48

1.4K 47 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 48

Unedited...
"Thabz? Bakit nandito ka?" tanong ni Nica
nang lumabas sa gate. Alas singko pa lang
ng umaga nang tumawag na si Gab na
nandito ito sa tapat ng bahay nila.
"Jogging tayo," yaya ni Gab at napasulyap sa
loob ng bahay. "Gising na ba ang parents
mo?"
"Oo," sagot ni Nica. Nagluluto ang mama
niya at ang papa naman niya ay naliligo
kanina.
"Magpaalam lang ako," sabi ni Gab kaya
pinapasok siya ni Nica.
"Thabz? Okay na pala ang business ng papa
mo, naibalik na sa ayos," sabi ni Gab habang
papasok sila sa bahay.
"G-Gab? Hindi mo kailangang--"
"Sooner, magiging isang pamilya na tayo,
Nica. Magka-baby at magkapamilya kaya
dapat nagtutulungab tayo," sabi ni Gab at
tumigil saka humarap sa kasintahan.
"Salamat, thabz. Pero ayaw ko lang isipin ng
ibang tao na pera lang ang habol ko--"
Tinakpan ni Gab ang bibig ni Nica ng mga
daliri niya. "Sssh... Huwag kang mag-alala,
sa papa mo naman talaga ang business na
iyon. Sa legal na paraan ko man siya nakuha
pero sa maling layunin naman. Pasensiya ka
na noon, natabunan lang ako ng galit ko."
Humarap si Nica at pinisil ang magkabilang
pisngi ni Gab. "Tapos na iyon at ang
mahalaga, ay ang ngayon. Nagkapatawaran
na tayo at boyfriend na kita."
Ibinaba ni Gab ang mukha para halikan ang
kasintahan sa mga labi pero kaagad na
naghiwalay sila nang bumukas ang pinto.
"Oh? Ang aga mo naman yata?" tanong ni
Isay. Lumapit si Cardo sa kanila habang
nagpupunas ng tuwalya sa basang buhok.
"Ba't ang aga mo, Gab?" tanong ni Cardo.
"Puwede ko ho bang isama si Nica sa pagjo-
jogging?" magalang na paalam ni Gabriel.
Hindi sumagot ang mag-asawa na tila nag-
aalangan pa. "P-Pang relationship goal
lang?" dagdag niya kaya napatawa si Nica.
"W-What?" inosenteng tanong ng dalaga.
"Wala," sagot ni Nica na pinipigilan na ang
pagtawa.
"Bahala kayo pero basta, jogging lang, ha."
Pagpayag ni Cardo. Ano pa nga ba ang
magagawa niya? Eh, nagpapaalam naman
nang maayos si Gab.
"Opo, jogging lang po," masayang sagot ni
Gab.
"Wait lang, magpapalit lang ako ng jogging
pants," sabi ni Nica at mabilis na tumakbo
papasok sa kuwarto para magpalit.
Isang oras din silang nag-jogging paikot sa
clubhouse habang naka-holdinghands.
"Masaya ka ba dahil kasama mo ako?"
tanong ni Gab habang pauwi na sila na
parehong puno ng pawis kaya naglalakad na
lang ang magkasintahan.
"Oo, masaya ako dahil ikaw ang kasama ko
sa pag-jogging," sagot ni Nica. Naalala nita
noong nagdadalagita pa siya, kahit na
tinatawanan na siya ng mga tao, takbo pa
rin siya nang takbo kahit na sobrang bagal
niya. Wala naman siyang pakialam sa
sasabihin ng ibang tao dahil gusto niyang
magpapayat.
"Ako rin," sagot ni Gab. "Kain lang kaso tayo
nang kain these past days kaya nabibigatan
na naman ako sa katawan ko." Two weeks pa
lang sila ni Nica pero 2kgs na naman ang
nadagdag sa timbang niya.
"Hmm? Mas okay kapag medyo chubby ka,"
ani Nica.
"Gusto mo talaga akong tumaba, ano?" ani
Gab at pinisil ang kamay ng dalaga.
Nakakatuwa lang dahil may mga
napapalingon sa kanila ni Nica.
"At least kaunti na lang ang karibal ko sa
'yo," sagot ni Nica.
"Selos ka, thabz?" tanong ni Gab at
napasulyap sa magandang kasintahan.
"Oo naman," pag-amin ni Nica. Babae pa rin
siya kaya hindi nawawala sa sistema niya na
magselos lalo na't si Gab ang kasintahan
niya. Natatakot siyang iwan? Sino ba ang
hindi? Pero hindi siya ang tipo ng babaeng
magpapakamatay para sa pag-ibig.
"Kanino ka pinakanagseselos?" tanong ni
Gab na napapangiti. At least nagseselos si
Nica kaya feeling niya, ang guwapo na niya.
"Kay Sheryl," pag-amin ni Nica.
"Why?"
"Maganda siya, sexy, mayaman at marami
ang nagkakagusto. Higit sa lahat, crush mo
siya," nahihiyang pag-amin ni Nica. Aminado
siyang si Sheryl ang pinakamagandang babae
sa campus nila. Well, maganda rin naman si
Sunny kaso mas sopistikada lang si Sheryl
kung kumilos. Fashionista at sikat pa.
"Ah, wala na iyon. Hindi ko na siya gusto.
Ayaw ko rin ng ganoong babae, magaslaw.
Pero aminado akong good catch si Sheryl
pero hindi lang talaga kami magkakasundo,"
sabi ni Gab at inakbayan si Nica. "Ikaw lang
ang mahal ko ngayon kaya wala kang dapat
na ipangamba, thabz."
Medyo okay na rin kay Nica ang sagot ni
Gab. Ramdam niya ang pagiging honest
nito. Parang tanga naman siya kapag hindi
pa siya maniniwalang mahal nga talaga siya
ni Gab.
"Hmmm? Paano kapag tumaba ako,
mamahalin mo pa ba ako?" tanong ni Nica at
napatingala sa kasintahang nakatitig sa
kaniya. Pinunasan niya ang pawis sa mukha
ni Gab.
Ngumiti si Gab at kinurot ang matangos na
ilong ni Nica. "Minsan na akong nagmahal
ng mataba, remember?" sagot ni Gab.
"Paano kapag bumalik ang crush mo na
'yon? Iiwan mo na ba ako?" nakalabing
tanong ni Nica. Okay, medyo nagpapabebe
siya pero normal lang siguro na maging
ganoon ang babae lalo na't alam niyang
mahal siya ng taong mahal niya.
"Ibibigay ko na lang siya kay Luis," walang
gatol na sagot ni Gab kaya humalakhak si
Nica. "Ano ang nakakatawa, Nica?"
"Wala," sagot ni Nica at pinaseryoso ang
mukha kahit na sobrang natatawa siya.
"Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon,
ibibigay mo ba ako kay Luis?"
"Never!" mabilis na sagot ni Gab, "akin ka
lang. Thabz lang kita."
"Okay," ani Nica. Bumukas ang gate nila at
lumabas ang mga magulang niya.
"Aalis kami, ikaw na ang bahala kay Gab,
Nica," bilin ni Isay. Magco-commute lang
sila dahil malapit lang naman ang
pupuntahan nila.
"Okay po," sagot ni Nica.
"Alam ninyo kung hanggang saan ang
limitasyon ninyo, maliwanag?" sabi ni Cardo
kaya sabay na tumango ang dalawa.
Nang makapasok sa bahay, pinaupo muna ni
Nica si Gab matapos bigyan ng tuwalya para
makapagpalit siya.
Naiwan si Gab sa sala kaya iginala niya ang
paningin. Napasulyap siya sa maliit na table
sa tabi ng inuupuan niya. Inabot niya ang
photo album nina Nica at isa-isang
pinagmasdan.
"Ang cute talaga ng thabz ko," bulong niya
habang isa-isang pinagmasdan ang litrato ni
Nica mula pa noong bata ito.
"Hala, ang taba niya," bulalas ni Gab at
pinagmasdang maigi ang batang nasa pitong
taong gulang yata ang edad. "Si Thabz nga
ito. Ang taba pala niya noon?" natatawang
sabi niya nang mamukhaan si Nica. Aasarin
niya ito kapag lumabas. Well, hindi niya
alam na naging mataba rin pala si Nica
noon.
"Gosh, pareho pala kaming naging mataba?"
Hindi makapaniwalang sabi ni Gab at
magiliw na pinagmasdan ang mga larawan
ng dalaga noong bata pa ito.
Nakangiti pa siya habang nakatingin sa
litrato. Sarap kurutin ng mapulang pisngi ni
Nica, parang bata lang noon sa park na
nakilala niya.
Natigilan siya at muling tinitigan ang litrato
ni Nica. Bigla na lang siyang nanlamig at
nanayo ang balahibo na para bang may
multo sa tabi niya.
"N-Nica..." usal niya at hinaplos ang
larawang nasa children's park si Nica habang
naglalaro kasama ang mga batang kaedad
nito noon. Hindi siya puwedeng magkamali,
si Luis ang isa sa mga batang ito na
nakahawak sa bewang ni Nica at nakangiti sa
camera.
"Kain tayo ng pancit mamaya, nagluto si
Mama kanina," yaya ni Nica at napakunot
ang noo nang makita si Gab na nakatulala sa
album na hawak. Nanlaki ang mga mata niya
nang mapansing album niya ito.
"Thabz," ani Nica at inagaw kay Gab ang
album.
Tumingala si Gab sa kaniya na naguguluhan
ang mga mata. "B-Bakit hindi mo sa akin
inamin?" wala sa sariling tanong ni Gab. Para
siyang sinabugan ng bomba sa nalaman.
"H-Hindi na kasi mahalaga iyon,"
kinakabahang sagot ni Nica.
"Para akong tanga," sabi ni Gab.
"S-Sorry," paumanhin ni Nica at naupo sa
tabi ni Gab saka niyakap ito. "G-Galit ka ba
sa akin, thabz?"
"G-Gusto mo rin ba si Luis?" natatakot na
tanong ni Gab.
Hinaplos ni Nica ang magkabilang pisngi ng
kasintahan. "Hindi," sagot niya. "Alam ni Luis
na hindi ko siya gusto at ang kakambal niya
ang gusto ko. Ang kakambal niya na
ininsulto ako dahil sa katabaan ko."
Iniwas ni Gab ang mga mata. "H-Hindi ko
naman sinasadya iyon, Nica. Si Luis kasi,
gusto ka rin--"
Tsup!
Natigilan si Gab nang halikan siya ni Nica sa
mga labi pero sobrang bilis lang.
"Ikaw ang gusto ko kahit na ang suplado
mo. Ikaw ang rason kung bakit ako
nagpapayat. Ikaw ang rason kung bakit ako
masaya dahil sa pagmamahal ngayon. Ikaw
ang crush ko noon hanggang ngayon, Gab.
Ikaw lang kahit na ininsulto mo pa ako,"
buong pusong pag-amin ni Nica at niyakap
si Gab. Alam niyang hindi maganda sa isang
babae na unang yumakap o humalik sa
kasintahan pero wala siyang pakialam. Gusto
niyang maging natural ang kilos nila. Maliban
na lang sa limitasyong ipinagbabawal ng
parents nila.
"T-Thabz?" tawag ni Gab.
"Hmmm?"
"P-Puwedeng bang punitin na lang natin
ang litrato ninyo ni Luis? Nakaakbay siya sa
'yo e," pakiusap ni Gab.
"Ayaw. Remembrance ko iyon kay Luis,"
tanggi ni Nica.
"Mag-aaway tayo nito," pag-amin ni Gabriel
kaya napatingala si Nica.
"Bakit?"
"Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko
napupunit ang litratong 'yan. Maniwala ka,
araw-araw kong iisipin 'yan." Hindi talaga
siya titigil hanggat hindi papayag si Nica.
Wala siyang pakialam basta mapunit lang
niya ito.
Kinuha niya ang litrato at nanggigigil na
pinunit sa harapan ni Nica. Nakatitig lang si
Nica sa kaniya.
"K-Kung galit ka sa ginawa ko, magalit ka
lang pero gusto kong malaman mo ba
masaya ako dahil napunit ko na ito," pag-
amin ng binata. Damn, para siyang nasa
mainit na disyerto tapos biglang binuhusan
ng malamig na tubig. Ang sarap sa
pakiramdam.
"Happy?" nakasimangot na tanong ni Nica.
"And satisfied," nakangiting sagot ni Gab.
"Okay, pagbigyan kita ngayon dahil mahal
kita pero isang punit pa, aawayin na talaga
kita," ani Nica.
"Kapag may litrato pa kayo ni Luis noong
bata pa tayo, pupunitin ko ulit," ani Gab at
binuklat pa ang nasa album pero wala na rin
naman siyang nakita.
"Akalain mo iyon? Ikaw pala ang crush ko
noon?" nakangiting sabi ni Gab at
pinagmasdan ang mukha ni Nica. Hindi pa
rin siya makapaniwala. Bakit hindi niya
kaagad namukhaan si Nica?
"Hmp? Baboy ka!" sabi ni Nica at pinisil ang
matangos na ilong ni Gab.
"Baboy ka rin naman noon, thabz," wika ni
Gab at binuhat ang dalaga.
"Kyah! Ano ang gagawin mo?" tili ni Nica.
"Kakain tayo ng pancit, okay lang naman
pala na tumaba tayo," masayang sabi ni Gab
at niyakap ang dalagang buhat niya.
"Sure," pagsang-ayon ni Nica. "Basta sabay
tayong mag-exercise at mag-diet, walang
problema."

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon