9

970 47 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"Good morning," nakangiting bati ni Gab.
Naglalakad si Nica nang humarang ito sa
daanan niya.
"Morning," sagot ni Nica.
"Kumain ka na?" tanong ni Gab at napatitig
sa magandang mukha ng dalaga.
"Tapos na," tipid na sagot ni Nica na kulang
na lang ay itulak niya ito para umalis sa daan
pero ang sama naman niya kapag gawin niya
iyon.
"Nica? Galit ka ba sa akin?" tanong ni Gab
at sinubukang sabayan ito sa paglalakad.
Sana makiusap siya na bagalan nito ang
paglalakad pero mas lalo pa nitong binilisan
at nilakihan ang paghakbang.
"Bakit naman ako magagalit? Salamat ulit sa
pagligtas mo sa akin noong isang araw,"
pasalamat ni Nica.
"Palagi ka na lang nagpapasalamat. Ayaw
mo bang magkaroon ng utang na loob sa
akin?" nagtatampong tanong ni Gab.
"Hindi iyon totoo, masaya lang ako dahil
iniligtas mo ako," sagot ni Nica.
"Nica? Alam mo naman sigurong nanliligaw
ako, 'di ba?"
"Oo," sagot ni Nica. In fairness, masarap ang
chocolate na ibinigay nito.
"M-May pag-asa ba ako sa 'yo?" tanong ni
Gab at napakamot sa ulo nang mapansing
umiba ang awra ni Nica, "J-Just asking lang
naman."
"Gab? Puwede bang magtanong?" tanong ni
Nica at sumenyas sa binatang maupo muna
sa silyang nasa gilid ng hallway dahil
namamawis na ito.
"A-Ano iyon?" kinakabahang tanong ni Gab
at sinuri ang upuan. Hindi siya matibay kaya
mas minabuti niyang tumayo na lang kahit
na medyo nakakapagod.
"Bakit ka namimigay ng death note?"
Hindi umimik si Gab. Aaminin niya, hindi niya
nagustuhan ang tanong ni Nica.
"Okay lang kung hindi mo sagutin," ani Nica
nang maramdamang walang pag-asa na
sagutin siya ni Gab.
"Nica? Okay lang ba kung yayain kitang
mamasyal mamaya after ng klase natin?
Nakita ko ang sched mo, alas kuwatro ang
uwian ninyo," tanong ni Gab. Sana lang ay
pumayag si Nica para mapakilala niya ito
mamaya sa parents niya.
"Kapag ba pumayag ako, bayad na ako sa
utang na loob ko sa 'yo?" tanong ni Nica na
ipinagtataka ni Gabriele.
"Utang na loob?" ulit ni Gab.
"Sa pagligtas mo sa akin," seryosong sagot
ni Nica habang nakatitig sa mga mata ni
Gab.
Naiilang ang binata dahil sa mga mata
nitong tila nangungusap pero hindi niya
alam kung galit na ito o masaya. Hindi niya
kayang basahin ang nilalaman ni Nica. Basta
sure siyang maganda ito. Walang
kasingganda.
"H-Hindi ako naniningil sa pagligtas ko sa
'yo dahil totoo ang pagtulong ko sa 'yo,
Nica. Kung makipag-date ka sa akin dahil
lang doon, 'wag na lang," malungkot na sabi
ni Gab.

"S-Sige, mamaya after ng klase ko, date
tayo."
"Talaga?" masayang tanong ni Gab.
"Pupunta sina Mommy kaya ipakilala kita sa
parents ko."
"H-Ha? Huwag na," nahihiyang sagot ni
Nica. Baka kung ano pa ang isipin ng mga
ito kapag ipakilala siya ni Gab.
"Okay lang sa kanila," nakangiting sabi ni
Gab.
Gusto pa sanang tumutol ni Nica pero
tumalikod na ito kaya napabuntonghininga
na lang siya habang nakatingin sa
papalayong binata. Ang lapad ng likod nito,
malalaki rin ang paa na para bang namamaga
lang. Ang tangkad din kaya nagmumukhang
elepante sa loob ng CTU.
"Kayo na ba ni Gab? My ghad! Pinatulan mo
siya?" tanong ng babaeng kaklase niya na
sumabay sa kaniya sa paglalakad.
"Nanliligaw lang," sagot ni Nica.
"Sa totoo lang, maganda ka, sexy at
matangkad. Pang beauty queen ka kaya nga
ang daming gustong manligaw sa 'yo, Nica.
Pero to be honest, sayang ka lang kung si
Gab ang piliin mo," prangkang sabi nito.
Alam naman niyang mabait si Nica at hindi
nito ipaalam kay Gab ang mga pinagsasabi
niya.
Ngumiti si Nica, "Nanliligaw lang naman siya
at wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend.
Bawal pa talaga at kahit ako man ay hindi pa
handa."
"Good. Pero mayaman si Gab, malaki ang
katawan kaya puwede niyang gawin ang
lahat ng gusto niya. Kahit ikaw, kaya ka
niyang makuha kapag ginusto niya. Hindi ka
ba natatakot?" usisa nito.
"Hindi naman siguro niya gawin iyon," sagot
ni Nica. Sana lang ay huwag pagalawin ni
Gabriele Vince ang pera ng pamilya nito
dahil aminado siyang kaya nga siyang bilhin
ng binata kapag ginusto nito. Simpleng ipit
lang sa parents niya, makukuha na siya nito.
Of course, basta mga magulang niya ang
pag-uusapan, lahat ay gagawin niya.
"Sana sa malinis lang, Nica. Pero iba rin e.
Gumagamit siya ng death note para pigilan
ang mga lalaking lumalapit sa 'yo," wika ng
dalaga.
Tama nga si Joan, pinipigilan ni Gab ang
mga manliligaw niya gamit ang death note
nito.
Nang makarating na sila sa classroom, agad
na dumiretso siya sa upuan niya. Ang ibang
kaklase niya ay napapansin niyang umiiwas at
lumalayo sa kaniya kaya nalungkot ang
dalaga.
Takot ang mga ito na baka mabigyan ng
death note nang dahil sa kaniya. Pero hindi
naman siya ganoon kasama e.
Natapos ang klase nang hindi man lang
sinasagot ni Sunny ang tawag niya. Absent
kasi ito at hindi niya alam ang dahilan dahil
hindi nagre-reply sa messages niya. Kahit an
tawag niya, hindi rin sinasagot.
Alas tres 'y media na ay wala pa ang guro
para sa next subject.
"Guys? Wala raw tayong pasok, may
emergency sa bahay ni Sir," anunsiyo ni Joan
kaya naghiyawan ang mga kaklase.
Inayos ni Nica ang mga gamit at inilagay sa
shoulder bag saka tumayo. Dumaan muna
siya sa locker room para iiwan ang ibang
gamit dahil ang bigat ng mga libro niya.
"Shit!" Napalingon siya sa babaeng
napamura nang buksan ang locker. Nanlumo
si Nica nang makita ang death note na may
pirma ni Gabriele Vince.
Mabilis na tumakbo ito palapit sa pinto pero
bago pa siya lumabas, sumalubong na sa
kaniya ang malamig na tubig na binuhos ng
tatlong babae.
Kahit na marami ang sumalubong sa kaniya,
sinikap pa rin niyang tumakbo patungo sa
gate.
Malungkot na inilagay ni Nica ang mga
gamit sa loob ng locker.
"Siguro siya ang dahilan kung bakit
nakatanggap ito ng death note," mahinang
wika ng nasa likuran ni Nica na alam niyang
siya ang tinutukoy nito.
Isinara na niya ang locker saka nakayukong
lumabas pero may nabangga siyang
papasok.
"S-Sorry," paumanhin niya at napatingin sa
babaeng nakasalubong ang kilay. Napapansin
niya ito. Maganda ang babae, matangkad at
sopistikada lalo na kung kumilos.
"Nextime, tumingin ka sa daan mo para wala
kang mabangga!" pagtataray nito.
"Sis? Hayaan mo na, baka mabigyan tayo ng
death note," saway ng kasama nito pero
napangisi lang ang babae.
"Bakit? Magsusumbong ka?" tanong ng
babae kay Nica. "Kapag ba may kaaway ka,
magsusumbong ka lang kay Gab?"
"H-Hindi ako nagsusumbong sa kaniya at
wala akong kinalaman sa death note na
pinapamigay niya," sagot ni Nica. "Pasensiya
na talaga dahil nabangga kita."
Tumalikod na siya at lumabas. Napatingin
siya sa wristwatch, quarter to four na kaya
binilisan niya ang paglalakad para hindi
makita ni Gab. Idadahilan na lang niya na
nagmamadali siyang umuwi. Bahala na. Isa
pa, ayaw niyang makaharap ang pamilya
nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang
makalabas sa gate ng paaralan nila.
Nag-abang siya ng masasakyan nang may
naramdaman siyang matigas na bagay sa
likod niya.
"Huwag kang sumigaw o lumaban, holdup
'to!" mahina pero may diin na sabi ng boses
lalaki sa likuran niya. Nanigas bigla ang
katawan ni Nica dahil sa kaba. Kaunti pa lang
naman ang tao rito. At ang iba ay mga
walang pakialam sa isa't isa.
"W-Wala po akong pera," sagot niya pero
napapikit nang idiin nito ang matigas na
bagay sa likuran niya na sa tingin niya ay
baril.
"S-Sandali po," sabi niya saka kinuha ang
wallet sa bag saka inabot sa lalaki.
Nanginginig ang mga paa niya nang
maramdamang lumayo na ang lalaki.
"Sandali!"
Narinig ni Nica ang boses ng babae kaya
napalingon siya.
Hinaharangan nito ang lalaking naka-leather
jacket na nang-hold-1up sa kaniya.
"Umalis ka sa--argh!" daing nito nang
matumba dahil sa malakas na suntok ng
babae. Bubunutin pa sana nito ang baril
pero kaagad na sinipa ng babae at sinipa
ang baril nito palayo.
"Ano? Matapang ka, ha?" singhal ng babae
at sunod-sunod na pinagtatadyakan ang
hold-upper.
Dinampot nito ang baril saka kinasa.
"Pagbilang ko ng sampu at nasa harapan pa
kita, hindi ako magdadalawang isip na barilin
ang ulo mo!" pagbabanta ng babae kaya
napatulala rin si Nica.
"Isa!" Pagbilang nito kaya nanghihinang
tumayo ang lalaki at paika-ikang tumakbo.
Napahawak naman si Nica sa dibdib.
Nakakatakot kasi ang mukha ng babae lalo
na ngayong galit. Para itong Anghel na
sinaniban ng masamang ispirutu.
Dinampot ng babae ang pitaka na naiwan ng
hold-upper saka lumapit kay Nica.
"I think, this belongs to you," nakangiting
sabi nito kaya nanginginig ang kamay na
inabot ni Nica ang wallet. Bumalik na yata
ang pagiging Anghel nito. "Makakapatay
talaga ako ng masasamang tao!"
"S-Salamat ho," pasalamat niya sa babaeng
mas maliit lang sa kaniya nang kaunti.
Maganda ito, medyo astig lang pumorma at
sa tingin niya, matanda lang nang kaunti sa
kaniya. Siguro mga five years lang ang gap
nito sa kaniya. Maliit lang pero nakakatakot.
"Walang anuman. Ginigigil lang kasi ako ng
lalaking iyon! Sa susunod, mag-ingat ka!
Huwag kang tatanga-tanga!" Pinasadahan
siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa,
"Maganda ka pa naman."
Nailang si Nica sa titig nito na para bang
sinusuri siya. Maganda naman ito pero
nakita niya ang tapang sa mga mata ng
babae habang nakikipaglaban.
"Maiwan na kita," paalam ng babae at umalis
na.
Nanghihinang bumalik siya sa gate dahil sa
sobrang takot.
Bumusina ang mamahaling kotse na palabas
na ng gate saka bumukas ang bintana nang
tumigil.
"Nica? Sakay na," tawag ni Gab.
"H-Ha?" naiilang na sabi niya dahil marami
na ang estudyanteng palabas sa classroom
at may mga kotse rin na nasa likuran nito.
"Sumakay ka na, bilisan mo, palabas na rin
sila," sabi ni Gab at binuksan ang pintuan ng
katabi niyang upuan kaya namumula ang
mukhang sumakay si Nica.
"Akala ko, umalis ka na," sabi ni Gab at
napasulyap sa dalaga.
"M-May binili lang," sagot ni Nica na hindi
pa rin naka-get over sa nangyari.
Napansin niyang sinadyang ipagawa ni Gab
itong sasakyan dahil malaki ang space ng
driver's seat at pintuan para kumasya ito.
Ilang minuto pa ay tumigil sila sa isang
mamahaling restaurant.
"I know it's too early pa tayo pero mag-
videoke na lang tayo if you want," sabi ng
binata at nahihirapang lumabas sa pinto.
Shit lang! Gusto sana niyang pagbuksan si
Nica pero naipit ang tiyan niya sa manibela
kaya nakalabas na ito pero hindi pa siya.
Matapos ang ilang segundo, sa wakas ay
nakalabas na rin siya.
"Pasok na tayo?" tanong niya at dumiretso
sa VIP room na pina-reserve ng pamilya.
Tahimik lang si Nica. Natakot na nga siya sa
nangyari kanina, heto pa at makakaharap pa
niya ang pamilya ni Gab, ang mga Lacson.
Ne minsan sa buhay niya, hindi niya
pinangarap na makalapit sa mga mayayaman
lalo na sa mga Lacson at Villafuerte pero sa
kasamaang palad, nagustuhan siya ni Gab at
wala siyang choice kundi ang bumawi dahil
minsan na siyang iniligtas nito. Maganda ang
boses ni Gab, ito kasi ang kanta nang kanta
kaya wala siyang choice kundi ang makinig.
"They're here," sabi ni Gab nang bumukas
ang pinto saka pumasok si Luis. "Where's
mom?"
"Nasa labas pa," sagot ni Luis at napasulyap
kay Nica. "O? Mabuti at pumayag ka na
isama ni Gab."
Tipid na ngumiti si Nica. Gusto sana niyang
isagot na ayaw naman talaga niya pero mas
minabuti niyang huwag nang kumibo.
Tatapatin na lang niya mamaya ang pamilya
nito na wala siyang gusto kay Gab kahit na
maging bastos pa siya.
Nang bumukas ang pinto, napanganga siya
nang makita ang babaeng pumasok.
"Mom?" tawag ni Gab sa ina.
"Himala, nandito ka na, Gab?" sabi ni GV at
napasulyap sa babaeng katabi ng anak.
"Mom? Si Nica pala, Nica? Mommy ko,"
pagpakilala ni Gab kaya namutla si Nica.
Mommy nito ang babaeng tumulong sa
kaniya kanina? Paano nangyari? E, mukhang
mas bata pa ito sa kanila?

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon