MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 42
Unedited...
"Gab? Hindi mo na ba talaga mahal si
Nica?" usisa ni Ann habang kumakain sila ng
breakfast.
"B-Bakit mo natanong?" tanong ni Gab at
yumuko saka itinuon ang mga mata sa
pagkain.
"Alam mo bang pumunta siya rito noong
araw na umalis siya? Umiyak pa nga siya e,"
sagot ni Ann kaya napatingin ang lahat sa
kaniya.
"Haist! Huwag na nating pag-usapan ang
babaeng iyon!" ani Gab na salubong ang
mga kilay. "Ginawa lang niya iyon para
pagtakpan ang kasalanan niya!"
"May CCTV, umiyak talaga siya," giit ni Ann
sa apo.
"Ayaw ko na siyang pag-usapan, tapos na
iyon," walang ganang sabi ni Gab at
ipinagpatuloy ang pagkain.
"Oo nga naman," sabat ni Luis. "Isang taon
siyang nagdusa sa paniniwala niyang iyan
kaya hayaan niyo siyang magdusa
habambuhay!"
"Ano ang pinagsasabi mo?" naiinis na
tanong ni Gab at inilapag ang kutsara saka
nakipagtitigan sa kakambal na nasa harapan.
"Kung ayaw mo kay Nica, huwag mo siyang
pahirapan!" ani Luis na sinalubong ang
nagbabagang mga mata ng kakambal.
Kulang na lang ay lamunin siya ni Gab e.
"Hindi naman a!"
"Mahal mo pa si Nica, Gab! Mahal mo pa
ang babaeng akala mo, nanloko sa 'yo!" giit
ni Luis.
"Manahimik ka! Marami akong babae!" giit ni
Gab. "Mas pogi na ako sa 'yo kaya huwag
kang makialam! Baka inggit ka lang dahil
nasasapawan ka na, Luis?"
Napalatak si Luis. "Ano ang kakainggitan ko?
'Yang kayabangan mo?"
"Tama na!" saway ni Dylan sa dalawang apo.
"Respetuhin naman ninyo ang pagkain! Kung
magtatalo kayo, sa labas kayo!"
"Sorry, lolo," sabay na paumanhin ng dalawa
at nagsisihan ang mga mata bago
ipinagpatuloy ang pagkain.
"Bilisan na nga ninyo, male-late na kayo,"
sabi ni Ann kaya binilisan ng dalawa ang
pakain. Dito silang kambal natulog kagabi.
"Luis? Yayain mo si Nica sa Sabado,
pupunta tayo sa resort," sabi ni Ann.
"B-Bakit siya isasama ni Luis?" tanong ni
Gab.
"Alangan naman ikaw? Hindi ba't ayaw mo
sa kaniya?" sabat ni Luis kaya pinandilatan
siya ni Gab.
"Ayaw ko sa kaniya kaya huwag ninyo siyang
yayain!" sabi ni Gab.
"Gusto ko siyang makilala pa nang lubusan,"
sabi ni Ann kaya hindi na nakipagtalo pa si
Gab.
Matapos nilang kumain, magkahiwalay na
pumunta sila sa paaralan dahil may kani-
kaniya silang sasakyan.
"Si Luis!" sambit ni Gab. "Bakit ba walang
girlfriend ang lalaking 'yon! Bakla ba siya?"
Wala pa siyang nababalitaang may
kasintahan si Luis kahit na marami ang
babaeng umaaligid dito. Pero sure siyang
hindi na virgin ang mokong dahil madalas
niyang mahuling may kiss mark ito. Minsan
pa nga, may babaeng tumatawag na
pupunta ito sa condo nito.
Pinabilisan niya ang pagpatakbo hanggang
sa makarating sa paaralan.
Pagkababa niya, saktong bumaba rin si
Sheryl sa kotse nito pero inirapan siya ng
dalaga.
"Huwag mo akong tingnan nang ganiyan,
Gab! Hindi ikaw ang pinakaguwapong lalaki
sa mundo!"
"Bakit? Hindi rin naman ikaw ang
pinakamagandang babae sa buong mundo!"
sabat ni Gab at sinabayan si Sheryl sa
paglalakad. "Pero aaminin ko, maganda ka,
Sheryl. Mataas ang standard ko pagdating sa
kagandahan kaya masasabi kong isa ka sa
mga magaganda."
"Salamat naman. Well? We can be friends,"
maarteng sabi ni Sheryl kaya inakbayan siya
ni Gab.
"Mabuti naman at nagkaunawaan tayo,"
nakangiting sabi ni Gab at pinisil ang balikat
ng dalaga pero agad na binawi ang mga
kamay nang makita si Nica na
makakasalubong nila. Huli na nang bawiin
niya ang kamay, masakit na ang mga
matang nakatitig ito sa kanila lalo na sa
kaniya pero agad namang nawala nang
magkasalubong ang mga mata nila.
Lumiko si Nica bago pa man sila
magkasalubong kaya napatingin si Gab sa
dalaga.
"Hindi ba't gusto mo siya?" tanong ni
Sheryl.
"The who?" inosenteng tanong ni Gab.
"Si Nica. Alam kong gusto mo siya noon
kaya mo siya niligawan. Totoo ba ang rumor
na binasted ka niya kaya nagpapayat ka?"
tanong ni Sheryl na nakataas ang kilay. "Ano
ba talaga ang nangyari noon, Gab?"
"Tapos na kami ni Nica, iyon ang mahalaga,"
sagot ni Gab.
"Really? So? Hindi na kayo bati? Poor Nica!"
napailing na sabi ni Sheryl at napatigil sa
paglalakad nang makakasalubong nila ang ex
niya.
"Mauna na ako, Sheryl. See you around,"
paalam ni Gab at tinapik sa balikat ang
dalaga.
Binilisan niya ang paglalakad pero hindi
mawaglit sa isip niya ang mukha ni Nica
kani-kanilang.
Pagdating sa classroom, kinuha niya ang
cellphone at tinext ang dalaga.
"Thabz..."
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa
ring reply kaya nag-text siya ulit.
"Thabz? Glit ka?"
Pinaikot niya ang cellphone habang
naghihintay ng reply pero matapos ang
limang minuto, wala pa ring reply.
"Psh! Ano ba ang problema niya?" bulong
niya saka tinawagan na ito pero nagri-ring
lang pero hindi nito sumasagot.
"Kaasar!" bulong niya.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Sino ba ang
tinatawagan mo?" tanong ni Luis nang
maupo sa tabi niya kaya mabilis na ibinalik
niya sa bulsa ang cellphone.
"Pakialam mo?" pagsisinuplado ni Gab.
"Ano ba ang masama kung magtatanong
ako? Para ka kasing tanga riyan!" sagot ni
Luis.
"Mga babae ko! Hindi ko alam kung sino ang
re-reply-an mo dahil sabay-sabay silang
nagte-text!" sagot ni Gab.
"Ikinapogi mo na 'yan?" tanong ni Luis at
napailing sa kakambal.
"Pogi ako kahit wala sila!" sagot ni Gab at
napatingin sa relo. Alas siyete pa lang naman
at may thirty minutes pa sila kaya tumayo
siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Luis.
"Lahat na lang ba ng gagawin ko, dapat
ipaalam ko sa 'yo?"
"Wala namang masama kung sagutin mo,"
sagot ni Luis, "Ako kaya ang
pinagtatanungan nila kung nasaan ka."
"Sa mga babae ko!" sagot ni Gab at lumabas
na saka dumiretso sa classroom nina Nica.
"Galit talaga siya sa akin?" tanong niya sa
sarili at nang nasa tapat na ng pinto ay
inayos ang mukha.
Sa kaniya ang lahat ng mga mata ng kaklase
ni Nica.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni
Sunny.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko!" sagot ni Gab
at humarap kay Nica.
"Hoy, babae! Hindi ba't utos sa 'yo na linisin
mo ang rooftop?" tanong ni Gab.
"Walang iniutos sa akin ang adviser namin!"
sagot ni Nica na sa notebook nakatingin.
"Wala ba? Linisin mo!" pagsisinuplado ng
binata. "Puwes, linisin mo dahil madumi!"
"Hindi trabaho ni Nica ang paglilinis dahil
may working student kayo!" sabat ni Sunny.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Tumaas na
ang boses ni Gab saka hinarap si Nica. "Kung
ayaw mong mabigyan ka ulit ng death note,
umakyat ka na sa rooftop at linisin ang
kal--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang
tumayo si Nica at tinalikuran siya saka
lumabas.
Tila binging umakyat si Nica sa rooftop.
Pagkapasok niya, malinis naman ang paligid
pero kinuha pa rin niya ang walis tambo sa
maliit na pinto para magwalis.
"Akala mo hari ng mundo!" bulonf ni Nica at
binilisan dahil may ilang minuto na lang siya.
Hindi siya humarap kahit na narinig niya ang
pagkasara ni Gab ng pinto.
"Thabz?" tawag ni Gab na nasa likuran niya
pero ipinagpatuloy pa rin ng dalaga ang
pagwawalis.
"Kausapin mo naman ako," sabi ni Gab saka
niyakap si Nica mula sa likuran. "Huwag kang
magwalis. Gusto lang namam kita makausap
kaya ko sinabi iyon kanina."
"Hindi mo naman pala ako pagwawalisin
kaya babalik na ako sa classroom namin,"
sabi ni Nica at tinanggal ang nakapulupot na
mga kamay ni Gab sa bewang niya.
Pero hinawakan siya ni Gab sa magkabilang
balikat at pinaharap. "Sabihin mo sa akin,
galit ka ba, thabz?" malumanay na tanong ni
Gab.
"Hindi," walang ganang sagot ni Nica.
"Hindi? Aminin mo kasi ang totoo! Bakit
ganiyan ka? Galit ka ba? May nagawa ba
akong masama?" pamimilit na tanong ni
Gab.
"Gab? May pasok pa ako!" sagot ni Nica
kaya napabuntonghininga si Gab at binitiwan
siya.
"Galit ka ba dahil nakita mo kami ni Sheryl?"
mahinang tanong ng binata.
"Kailangan ko nang umalis," ani Nica pero
nagulat siya nang yakapin siya ni Gab.
"Huwag ka nang magtampo. Nakasabay ko
lang naman siya," sabi ni Gab at hinigpitan
ang pagkakayakap kay Nica.
"Magaling naman na pagkakasabay! May
kasama pang akbay e!" Hindi niya maitago
ang pagtatampo sa boses.
"Friends lang talaga kami kaya inakbayan ko
siya," depensa ni Gab at kumalas sa
pagkakayakap kay Nica saka hinawakan ang
magkabilang balikat nito. "Hmmm? Huwag
nang magselos ang thabz ko."
"Hindi ako nagseselos!" nakataas ang kilay na
tanggi ni Nica.
"Hindi raw? Halata naman sa mukha mo e.
Aminin mo na kasi, nagseselos ka kapag may
kasama akong iba," pamimilit ni Gab saka
mas lalong lumapad ang ngiti samga labi.
"Nananaginip ka lang!" sagot ni Nica.
"Hindi ka nagseselos?" disappointed na
tanong ni Gab.
"Hindi," tanggi ni Nica.
"So? Okay lang kapag marami akong
babae?" tanong ni Gab habang nakatitig sa
mga mata ng dalaga pero napaatras siya
nang makitang umaapoy ang mga mata ni
Nica na nakatingala sa kaniya. Kaunti na lang
ay matutusta na siya.
"Bahala ka sa buhay mo pero huwag ka nang
lumapit pa sa akin kahit kailan! Magsama
kayo ng Sheryl at mga babae mo!" sabi ni
Nica na nagtagis ang bagang kaya malakas
na tumawa si Gab. "Ano ang nakakatawa,
Gab?"
"Ang cute mo kasing magselos, thabz. Mas
lalo kang nakaka-inlove," pag-amin ni Gab
at hinawakan ang mga kamay ni Nica saka
dinala sa dibdib niya. "Huwag kang mag-
alala, ikaw lang ang laman nito. Maliban sa
pamilya ko, dalawa lang ang pangalang
isinisigaw nitong puso ko."
"Dalawa?" nakataas ang kilay na tanong ng
dalaga.
"Oo, ang isa ay Thabz," sagot ni Gab kaya
naningkit ang mga mata ni Nica.
"Sheryl ang isa?" hula ni Nica na kulang na
lang ay sipain si Gab.
"Nica," nakangising saad ni Gab at dinala sa
mga labi ang mga kamay ni Nica mula sa
dibdib niya. "Thabz at Nica lang sa ngayon."
"Sa ngayon?" ulit ni Nica.
"Kapag magka-baby na kami ni Thabz o
Nica, madadagdagan na ang laman ng puso
ko," todo ngiti na tanong ni Gab kaya
namula ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"T-Thabz..." sambit ni Nica at niyakap si
Gab.
"Hindi ka na galit?" malambing na tanong ni
Gab. Umiling si Nica at nilanghap ang
mabangong amoy ni Gab. Hindi pa rin ito
nagbago ng pabango.
"I love you, thabz," bulong ni Gab at
hinalikan sa noo ang dalagang nakayakap sa
kaniya.
"Ano ba!" singhal ni Gab nang bumukas ang
pinto sabay tulak kay Nica nang pumasok si
Luis. "Hindi ba't sabi ko, tapusin mo ang
paglilinis dito?"
"Patapos na," sagot ni Nica at dinampot ang
walis tambo saka nanggigigil na hinawakan.
Kung hindi lang siya inalo ni Gab bago lang,
mukha talaga ni Gab ang wawalisin niya para
bumalik na ito sa katinuan.
"Tama na 'yan, bumalik ka na sa classroom
ninyo! Ipapatapos ko na lang 'to sa janitor!"
Utos ni Gab kaya dali-daling lumabas si Nica
bago pa niya makutusan si Gab.
"Tss! Arte mo!" walang ganang sabi ni Luis
saka naupo sa bench.
"Pinagsasabi mo?" kunwarinay inosenteng
tanong ni Gab.
"Hindi ako ipinanganak kahapon, Gab!"
napailing na sagot ni Luis saka tumayo at
lumabas.
Agad na kinuha ni Gab ang cellphone at
tinawagan si Nica habang palapit sa pinto.
"Hello, thabz? Masakit ba ang pagkakatulak
ko sa 'yo? Hindi ko sinasad--" Napatigil siya
nang makita si Luis sa harapan niya. Hindi pa
pala umalis ang mokong. Ibig sabihin,
narinig niya ang sinabi niya kay Nica?
"Sino ang kausap mo? Si Mommy?
Pakisabing magluto siya ng masarap na
pagkain, doon ako matutulog sa bahay
mamaya," naka-poker face na sabi ni Luis
saka tumalikod na.
