27

1K 49 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited...
.
"Ano ang nangyayari sa 'yo, Gab?"
nagtatakang tanong ni GV. Umuwi kasi ito
na may bitbit na maleta.
"Dito na po ako ulit titira," sagot ni Gab.
"May problema ba? Inaaway ka ba kina
Mommy?" tanong ni LL sa anak na naupo sa
sofa.
"Wala naman po. Kaso na-miss ko lang po
kayo," sagot ni Gab na ikinataas ng kilay ni
GV.
"Ang totoo lang, Gab," nagdududang
tanong ni LL sa anak.
"Totoo. Na-miss ko ang bahay na ito at na-
miss ko kayo ni Mommy," sagot ni Gab na
salubong na ang mga kilay.
"Sabi mo e. Dalhin mo na nga 'yang mga
gamit mo sa kuwarto mo at kakain na tayo,"
sabi ni GV at pumunta na sa kusina para
ayusin ang dinner nila. "Nasaan na pala si
Luis?"
"Kina Lola Ann daw po siya matutulog,"
sagot ni Gab at binuhat na ang maleta
paakyat sa hagdan pero nasa gitna pa lang
siya ay hinihingal na siya kaya naupo muna
siya para magpahinga.
"Tulungan mo ang anak mo!" Utos ni GV sa
asawa.
"Iwan mo na 'yang maleta, Gab. Ako na ang
magdadala mamaya," sabi ni LL sa anak pero
muling tumayo si Gab saka binitbit ang
maleta at ipinagpatuloy ang pag-akyat kaya
hinayaan na siya ng mga magulang.
"Himala, umuwi sa atin ang anak natin,
mine," sabi ni LL at niyakap sa bewang sa
GV habang nagsasandok ng ulam sa kaldero.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang
iyon," napailing na sabi ni GV.
"Mabait naman si Gab e," sabi ni LL. Wala
naman siyang problema sa anak. Well?
Maliban sa extra big nito.
"Tamad lang mag-exercise," sabi ni GV at
ibinigay kay LL ang pagkain para ilagay sa
mesa. Ang sarap pa naman ng afritada niya
at liempo kaya sigurado silang mapaparami
na naman ang kain ni Gab.
Nanood muna sila ng TV habang hinihintay
si Gab. Matapos ang kalahating oras ay
napatingala sila kay Gab na nanghihinang
bumaba ng hagdan na para bang
matutumba na ito. Buti na lang dahil
nakakapit sa pa sa railings.
"K-Kakain na ba tayo?" hinihingal na tanong
ni Gab tapos namamawis pa.
Kinuha ni LL ang pangatlong bottled water
at ininom. Habang nakatingin sa anak na
hirap na hirap sa pagbaba sa hagdan ay
panay naman ang inom niya dahil siya ang
nahihirapan at nauuhaw.
"Oo. Halika na. Tiyak magugustuhan mo ang
luto," sagot ni GV at siniko ang asawang
panay ang inom ng tubig habang nakahawak
sa dibdib.
"Oo nga. Kain tayo, Gab. Kumain ka nang
marami, parang pagod na pagod ka e," sabi
ni LL at tumayo na saka sumunod sa mag-
ina niya sa kusina. Kung gaano sila kapayat
ni GV, ganoon din kataba ang anak nila. Para
tuloy silang mga ulirang magulang na sa
halip kainin, pinapasubo pa kay Gab ang
pagkain.
Magiliw na kumain si GV at LL pero
nakailang subo na sila nang mapasulyap kay
Gab.
Kumuha ito ng cup at tinakal muna ang
kanin bago inilagay sa plato. Hindi rin nito
ginalaw ang karne. Sa halip ay ang chapsuey
ang kinain nito at isang basong tubig.
"U-Ulam mo, Gab. Kumain ka pa," naiilang
na sabi ni LL sa anak.
"Busog na po ako," sagot ni Gab at ne hindi
man lang naubos ang kanin sa plato kaya
napakunot ang noo ni GV.
"May sakit ka ba, Gab?" tanong ni GV.
"Wala lang po akong gana," sagot ni Gab na
hindi nakatingin sa pagkaing nasa harapan.
"Puwede pi bang pakipapunta ng dietician
bukas? May itatanong lang po ako,"
pakiusap ni Gab at tumalikod na kaya
naiwang napanganga ang mag-asawa.
"M-Mine? Si Gab ba ang nakasalo natin
bago lang?" tanong ni LL sa asawa.
"Oo, si Gab," sagot ni GV na nakatingin sa
anak na nakaupo sa gitna ng hagdan habang
pinapahidan ng panyo ang namamawis na
mukha.
"Hindi si Luis?"panigurado ni LL. Baka
nagha-hallucinate lang siya.
"Si Gab talaga," siguradong sabi ni GV.
"Kausapin mo nga mamaya ang anak natin.
Baka may problema o sakit siya."
Ipinagpatuloy ng mag-asawa ang pagkain at
pagkatapos nila ay pinuntahan ni LL si Gab
sa kuwarto. Pagkabukas niya ng pinto,
nakita niyang umiiyak ang anak na nakaupo
sa sofa kaya naatubili siyang lumapit.
"G-Gab?" tawag niya.
Tumalikod si Gab saka pinahidan anf mga
luha.
"D-Dad? May kailangan ho ba kayo?"
tanong ni Gab.
Lumapit si LL at naupo sa tabi niya pero
nang may tumunog ay kaagad siyang
napatayo dahil baka bumigay ang upuan sa
kanilang dalawa ni Gab.
"Nakita kitang umiiyak. Anak? May problema
ka ba?" nag-aalalang tanong ni LL.
"W-Wala po," sagot ni Gab at iniwas ang
mga mata.
"Anak? Huwag ka nang mahiya. Baka may
maitulong kami ng mommy mo sa 'yo. Ano
ba ang problema, Gab?"
Umiling si Gab kaya napabuntonghininga ang
ama niya.
"Huwag ka nang mahiyang aminin. Alam mo
bang labis kaming nag-aalala ng ina mo sa
iyo?"
Tumulo ang mga luha ni Gab at humagulgol
siya sa pag-iyak.
"Hey, Gab. H-Huwag kang umiyak. Alam mo
namang nandito lang kami, 'di ba? Pamilya
tayo. Ano ba ang problema? Baka may
maitulong kami sa 'yo." Puno ng pag-alala
na sabi ni LL habang hinihimas pa rin ang
likod ng anak.
"D-Dad?"
"Gab? Ano ang problema?"
"N-Na--Nagugutom na po ako ako," luhaang
sabi ni Gab sa ama at pinahidan ang mga
luha kaya natigilan si LL. Seryoso talaga si
Gab kaya napalunok ng laway si LL. "A-Ang
sarap po ng pagkain pero wala akong nakain
kanina."
"K-Kumain ka..." tanging nasabi ni LL na
hindi alam kung maaawa ba siya sa anak o
ano?
"Diet po ako e. K-Kailangan kong mag-diet,"
sabi ni Gab.
"Letseng diet-diet na 'yan. Kung nagugutom
ka, kumain ka. Huwag mong pigilan ang
sarili mo. Aba, baka ikamatay mo pa ang
pag-diet mo!"sabi ni LL.
"Dad? Kailangan ko po talagang mag-diet
para kay Nica," pag-amin ni Gab kaya
napabuntonghininga si LL.
"May nangyari ba?" tanong ng ama.
"W-Wala naman po," agad na iniwas ni Gab
ang mga mata.
"Psh! Aminin mo na kasi. Ano ba ang
pumasok sa utak mo at magda-diet ka?"
pamimilit ni LL.
"G-Gusto ko pong--" Hindi alam ni Gab
kung aaminin niya sa ama ang nangyari.
"Gusto mong?" tanong ni LL.
"Gusto ko ring makipag-body bonding pero
hindi ko iyon magagawa kay Nica dahil
mataba ako! Hindi niya ako kaya!" mabilis na
pag-amin ni Gab habang namumula ang
mukha.
Ngumiti si LL at tinapik sa balikat si Gab.
Alam niyang privacy na ng anak ang pinag-
uusapan nila kaya ayaw na niyang umusisa
pa. "Hayaan mo, ipapatawag ko ang
dietician bukas."
Lumabas na si LL kaya naiwang gutom si
Gab.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumunta sa
bahay nina Nica.
"Sino ang hinahanap mo?" tanong ng ama ni
Nica.
"Magandang umaga po. Nandiyan ba si
Nica?" tanong ni Gab.
"Ano ang kailangan mo sa anak namin?"
tanong ni Isay na lumapit sa kanila.
"Gab? Ano ang ginagawa mo rito?" nanlaki
ang mga matang tanong ni Nica.
"Good morning, Nica," nakangiting bati ni
Gab at inabot ang puting rosas na kinuha
niya sa hardin nila kanina.
"M-Morning," sagot ni Nica at inabot ang
tatlong bulaklak saka napasulyap sa mga
magulang lalo na sa amang hindi maipinta
ang mukha.
"Pasok muna kayo. Kung ano man ang pakay
mo, sa loob na natin pag-usapan," sabi ni
Isay kaya pumasok si Gab. Walang idea si
Nica kung ano ang ginagawa ni Gab dahil
wala naman itong sinabi na pupunta.
Nakaupo sila sa sala kaharap ni Gab ang
magpamilya.
"Ano ang sadya mo sa pamamahay ko?"
tanong ni Cardo sa binata.
"Ma'am? Sir? Gusto ko lang pong
magpaalam sa inyo na gusto ko po ang anak
ninyo at nais ko lang pong ipaalam na
nililigawan ko po si Nica," palaam ni Gab
kaya napakagat sa ibabang labi si Nica.
Kinakabahan siya.
Sinuri ni Cardo ang matabang lalaking nasa
harapan. Lahat ng gamit ay branded at
sigurado siyang original ang mga ito. Brand
new rin ang BMW na gamit nito na
nakaparada sa tapat ng bahay nila.
"Bata pa si Nica at hindi ako pumapayag na
may manligaw sa kaniya. Hindi naman sa
nanghuhusga pero marami ang manliligaw
ng anak ko at mayaman din pero alam mo
na, mas payat kaysa sa iyo."
Ngumiti si Gab. "Alam ko pong mataba ako
sa ngayon pero ipinapangako kong
magpapapayat ako para sa anak ninyo,"
sagot ni Gab.
"Salamat at naging tapat ka sa panliligaw
mo sa anak ko pero bawal pa talaga mag-
boyfriend si Nica," giit ni Cardo.
"Handa po akong maghintay pero habang
hindi pa ready ang anak ninyo, magda-diet
muna ako," sabi ni Gab kaya napasulyap si
Nica sa ama na hindi niya mabasa ang
nilalaman ng utak nito.
"Nasa anak ko ang desisyon pero sa ngayon,
bilang ama ni Nica, hindi ko siya
pinapayagang mag-boyfriend kaya pasensiya
ka na--"
"Gabriel po," pagpakilala ni Gab. "Gabriele
Lacson."
"Lacson?" ulit ni Isay.
"Opo," magalang na sagot ni Gab.
"Kaano-ano mo ang dating fraternity king?"
tanong ni Cardo.
"Lolo ko po si Dylan Lacson at ama ko si
Lance Leonard Lacson," sagot ni Gab.
Parehong natigilan ang mag-asawa pero si
Cardo ang unang nakabawi.
"Hindi ko pa pinapayagan ang anak ko na
mag-boyfriend pero kung darating ang araw
na ikaw o hindi ang mapangasawa niya,
irerespeto ko iyon," sagot ni Cardo. Ne
minsan, hindi niya hinangad na magkaroon
ng mayamang mapangasawa ang anak nila ni
Isay. Basta masaya ito at mahal ng
mapapangasawa, ayos na sa kaniya. Si Nica
pa rin ang pipili ng lalaking makasama nito
habambuhay.
"Maraming salamat po," pasalamat ni Gab at
tumayo.
"Nasa kay Nica ang pagpasya," sabi ni
Cardo.
"I-Ihahatid ko lang po siya," sabi ni Nica at
sumunod kay Gab na palabas sa gate nila.
"Bakit ka pumunta rito, Gab?" tanong ni
Nica.
"Malinis ang hangarin ko kaya handa kong
harapin ang mga magulang mo, thabz.
Mahal na mahal kita at handa kong harapin
ang lahat para sa pag-iibigan natin,"
seryosong sagot ni Gab kaya mapangiti si
Nica nang buksan niya ang gate.
"Salamat, Gab."
Ngumiti rin si Gab. Nakakahawa kasi ang
ngiti ni Nica. "Walang anuman. Thabz?
Nagda-diet na ako."
Tumawa si Nica. Naalala niya ang nangyari sa
kanila noong nakaraang gabi. Muntik na siya
roon- muntik na sumuko ang katawan.
"Sana mapanindigan mo ang diet na 'yan,"
sabi ni Nica.
"Oo naman, bye na. See in school," paalam
ni Gab at sumakay na sa sasakyan.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon