MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
SPECIAL CHAPTER
Unedited...
"Aanakan na kita, thabz." Abot hanggang langit ang ngiti na sabi ni Gab sa asawa. Honeymoon nila ngayon sa resort nila sa Iloilo.
"Grabe, kahit sa honeymoon, tinatakot mo pa rin ako?" natatawang sabi ni Nica at kinurot ang babyfats sa tiyan ng asawa.
"Oo, Misis Lacson. Gusto ko na kasi magka-baby," excited na sabi ni Gab saka sinimulang hubarin ang saplot ng asawa. "Kaytagal kong hinintay ang araw na makasal sa 'yo, thabz."
Ngumiti si Nica at hinayaan lang ang asawa sa ginagawa sa katawan niya. Sanay naman siya pero hindi niya maiwasang kabahan. Ito ang first night nila bilang legal na mag-asawa. Ito rin ang first body bonding nila na may permiso mula sa pamilya at Panginoon.
"Shit!" sambit ni Gab na tumigil sa ginagawa.)
"B-Bakit?" tanong ni Nica at napatingin sa nakahubad na asawa na nakatayo sa harapan niya. Tumaba lalo si Gab at nagkaroon na ito ng maliit na bilbil pero guwapo pa rin naman. So far, kontrolado pa nito ang katawan.
"K-Kinakabahan ako, thabz," pag-amin ni Gabriel Vince kaya natawa si Nica.
"Ngayon ka pa talaga kinabahan?"
"Bakit? First body bonding natin ito bilang mag-asawa kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sana pala, nag-research ako," ani Gab na ang lakas ng pagtibok ng puso niya lalo na't ang hot ni Nica na nakahubad sa harapan niya. Chubby si Nica pero sobrang kinis at nakakagigil. Parang natakot tuloy siyang galawin ito.
"Hindi na ako virgin, Gab. Maging natural ka na lang kaya?" sabi ni Nica.
"Virgin pa ba tayo?" inosenteng tanong ni Gab. Parang firstime lang nila e. Lahat ng nangyari sa kanila ni Nica sa ibabaw ng kama noong hindi pa sila ikinasal, nakalimutan na yata niya.
"Hey? T-Thabz naman," reklamo ni Gab at agad na inagaw ang damit na pinulot ni Nica.
"Kung ayaw mo pang umpisahan, magbibihis na lang ako at matulog," nakasimangot na sabi ni Nica kaya napangiti si Gab.
"Uy, excited ang thabz ko. Wait lang, thabz."
Tinulak ni Gab pahiga sa kama si Nica saka pumatong sa ibabaw nito.
"Biro lang, thabz. Hindi puwedeng palampasin ko ang gabing ito," ani Gab na nanunuot ang mahalimuyak na amoy ng rose petals sa buong silid nila.
"I love you, Misis Nica Guttierez Lacson," sabi ni Gab habang nakatitig sa mga mata ng asawa at inihiwalay ang mgaa hita ni Nica sa pamamagitan ng kanang tuhod niya.
"I love you too, Gabriel Vince Lacson," sagot ni Nica at napapikit nang walang pasabing pinasok siya ni Gab.
"Aaah. Thabz? W-Wala nang withdraw-withdraw," wika ni Gab at bumaba ang mukha sa pagitan ng dibdib ng asawa at sinimulang gumalaw sa ibabaw ng malambot na katawan nito.
"T-Thabz... Oooh." Ungol ni Nica nang angkinin ng mainit na mga labi ni Gab ang kanang nipple niya habang ang isa ay hinihimas ng mainit at malapad na palad ni Gab.
"T-Thabz? Oooh," ungol din ni Gab saka binilisan ang paggalaw habang ang mga labi ay naglalakbay sa buong katawan ng asawa.
Napapaigtad si Nica sa tuwing bumaon si Gab. Lumaki ang katawan nito kaya lumaki rin ang alaga ni Gab. Magaling itong magdala kaya kahit na malaki, nakaka-adjust siya.
"S-Sarap ng thabz ko, ang lambot at init," nasasarapang sabi ni Gab kaya uminit bigla ang pisngi ni Nica sa pagiging prangka ng asawa.
Totoo naman, pareho silang chubby kaya ang lambot ng nakakapa nila.
"G-Gab... Ohhh." ungol ni Nica at napahawak sa bandang puwetan ni Gab nang wala na siyang makakapitan dahil sa sarap ng performance ni Gab. Gusto talaga niya na hinahawakan at hinihimas nito ang buong bahagi ng katawan niya.
"H-Hindi na ako magwi-withdraw," sabi ni Gab habang nakipag-eye-to-eye sa asawa. Pareho lang naman silang nag-aapoy ang mga mata dahil sa labis na pagnanasa.
Napakagat si Nica sa ibabang labi at hinayaan na lang si Gab sa paglabas ng sama ng loob nito. Tino-torture daw niya ito dahil ayaw niyang magpabuntis o magpapasok sa loob niya. Palagi na lang silang withdrawal dahil ayaw naman nitong gumamit ng condom.
Sabay na umungol ang mag-asawa at pinuno ng matatamis na salita at pagmamahalan ang buong silid ng honeymoon room nila hanggang sa tuluyang mapasigaw si Gab nang ipahinga ang sarili sa ibabaw ng katawan ng asawa.
------------------
"Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong ni Gab habang hinihimas ang likod ng asawa. Tatlong buwan na itong buntis at naglilihi na pero paminsan-minsan, nagsusuka ito.
"Siopao," sagot ni Nica.
"Nakabili na ako ng siopao," sagot ni Gab.
"Gusto ko pusa na siopao," nakalabing sabi ni Nica kaya natigilan si Gab.
"P-Pusa?" pabulong na sabi ni Gab. Marahang tumango si Nica.
"Gusto ko ng siopao na pusa."
"Ah, 'yong design? Sige, magpapagawa ako kay Manang," sabi ni Gab pero umiling si Nica.
"G-Gusto ko ng karne ng pusa sa siopao," sabi ni Nica na naglalaway kaya natigilan si Gab.
"K-Karne ng pusa..." wala sa sariling ulit ni Gab.
"T-Thabz? Ang taba ng orange na pusa ng daddy mo," sabi ni Nica kaya nanlaki ang mga mata ni Gab.
"T-Thabz? Huwag kang maingay," bulong ni Gab at tinakpan ang bibig ng naglilihi na asawa. "Huwag na huwag mong sabihin 'yan sa harapan nina Mommy at Daddy, okay?"
Mapapatay sila ng mga magulang niya oras na malamang ang pusa nila ang pinaglilihian ni Nica.
Tumango si Nica kaya tinanggal ni Gab ang mga kamay sa bibig nito.
"Labas na tayo pero promise mo, behave ka, okay?" Parang bata lang ang kinakausap ni Gab. Marahang tumango si Nica kaya lumabas na sila sa CR at pumunta sa sala. Nasa bahay sila ng mga magulang ni Gab ngayon nakatira dahil pinapagawa pa lang nila ang bahay nila.
"Naglilihi ka na raw ng siopao kaya binilhan ka namin ni Mine," nakangiting sabi ni Lance Leonardat inabot ang siopao sa daughter-in-law nila ni GV.
"S-Salamat po," nahihiyang pasalamat ni Nica at inabot ang siopao. Malungkot na napatingala siya sa katabing asawa.
"Bakit?" tanong ni Gab.
"P-Pusa..." sambit ni Nica at inginuso ang mga pusang naglalambing sa paanan ni Lance Leonard. "G-Gusto kong kumain ng pusa."
"Shit!" sambit ni Gab kaya napatingin ang mga magulang sa kanila.
"May problema ba, Gab?" tanong ni LL at binuhat ang pinakamatabang puting pusa at kinalong.
"W-Wala ho. N-Naduduwal lang si Nica," sagot ni Gab at pinisil ang kamay ng asawang namimilog ang mga mata habang nakatingin sa pusang hawak ng ama niya. Damn, huwag naman sana.
"Ah, kumain ka lang ng siopao, hija. Masarap 'yan," sabi ni GV at hinimas ang ulo ng pusa na hawak ni LL.
Niyakap ni Nica si Gab saka tumingala, "Thabz? Siopao na pusa," bulong ni Nica kaya tumayo si Gab.
"M-Magpapahinga na po si Nica, pagod na po siya," paalam ni Gab at pinatayo ang asawa. "Salamat po sa siopao, daddy."
"Sige na, mukhang maselan si Nica," ani GV na excited na rin sa magiging apo.
"Nica? Kapag may hilingin ka, sabihin mo lang at ibibigay namin ni GV," masayang sabi ni LL kaya nagliwanag ang mga mata ni Nica na humarap sa mag-asawa.
"T-Talaga po, Daddy LL?"
"Oo naman, ikaw pa," nakangising sagot ni LL at kinindatan si Nica. "Ano ba ang gusto mo?"
"'Yang pusa mo po," agarang sagot ni Nica kaya nanlaki ang mga mata ni Gab.
"Itong pusa ko?" tanong ni LL. Tumango-tango si Nica.
"Ah, cute naman talaga ang mga pusa namin," sabi ni GV at hinawakan ang pusa na hawak ng asawa pero humigpit ang kapit ni LL sa alagang pusa. "Hihiramin lang ni Nica, mine."
"Papayat siya kapag pinaglihian," ani LL na ayaw ibigay ang pusa.
"Naglilihi ang asawa ng anak mo!" galit na sabi ni GV kaya napilitang pakawalan ni LL ang alaga.
Tumayo si GV at binitbit ang pusa palapit kay Nica. "Alagaan mo ang pusang ito."
"Salamat po!" masiglang sabi ni Nica at inabot ang matabang pusa saka niyakap.
"A-Akyat na po kami," paalam ni Gab saka hinatak na paakyat ang asawa.
"Thabz? Gawin natin siyang siopao," bulong ni Nica kaya hinatak na siya ni Gab papasok sa silid nila.
"Thabz? Maligo ka muna. Ilapag mo lang ang pusa," sabi ni Gab.
"Magpakulo ka na sa labas, thabz," parang batang pakiusap ni Nica. Ang cute pa ng mga mata nitong excited na talagang makain ang pusa ng mga magulang niya.
"S-Sige, maligo ka na at ako na ang bahala..." sabi ni Gab at inabot ang pusa sa asawa saka inilapag sa kama nila.
Lumapit si Nica sa shower room pero bago isinara ang pinto, muli siyang humarap sa asawa at ngumiti.
"Basta siopao na pusa, thabz, ha."
"S-Sige..." ani Gab.
Nang isara ni Nica ang pinto, agad na binuhat ni Gab ang puting pusa at binuksan ang pinto.
"Bumalik ka na kina Daddy bago pa ako ang makatay nila," pakiusap ni Gab sa pusa at tinaboy ito para bumaba ng hagdan. Damn, ayaw talaga niyang magsiopao ng pusa dahil siya ang sio-siopao-in ng mga magulang niya. Cat lover pa naman ang mga ito.
--------------------
"Abs ni Luis!" nakasimangot na sabi ni Nica.
"Shit! Ano ba ang mga pinaglilihi mo?" bulalas ni Gab at naibuga ang orange juice.
"Ayaw mo ng pusa kaya abs na lang!" nakasimangot na sabi ni Nica. Kakalipat lang nila ng bahay sa mga magulang ni Nica dahil palaging hinahabol nito ang mga pusa ng magulang niya.
"Magda-diet ako!" sabi ni Gab.
"Ayaw! Kumain ka nang marami," tanggi ni Nica.
"Gusto mo ng abs pero pinapakain mo naman ako nang pinapakain," reklami ni Gab. Kapag may gusto itong kainin, siya ang pinapakain ni Nica.
"Ayaw ko ng asawang may abs!" pagsisinuplada ni Nica at inirapan si Gab.
"Putiks! Bibili ako ng magazine na may abs pero huwag lang ang abs ni Luis!" naiinis na sabi ni Gab.
"Ayaw ko na!" sabi ni Nica na nagbago ang isip niya. "Fats mo na lang kaya kumain ka pa nang marami."
Niyakap niya si Gab at hinalikan sa leeg.
"Mabuti naman," ani Gab at inamoy ang buhok ng asawa. "Kaunting tiis lang, thabz, matatapos din ang paglilihi mo." Tumango si Nica at niyakap nang mahigpit ang asawang malambot ang katawan.
"Hindi ka ba nagsasawa sa akin? Tumataba na ako," tanong ni Gab. Umiling si Nica.
"Gusto ko ng chubby, may unan ka na" may kama ka pa."
Tumawa si Gab at hinagkan ang asawa.
"I love you, thabz ko."
Dinukot niya ang regalo kay Nica.
"Ano 'to?" tanong ni Nica at binuksan ang maliit na box. "Wow!" bulalas niya nang makita ang tatlong mamahaling lipstick: Pula, pink, orange.
"Halika na, magpapa-checkup na tayo," excited na sabi ni Gab.
Kinuha ni Nica ang maliit na salamin at sinubukan ang kulay pink na lipstick saka sumama sa asawa na pumunta sa clinic ng OB niya para magpa-ultrasound.
"Wait lang ninyo ang mag-u-ultrasound," sabi ng babaeng OB kaya hinintay naghintay ang mag-asawa.
Ilang sandali pa'y pumasok na ang babaeng mag-ultrasound.
Itinaas nito ang damit ni Nica. Limang buwan na ang tiyan nito Nica.
"Hula ko, hindi lang isa ang laman dahil malaki ang tiyan ni Nica," nakangiting sabi ng babae at sinimulan na ang ultrasound.
"Sana apat," nakangiting sabi ni Gab pero sumeryoso nang pinandilatan siya ni Nica.
"Oh?" nakangiting sabi ng babae.
"Ilan ho?" excited na tanong ni Gab na nakatingin sa screen pero wala siyang maintindihan dahil malabo ang picture. Hindi naman siya marunong tumingin.
"Tatlo ang nakikita ko," sagot ng babae kaya napatalon si Gab.
"T-Tatlo?" ulit ni Gab at hinawakan ang kamay ng namumutlang asawa.
"Oo, dalawang lalaki at isang babae."
"Shit! Triplets ang anak ko!" masayang hiyaw ni Gab at kinuha ang cellphone para ipaalam sa mga magulang ang magandang balita.
"Mabuti sila dahil hindi sila ang iiri!" naiinis na sabi ni Nica at nanggigigil na pinagmasdan ang masayang asawa na parang reporter na nagbabalita sa buong angkan nila.
Masuyong hinaplos niya ang sinapupunan. Oras na lumabas ang tatlo, magiging masayang pamilya na silang lima.
---------------------------
Makalipas ang ilang buwan, nagsilang si Nica ng tatlong malulusog na sanggol. Dalawang lalaki at isang babae kaya sobrang tuwa ni Gab. Normal vaginal delivery dahil nakaya naman niya. Isa pa, palaging nandiyan si Gab para umalalay sa kaniya.
"Pumapayat na ako," reklamo ni Gab na parang zombie na bumangon. Mahimbing ang tulog ni Nica na para bang walang naririnig na iyak ng anak nila.
"Tumigil ka na, magigising ang mga kuya mo," pakiusap niya sa unica hina saka lumapit sa mesa para magtimpla ng gatas.
Bitbit ang tatlong biberon, pinadede niya ang sanggol hanggang sa muling nakatulog ito.
Pagod na nahiga siya sa tabi ng asawa at niyakap si Nica saka pinagmasdan ang mukha nito. "Pasalamat ka, mahal kita."
Kinumutan niya si Nica saka niyakap ito pero nang hinila na siya ng antok, parang robot na bumangon siya nang sabay na umiyak ang triplets.
"Shit! Oo na! Nandiyan na ang robot ninyong ama!" sabi niya saka muling bumangon at lumapit sa triplets para patulugin na naman ang mga ito. Kukuha na talaga siya ng yaya para makapagpahinga rin siya.
"Ginusto mo 'yan e," nakangiting sabi ni Nica habang nakatingin kay LL na hawak ang dalawang sanggol na lalaki.
"Mahal kasi kita kaya matulog ka na," sabi ni Gab pero tumayo si Nica at lumapit sa mag-ama niya saka binuhat ang unica hija na natira sa kuna.
"Mahal din naman kita kaya tutulungan na kita," ani Nica.
"Salamat, thabz," pasalamat ni Gab. After three months, sa wakas, tinulungan din siya ni Nica.-----------------------THE END-------------------
A/n:
So ayun, tapos na talaga kaya salamat sa lahat ng bumasa at makabasa. God bless...
