46

1.4K 50 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

Unedited...
Dahan-dahang iminulat ni Gab ang mga
mata. Bahagyang sumakit ang ulo niya kaya
napahawak siya rito.
"Hi," bati ni Nica kaya napatingin siya sa
dalagang nakaupo sa right side ng kama at
nakatunghay sa kaniya.
"B-Bakit ka nandito?" tanong ni Gab at
naupo pero kaagad naman siyang inalalayan
ni Nica.
"Dahan-dahan lang, baka mahilo ka," saway
ni Nica matapos isandal si Gab sa headboard
ng kama.
"Ano ang nanyari? Bakit nandito na tayo sa
bahay?" tanong ni Gab at pilit na inaalala
ang nangyari. Ang alam niya ay nasa Iloilo
pa sila at naliligo ni Nica sa resort nang
sumakit bigla ang ulo niya.
"Hinimatay ka dahil over fatigue at kulang sa
sustansiya ang katawan," paalala ni Nica.
"Anong petsa na?" tanong ni Gab.
"Kahapon ka lang hinimatay kaya isang araw
ka palang na tulog dahil sa gamot na
irinurok ni Tito Zero sa 'yo," sagot ni Nica
at tumayo. "Dito ka lang muna, magpahinga
ka at kukunin ko lang ang niluto kong
pagkain."
"Wala akong ganang kumain," nahihilong
sabi ni Gab pero hindi nakinig si Nica sa
kaniya. Lumabas ang dalaga kaya naiwan si
Gab na nakahawak sa ulo. Hinihila pa rin siya
ng antok pero nilalabanan niya.
Matapos ang sampung minuto, bumukas ang
pinto at pumasok si Nica na may bitbit na
tray.
"Bakit ikaw ang nagdadala niyan?" tanong ni
Gab matapos ilapag ng dalaga ang tray na
may pagkain sa bedside table.
"Gusto kong ako ang magdala," sagot ni
Nica at hinila ang upuan saka naupo sa gilid
ni Gab. "Pasensiya ka na kung medyo
natagalan ako. Lumamig na kasi ang pagkain
kaya pinainit ko pa."
"Wala akong ganang kumain," sagot ni Gab.
"Kailangan mong kumain para manumbalik
ang lakas mo," sabi ni Nica.
"Thabz, please. Wala talaga akong gana,"
pakiusap ni Gab at ipinikit ang mga mata.
"At least subukan mong kumain kahit kaunti
lang," sabat ni Lance Leonard na kakapasok
lang kasama si GV.
"Alam mo bang maaga pa 'yan nagising para
lang ipagluto ka?" tanong ni GV at sinamaan
ng tingin ang anak.
Napasulyap si Gab kay Nica na iniwas ang
mga mata.
"Kung ayaw mong kumain, kami na lang ang
kakain. Umuwi ka na, Nica. Hindi ka na
kailangan ni Gab dito," sabi ni LL kaya
naikuyom ni Gab ang kanang kamao.
Pakialamero't pakialamera talaga ang mga
magulang niya.
"Kakain ako! Kumukuha lang ako ng buwelo
dahil nahihilo pa ako! Pero kakain ako!"
sagot ni Gab na nakasalubong ang kilay.
"Sige na, kumain ka na at aalis muna kami,"
paalam ni Gab.
"Kapag hindi siya kumain, umuwi ka na,
Nica. Magpahatid ka na lang kay Luis," bilin
ni GV.
"Kakain ako sabi e!" galit na sabat ni Gab.
"Galit ka, Gab?" naka-poker face na tanong
ni GV pero nakakuyom ang kamao kaya
pinakalma ni Gab ang sarili.
"Nagpapaliwanag lang po. Alam mo namang
masakit ang ulo ko kaya ayaw ko nang
umulit pa ng sasabihin. Mom? Kakain po
ako. Kayo yata ang hindi nakakaintidi e,"
malumanay na sagot ni Gab. Obviously,
napilitan lang siya.
"Mabuti at nagkaliwanagan. Kumain ka na,
maganda ang bantay mo," sabi ni LL at
hinila na ang asawa palabas.
"K-Kakain ka na ba? O mamaya na?" tanong
ni Nica nang mapansing tinititigan siya ni
Gab.
"Kakain ako pero gusto kong sabayan mo
ako," sagot ni Gab kaya ngumiti si Nica.
"Oo naman, sasabayan kita," ani Nica dahil
para sa dalawa naman talaga ang dala niyang
pagkain.
Umupo nang maayos si Gab sa gilid ng
kama kaya inilagay ni Nica ang table sa gitna
nila para magkaharap silang kumain.
"Kaya mo na? O susubuan pa kita?" tanong
ni Nica.
"To be honest? Gusto kong subuan mo ako
pero I think, kaya ko naman kaya sabay na
tayong kumain," sagot ni Gab at kinuha ang
kutsara saka tinikman ang sopas na inihanda
ng dalaga. "Masarap!"
"Salamat at nagustuhan mo," masayang
pasalamat ni Nica at nilagyan ng kanin ang
plato ni Gab. Tinolang native na manok ang
niluto niya para bumalik ang resistensiya ni
Gab.
"Oo naman. Pero mas gusto ko ang nagluto
nito," sagot ni Gab habang nilalagyan ng
sabaw ang kanin niya.
"Gusto ko rin ang kumakain ng niluto ko,"
sagot ni Nica kaya natigilan si Gab at
napasulyap sa dalaga.
"G-Gusto mo ako?" tanong ni Gab kaya
natawa si Nica. Para kasing bata ito na
gustong mapansin habang nakatitig sa
kaniya.
"Ayaw mo?" tanong din ni Nica.
Sunod-sunod na subo ang ginawa ni Gab.
"Gusto ko, Nica. Gusto kong gusto mo ako."
Napakagat sa ibabang labi si Nica nang
mapansing namumula ang mukha ni Gab
habang kumakain dahil hindi makatingin
nang diretso sa kaniya. Ang cute.
"Oo, gusto kita, Gab."
Tumigil si Gab at napatitig kay Nica na
sinalubong ang mga mata niya.
"Gusto kita Gabriel Vince Lacson. Noon pa,
gusto na kita," nahihiyang pag-amin ni Nica
pero mas nakakatawa si Gab dahil ito ang
mas nahihiya sa kaniya. "O-Okay ka lang,
Gab?" Namumutla na kasi si Gab kaya
kinabahan siya dahil baka himatayin na
naman ito.
"O-Okay lang ako, thabz," mahinang sagot
ng binata. "N-Nakakahiya lang dahil gusto
mo ako."
"Bakit?" Gustong tumawa ni Nica pero baka
ma-offend si Gab. Napaka-sensitive pa
naman nito minsan.
"Ewan. Firstime ko kasing naranasan na
gusto rin ako ng gusto ko," pag-amin ni
Gab. Basta iba. Kinakabahan siya na hindi
niya mawari.
"Hmm? Si Sheryl? Hindi ba't siya ang unang
gusto mo?" tanong ni Nica na nakaramdam
ng kaunting kirot nang maalala si Sheryl.
"Hindi a!" tanggi ni Gab. "Hindi ako masaya
na gusto rin ako ni Sheryl. Ewan. Isa pa,
hindi si Sheryl ang unang crush ko.
Naikuwento ko na 'yo sa 'yo e!"
"Ah, ang batang mataba sa children's park?"
tanong ni Nica na may halong panunukso
ang boses.
Napayuko si Gab na para bang may maling
nagawa at kailangan niyang umamin sa
teacher niya.
"Crush ko lang naman. Isa pa, bata pa ako!"
sagot ni Gab. "Hindi ko na nga maaalala ang
mukha ng batang iyon! Ne hindi ko nga alam
ang pangalan niya!"
"Oo na po, wala na. Hayaan mo na ang
batang mataba na 'yon dahil baka hindi
naman talaga maganda nang lumaki na," ani
Nica.
Tumango si Gab, "Oo nga, thabz. Ang
mahalaga, ikaw at ako ay tayo na."
"Tayo na?" ulit ni Nica.
"H-Hindi pa ba?" Napakamot sa ulo na
tanong ni Gab. "Kailan mo ako sasagutin?"
"Ngayon na," sagot ni Nica kaya hinawakan
ni Gab ang kanang kamay ng dalaga at
dinala sa dibdib nito.
"Magseryoso ka, thabz," seryosong sabi ni
Gab at idiniin ang kamay nila ni Nica sa
kaliwang dibdib niya. "Nararamdam mo ba
ang pagtibok nito? Aatakihin ako dahil sa
biro mo."
Napabuntonghininga si Nica para humugot
ng lakas ng loob.
"Hindi ako nagbibiro, thabz. Sasagutin na
kita kaya sana, ingatan mo ang tiwala at
pagmamahal ko," sabi ng dalaga at ibinigay
ang sagot kay Gab sa pamamagitan ng mga
mata nilang nag-uusap. Napalunok siya ng
laway nang maramdaman ang pagbilis ng
pagtibok ng puso niya kasabay ng pagtibok
ng puso ni Gab.
"T-Tayo na?" lutang na tanong ni Gab. Alam
niyang nararamdaman ni Nica ang panlalamig
ng kamay niya.
"Oo, tayo na," sagot ni Nica. Noon pa sana
niya inamin ito kay Gab pero atleast,
nakapaghintay naman ang binata. May
kaunting aberya lang pero umabot sila sa
ganitong estado ng relasyon.
"Shit!" sambit ni Gab at binitiwan ang kamay
ni Nica saka tumayo. "Thabz ko!"
"Kyah!" Tili ni Nica nang buhatin siya ni Gab
sa upuan at inikot-ikot. "Gab? Ibaba mo na
ako!"
"Ang saya ko, thabz!" sabi ni Gab at tumigil
na saka niyakap si Nica nang sobrang higpit.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako
kasaya."
Niyakap din ni Nica si Gab at isinubsob ang
mukha sa mainit na dibdib ni Gab.
"Gab? N-Natatakot ako," bulong ni Nica.
"Huwag kang matakot, hindi kita pababayaan
at lolokohin," sabi ni Gab at kumalas sa
pagkakayakap kay Nica saka hinawakan ito
sa magkabilang balikat. "N-Ngayong tayo
na, aalagaan kita at pangako, hinding-hindi
kita ipagpalit sa iba," naiiyak na sabi ni Gab
at hinaplos ang malambot na mukha ni Nica.
"Kung alam mo lang kung gaano mo ako
pinasaya ngayon, Nica."
"Baka nasabi mo lang 'to dahil bago pa lang
tayo," nakalabing sabi ni Nica.
"Hmm? Wala pa naman yatang Lacson na
nag-iwan ng pangako sa minamahal nila na
hindi natutupad?" patanong na sabi ni
Gabriel. Kung meron man, baka dahil lang sa
kalokohan ang pangakong iyon.
"Hindi ko rin alam, thabz," mahinang sabi ni
Nica. "P-Pero puwede bang itago muna
natin lalo na kina Papa?" pakiusap ni Nica.
Tiyak magwawala ang ama niya kapag
malamang may boyfriend na siya.
"Sige, secret muna sa parents mo pero hindi
sa ibang tao," nakangiting sabi ni Gab at
ipinababa ang mga kamay sa bewang ni
Nica.
"Sige, kain muna tayo, thabz. Kumain ka
nang marami para manumbalik ang lakas
mo," sabi ni Nica.
"Sige, kain na tayo," masayang sabi ni Gab
at bumalik na sila sa pagkain pero
magkatabi na at paminsan-minsan at
nagsusubuan.
Maghapong nanatili si Nica sa bahay nina
Gab para alagaan ang binata. Ipinaalam na
rin siya ng mommy ni Gab kagabi na hindi
siya makakauwi.
"Huwag na, magpahinga ka," tanggi ni Nica.
"I insist! Ihahatid kita, thabz. Ito ang first
day na naging tayo kaya hindi kita
hahayaang umuwing mag-isa," pamimilit ni
Gab. "Promise, okay na ako."
"Pero baka--"
"Fine. Para maging kampante ka, isasama ko
ang driver para siya ang magmaneho,
okay?" giit ni Gab kaya walang nagawa si
Nica kundi ang pumayag na ihatid ni Gab at
ng driver.
"Manong? Pakihintay na lang po ako,"
pakiusap ni Gab at isinara ang pinto.
"Gab? Huwag ka nang pumasok,
nakakahiya."
"Sinundo kita rito noong isang araw kaya
ihahatid na naman kita sa harapan ng mga
magulang mo," sabi ni Gab at siya na mismo
ang bumukas at sumara ng gate.
"Tigas ng ulo!" bulong ni Nica at sumunod
sa binatang nauna nang pumasok na para
bang ito ang may-ari ng bahay nila.
Tahimik ang buong bahay at nakaupo sila sa
sala kaharap ang mga magulang ni Nica.
"T-Thabz? Umuwi ka na," bulong ni Nica na
kinakabahan dahil sa seryosong mukha ng
ama.
"Ano pa ang kailangan mo?" tanong ni
Cardo.
"Naparito po ako para ipaalam sa inyo na
kasintahan ko na po ang anak ninyo,"
diretsahang sagot ni Gab na ikinalaki ng
mga mata ni Nica.
"G-Gab..." sambit ni Nica at napatingin sa
ama.
"Mahal ko po ang anak ninyo, sir. At noon
pa man, alam na ninyo iyon. Ngayong
nagbalik na ho ako, hindi po iyon nagbago
at masaya po ako na kanina lang, sinagot
ako ng anak ninyo." Buong pagmamahal na
tinitigan ni Gab si Nica. Wala siyang
uurungan kapag si Nica ang pag-uusapan.
Napayuko si Nica at ipinalangin na sana ay
lamunin na siya ng lupa. Heto na naman si
Gab.
"Totoo ba ito, Nica?" seryosong tanong ng
ama niya.
"K-Kuwan..." Hindi niya alam kung ano ang
isasagot kaya tumango na lang siya.
Napakagat siya sa ibabang labi nang marinig
ang malalim na pagbuntonghininga ng ama.
Ang nanay niya ay tahimik lang at
nakabantay sa gagawin ng asawa.
"Malinis po ang hangarin ko sa anak ninyo,
sir. Kaya naparito ako para maipakita ko ang
malaking respeto ko sa ama ng babaeng
minamahal ko- ang anak ninyo," pagtatapat
ni Gab. Oo, kinakabahan siya pero sabi ng
Lolo Dylan niya, hindi dapat na itinatago
ang taong mahal sa publiko. Kung mahal mo
ang isang babae, dapat handa kang harapin
ang lahat para imaipagmalaki siya.
"Mahal mo ba siya, Nica?" tanong ni Cardo
at napatingin sa anak na hindi makatingin
nang diretso sa kaniya.
"O-Opo," mahinang sagot ni Nica. "S-Sorry,
papa. A-Alam ko pong galit kayo sa akin
pero--"
"Matanda ka na, Nica. Nasa tamang gulang
ka na at alam mo na kung ano ang tama at
mali. Alam mo kun hanggang saan ang
limitasyon mo. Magulang mo lang kami na
naggagabay sa buhay mo pero sa bandang
huli, ikaw pa rin ang masusunod dahil buhay
mo iyan," sabi ni Cardo at hinarap si Gab.
"Mahal ko ang anak ko pero bilang ama,
ayaw kong makitang nasasaktan ang anak
ko. Kung gusto mo ng tiwala ko, mahalin at
huwag mong lokohin si Nica. Siya na lang
ang kayamang meron kami at kapag
sinaktan mo siya, handa akong pumatay ng
tao kahit na mula ka pa sa
makapangyarihang angkan!"
Naiiyak na tiningnan ni Nica ang ama.
Ramdam niya ang pagmamahal at respeto
nito sa kaniya.
"Huwag po kayong mag-alala, sir. Mamahalin
ko po si Nica. Wala akong maipangako kundi
ang mahalin ko siya habambuhay," sabi ni
Gab at pinisil ang kamay ng dalaga.
"Aasahan ko 'yan," sabat ni Isay at nginitian
si Gab. Ngayon niya napatunayan na tama
nga ang haka-hakang kakaiba magmahal ang
mga Lacson.
"Maraming salamat po at legal na kami ni
Nica," masayang sabi ni Gab. Actually,
kanina pa naghahanda ang mga paa niya
para tumakbo kung sakaling habulin man
siya ng itak ng ama ni Nica.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon