan pa ang kotse niya sa
bahay.
"Gab naman, mag-diet ka na kasi!" sabi ni
LL sa anak. "Tingnan mo, hindi na normal
ang ganiyang katawan. Wala ka nang leeg,
wala ka nang binti at tingnan mo ang tiyan
mo, lumalabas na ang pusod mo dahil sa laki
ng katawan mo!"
"S-Sinusubukan ko naman pong magpapayat
e," nakangiwing sagot ni Gab.
"Talaga? Sinusubukan mo?" sabat ni GV.
Habang tumatagal, mas lalong
nadadagdagan ang timbang ng anak.
"Opo, kaso hindi ko kayang mag-diet," pag-
amin ni Gab. Sumpain man siya ng pamilya
pero hindi niya kayang tanggihan ang
masarap na pagkain sa harapan.