MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 34
Unedited...
"Hayaan mo na sa gusto niyang gawin. Hindi
na rin naman ako umaasa na mabalik pa
kami sa dati ni Gab," sabi ni Nica at nginitian
si Luis. Nasa tree park siya na hinihintay si
Sunny na bumili ng fishball nang lapitan siya
ng binata.
"Alam kong mali pa rin si Gab pero ang
tigas ng ulo niya, ayaw niyang maniwala."
"Okay na 'yon, Luis. Iniisip ko na lang na
hindi kami magkakilala at nagkakilala," wika
ni Nica na kahit nakangiti, bakas sa mga
mata ang kalungkutan.
"Hindi Nica, malaki ang utang na loob ng
pamilya namin sa 'yo lalo na ni Gab," giit ni
Luis na napatingin sa direksyon na
tinitingnan ni Nica. Si Gab, nakikipag-usap
ito sa isang magandang babae na kaklase
nila.
"Kung ano man ang na-achieve ng katawan
ni Gab, wala na akong kinakaman doon. Siya
pa rin ang masusunod at kahit ano pa ang
sabihin natin sa kaniya kung ayaw niyang
tulungan ang sarili niya, wala rin tayong
magagawa," sabi niya. Alam niyang mahirap
mag-diet lalo na sa dating katawan ni Gab
at sanay itong kumain nang marami. Self-
discipline pa rin ang pinakamahalaga sa
pagpapapayat.
"Mahal mo pa rin ba siya?" seryosong
tanong ni Luis na nakatitig sa maganda at
bilugang ng mukha ng dalaga.
Napatingin si Nica kay Luis.
"Mahal mo pa rin ba siya kahit na paulit-ulit
ka niyang sinasaktan, Nica?" ulit ni Luis kaya
napakunot ang noo ng dalaga.
"P-Paulit-ulit?" ulit ni Nica at tiningnan si
Gab na papalayo na sa kanila kasama ang
babae.
"Sinaktan ka na niya dati, hindi ba?"
makahulugang tanong ni Luis at
nakipagtitigan kay Nica.
Iniwas ng dalaga ang mga mata. "Palapit na
si Sunny, gusto mo ng fishball? Kain tayo!"
masiglang tanong ni Nica pero hinawakan ni
Luis ang kanang kamay niya.
"Bakit mo siya mahal, Nica? Ano bang
meron si Gab?" mahinang tanong ni Luis
kaya natahimik ang dalaga. "Hindi ba't palagi
ka na lang niyang sinasaktan at iniinsulto?"
"Hindi ko alam," tipid na sagot ni Nica.
"Mabait naman si Gab, kailangan lang niya
ng pag-unawa."
Tumayo si Luis at humarap kay Nica, "Alis na
'ko, huwag kang mag-alala, tutulungan kita
kay Gab sa abot ng aking makakaya."
"Salamat sa lahat, Luis."
"Wala iyon. Alam kong mabuting tao ka,
Nica. Isa pa, ang kakambal ko ang may
kasalanan kung bakit naghihirap ang 'yong
kalooban."
Napatingin si Nica kay Luis na papalayo sa
kaniya. Mula noon, ang bait nito at palaging
nandiyan para protektahan siya laban kay
Gab pero hanggang kapatid lang ang turing
niya kay Luis. Isa pa, hindi naman ito
nanliligaw sa kaniya kaya iniisip niyang bilang
kaibigan lang ang turing nito sa kaniya.
"Ba't umalis 'yon?" tanong ni Sunny habang
palapit sa kaniya na may bitbit na fishball.
"Ayaw ka raw niyang kasama," pabirong
sagot ni Nica at kinuha ang dalang fishball ni
Sunny na nasa styro.
"Kumusta na pala ang parents mo?" tanong
ni Sunny.
"Okay lang, gipit pa rin," sagot ni Nica.
