MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 52
Unedited...
"Pumunta kami rito sa bar para maglibang at
uminot, hindi para makipaglandian sa mga
babae," seryosong sabi ni Gab sa seksing
babae na kinikiskis ang boobs sa kanang
braso niya. Kanina pa ito kaya hindi na siya
nakatiis pa. Seksi ito sa harap ng iba pero
wala itong dating para sa kaniya. Mabuti pa
si Nica, may makakapa siya dahil may laman
ang katawan ng kasintahan.
"Arte mo! Bakla ka ba?" maarteng tanong
ng babae na kaibigan ng kasama nina Moon.
"Bakla lang ba ang ayaw pumatol sa ibang
babae dahil may kasintahan na?" tanong din
ni Gab kaya tumayo ang babae.
"As if na ang ganda ng girlfriend mo!"
panunuya nito na tumaas na ang boses kaya
natahimik ang mga kasama nila sa table.
"Double ang ganda kaysa sa 'yo kaya sayang
lang na ipagpalit ko siya sa panandaliang
kaligayahan sa walang kuwentang tao,"
sagot ni Gab kaya napanganga ang mga
pinsan sa sagot niya. Sana pala ay hindi na
siya sumama sa mga ito. Hindi talaga siya
sanay sa night life dahil sa halip na mag-
enjoy, natatakot siya na baka mahuli ni Nica.
"I'm sorry, miss. Pero hindi ko lang talaga
hilig ang humanap ng iba habang
nakatalikod si Nica. Ayaw kong masira ang
tiwala ng kasintahan ko," paumanhin ni Gab
na tinamaan na ng alak.
"Kylie? Pagpasensiyahan mo na ang pinsan
namin, ganiyan talaga 'yan ka-loyal kay
Thabz niya," paumanhin ni Star at sinundan
si Gab na lumabas na sa bar.
"Hey? Mamaya pa tayo uuwi, Gab," tawag ni
Star kay Gab na pumara ng taxi.
"Pasensiya na po, Kuya Star, uuwi na po
ako. Ayaw kong magalit si Nica sa akin kaya
bumalik ka na, ako na po ang bahala sa sarili
ko," paumanhin ni Gab at isinara na ang taxi
at nagpahatid sa driver ng taxi.
Pagkatapos niyang magbayad, bumaba na
siya at tinawagan si Nica para pagbuksan
siya ng gate.
"Thabz? Ano ang ginagawa mo rito? Gabi
na ah," bulalas ng dalaga nang pagbuksan
ang kasintahan. "L-Lasing ka?"
"Nakainom lang, thabz," paumanhin ng
binata at niyakap si Nica.
"Hey? Okay ka lang?" tanong ni Nica.
"Sorry thabz, nagsinungaling ako,"
paumanhin ni Gab. Sabi ng mga pinsan niya,
hindi siya lalaki kapag hindi siya
magsinungaling kay Nica pero nagu-guilty
siya. Kanina, okay pa dahil wala pa ang Kylie
na iyon na lumalandi sa kaniya pero nang
dumating ang mga ito, doon na siya
naasiwa.
"Sa bar ka galing?" Hula ni Nica. Ang sabi
nito, hindi na makakatawag dahil matutulog
na kaya hindi na siya nangulit pa.
"K-Kasama ko ang mga pinsan ko,"
mahinang sagot ni Gab.
"Sino 'yan, Nica? Gabi na ah," tanong ni
Cardo sa anak at lumapit sa kanila.
"Magandang gabi po, Tito Cardo," magalang
na bati ni Gab.
"Bakit ka lasing?" tanong ni Cardo. Lalaki
siya kaya alam niyang nakainom ang binata.
"Napasama lang po sa mga pinsan ko,"
sagot ni Gab. "Dumaan lang po ako kay Nica
para humingi ng paumahin dahil hindi ko
ipinaalam na nasa bar ako kanina."
Napa-poker face si Nica. Naiinis siya kay
Gab. Bar. Pangalan pa lang ng lugar ay hindi
na niya gusto.
"Pumasok ka, gabi na at mukhang wala ka
pang sasakyan," sabi ni Cardo.
Walang nagawa si Nica kundi ang papasukin
ang lasing na kasintahan. Maayos naman ang
pananalita nito pero nangangamoy lang ng
alak.
"Ikaw na ang bahala kay Gab, alam naman
ninyo ang limitasyon ninyo," bilin ni Cardo
sa anak.
"Huwag po kayong mag-alala, Tito,
iniingatan ko po ang anak ninyo,"
nakangiting sagot ni Gab na namumungay
ang mga mata.
Nang nakapasok na ang ama sa kuwarto,
malakas na hinampas ni Nica ang kasintahan
sa balikat pero ngumisi lang si Gab.
"Galit ka, thabz?" tanong ng binata.
"Bakit ka nagsinungaling?"
"Alam kong may kasalanan ako kaya nga
humihingi ako ng patawad, thabz. Pero wala
naman kaming ginawa dahil uminom lang
kami."
"Wala ba talaga?"nagdududang tanong ni
Nica.
"Wala," sagot ni Gab. "Itanong mo pa sa
mga pinsan ko, kaming mga lalaki lang ang
naroon." Pagsisinungaling niya. Iyon kasi ang
usapan nilang lahat na walang aamin na may
babae. Well, marunong naman siyang
tumupad sa usapan kaya nagsisinungaling
siya ngayon sa kasintahan. Kahit paano,
lalaki pa rin siya na may tinatagong
kasinungalingan dahil alam niyang mag-
aalburuto si Nica kapag malaman nito ang
totoo. Mga babae pa. Wala ka pang sinabi,
advance na ang utak ng mga ito.
"Wala ba talaga?" ulit ni Nica.
"Oo, wala talaga," sagot ni Gab at hinapit sa
bewang ang kasintahan. "Wala ka bang
tiwala sa akin, thabz?"
Iniwas ni Nica ang mga mata at marahang
tinulak ang kasintahan palayo sa kaniya dahil
baka biglang lumabas ang mga magulang
niya.
"Inaantok na ako," ani Gab at hinila si Nica
sa kuwarto nito.
"Sana sa bahay ka ninyo umuwi!" nakalabing
sabi ni Nica.
"Gusto kong pag-uwi ko, ikaw ang
bumubukas ng gate sa akin," sagot ni Gab at
tinulak si Nica papasok saka isinara ang
pinto ng kuwarto.
"Gab--uhmp!" Hindi na niya natuloy ang
sasabihin nang angkinin ni Gab ang mga labi
niya pero malakas na itinulak niya ito. Hindi
pa sila tapos!
"Kapal ng mukha mong halikan ako matapos
ang ibang babae?" mahinang sabi ni Nica.
"Wala akong ibang babaeng hinalikan,"
sagot ni Gab. Wala naman talaga.
"Sinungaling!" sagot ni Nica at
pinaghahampas si Gab."Umuwi ka rito kasi
nagu-guilty ka? Bumalik ka sa babae mo!"
"Wala nga akong babae, thabz," depensa ni
Gab.
"Wala? Ang sabi mo, matutulog ka na pero
sumama ka pa rin sa mga pinsan mo?"
"Hindi ka kasi pumayag. Nagpapaalam ako
nang maayos pero ayaw mo akong sumama
sa kanila." Maayos ang paalam niya kanina sa
school kay Nica pero hindi ito pumayag kaya
nagsinungaling na lang siya.
"Pero sabi mo, hindi ka na sasama!" galit na
sabi ni Nica.
"Thabz naman, kalimutan na natin 'yon," sabi
ni Gab at muling niyakap ang kasintahan.
"Kahit saan ako magpunta, pangako, hindi
kita ipagpalit sa iba. Kahit na lasing pa ako."
"Bakit mo sinasabi iyan? May babae ka,
ano? Nag-body bonding kayo?" Tumataas
ang dugo na tanong ni Nica.
Napakasinungaling ni Gab.
"Wala ah," tanggi ni Gab. "Paano kita
ipagpalit? Eh, ikaw na ang pinaka-the best
para sa akin," ani Gab.
"Utuin mo pa ako, Gab!"
Tumahimik si Gab at mahigpit na niyakap si
Nica kahit na nagpupumiglas.
Walang salitang namutawi sa kanila. Basta
sinusubukan lang ni Nica na makawala at
sinusubukan din ni Gab na huwag pakawalan
ang dalaga hanggang si Nica na ang sumuko
nang mapagod.
"I love you, thabz ko," bulong ni Gab saka
inihiga si Nica sa kama.
"Nasa kabilang kuwarto lang ang parents
ko," sabi ni Nica na mahinang tinutulak si
Gab na nakapatong sa kaniya.
"Kaya nga huwag kang maingay para hindi
nila malaman ang gagawin natin," pilyong
bulong ni Gab at hinagkan sa mga labi ang
dalaga.
"Ayaw ko! May babae ka!" bulong ni Nica.
"Ikaw lang ang babae ko," bulong ni Gab at
inangkin ang mga labi ng dalaga kahit na sa
una ay tutol pa ito hanggang sa pumayag na
rin si Nica. Kinuha niya ang unan at nilagay
sa pagitan ng kama at dingding para hindi
lumikha ng ingay kapag gumalaw na siya.
"D-Dahan-dahan lang," bulong ni Nica nang
makahubad na sila at maingat na
pumapasok na si Gab sa kaniya matapos
nilang patayin ang ilaw.
"Sinusubukan ko," bulong ni Gab habang
gumagalaw na. "Shit, a-ang sarap, thabz."
"Ssssh. Wag kang maingay," kinakabahang
pakiusap ng dalaga. Baka umungol si Gab at
mabubuko sila ng nasa kabilang silid.
Kahit ang halikan nila, ingat na ingat pa. "B-
Bilisan ko, thabz," hinihingal na bulong ni
Gab.
"Huwag!" saway ni Nica at kinurot si Gab.
"Damn, hindi ko na kaya, m-masarap na eh,"
bulong ng binata. Sa sobrang sarap ng
pakiramdam, para siyang tino-torture sa
sarap. Kinagat niya ang balikat ni Nica at
inayos ang pagkakatukod sa kama para hindi
umingay.
"G-Gab? Bagalan mo," pakiusap ni Nica
nang tumutunog ang paglabas-pasok ni Gab
sa kaniya dahil basa at madulas na siya. Nasa
kasagsagan na kasi siya ng kasarapan kaya
kapag binilisan ni Gab, naglilikha ng tunog.
"I c-can't..." bulong ni Gab at binilisan pa
pero tumigil nang kagatin siya ni Nica sa
dibdib.
"Bagalan mo o titigil ka?" ani Nica kaya
walang nagawa ang binata at binagalan ang
paggalaw. Sa loob na nga siya pagiling
gumagalaw para walang ingay.
"P-Papatayin mo ako sa s-sarap, thabz ko,"
nakangiting bulong ni Gab. Basa na ang
gitna ng katawan nila nang maramdaman
ang climax ni Nica. Ang pagbaon ng kuko sa
likod niya ang patunay na nilabasan na ang
dalaga.
"Oooh... I-Ipasok ko?" bulong ni Gab kaya
hinampas siya ni Nica sa dibdib.
"H-Huwag!"
"Pasok ko, b-buntisin na kita..."
"Subukan mo at hihiwalayan kita!"
pagbabanta ni Nica kaya napasimangot si
Gab at mabilis na hinugot ang pagkalalaki
saka kinuha ang kanang kamay ni Nica at
nagpatulong para makaraos siya.
"May tisyu ka?" bulong ni Gab na ang lagkit
ng nararamdaman.
"Sa table," sagot ni Nica kaya inabot ni Gab
ang tisyu at pinahidan ang pagkalalaki at
puson ni Nica. Nahiga siya sa tabi ni Nica at
niyakap ang dalaga.
"Kawawa naman ang mga anak ko, itinapon
ko lang sa tisyu," biro ni Gab at isiniksik ang
mukha sa dibdib ni Nica matapos itong
ipaharap sa kaniya.
"Hmp? E di sana ipinutok mo sa babae mo
kanina!" ani Nica kaya napangiti si Gab.
Kakatapos lang nila pero ibinalik naman nito
ang topic.
"Wala akong babae," tanggi niya.
"Meron! Nag-motel pa nga kayo!" giit ni
Nica na nasasaktan sa isiping iyon.
"Hindi ko iyon magagawa sa 'yo," sabi ni
Gab. Partida hindi pa siya umaamin na may
lumapit sa kaniya kanina. Paano pa kaya
kapag malaman ni Nica? Isinusumpa niya,
hindi na talaga siya magsisinungaling kay
Nica. Ito na ang una't huli at kapag umalis
man siya, isasama na talaga niya ito. Ang
hirap magpaliwanag sa mga babae lalo na
kung tumatama ang hinala nila. Ang masama
pa, hindi mo pa nga nagawa, tapos na itong
mag-conclude.
"Nagawa mo na, Gab! Nag-sex kayo at
huwag mo nang i-deny dahil puputulan kita
kapag magsinungaling ka!" giit ni Nica. Hindi
malabong may babae nga si Gab lalo na't
bar iyon at nagsinungaling ito sa kaniya.
"May babae ako at si Nica lang na mahal na
mahal ko," sagot ni Gab at muling
pumatong kay Nica nang magising na naman
ang alaga niya. Lilipas din 'tong galit ni Nica
sa kaniya. Kung sabagay, may kasalanan din
naman siya pero naniniwala pa rin siya na
maliban sa pagsisinungaling, wala na siyang
kasalanan pa sa kasintahan. Wala talaga
siyang ibang nakatalik na babae kundi si
Nica lang.
