MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
Unedited...
"Nanligaw rin pala si Gab kay Sheryl? Grabe,
ang ganda ng mga nililigawan niya, huh,"
narinig ni Nica na sabi ng kaklase niya.
"Oo nga. Well, mayaman naman talaga siya
at kapag pumayag, pogi naman siya," sabat
ng isa pang kaklase nila kaya dumiretso na si
Nica sa upuan niya.
Nang dahil sa nangyari, usap-usapan ngayon
si Gab lalo na kapag nakagalikod ito.
"Hoy, Nica," tawag ni Jen at lumapit sa
kaniya. "Ano ba ang nakita mo kay Gab at
hanggang ngayon, hindi mo pa binabasted?"
"Huwag mong sabihin, may gusto ka sa
kaniya? Pera-pera lang?" sabat ni Rose kaya
biglang uminit ang ulo ni Nica.
"Kung sasagutin o babastedin ko man si
Gab, sa akin na lang iyon. Isa pa, huwag nga
ninyo akong husgahan na mukhang pera!"
naiinis na sagot ni Nica. Kapag ba maging
syota niya si Gab, pera na kaagad? Ang
lakas makapanghusga e. Isa pa, alam niya sa
sarili niyang hindi siya mukhang pera.
"Sus, depensahan mo pa siya. Bakit? Kayo
na ba?" tanong ni Rose kaya napanganga si
Nica.
"Wala na kayong pakialam sa buhay ko kaya
kung puwede, huwag nga ninyo akong
pakialaman! Ano naman ang masama kung
sagutin ko si Gab? E, buhay ko 'to!" depensa
niya. Napipikon na talaga siya.
"Curious lang naman!" pagtataray ni Rose.
Tumayo si Nica at lumabas pero laking gulat
niya nang makita ang laking bulto ni Gab sa
tapat ng pintuan. Kanina pa ba ito? Bakit sa
laki ng katawan, hindi niya nakita? Kaya pala
tumahimik ang iba nilang kaklase.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Excuse me, dadaan ako," sabi niya kaya
walang imik na tumabi si Gab para
makadaan siya.
Nakailang hakbang na siya nang
naramdaman niya ang pagsunod ni Gab sa
kaniya. Wala namang gaanong estudyante sa
labas dahil class hour na.
Tumigil siya at hinarap ito kaya tumigil din si
Gab.
"Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Nica.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni
Gab na ipinagpatuloy ang paglapit kay Nica.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni
Nica.
"Wala lang. Gusto lang kitang makausap,"
sagot ni Gab.
Hindi sumagot si Nica. Sa halip ay
ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang
sa tree park. Nakasunod naman si Gab sa
kaniya kaya sila na naman ang
pinagtitinginan ng mga estudyanteng
nakakita sa kanila.
Naupo si Nica sa mahabang bench na gawa
sa cemento at napatingin kay Gab na
papalapit sa kaniya. Sa sobrang katabaan
nito, palagi itong nahuhuli sa paglalakad.
Napansin niya na hirap na hirap itong
ihakbang ang mga paa at hingal na hingal.
Ang layo pa nga naman ng nilakad nila.
Para itong elepanteng natatae habang
palapit sa kaniya.
"Ang bilis mong maglakad!" reklamo ni Gab
at pagod na naupo sa tabi ni Nica.
Mawawalan yata siya ng hangin dahil sa
nilakad.
"Malay ko bana susundan mo ako hanggang
dito," sagot ng dalaga.
"Alam mo namang nakasunod ako," ani Gab
at kinuha sa bulsa ang malapad na panyo
saka pinahidan ang pawis sa mukha. Mabuti
na lang dahil wala siyang mabahong amoy sa
tuwing pinagpapawisan.
"Bakit ka ba nakabuntot sa akin?" tanong ni
Nica. Gusto niyang mapag-isa.
"Here," sabi ni Gab sabay abot ng imported
na chocolate na galing sa bulsa.
"Sinundan mo pa ako para lang ibigay ang
chocolate na 'yan?" tanong ni Nica.
"Oo, lakad ka kasi nang lakad e," sagot ni
Gabriele.
Kinuha ni Nica ang chocolate, "Salamat."
"Walang anuman. Masaya ako sa tuwing
bibigyan kita niyan," sagot ni Gab at
sinulyapan ang dalagang katabi. Ang tangos
talaga ng ilong nito, parang hinulma lang.
Ayan na naman, naramdaman na naman niya
ang mga paru-paro sa dibdib. Ganito palagi
ang nararamdaman niya sa tuwing makita
ang dalaga.
"Ah, salamat," sagot ni Nica at nginitian ang
binata.
Binuksan niya ang chocolate saka hinati at
inabot kay Gab. "Here, hati tayo."
"Huwag na, para sa 'yo 'yan," tanggi ni Gab
kaya napataas ang kilay ni Nica.
"Ayaw mong kumain kasama ako? Masarap
ang tsokolate," tanong ni Nica at kinuha ang
kamay ni Gab saka inilagay ang kalahating
chocolate.
"S-Salamat," nahihiyang sagot ni Gab.
Firstime kasi niyang mahawakan ni Nica na
hindi niya pinilit.
Muling napasulyap siya sa dalaga. Kumakain
na ito ng tsokolate kaya kinain na rin niya
ang sa kaniya.
"Nica? Narinig ko ang mga sinabi ng kaklase
no sa 'yo," sabi ni Gab kaya humarap si Nica
sa kaniya.
"Ganoon ba?"
"Oo," sagot ni Gab. "Nica? Salamat pala sa
pagtanggol mo sa akin kanina, hindi mo lang
alam kung gaano ako kasaya."
Alanganing napangiti si Nica, "Wala iyon.
Minsan, sumusobra na rin kasi sila. Isa pa,
hindi naman talaga kita ipinagtanggol,
dinepensahan ko lang ang sarili ko mula sa
panghuhusga nila," sagot ni Nica. Wala
siyang intensyong ipagtanggol si Gab. Gusto
lang niyang linawin ang sarili sa mga kaklase.
Baka iyon lang talaga ang naging dating
niyon kay Gab?
"Ganoon pa rin iyon," sagot ni Gab. In
fairness, ang guwapo naman pala nito kapag
sa mukha lang titigan. Matangos ang ilong,
medyo makapal ang kilay, makinis ang
mukha at mapupungay ang mga mata. Hindi
lang mapapansin dahil ang fats ang una
mong mapupuna sa kaniya.
"Bahala ka," tinatamad na sabi ni Nica.
"Nica? May pag-asa ba ako sa 'yo?" tanong
ni Gab kaya natigilan si Nica. Ilang araw na
niyang hinihintay ang tamang pagkakataon
para tapatin si Gab sa tunay na saloobin.
Hindi lang siya makahanap ng perfect
timing.
"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo,
Gab?" tanong ni Nica na nakipagtitigan sa
mga mata ni Gab kaya biglang nakaramdam
ng pagkailang ang binata.
"S-Sana. Kung puwede lang," sagot ni Gab.
"To be honest, hindi kita gusto, Gab,"
prangkang sagot ni Nica.
"D-Dahil ba sa mataba ako?" nauutal na
tanong ni Gab. Umiling si Nica.
"Hindi iyon ang dahilan, Gab. Bata pa ako at
hindi pa ako handa sa ganiyang relasyon.
Kung gusto mo, sa iba ka na lang
manligaw."
"Pero ikaw ang gusto ko, Nica. Alam ko
namang ambisyoso ako dahil ikaw ang
nililigawan ko. Pero ano ang magagawa ko?
Gusto talaga kita," sagot ng binata.
Nahihirapan naman siyang tanggapin ang
kabiguan pero nakahanda na siya. Kay Sheryl
pa lang, bigong-bigo na siya noon lalo na't
isa sa pangunahing rason kung bakit basted
siya rito ay dahil sa katabaan niya. Of
course, iyon naman talaga ang pangunahing
problema niya sa buhay pero wala na siyang
magagawa pa roon. Ayaw rin niyang magpa-
liposuction.
"P-Pero hindi kita gusto, Gab,"
kinakabahang saad ng dalaga. Kahit paano,
may takot siya kay Gab. Paano na lang
kapag hindi nito matanggap ang kabiguan sa
kaniya at gagantinito sa kaniya?
"Okay lang," malungkot na sagot ni Gab,
"balang araw, magugustuhan o rin ako."
Napatingin siya kay Nica kaya nakita niya
kung paano ang gumuhit ang pagkabigla sa
mga mata nito. Hindi siguro nito inaasahan
ang isasagot niya.
"Wala akong balak na sumuko, Nica. Umaasa
ako na balang araw, matatanggap mo rin
ako."
"B-Bakit, Gab?" naguguluhang tanong ni
Nica. Hindi ba ito nagsasawa sa kakahabol sa
kaniya?
Ngumiti si Gab bago magsalita, "Dahil
walang Lacson na umaayaw."
"Hindi ba't kapag ayaw ko, dapat na tumigil
ka na?" tanong ni Nica.
"Ako lang ang magsasabi sa sarili kong ayaw
ko na, Nica. Pero hindi ako susuko dahil
kaya ko pa," determinadong sagot ni Gab.
Hindi siya susuko hanggat hindi
mapasakaniya si Nica.
Tumayo ang dalaga. "May klase pa ako,
salamat sa chocolate, Gab, masarap."
Napangiti si Gab habang nakatingin sa
dalagang papalabas na sa tree park. Hindi
na niya ito susundan. Ang layo naman kasi
ng classroom nito.
Tumayo na siya at mahinang naglalakad
patungo sa carpark.
"Hey!" napangiting wika ni Luis nang
makasalubong niya. "I saw you!"
"Sa laki kong 'to, grabe ka naman kung
maging invisible ako sa paningin mo!"
pagsisinuplado ni Gab kaya tumawa ang
kakambal.
"Nakita kita, kausap mo si Nica," sabi ni Luis
at inakbayan siya habang naglalakad.
"Tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ko!
Kitang hirap na hirap na nga ako sa
paglalakad, magpapabigat ka pa?" saway ni
Gab.
Tinanggal ni Luis ang nakaakbay na kamay,
"Mag-diet ka na kasi kahit kaunti lang para
magkagusto na si Nica sa 'yo."
"Diet!" ulit ni Gab. 'Yan talaga ang
pinakamasakit na salitang isakatuparan niya.
"Kahit kaunti lang, Gab," pangungumbinse ni
Luis.
"Okay, mamaya magdi-diet na ako,"
pagpayag ni Gab.
"Good boy," ani Luis at tinapik sa balikat
ang kakambal, "Sabay na 'ko sa pag-uwi,
nasira ang kotse ko."
Sabay na umuwi ang kambal. Hinatid muna
ni Gab si Luis sa bahay nila. Mula kasi nang
lumubo na ang katawan niya, inilipat na siya
ng Lola Ann niya sa mansion nito dahil
walang elevator ang bahay nila. Isa pa,
nagrereklamo siya dahil pinagdadamutan
siya ng pagkain ng mga magulang.
"Dito ka na kumain, 'nak," sabi ni GV.
"Sige po, matulog lang ako," paalam ni Gab
at lumapit sa kuwarto rito sa first floor.
Dito na ang kuwarto niya para hindi na siya
mahirapan.
Naalimpungatan siya dahil sa katok sa labas.
"Kain na," sabi ng ina.
"Oo, nandiyan na," sagot niya saka dahan-
dahanh bumangon at nanatili muna ng ilang
segundo sa kama bago tumayo.
Paglabas niya, nasa hapag-kainan na ang
tatlo.
"Kain na, baby," yaya ni GV at binigyan siya
ng plato nang maupo sa harapan ng ina.
"Salamat, Mom," pasalamat ni Gab.
"Remember, diet ka," paalala ni Luis kaya
napabuntonghininga si Gab at nilagyan ng
kanin ang plato.
"Magdi-diet ka na?" masayang tanong ng
ina kaya napakamot sa batok si Gab.
"Oo na!" sagot ng binata at kumuha ng
isang hiwa ng lechon-baboy.
Nakailang subo na siya nang kumuha ulit ng
kanin.
"Akala ko ba, diet ka?" tanong ni LL na
kanina pa binabatayan ang g pagkain ng
anak.
"Hindi ko kaya ngayon dahil gutom pa po
ako. Bukas na lang," sagot ni Gab at kumuha
ulit ng lechon na kalahati sa plato. Sino ba
ang magdi-diet kung ito ang nakahain sa
mesa? "Bukas na po talaga, magdi-diet na
po ako."
"Ilang taon mo na 'yang sinasabi! Araw-araw
naman, nagdi-diet ka," sabat ni GV.
"Eh, sa masarap kumain e!" sagot ni Gab na
nagmamantika pa ang bibig at nilamon ang
balat ng lechon. Bukas, magdi-diet na
talaga siya.