"Hayaan mo, kakausapin ko ang parents ko
dahil may maitulong sila," wika ni Sunny.
"Huwag na," sagot ni Nica. "Wala na rin
namang silbi, hindi na matutulungan ng
parents mo ang parents ko."
"Ano ka ba! Kahit na mag-loan lang para
hindi na tumalbog ang negosyo ninyo."
"Maliit lang naman 'yon, Sunny. Isa pa, wala
nang pag-asa."
"Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Makakabangon pa 'yon."
Umiling si Nica at malungkot na napangiti.
"May nakabili na sa bangko." Ginawang
collateral ng ama niya ang maliit na talyer
nila nang magkasakit ito noong nakaraang
buwan. Napabayaan na ng ama kaya ang
hina ng kita kaya mas lalo silang nagipit sa
bangko. Pero noong nakaraang araw, may
lumapit sa kanila na bibilhin daw ang talyer
sa malaking halaga. Sapat na para
magpatayo sila ulit ng negosyo pero naging
mahalaga lang sa mga magulang niya ang
talyer dahil sa mahigit labing siyam na taon,
doon sila nabubuhay.
"Puwede pang mabawi," ani Sunny.
"Hindi na, ang mga Lacson ang nakabili,"
malungkot na sagot ni Nica. Alam niyang si
Gab ang nasa likod ng lahat kaya hindi na
niya mababali ang desisyon nito
"Hayop talaga ang baboy na 'yon! Ang sama
ng ugali! Talagang igigiit ka niya!" galit na
sabi ni Sunny.
Ngumiti si Nica sa kaibigan. "Hayaan mo na,
Sunny, kaya pa naman ng mga magulang ko
na bumangon. Hindi naman kami sanay sa
marangyang pamumuhay kaya okay lang."
Kaya ayaw niya sa mga mayayaman dahil
ginagamit lang nila ang pera at
kapangyarihan para hamakin ang nasa ibaba
ng mga ito.
"Kaninong wallet 'to?" tanong ni Sunny nang
makita ang medyo makapal na wallet sa tabi
ni Nica. Binuksan niya at nakita ang ID ni
Luis. "Kita mo? Naiwan ng mokong. In
fairness, ang daming pera." Tig isang libo pa
ang laman nito na aabot sa sampung libo o
mahigit pa ang halaga pero hindi na nila
binilang pa.
"Akin na, ako na ang magsasauli," sabi ni
Nica at kinuha ang wallet.
"Baka mapagkamalan kang ninakaw mo,"
sabi ni Sunny.
"Alam natin pareho ang totoo, Sunny. Ite-
text ko si Luis," sabi ni Nica at tinext ang
binata na kaagad namang nag-reply.
"Nasa tambayan siya. Mamaya ko na ihatid,
kakain muna tayo," wika ni Nica at inilagay
na sa bulsa ang cellphone.
"Ang daming kasintahan ni Gab. Halos lahat
yata ng babae. Akalain mo 'yon? Two weeks
pa lang mula nang nagpasukan, nakadami na
ang mokong!" pagmamaktol ni Sunny.
"Hayaan mo siya. Basta hindi lang niya tayo
ginagambala," sabi ni Nica.
"Nica? Paano kung bibigyan tayo ni Gab ng
death note?" nag-aalalang tanong ni Sunny.
Sa awa ng Diyos, wala pa naman silang
natatanggap na death note sa locker nila ni
Nica.
"Kapag wala tayong ginagawang masama sa
kanila, hindi sila magbibigay ng death note,"
sagot ni Nica. "Kaya umiwas na lang tayo
lalo na kay Gab."
Pagkatapos nilang kumain, dumaan muna si
Nica sa tambayan nina Luis at si Sunny ay
nauna nang pumunta sa classroom dahil
baka makita pa niya si Gab at masampal.
Kumatok muna si Nica ng tatlong beses
bago binuksan ang pinto.
Tila napako siya sa kinatatayuan at
binuhusan nang malamig na tubig nang
makita si Gab na nakatayo at may kahalikang
babae. Ito ang babaeng kasama nito kanina
nang nasa tree park pa sila.
"Sino ka?" galit na tanong ng babae na
nakatingin sa kay Nica at halos magkadikit
pa ang mukha nila ni Gab, pero si Gab, hindi
kumikilos at ne hindi man lang humarap kay
Nica.
"H-Hinahanap ko lang si Luis," sagot ni Nica
na nanginginig ang tuhod. Alam naman
niyang maraming kasintahan si Gab at kaya
na nitong makuha ang lahat ng babae sa
paligid pero masakit pa rin pala na makitang
may ibang kahalikan ito.
"Umalis ka na muna," walang ganang sabi ni
Gab sa babae.
"P-Pero babe--"
"Lumabas ka na dahil break na tayo."
"G-Gab--"
"Ayaw mong lumabas?" nakatagis ang
bagang na tanong ni Gab at may kinuha sa
bulsa nito- death note.
"A-Aalis na, salamat sa isang oras na
relasyon," natarantang sabi ng babae at
mabilis na tumakbo palabas.
Nakayuko lang si Nica. Hindi niya kayang
harapin si Gab dahil hindi niya alam ang
gagawin at sasabihin.
"Ano ang kailangan mo, Nica?" malamig ang
boses na tanong ni Gabriele.
"S-Si Luis..." tanging nasambit ni Nica at
napatingin sa isang butil ng luhang pumatak
sa kamay niya hanggang sa paunti-unting
dumadami na ito.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Gab.
"W-Wala..." sagot ni Nica at pinahidan ang
masaganang luha na tumutulo mula sa mga
mata niya.
"Pumunta ka lang ba rito para ipakitang
umiiyak din ang mga kagaya mo?" tanong ni
Gab. Umiling si Nica at ipinagpatuloy ang
paghikbi.
"Nagpapakaawa ka ba, Nica?" galit na
tanong ni Gab. Nakayuko si Nica kaya
kitang-kita niya ang pagkuyom ni Gab ng
mga kamao.
"H-Hindi. May naalala lang ako," sagot ng
dalaga at dinukot ang wallet ni Luis sa bag
niya at inabot kay Gab. "Naiwan ni Luis
kanina sa tree park, pakibigay na lang sa
kaniya."
"Kayo na ba ni Luis?" tanong ni Gab
matapos makuha ang wallet.
"B-Bakit mo natanong?" Nica.
"Kakambal ko siya, iniingatan ko lang ang
yaman ng aming pamilya," makahulugang
sagot ni Gab kaya napalunok ng laway si
Nica. Kung ano ang mga ipinagsasabi niya
noon, ibinalik sa kaniya iyon ngayon ni Gab.
Oo, masakit pala. Sobrang sakit pero hindi
niya kayang magalit kay Gab.
"K-Kung iyon ang ikinabahala mo, huwag
kang mag-alala, Gab, walang mawawala sa
yaman ninyo dahil hindi ako interesado kay
Luis."
"Kanino ka interesado?" nakataas ang
kanang kilay ni Gab.
Taas noong sinalubong ni Nica ang mga
mata ng binatang puno ng galit. "Sa isang
taong matagal nang nawala sa buhay ko,"
sagot ni Nica at tumalikod na palabas.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Gab sa
wallet ni Luis dahil sa inis.
"Hindi ba't sobra-sobra na ang mga
pinagsasabi mo kay Nica?" tanong ni Luis na
lumabas sa silid nito. Kanina pa siya
nakikinig sa usapan ng dalawa at siya ang
nasasaktan para kay Nica.
"Honest lang ako, walang masama sa sinabi
ko," walang ganang sagot ni Gab at itinapon
ang hawak na wallet sa sofa.
"Gab? Kung hindi mo na kayang mahalin si
Nica, hayaan mo na lang siya--"
"Hindi ko siya naging kasintahan kaya wala
namang dapat na ikagalit sa kaniya. Isa lang
siyang ordinaryong babaeng may
magandang mukha," agarang sagot ni Gab
at tinalikuran ang kakambal para lumapit sa
silid nito.
"Mahal ka ni Nica," ani Luis.
"Hindi iyan totoo, Luis. Alam mong
nakikipag-usap lang siya sa akin dahil
mapera ako. Ang totoo, diring-diri siya sa
akin. Huwag mo nang pagtakpan si Nica,
hindi ka nakakatulong!" sabi ni Gab at
pumasok na sa silid nito.
Dinampot ni Luis ang wallet saka naupo sa
couch. Hindi lang alam ni Gab, ang suwerte
niya kay Nica mula pa noon.
Flashback.....
"Gab? May crush ako," sabi ng pitong na
taong gulang na si Luis sa kakambal nang
lapitan niya ito.
"Sino?" nagtatakang tanong ni Gab. Nasa
children's park sila at naglalaro kasama ang
ibang bata pero napagod si Gab kaya
nagpahinga muna sa isang bench.
"Wait lang," sabi ni Luis at tumakbo palapit
sa mga kalaro kanina.
Pagbalik niya, may bitbit na itong batang
babae. Maganda ito, mataba nga lang.
"Gab? Si Nicnic pala. Nic? Si Gab, kakambal
ko," pagpakilala ni Luis. Para sa kaniya, si
Nica ang pinakamagandang bata rito sa
park.
"Siya ba? Ampangit naman niya, ang taba!"
prangkang sabi ni Gab habang nakatingin sa
matabang batang nasa harapan niya kaya
naningkit ang mga mata ni Luis.
"Bawiin mo ang sinabi mo, Gab!" galit na
sabi ni Luis.
"Bakit ko babawiin? Totoo naman! Tingnan
mo nga ang mukha, pawisin tapos nakakadiri
pa tingnan! Ang baboy niya!" nakasimangot
na sabi ni Gab kaya napayuko si Nica. Siya
ang palaging tinutukso ng lahat dahil sa
kaniyang katabaan. Sabi ng doctor,
kailangan niyang magbawas ng timbang
dahil hindi healthy ang sobrang taba sa
isang batang katulad niya. Obese 3 na siya.
"Maganda naman!" pagtatanggol ni Luis at
hinawakan ang kanang kamay ni Nica.
"Walang matabang maganda! Puro fats!"
sabi ni Gab at tumawa. "Baboy ang kalaro ni
Luis! Baboy!"
"Ikaw nga, chubby ka rin naman!" sabat ni
Nica at nakasalubong ang kilay na nakatingin
kay Gab. Hindi ito kasing taba niya pero
may pagka-chubby.
"Mas baboy ka!" giit ni Gab.
"Kapag pumayat ako, magugustuhan mo rin
ako!" matapang na wika ni Nica.
"Hindi kaya! Ang baboy mo!" pang-aasar ni
Gab saka tumakbo palayo sa kanila.
"Pasensiya ka na kay Gab, nanibago lang
iyon sa 'yo," paumanhin ni Luis na nahihiya
sa inasal ng kakambal.
"Wala iyon. Ang cute niya," nakangiting sabi
ni Nica kaya napakunot ang noo ni Luis.
"Suplado siya at inaasar ka niya," sabi ni
Luis.
"Hmm? Pero crush ko siya," nakangiting sabi
ni Nica.
"H-Hindi ka niya magugustuhan kasi mataba
ka," hindi makapaniwalang sabi ni Luis pero
isang matamis na ngiti ang iginawad ng
dalaga sa kaniya.
"Papayat din ako. At oras na pumayat na
ako, magugustuhan din ako ni Gab," sagot ni
Nica.
---------------END OF FLASHBACK--------
