4

1.3K 60 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

Unedited...
"Good afternoon," nakangiting bati ni
Cheska nang pumasok sa mansion.
"Good afternoon po, Lola Cheska," bati ni
Luis at humalik sa pisngi ng lola na kahit
may edad na, mukhang bata pa rin ito
tingnan na kung hindi mo lang alam ang
tunay nitong edad ay akalain mong trenta 'y
singko anyos pa lang. Nanatili pa ring
makinis ang kutis at two inches ang suot na
sapatos.
"Kumusta ang mga pogi kong pamangkin?"
nakangiting tanong ni Cheska saka inabot
kay Luis ang dalang paperbag na may
lamang regalo. Kakauwi lang nila mula sa
Barcelona ni Oliver. "Where's Gab?"
"Ouch!" daing ni Gab na kakalabas lang sa
elevator dahil hindi pa nga siya tuluyang
nakalabas, sumara na ang pinto kaya naipit
siya. "Puwedeng patanggal na lang ng
pintuan? Sagabal e!"
Napanganga si Cheska nang makita ang
apong palapit sa kanila na parang elepante
lang sa maliit na zoo.
"Dios mio!" sambit niya at napahawak sa
dibdib. Mag-iisang taon na siyang hindi
nakauwi kaya nagulat siya sa nakikita. "Gab?
Is that you?" hindi makapaniwalang sabi niya
na tila nahihirapang huminga para sa apo.
"Lolo Cheska, you're back!" nakangiting sabi
ni Gabrile at hahalik sana sa lola pero
umatras si Cheska at naka-stop sign ang
kanang kamay. Lumapit siya kay Luis.
"Sabihin mo nga sa akin kung nananaginip
lang ba ako? Pakigising nga sa akin. Baka
binabangungot ako, Luis!"
Napakamot sa batok si Luis. "Gising na
gising po kayo, Lola Cheska."
Humarap si Cheska kay Gabriele at sinuri
ang apo mula paa hanggang ulo. "Nasaan na
ang mga magulang mo? Kinain mo,
Gabriele? Iluwa mo!"
Napasimangot si Gabriele. "Grabe naman po
kayo, Lola Cheska," nagtatampong sabi ng
binata at naupo sa malaking sofa na para
lang sa kaniya. Sinadyang pinagawa ng ama
ang upuan niyang gawa sa narra para mas
matibay dahil ang sofa nila ay nasira nang
maupo siya. Nagkataon pa namang nasa tabi
niya si Ann kaya muntik nang atakihin sa
puso ang ina.
"Ano ang nangyari sa 'yo at ganiyan ang
katawan mo? My ghad! Ilang baka ang
kinakain mo araw-araw?" bulalas ni Cheska
habang nakahawak sa dibdib. Bago siya
umalis, chubby na talaga si Gab pero hindi
ganito kalaki. Sa tanang buhay niya, ngayon
lang siya nakakita ng ganito katabang tao sa
personal.
"Ano ang nangyayari dito?" humahangos na
tanong ni Dylan nang marinig ang malakas
na boses ni Cheska.
"Kuya Lanlan naman! Ano ang ginawa ninyo
sa apo ko? Bakit ganito ang katawan niya?"
tanong ni Cheska.
"Akala ko kung ano na. E, sa tamad mag-
diet e," sagot ni Dylan at napasulyap sa
apong hindi kumikibo. Malamang
nagtatampo ito sa naging reaction ni
Cheska. "Hayaan mo siya, napasarap sa
pagkain e."
"Hindi na 'yan healthy! Madali lang siyang
atakihin sa puso." Humarap si Cheska kay
Gabriele. "Mag-diet ka, Gabriele! Magpaluto
ka ng makakain sa Lola Ann mo!" suhestiyon
niya. Siya ang naaawa para sa apo.
"Talagang lulutuan ko ng pagkain ang mga
apo ko. Hindi kagaya mong tamad magluto!"
nakasimangot na sabat ni Ann habang
palapit sa kanila.
"Mas mabuti pa nga. For the firstime,
makakatulong ka sa mga apo mo, Ann," sabi
ni Cheska saka naupo sa katabing upuan ni
Gabriele. Napasulyap siya sa braso ni Gab na
triple yata ng hita niya ang laki.
"May girlfriend ka ba, Gab?" usisa niya.
"Wala ho." Gabriele.
"Pero may crush ka?" bulong ni Cheska at
siniko ang pamangkin. Ang lambot lang ng
fats nito sa braso.
"W-Wala," nautal na sagot ni Gabriele Vince
saka yumuko pero wala naman siyang leeg
kaya ang malaking dibdib kaagad ang nakita
niya.
"Meron 'yan, Lola Cheska," sabat ni Luis.
"Tumigil ka!" saway ni Gabriele. "W-Wala
kaya."
--------------------------------
"Miss? Sige na, pahingi kami ng number
mo," sabi ng lalaking naka-blue polo shirt
hindi naman kaguwapuhan pero mayaman.
"Oo nga, textmate lang," pagsang-ayon ng
kasama nito. Kanina pa sila sumusunod kay
Nica at napipika na ang dalaga.
"Hindi nga po ako nagbibigay ng number.
Mga kuya, padaan na po," pakiusap niya,
"late na po ako e."
"Number muna. Kung ayaw mo, kiss na
lang," pangungulit ng naka-polo shirt.
"Hindi po talaga puwede," sabi ni Nica at
nakipagpatentero sa dalawa pero ayaw
talaga siyang padaanin.
"Miss, sige na, please. Crush ka lang talaga
namin. Wala namang masama kung
makipagkaibigan kami, 'di ba?" pangungulit
talaga ng naka-polo.
Sa sobrang inis, napaupo na lang si Nica sa
gilid ng hallway.
"Sige na, miss. Kung binigay mo sa amin
kanina pa, e di sana nakaalis ka na,"
pangungulit ng dalawa pero hindi na umimik
si Nica. Ang pinakaayaw pa naman niya ay
ang makukulit na tagahanga.
"Kayong dalawa! Kanina pa kayo a!" sabi ni
Gab na kanina pa nakatanaw sa kanila. Kahit
malayo, alam niyang may pinipilit sila kay
Nica.
"G-Gab-- nakikipagkaibigan lang kami sa
kaniya," sagot ng nakapolo.
"Talaga? Pero mukhang ayaw yata niya?"
sagot ni Gab at napasulyap kay Nica na hindi
na maipinta ang mukha pero hindi
nabawasan ang ganda.
"Miss? Gusto mo ba silang maging
kaibigan?" tanong ni Gab kaya tumingala ang
dalaga.
"Gusto ko lang pumunta sa classroom ko
dahil late na ako," sagot ni Nica at iniwas
ang mga mata.
"See? Ayaw niyang makipagkaibigan sa inyo
kaya umalis na kayo!" wika ni Gab na
sinamaan ng tingin ang dalawang asungot sa
harapan.
"Pasensiya na, miss," paumanhin nila saka
umalis na dahil baka mapag-trip-an ni
Gabriele. Namimigay pa naman ito mg death
note.
"Okay ka lang?" tanong ni Gab sa dalaga.
Napansin niyang marami ang nakatingin sa
kanila.
"S-Salamat," pasalamat ni Nica saka tumayo
dahil baka kung ano pa ang isipin ng ibang
estudyante. Sa laki pa naman ba ni Gab,
imposibleng walang makakapansin sa kanila.
Isa pa, trending sa buong CTU ang death
note ng kambal.
"Kapag may mambastos sa 'yo, ipaalam mo
lang sa akin at ako ang bahala sa kanila,"
nakangiting sabi ni Gab. Okay, sa lahat ng
babae sa campus, si Nica lang ang nginitian
niya. Ewan ba niya. Gusto lang niyang
mapalapit sa dalaga. Napansin niyang
natigilan ito at nagtatanong ang mga
matang nakatingala sa kaniya.
"A-Ahm... A-Ayaw ko lang kasing may
binabastos na babae sa paaralang ito,"
dagdag niya saka napakamot sa ulo.
"Mauna na ako, Gab, may klase pa ako,"
paalam ni Nica. Badtrip na siya at ayaw
niyang may makausap pero mukhang
halimaw ang kaharap niya na wala naman
siyang choice kundi ang pakisamahan ito
dahil baka lalamunin siya nang buo. Hindi
dahil sa mataba ito kundi dahil sa nagbibigay
ito ng death note. Note na nagbibigay ng
karapatan sa lahat ng kasapi ng kapatiran na
ma-bully siya.
"K-Kilala mo ako?" mahinang tanong ni Gab
na nakatitig kay Nica pero nang tumingala
ito, agad na iniwas niya ang mga mata.
"Oo naman. Kayo ang may-ari ng school na
ito, 'di ba? Sino ba ang hindi makakilala kay
Gabriele Vince Lacson?" tanong ni Nica.
Napansin niyang namula ang mukha nito.
Siguro dahil sa sikat ng araw.
"M-Mabuti naman at kilala mo ako," wika ni
Gab na pinipigilan lang ang ngumiti. Geez!
Kilala siya nito?
"Excuse me," paalam ni Nica at nilagpasan
ang binata.
"Ehem!" Napalingon si Gab sa tumikhim sa
likuran niya.
"Masaya ka yata, kambal?" nakangising
tanong ni Luis.
"Hindi a," tanggi ni Gab at nagsimulang
maglakad patungo sa classroom nila.
"Hindi raw. Kitang-kita kong nakangiti ka e.
Dahil ba sa babaeng nakausap mo kanina?"
tanong ni Luis na pinagmasdan ang
reaksiyon ni Gab.
"Tumigil ka nga riyan! Kung anu-ano ang
iniisip mo!" saway ni Gab.
"Alam ko namang crush mo siya kaya huwag
mo nang itanggi!" tukso ni Luis at siniko
ang kakambal na sinasabayan niyang
maglakad.
"Hindi a. Malisyoso mo!" nakasalubong ang
kilay na tanggi ni Gab.
"Deny ka pa! Ligawan mo na kasi. Sige ka,
baka maunahan ka pa ng iba. Balita ko, siya
ang campus crush ngayon. Kung sabagay,
maganda nga siya. Mukhang marami kang
maging kaagaw, Gab. Tsk! Tsk! Tsk!" Tinapik
niya si Gab sa balikat na ngayon ay hindi na
maipinta ang mukha.
"Marami ba talaga ang nagkakagusto sa
kaniya?" curious na tanong ni Gab. Tumango
si Luis.
"Kung ako sa 'yo, unahan ko na. Mahirap na
kapag magkaroon siya ng syota. Alam mo
na, mahirap umeksena kapag magmahal siya
ng iba," suhestiyon ni Luis.
"Ikaw? Wala ka bang gusto sa kaniya?" usisa
ni Gab. Kakambal niya si Luis at alam niyang
habulin ito ng babae. Ilang babae na ba ang
nagmamakaawang mahalin nito? Hindi na
niya mabilang.
"Hmm? Maganda siya. Pero to be honest,
hindi siya ang babaeng hanap ko. Kung
maging kami man, pampalipas oras ko lang
siya," prangkang sagot ng dalaga kaya
naikuyom ni Gab ang kamao.
"Sino ka para lokohin lang siya?" tanong ni
Gab at tumigil sa paglalakad saka hinarap
ang kakambal.
"Chill! Kaya nga hindi ko na siya isama sa
listahan ko. Magpaparaya ako dahil alam
kong crush na crush mo siya," pilyong sagot
ni Luis at inakbayan ang kakambal na
kasingtangkad lang niya. Kahit na mataba
ito, mahal naman niya si Gab. Hindi niya
hahayaang i-bully ito ng iba dahil lang sa
katabaan nito.
"Lumayo ka nga sa akin! Mauna ka na sa
classroom. Text mo 'ko kung nandoon na
ang teacher natin," utos ni Gab.
"Bakit? Manliligaw ka na?" biro ni Luis.
"Wala ka na roon!" sagot ni Gab at tinulak
na ang kakambal para lumayo sa kaniya.
"Fine!" Pagsuko ni Luis saka itinaas ang mga
kamay.
Ipinagpatuloy ni Gab ang paglalakad at si
Luis naman ay dumiretso sa classroom nila.
"Good morning, sir," bati ng staff sa
registrar's office nang pumasok si Gab.
"Morning," sagot ni Gab at pinahidan ng
panyo ang namamawis na noo. "Miss?
Puwede bang pahingi ako ng record ng mga
scholar?" tanong ni Gab sa babaeng nasa
trente ang edad.
"Sige po," sabi nito saka kinuha ang folder.
"'Yong sa first year, miss," ani Gab at
nanatiling nakatayo dahil plastic chair ang
nandito. Baka masira kapag maupo siya.
Ilang sandali pa'y dala na nito ang folder.
Tiningnan niya ang babae kaya naiilang itong
lumayo sa kaniya.
Isa-isa niyang binuklat at tiningnan ang
biodate ang ng mga scholar nila. Napangiti
siya nang makita ang 2x2 picture ng
babaeng hinahanap.
"Nica Guttierez, seven teen years old,"
mahinang pagbasa ni Gabriele sa pangalan
ng dalaga. Now, he knows. "Magiging akin
ka," bulong niya saka itiniklop ang folder.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon