14

955 40 0
                                    


MY FAT SUITOR

by sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited...
"Miss? Pinabibigay pala sa 'yo ni Gab," sabi
ng lalaking nakasalubong ni Nica.
"Salamat. Pasabing kapag gusto niyang
magbigay, siya mismo ang mag-abot!"
pasalamat ni Nica at inabot ang isang
pumpon ng pulang rosas.
Dumiretso na siya sa classroom nila.
Napatingin ang mga kaklase niya lalo na sa
bitbit niyang bulaklak.
"Kay Gab lang naman galing 'yan," sabi ni
Jen pero isinawalang bahala na lang niya.
Kung sabagay, wala na rin namang ibang
maglakas ng loob nang dahil kay Gabriele.
Hindi kagaya nung dati, kung sinu-sino pa
ang nagbibigay sa kaniya. Pero ngayon, para
siyang nasanisang hawla na ikinulong ni Gab.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
Sunny nang maupo sa tabi niya.
"Wala lang. Kulang sa tulog," sagot ni Nica.
"Hmmm? Talaga? O, para sa 'yo," sabi ni
Sunny at inabot sa kaniya ang isang
imported na chocolate.
"Saan galing? Salamat," pasalamat ni Nica at
kinuha ang bigay nitong tsokolate.
"Kanina pa? E di sa suitor mo," sagot ni
Sunny kaya napasimangot na naman si Nica.
"O? Huwag ka nang sumimangot. May
chocolate ka na, may flowers ka pa. O 'di
ba? Gandang-ganda mo talaga!" natatawang
sabi ni Sunny. Pikon na pikon na kasi ang
mukha ni Nica.
"Hindi naman ako maganda," sabi ni Nica.
Ang dami kasing nagsasabing maganda siya
pero para sa kaniya, hindi naman siya
ganoon kaganda. Ewan ba niya kung bakit
napupuna siya ng mga nasa paligid lalo na
ng mga lalaki.
"Sus, ang ganda mo kaya. Ang kinis ng balat
mo, ang tangos ng ilong mo at maganda pa
ang katawan mo," ani Sunny.
"Maganda ka rin naman. Mas maganda ka pa
kaysa sa akin!" sabi ni Nica.
"Mas maganda ka. Kapag ihelera ka sa mga
magaganda, beauty mo talaga ang una
nilang mapupuna," puri ni Sunny. Kung lalaki
lang siya, liligawan din niya si Nica. Kaya nga
hindi na siya nagtataka kung bakit patay na
patay si Gab dito e. Dagdagan pa ng ugali
nitong simple lang at mabait.
"Huwag mo ngang isipin 'yan. Beauty is in
the eye of the beholder kaya maganda ka
rin, maganda kayo at maganda tayong
lahat," sabi ni Nica.
"Oo na lang," sabi ni Sunny. "Pahingi ako
mg chocolate, mukhang masarap 'yan."
"Sige, kainin mo na," sabi ni Nica at ibinigay
sa katabi ang chocolate. Nag-iingat na rin
siya sa katawan dahil baka tumaba siya.
Tabain pa naman ang katawan niya.
Binuksan ni Sunny ang chocolate at kumuha
nang kaunti, "Hmm? Masarap. Sagutin mo
na lang kaya si Gab."
"Tigilan mo nga ako! Ikaw ang sumagot
kung gusto mo!" nakasimangot na sabi ni
Nica.
"Wala ba talaga siyang pag-asa sa 'yo?"
usisa ni Sunny.
"Nandiyan na si Teacher, tumahimik ka na,"
saway ni Nica at napatingin sa gurong
kakapasok lang.
"Kumakain pa nga ako e!" reklamo ni Sunny
at uminom ng tubig.
Pagkatapos ng klase, naglalakad silang
dalawa nang makasalubong nila ang kambal.
"Nica!" nakangiting tawag ni Gab at
patakbong lumapit sa kanila kaya pasimpleng
naikuyom ni Nica ang kamao. Ang lakas kasi
ng boses nito kaya napapalingon ang ibang
nakarinig.
Iniwas niya ang mga mata kay Gab na
mabilis na naglalakad palapit sa kanila. Ayaw
naman niyang manghusag pero na-iimagine
niya na lumilindol at bawat paghakbang nito
ay nabibiyak ang lupa. Parang nasa isang
jungle lang sila tapos lahat ng hayop sa
paligid ay natutumba dahil biglang tumakbo
ang napakalaking elepenate.
"Okay, exaggerated ka na, Nica!" bulong
niya sa sarili at napatingin kay Gab. Ewan ba
niya, parang natutuwa siya sa imahinasyon
habang nakatingin sa binata. At least
maamong elepante ang nasa isip niya.
"Nica? Good morning," bati ni Gab at
sumimangot. "N-Natanggap mo ba ang
pinabigay ko?"
"Inilagay ko sa flower vase sa classroom
namin. Salamat pala," pasalamat ni Nica.
"Walang anuman. Galing iyon sa hardin ni
Lola Ann," nakangiting sabi ni Gab. "Ako
talaga ang kumuha niyon kanina."
"Salamat sa pagbigay," ani Nica.
"Wala iyon. Basta ikaw," sagot ni Gab.
"Kaya pala nauubos ang bulaklak ni Lola
Ann, ikaw pala ang kumukuha," sabat ni Luis.
"Ngayon lang ako kumuha. Huwag kang
ano!" depensa ni Gab. Kaninang umaga lang
talaga siya kumuha. "Isa pa, ang daming
bulaklak. Kapag makita ni Lola Ann si Nica,
siya pa mismo ang magsasabing kukuha
ako."
"E di ikaw na ang may magandang
nililigawan. Ang tanong, sasagutin ka ba
niya?" tanong ni Luis at napatingin kay Nica
kaya natigilan si Gabriele. Kahit si Sunny,
nagulat din sa sinabi ni Luis.
"P-Pero siyempre naman, sasagutin ka ni
Nica. Ikaw pa, ang guwapo at bait mo kaya,"
mabilis na bawi ni Luis. Siyempre joke lang
niya 'yon kanina pero baka na-offend ang
kakambal. Lalo na't may insecurities ito dahil
sa katabaan. Mahirap na kapag bumaba ang
self-esteem ni Gab.
"Bakit hindi mo pa idagdag na mataba ako?"
naiinis na sabi ni Gab.
Napasulyap si Nica kay Luis dahil ramdam
niya ang tensyon sa boses ni Gab.
"Wala naman sa katabaan 'yan. Kung
pagiging pogi ang labanan, mananalo ka
naman," wika ni Luis na sinusubukang ibalik
ang modo ng kakambal.
"Wala e! Sinabi mo lang 'yun para pagtakpan
ang unang sinabi mo pero--"
"Tama na nga ninyo 'yan," mabilis na saway
ni Nica. "Maiwan na namin kayo ni Sunny,
kakain pa kami."
"Oo nga, sige na," pagsang-ayon ni Sunny
pero napigilan ni Gab si Nica sa kanang
braso.
"Nica? Sabay na lang tayong kumain, hindi
pa ako nagbe-breakfast," alok ni Gab kaya
nagkatitigan sina Sunny at Nica.
"Sige, sabay na rin kami ni Sunny," mabilis
na sabi ni Luis saka hinila si Sunny palayo sa
dalawa.
"Gab? Ayaw kong kumain na kasama ka,"
prangkang sabi ni Nica dahil wala na siyang
choice.
"Ayaw mo bang may kasama kang mataba?"
tanong ni Gab.
"H-Hindi naman sa--"
"Nica? Masyado na ba akong annoying?
Pasensiya ka na, ha. Ganiyan lang kasi ako
magpakita ng pagmamahal. Gusto ko rin
naman sanang itago ang panliligaw ko pero
paano ako magtatago sa katawan kong ito?"
malungkot na saad ni Gab na naluluha pa
kaya para namang may humaplos sa puso ni
Nica.
"Hindi naman sa gano'n! Ayaw ko lang talaga
ng may kasamang lalaki pero sige na nga,
sabay na tayong kumain!" naiinis na
pagpayag ni Nica. Dam, ayaw niyang
magpaiyak ng elepante.
"Talaga? Sabay na tayong kumain?"
nagniningning ang mga matang tanong ni
Gab.
"Oo na!" napilitang sagot ni Nica at
bumulong sa sarili. "As if may choice ako."
Nakangiting sumunod si Gab sa kaniya.
Napapansin niyang naiilang si Nica sa mga
nakatingin sa kanila.
"Nica? Nakakahiya ba kapag ako ang kasama
mo?" tanong ni Gab na sinabayan ito sa
paglalakad kahit na ang bilis ng dalaga.
"Hindi naman. Walang masama kapag
mataba ang kasama ko," sagot ni Nica at
nginitian si Gab para hindi na ito
magdamdam.
"Salamat kasi iba ka sa kanila," pasalamat ng
binata.
Nang makarating sila sa canteen, dinala niya
kay Nica ang table na para lang sa kanila.
"Ako na ang mag-order, maupo ka na lang
dito."
"Baka mahirapan ka sa pagpila," sabi ni Nica
dahil pahaba na ang pila.
"Gagamitin ko ang priority lane," sagot ni
Gabriele.
"Ako na lang ang--"
"Hindi ko ikakamatay ang magpila, Nica,"
sabi ni Gab at padabog na tumalikod kay
Nica kaya naiwan ang dalaga.
Napapatingin siya kay Gab habang umo-
order ng pagkain. Hindi maiwasang may
makakasalubong siyang mga mata na
nandidiri sa kaniya.
"Kapit sa patalim!" wika ng babaeng nasa
kabilang table kaya naikuyom ni Nica ang
kamao. Hindi naman siya ganun. Nagiging
mabait lang siguro siya kay Gab? Isa pa,
wala namang ginagawang masama ang
binata sa kaniya maliban sa death note na
pinapamigay nito sa iba.
"Ginagamit ang ganda. Kung sabagay, hindi
naman siya magalaw dahil ang taba ni Gab!"
Nagtawanan sila.
Pinipigilan lang ni Nica ang galit lalo na't
pabalik na si Gab. Tumahimik na rin ang mga
ito.
"Pasensiya ka na kung medyo matagal,"
paumanhin ni Gab at inilapag ang pagkain.
"Hindi ako kakain ng lechon," sabi ni Nica
nang makita ang in-order ni Gab na isang
malaking plato ng lechon at puro tabang
may laman. Dagdagan pa ng ice cream sa
dessert at apat na kanin.
"Talaga? Ako na lang ang uubos," sabi ni
Gab kaya napanganga si Nica.
"Akala ko ba, diet ka?" Ang huling sabi nito,
magda-diet na.
"H-Ha? Sinabi ko ba iyon?" inosenteng
tanong ni Gab at hinila ang sariling upuan
saka naupo.
"Bahala ka!" sabi ni Nica. Katawan naman ito
ni Gab kaya bahala ito kung ano ang kakainin
pero nag-aalala lang naman siya sa
kalusugan nito.
"Next year, promise ko, magda-diet na
talaga ako," sabi ni Gab at sinimulan nang
kumain.
Napabuntonghininga si Nica saka sinimulang
kumain ng pancit.
"Kain ka pa, Nica." Alok ni Gab pero umiling
si Nica. Ang kinakain ni Gab ngayong
breakfast, pang dalawang araw na niya.
"Oh shit!" sabi ni Gab nang marinig ang
paglagitnit ng inuupuan.
"Gab!" tili ni Nica nang biglang nawasak ang
silya ni Gab kaya napatihaya ang binata.
Lahat ay napatingin sa kanila at pagkagulat
ang sa mga mata.
Napatulala lang si Nica habang nakatitig kay
Gab na sinusubukang tumayo pero hindi
kaya ng katawan. Hindi niya inaasahan ang
nangyari na-shock siya.
"Putsa!" pagmumura ni Gab na nahihirapan
dahil ang lakas ng pagkabagsak niya. Wasak
din ang upuan dahil hindi na nakayanan ang
bigat niya at ang hindi niya kaya ay ang
tawanan sa paligid. Natumba na nga siya,
pagtawanan pa siya ng mga ito.
"Fuck you kayong lahat! Kapag makita kong
may tumawa, makakatanggap ng death note
ngayon mismo!" pagbabanta niya kaya
tumahimik ang paligid. Walang ne isang
gumalaw at iniwas ang mga mata.
"G-Gab!" tawag ni Nica at lumapit sa binata
nang mahimasmasan. Inabot niya ang kamay
para tulungan itong tumayo pero tumanggi
ang binata.
Itinukod ni Gab ang mga kamay at
sinubukang tumayo. Salamat dahil puro fats
siya kaya hindi siya nababalian ng buto.
"Wala na akong ganang kumain!" naiinis na
sabi ni Gab.
"Ako rin, halika na," segunda ni Nica saka
hinawakan ang kamay ni Gab na nakatayo
na. Namumula na ang mukha nito dahil sa
pagkapahiya pero alam niyang tinatakpan
lang ng binata para hindi magmukhang
kawawa.
"S-Sige," pagpayag ni Gab saka napasulyap
sa kamay ni Nica na nakahawak sa kamay
niya. Lahat ng hiya ay natakpan ng tuwa sa
ginawa ni Nica.
Habang naglalakad palabas, may dinukot
siya bulsa at madiing idinikit sa noo ng
nadaanang lalaki. "You're dead!" galit na
sabi niya.
Nang makalabas na sila sa canteen, saka nila
na rinig ang malakas na tawanan ng mga
estudyante sa loob ng canteen.
"Huwag mo na silang intindihin," sabi ni
Nica.
"Nica? Nainis ka ba sa akin dahil sa
nangyari? Pasensiya ka na, pati ikaw,
napapahiya nang dahil sa akin," malungkot
na paumahin ni Gab.
Binitiwan ni Nica ang kamay niya.
"Wala iyon sa akin. Naiintindihan ko," sagot
ni Nica na ngayon lang pumasok sa utak ang
eksena ng pagkatumba ni Gab.
"Mauna na ako, may pasok pa ako," paalam
ng dalaga kaya napayuko si Gab. Nakakahiya
na nangyari iyon sa harap pa ni Nica. Bakit
sa dami ng pagkakataon, sa harap pa ng
babaeng nililigawan niya?
"Gab?" tawag ni Nica kaya napatingin siya
rito. Halos matunaw ang puso niya nang
ubod ng tamis na ngumiti si Nica sa kaniya.
"Ang cute mo pala kanina," sabi ni Nica saka
tinalikuran si Gab. Para itong elepante na
natumba. Cute na elepante.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon