1

2.7K 72 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...
"Good morning po," magalang na bati ni
Nica sa ina.
"Magandang umaga naman," nakangiting
bati rin ng ina. Ang mommy Isay niya ay 42
years old na at ang ama naman ay 45 years
old. Dating magkababata ang mga ito at
naging magkasintahan nang magtrabaho sa
iisang factory sa Japan. Nang makaipon ng
puhunan ay nagnegosyo na lang sa Pilipinas
para makasama naman nila si Nica.
"Ma? Alis na po ako," paalam niya saka
humalik sa pisngi ng ina.
"Ingat ka. Alam mo namang delikado ang
paaralang iyon," bilin ng kaniyang ni Isay sa
anak. Maganda si Nica, maalon ang buhok at
matangkad din na kapag lalaban sa beauty
pageant, malaki ang chance na manalo.
"Kahit saan naman po, delikado. Sa dinami-
rami pa naman ba ng paaralan, sa CTU pa
talaga," reklamo ni Nica. Hindi siya sang-
ayon na roon mag-aral dahil ayaw niya ng
maraming barumbado. Mas naisin pa niyang
sa Westbridge o Arellano na lang pero wala
siyang magagawa dahil iyon ang gusto ng
ama niya. Bata pa lang siya, may naipon
nang pera ang mga magulang. Isa pa,
scholar siya ng CTU.
"Mauna na po ako," paalam ulit ng dalaga at
humalik sa pisngi ng ina.
Lumabas na siya. Firstday ng school kaya
hindi pa siya naka-uniporme. Sikat ang CTU
o Cresantemum University sa bansa kaya
kapag doon ka nag-aaral, matic na na
mayaman ka.
Simple lang ang suot niya, maong na
pantalon at puting tshirt. Sumakay siya sa
dyip at bumaba sa tapat ng gate ng CTU.
Pagkapasok pa lang niya sa gate ng CTU,
kinakabahan na siya. Hindi kasi niya
inaasahan na dito siya makapag-aral.
Siyempre marami ang kagaya niyang average
lang ang pamumuhay sa lipunan na gustong
makapasok dito.
Ang lawak ng CTU. Abot hanggang 8th floor
ang bawat building kaya manghang
nakatingala si Nica sa bawat gusali. Ang linis
pa nito tingnan. Iba kaysa sa ini-imagine
niya noong bata pa siya. Noong intrams
exam, sobrang nagkakalito siya sa
kakahanap ng room assignment niya.
Nang mahanap na ang classroom na nasa
ikalawang palapag, naupo siya sa pinakadulo
na malapit sa bintana dahil wala siyang
kakilala. 100% free tuition siya ngayon dahil
valedictorian siya. Isa pa, nakapasa siya sa
scholarship exam na ibinigay ng may-ari
kaya free na rin ang food allowance.
Napatingin siya sa pinto. Ang lawak ng pinto
na halos kalahati na ng classroom ang na-
occupy nito. Kahit sampu yata silang sabay-
sabay na lumabas ay kasyang-kasya.
Nang dumating ang guro, isa-isa silang
nagpakilala. Walang pumapansin sa kaniyang
mga babae pero may mga lalaking
napapatingin sa kaniya.
Sinusubukan niyang makisabay sa mga
kaklase kahit na medyo nalalayo ang agwat
nila sa pamumuhay. Isa pa, iba ang galing sa
public kaysa sa private school. Ang taga-
public talaga ang mag-a-adjust lalo na kung
private school ang papasukan niya.
Pagkatapos ng first subject, meron silang 15
minutes break kaya nag-CR muna siya.
"Ang dami talagang guwapo rito," kinikilig
na sabi ng babaeng nasa labas ng cubicle
kaya napailing si Nica. Agad na tinapos niya
ang pag-ihi saka lumabas na sa bathroom.
"Aray! T-Tama na!" daing ng lalaking
pinapalibutan ng mga estudyante kaya na-
curious si Nica habang palapit sa mga ito.
Siyempre dito siya dadaan.
"Ano? Uulit ka pang tarantado ka?" galit na
tanong ng lalaki habang hinahawakan ang
kamao ng payat na lalaking estudyante.
"H-Hindi na po, aray!" naiiyak na sabi ng
lalaki na namumutla na sa sakit.
"Freshmen pa lang kayo, ang tatapang na
ninyo? Kami pa talaga ang binangga ninyo,
ha?" galit na sabi ng lalaki saka tinulak ang
freshman student para matumba.
Napaatras si Nica sa takot. Ito na nga ba
ang sinasabi niya, puno ng gulo ang
paaralang ito dahil sa fraternities. Napaatras
siya sa malambot na pader.
"Ano ang problema rito?" dumadagundong
ang boses na tanong ng sinasandalan ni Nica
kaya agad na lumayo siya at lumingon dito.
Napanganga siya habang nakatingala sa
taong nasa harapan. Ang tangkad nito at
higit sa lahat, ang taba pa. Mga nasa
mahigit isang daang kilo ito na mas mabigat
pa kaysa sa mga sumasali sa Biggest Loser.
Paano, matangkad na mataba ito. Mga
limang katawan pa siguro niya ang kailangan
para mapantayan ang kalakihan nito.
Napayuko ito para tingnan siya kaya
napalunok siya ng laway. Sa height niyang
5'6", nagmistulang si David siya sa harapan
ni Goliath.
"Pakisara ng bibig mo, baka mapasukan ng
langaw," sabi ng lalaki kaya agad na isinara
niya ang bibig. "Alam kong pogi ako pero
huwag kang magpahalata."
Napatulala si Nica. Seryoso ba ito sa
pinagsasabi? Saan banda ang kaguwapuhan
nito?
"Ikaw na matapang kapag tingting ang
kalaban, ano ang problema mo sa aming
mga freshmen?" tanong ng binata at lumapit
sa matapang na estudyante kanina. Habang
naglalakad, napapalayo naman ang ilang
estudyante sa kanila. Mahirap nang
matapilok ito at matumba. Baka madaganan
pa sila. Matangos naman ang ilong nito,
malalaki ang pisngi at wala nang leeg. Kapag
ulo, balikat na kaagad. Mabuti na lang dahil
maputi at makinis ito. Hindi kagaya ng ibang
mataba na ang leeg ay maitim.
"Bakit? Baboy? May problema ka?" tanong
ng lalaki. "Wait, mas mataba ka pa pala
kaysa sa baboy."
Nagtawanan ang mga kasamahan nito.
Naririnig ni Nica ang mabibigat na hakbang
nito na para bang lumilindol lang.
Napatingin siya sa sahig, hindi kaya mag-
crack ang cemento?
"Mas hayop ka pa kaysa sa baboy na pangit
ka!" sagot ng matabang lalaki saka nilapitan
ito. "May problema ka sa katabaan ko? Baka
gusto mo, pati ikaw, lamunin ko?"
Nagtawanan ang mga estudyante. Susugod
sana ang lalaki pero bago pa siya makalapit
sa mataba, natulak an siya nito kaya ang
layo ng itinapon ng katawan nito.
Napahiyaw ang mga nakasaksi nang
madurog ang basurahang natumbahan nito
sa lakas ng impak.
"Huwag mo rin akong banggain kung ayaw
mong durugin ko ang katawan mo!"
pagbabanta nito at iginala ang mga mata.
Napaatras si Nica nang mahagip siya ng
paningin nito. "At least ako, kapag pumayat,
guwapo. E ikaw? Payat ka na ngang hayop
ka, pangit ka pa rin!"
Walang ingay sa paligid. Lahat ng
estudyante ay halos pinipigilan ang hininga
para walang malikhang ingay dahil sa
sobrang takot. Parang sinugod lang ng
malaking alien ang mundo na walang
magawa ang mga tao laban sa alien kahit pa
na magpasabog pa ng bomba.
"Walang magmatapang-tapangan kapag nasa
paligid ako! Sa mga hindi nakakakilala, ako
ang anak ng may-ari ng paaralang ito kaya
lahat kayo ay makakatikim ng impyerno
kapag kalabanin ako! Lahat ng iutos ko ay
walang magreklamo kung gusto pa ninyong
manatili sa paaralang ito!" mahabang
pagpakilala at pagbanta niya kaya takot ang
rumehistro sa mga mata ng nasa paligid.
Hindi makatingin si Nica sa matabang binata.
Firstime niyang nakakita ng ganito katabang
tao kaya sa halip na matuwa, natakot siya.
Para kasing nangangain ito ng tao. Gusto na
tuloy niyang isipin na katawan ng tao ang
kinakain nito kaya ganito ito kalaki.
"Tabi kayong lahat!" sigaw ng binata na
lahat ng tao sa walong palapag ng building
ay naririnig siya.
Nagsilayo naman ang mga estudyante at ang
iba ay pumasok sa loob ng classroom.
"Hey, bro. Nananakot ka na naman?"
nakangising sabi ng matangkad na lalaking
palapit sa kanila. Ang guwapo nito at ang
ganda ng katawan dahil hapit sa katawan
ang navy blue na tshirt nito. Para itong
modelo na naglalakad palapit sa kanila.
May ilang napatili pa nang mapagtanto kung
sino ito.
"Guys? Forgive my brother, mabait naman
siya kapag walang bumabangga sa kaniya.
Alam n'yo na, nagagalit din ang pader kapag
binabangga ng kotse," biro nito kaya
hahampasin sana siya ng mataba pero
nailagan niya.
"Tsk! Umalis ka nga rito!" pagtataboy ng
lalaking mataba sa nagpakilalang kapatid
nito. Nilagpasan niya ang guwapo at
machong binata na pero hirap na hirap siya
sa paglalakad.
"Kaya pala ang malalaki ng pinto ng bawat
classroom," bulong ni Nica. Malalaking
hakbang ang ginawa niya para tumabi nang
malapit na ito sa kaniya. Sa kasamaang
palad, tumigil pa ito sa tapat niya saka
humarap sa kaniya. Kinakabahan siya. Para
itong si Shrek at isa lamang siyang maliit na
daga.
"Huwag kang haharang-harang sa daanan ko
kung ayaw mong mapisa kita!" sabi ng
binata kaya napalunok ng laway si Nica
habang tumatango na ang mga mata niya ay
hanggang dibdib lang nito.
Narinig niya ang mabibigat na yabag na
papalayo na sa kaniya.
"Ang taba niya," iyon na lang ang pumasok
sa isip ni Nica habang nakatingin sa malapad
na likod ng lalaking palayo sa kaniya.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon