40

1.4K 48 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 40

Unedited...
"Bakit mo ako dinala rito?" tanong ni Nica
kay Gab habang nakasakay sila sa ferris
wheel.
"Wala lang, gusto ko lang pumunta. Ito
naman ang madalas nilang puntahan, e,"
sagot ni Gab at tumingin sa baba na tila
langgam ang mga tao sa liit pero paunti-
unti namang lumalaki dahil pababa sila.
"Sinong sila?" tanong ni Nica.
"Lovers," sagot ni Gab kaya napangitu si
Nica at napasulyap sa kamay nilang hindi na
binitiwan pa ni Gab mula nang pumasok sila.
"Ibig sabihin, lovers din tayo?" tanong ni
Nica at sinulyapan ang binatang nakatingin
sa unahan nila. Pabilis na nang pabilis ang
pag-ikot ng sinasakyan nila.
"Alam mo bang matagal na akong hindi
nakasakay sa ferris wheel dahil sa katabaan
ko noon?" Pag-iiba ni Gab. Naalala niya
nang minsan silang namasyal sa park, hindi
sila pinasakay ng bantay dahil baka masira
daw ni Gab. Kung sabagay, kahit si Gab
noon, ayaw rin sumakay. "Pero ngayon,
nagagawa ko na at kasama pa kita."
"Congratz, thabz," ani Nica at piniga ang
kamay ni Gab dahil bumilis ang ikot ng ferris
wheel. Ang iba ay naghiyawan na sa sobrang
tuwa pero nahihilo si Nica.
Biglang tumawa si Gab at inakbay ang isang
kamay sa balikat ni Nica. "Afraid?"
"Yes--kyah!" Tili ni Nica kaya hinigit siya ni
Gab at niyakap. Sa sobrang takot, isiniksik
niya ang mukha sa malapad na dibdib ni
Gab. Mabilis ang pag-ikot ng ferris wheel
pero naririnig niyang mas mabilis ang
pagtibok ng mga puso nila ni Gab.
"G-Gab..." sambit niya at tiningala ang
binata.
"Duwag," nakangiting sabi ni Gab at muling
isiniksik ang mukha ni Nica sa dibdib niya.
"Huwag ka nang matakot, nandito na ako,
thabz."
Napakagat sa ibabang labi si Nica. Ang sarap
lang ng feeling ngayong yakap siya ni
Gabriele para protektahan kagaya ng dati.
Nakailang ikot pa sila nang tumigil na ang
ferris wheel.
"Nasusuka ka?" tanong ni Gab habang
naglalakad sila.
"Hindi na," sagot ni Nica. Walang pakialam
ang mga tao sa kanila dahil busy ang mga
ito sa kakaaliw ng pagkuha ng pictures.
"Ice cream tayo," yaya ni Gab at hinila si
Nica patungo sa ice cream house.
"Sa cone lang po sa akin," sagot ni Nica
nang tanungin sila ng sorbetero kung saan
nila gustong ilagay.
"Ikaw, sir?" tanong ni Manong kay Gab.
"Siya lang po," sagot ni Gab.
"Bakit ako lang?" nakataas ang kilay na
tanong ni Nica.
"Diet ako," tipid na sagot ni Gab kaya
natawa si Nica at dinilaan ang hawak na
sorbetes.
"Para ano pa? Okay naman ang katawan mo,
i-maintain mo na lang," sabi ni Nica at
ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
"Masarap?" tanong ni Gab habang nakatitig
kay Nica na dumidila sa ice cream. Noon,
kulang na kulang sa kaniya ang 1liter ice
cream pero nasanay na yata siyang kaunti
lang ang kinakain.
"Want some?" tanong ni Nica at tumigil saka
itinaas ang hawak na ice cream para bigyan
si Gab.
"Sure, mukhang masarap eh," sagot ni Gab
at yumuko pero sa halip na sa ice cream ito
kumagat, sa mga labi ni Nica dumapo ang
mga labi nito.
Mabilis lang iyon pero pakiramdam ni Nica,
uminit yata ang buong mukha niya.
"Tama ako, masarap nga," pilyong sabi ni
Gab saka hinila si Nica na wala sa sariling
nagpapahila sa kaniya.
"Sabing ice cream ang tikman mo e,"
nakabusangot na sabi ni Nica nang
matauhan. Mukhang wala namang pakialam
ang mga tao sa kanila.
"Mas na-miss ko ang lips ni Thabz kaysa sa
ice cream niya," sagot ni Gab kaya mas
lalong namula ang pisngi ni Nica.
"P-Pero--"
"Ayaw ko ng ice cream, thabz. Gusto ko ang
lips mo kaya iyon ang tinikman ko," sagot ni
Gabriel at hinila si Nica palapit sa mahabang
bench.
"N-N-miss mo ba talaga ang l-lips ko?"
nahihiyang tanong ni Nica matapos maupo
sa tabi ni Gab.
"Yes, mula noong unang kita natin sa
rooftop, gusto ko nang tikman ang mga labi
mo," pag-amin ni Gab kaya natigilan si Nica
at nagtatanong ang mga matal kaya
napakamot si Gab. "Pero si Gab ang kaharap
mo at hindi ako."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
naguguluhang tanong ni Nica. Tumahimik
ang binata at tila nag-iisip. "M-May split
personality disorder ka ba?"
Tipid na ngumiti si Gab at inakbayan ang
katabing dalaga. "Na-miss kita, thabz."
"A-Ako rin," atubiling sagot ni Nica na
hinayaan na lang ang kamay ni Gab sa
balikat niya. "'Kaytagal mong nawala, thabz.
Masaya ako at bumalik ka na."
"Really? Or baka masaya ka pa nga nang
mawala ako, Nica?" tanong ni Gab kaya
sunod-sunod ang pag-iling ng dalaga.
"Hindi a. Nalungkot talaga ako, Gab. Nagu-
guilty ako sa mga pinagsasabi ko noon sa
'yo. Alam kong mali ang ginawa ko kaya
sana mapatawad mo pa rin ako," malungkot
na sagot ng dalaga. Isang taon niyang
dinadala ang masasamang salitang sinabi kay
Gab noon bago ito tumungo sa Japan.
"Tapos na iyon, kalimutan na natin ang
lahat. Ang mahalaga, magkasama na tayo
ngayon, thabz," wika ni Gab. "Naalala mo pa
ba noong nanliligaw ako sa 'yo? Para akong
tanga na bumababa sa hagdan."
Napangiti si Nica. "Hindi naman. Actually,
ang sweet mo nga e."
"Really?" natatawang sabi ni Gab. "Kailan
mo ako sagutin, Nica?" seryosong tanong
niya kaya natigilan ang dalaga at hindi
makapagsalita. "Anyways, alam kong malapit
na."
"T-Thabz--"
"Puwede bang ipagpatuloy ko ang nasimulan
kong panliligaw noon, thabz?" tanong ni
Gab at hinawakan ang kamay ni Nica habang
nangungusap ang mga mata.
"S-Sige..." nahihiyang sagot ni Nica. "P-Pero
huwag ka nang umalis pa, thabz. Ayaw ko
nang umalis ka pa."
"Hindi na," sagot ni Gab. Hindi na ako aalis
pa at hindi ko na tatalikuran ang problema."
Isang mahabang katahimikan ang namayani
sa pagitan ng dalawa habang nakatingin sa
magpamilyang masayang dumadaan sa
harapan nila.
"G-Gab? Kung nasaktan man kita--"
"Ginawa mo lang ang bagay na alam mong
tama, thabz. Isa pa, puwede bang makiusap
ako sa 'yo, Nica?" tanong ni Gab.
"A-Ano?" Nica.
"Puwede bang kapag tayong dalawa lang,
thabz ang itawag mo sa akin?" pakiusap ni
Gab.
"O-Okay," sagot ni Nica na naguguluhan.
"Nag-enjoy ka ba? Gusto mo pang gumala?"
tanong ng binata.
"Huwag na, maupo na lang tayo at mag-
usap," tanggi ni Nica. Gusto niyang sulitin
ang oras na mabait si Gab sa kaniya. Iyong
Gab na hamakin ang lahat para mapasagot
lang siya.
"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?"
curious na tanong ni Gab.
"Kahit ano," sagot ng dalaga na hindi rin
alam. "Nahirapan ka ba sa Japan? Ano ang
pinapagawa nila sa 'yo?"
"Oo, sobrang nahirapan," pag-amin ni Gab.
"Akala ko nga, hindi na ako makakauwing
buhay. Exercise, diet, at kung anu-ano pa
ang pinapagawa sa akin. Kulang ako sa tulog
at higit sa lahat, palagi nila akong
ginugutom."
"S-Sorry," usal ng dalaga.
"Wala kang dapat na ika-sorry, thabz. Okay
namanang resulta. May mali rin ako dahil
hindi ko sineseryoso ang pagpapapayat
noon. Ginagawa ko lang ang lahat dahil
nakatingin ka pero kapag wala na, balik din
ako sa dati."
"Nahihirapan ka na ba?" malungkot na
tanong ni Gab.
"Nahihirapan saan?"
"Sa ginagawa ni Gab sa 'yo," sagot ni Gab
kaya napangiti si Nica.
"Okay lang, naiintindihan ko si Gab," sagot
ni Nica. Para silang tanga na pinag-uusapan
ang isa pang pagkatao ni Gabriel Vince. Or
baka may multiple personality na nga ito
dahil sa nangyari?
"Hayaan mo na si Gab. Ang mahalaga, mahal
ka ni Thabz," sabi ni Gabriel na namumula
ang magkabilang pisngi kaya napangiti si
Nica at napakagat sa ibabang labi. Payat na
ito pero ang Gab na mataba pa rin ang
nakikita niya. "N-Ngingiti-ngiti mo?"
"Wala lang, masaya lang ako dahil bumalik
ka na, thabz."
"M-May boyfriend ka na ba, thabz?"
kinakabahang tanong ni Gab kaya lumapad
ang mga ngiti ni Nica at umiling.
"Paano ako magka-boyfriend kung
naghihintay ako sa alagang baboy ko na
bumalik dahil walang pasabing iniwan ako?"
tanong ni Nica kaya umiwas ng mga mata si
Gab.
"N-Nagpapayat lang ang baboy na 'yon dahil
takot ma-lechon," ani Gab kaya humalakhak
si Nica.
"Hmm? Talaga? Thabz? B-Bakit kayo na ni
Sheryl?" Bigla na lang sumagi sa isip ni Nica
si Sheryl at ang sweetness ng dalawa.
"S-Si Gab ang may--" Napabuntonghininga
si Gabriel na mukhang nangangapa ng
isasagot kay Nica. "Hayaan mo, pagsabihan
ko siyang maging loyal na."
"Okay lang, wala naman kaming relasyon ni
Gab," ani Nica. "Basta alam kong faithful sa
akin si Thabz?" Hindi rin siya sigurado kung
tama bang sakyan niya ang trip ni Gabriel
Vince Lacson pero bahala na.
"Ikaw lang sa malaking puso ko, thabz," ani
Gabriel.
"T-Thabz? Si Sheryl ba talaga ang first love
mo?" kinakabahang tanong ni Nica.
Kailangan niyang malaman kahit na medyo
masakit. Kung sabagay, alam naman niya ito
noon pa.
"First na niligawan ko pero hindi siya ang
first crush ko," pag-amin ni Gabriel.
"H-Hindi siya ang first crush mo?" tanong ni
Nica.
Ngumiti si Gab. "Huwag kang magselos dahil
ikaw naman ang first love ko."
"Hindi ako nagseselos," tanggi ng dalaga.
Tahimik na naman silang dalawa at
napatingin sa mga batang nagtutuksuhan.
"Pagabi na," ani Nica.
"Ihahatid na kita?" tanong ni Gab kaya
tumango ang dalaga at tumayo.
"Baka pagalitan ako ni Papa kapag gabihin
ako. Traffic pa naman," sagot ni Nica.
Medyo malayo ang bahay nila sa amusement
park.
"Sige," pagsang-ayon ni Gab.
Hawak-kamay silang lumabas at tumungo sa
parking lot.
Medyo traffic nga at madilim na ang paligid.
Masyado lang silang nawili sa
pagkukuwentuhan at pagsakay sa rides
kanina kaya hindi nila namalayan ang oras.
"T-Thabz? Taga saan ang first crush mo?"
curious na tanong ni Nica at napatingin sa
katabing maingat na nagmamaneho.
"Taga saan?" ulit ni Gab at napapaisip pa.
"Oo, taga saan siya?" Maliban kay Sheryl,
mukhang may kaagaw pa siya kay Gab at
iyon ang ikinatatakot niya. Maganda na si
Sheryl at kapag may iba pa, baka mahirapan
na siya lalo na't hindi na mukhang elepante
si Gab.
"Hindi ko alam," sagot ni Gab at napasulyap
kay Nica na iniwas ang mga mata. "Hmm?
Nagseselos ka ba? Wala na siya. Matagal na
iyon." Pero wala pa ring kibo si Nica kaya
medyo pinabagalan niya ang pagmaneho.
"Fine!" Pagsuko ni Gab na mukhang napilitan
lang. "I had a crush. Bata pa ako noon pero
well? Hindi niya ako gusto," pagsimula niya
kaya napaharap si Nica sa kaniya na halatang
interesado sa ikinukuwento niya.
"Bakit hindi ka niya gusto? Family friend
ninyo?" tanong ni Nica.
"Maybe, anak ng kaibigan ni Mommy or
Daddy," sagot ni Gab nang maalala ang
pangyayari.
"Nakikita mo pa ba siya?" tanong ni Nica na
nakaramdam ng kirot sa puso. Parang
naging selosa na yata siya.
"First and last ko na kita sa kaniya," ani Gab.
Wala na rin naman siyang choice kaya
magkukuwento na siya. "Unang kita ko sa
kaniya sa children's park. Well, maganda siya
at agaw-pansin ang mukha pero ininsulto ko
siya," mapait na ngumiti si Gab.
"B-Bakit mo siya inaway?" tanong ni Nica.
Naalala niya, sa childrens park din niya
unang nakita si Gab.
"Dahil sa lahat ng bata, siya lang ang
mataba," sagot ni Gab kaya natigilan si Nica
at nakatitig lang sa guwapong mukha ni
Gab.
"B-Bakit mo g-ginawa iyon kung gusto mo
rin pala siya?" nanlalamig na tanong ni Nica.
"A-Ayaw mo ba siya dahil mataba siya? N-
Nahihiya ka bang aminin at ipaalam sa lahat
dahil mataba ang gusto mo?" Gusto na
niyang maiyak pero pinipigilan niya lang ang
mga luha.
Tumigil si Gab sa tapat ng bahay nina Nica.
"Nandito na tayo, bumaba ka na, thabz,"
sabi ni Gab at siya na mismo ang tumanggal
ng seatbelt ng dalaga.
"B-Bakit ininsulto mo ang matabang batang
iyon, Gab?" tanong ni Nica kaya napakunot
ang noo ni Gab.
"Do I have to answer--"
"Yes, gusto kong malaman," sagot ni Nica
kaya napakamot ng batok si Gab.
"Dahil gusto siya ni Luis," sagot ni Gab kaya
napalunok ng laway si Nica at agad na
binuksan ang pinto saka walang paalam na
lumabas.
"Ano ang problema no'n?" nagtatakang
tanong ni Gabriel. Ne hindi na nga niya
matandaan ang mukha at pangalan ng
batang 'yon e.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon