43

1.2K 43 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 43

Unedited...
"Uhmp!" Nanlaki ang mga mata ni Nica nang may humila sa kaniya pagdaan niya sa isang classroom.
"Ssssh!" saway ng lalaki sa likuran niya habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa bibig niya. Amoy pa lang, kilala na niya ito.
Dahan-dahang pinakawalan siya ni Gab kaya humarap si Nica sa binata.
"Thabz," nakangiting sabi ni Gab pero tinaasan lang siya ni Nica ng kilay kaya napakamot na lang si Gab sa batok. "Na-miss kita."
"Miss mo mukha mo!" pagtataray ni Nica at tumalikod.
"Thabz!" tawag ni Gab saka hinawakan siya sa kanang kamay. "Thabz naman, hindi mo ba ako na-miss?"
"Para ano? Boyriend ba kita?" tanong ni Nica kaya natigilan si Gab.
"H-Hindi ba't okay na tayo? Di ba sabi mo, gusto mo nang bumalik ako sa dati?" kinakabahang tanong ni Gab.
"Bumalik ka nga ba sa dati, Gab? Or pinagloloko mo lang ako?" baliktanong ng dalaga kaya natigilan ang binata at tinitigan ang magandang mukha ng dalagang kaharap.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Gab.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Gab!"
Umiling si Gab. "Hindi kita ma-gets, thabz."
Seryosong hinarap siya ni Nica at sinalubong ang mga mata. "Alam kong marami na akong kaagaw sa 'yo at wala namang tayo kaya Gab, itigil na natin ito. Kung gusto mong makipaglaro ng feelings, hindi ako ang babaeng hinahanap mo."
"T-Thabz..."
"Sorry. Pero baka hindi na nga ikaw ang Gab na nakilala ko," malungkot na sabi ni Nica. Naguguluhan siya sa ikinikilos ni Gab pero mas natatakot siya. Natatakot na baka kapag may makaalam ng patagong ginagawa nila, siya ang buweltahan ni Gab at isiping nilalandi niya lang ito dahil ang alam ng lahat, galit ito sa kaniya.
"Pinagsasabi mo, Nica? Pinapatawad na nga kita sa nangyari at sinusubukan kong mag-move on! Bakit ganiyan ang iniisip mo tungkol sa akin?" napipikon na tanong ni Gab.
"K-Kung palagi mo akong ginaganito--"
"Ano ba ang gusto mo, Nica? Na ipaalam ko sa lahat na walang problema sa atin? Na matapos ang lahat, okay lang sa akin?" Tumaas na ang boses ni Gab.
"Wala akong sinabing ganiyan, Gab."
"Pero iyon ang nais mong mangyari, Nica."
"H-Hindi ako humihinging ipaalam mo sa lahat pero sana irespeto mo naman ako sa harap ng ibang tao. Gab? Pasensiya ka na, pero itigil na natin 'to."
"Ano ang gusto mo? Habulin kita, Nica?" hindi makapamiwalang tanong ni Gab at naikuyom ang kamao.
"Wala akong sinabing ganiyan, Gab. Sa iba ka na lang manligaw."
Tinalikuran na siya ni Nica at lumabas. Hindi makakilos si Gab habang nakatingin sa saradong pinto na nilabasan ni Nica.
"Haist! Ano ba ang problema niya? Kung ayaw mo sa akin, e di huwag! Marami ang mas maganda at sexy kaysa sa 'yo!" sabi ni Gab saka lumabas na.
Habang naglalakad, hindi maitago sa mga mata ng babaeng humanga sa kaniya. Oo, payat na siya kaya mas lalong gumuwapo ang mukha. Sino ba naman si Nica para habulin pa niya? Ito ang nawalan at hindi siya.
"Bakit ba kita hahabulin?" naiinis na sabi ni Gab at naghanap ng babaeng mapaglibangan. Iginala niya ang mga mata sa paligid dahil baka may makita siyang maganda.
"Lahat ba ng babae sa CTU, pangit?" reklamo niya sa isip nang walang makitang babae na pasok sa panlasa niya.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa nakarating siya sa open field.
Agad na napatingin siya sa magandang babae na pababa sa hagdan.
"Haist! Wala na bang maganda kundi siya lang?" bulalas niya nang mamukhaang si Nica ang babaeng iyon. "Sumusobra ka na, Nica!"
Naupo siya sa bench at pinagmasdan si Nica na naglalakad.
"Hindi ako hahabol sa 'yo! Kahit na ilang lalaki pa ang may gusto sa 'yo, hindi ako magiging katulad ng dati!"
Nakita niyang tumigil si Nica nang may nakasalubong na lalaki. Inabot nito ang isang pumpon ng pulang rosas kaya nginitian ito ng dalaga.
Tumayo si Gab at dali-daling lumapit sa kanila.
"Ehem! May kailangan ka kay Nica?" seryosong tanong ni Gab kaya napalingon ang dalawa sa kaniya.
"H-Ha? Wala naman," natarantang sagot ng binata.
"Salamat sa bulaklak, maganda," pasalamat ni Nica at binigyan ng matamis na ngiti ang binatang nagbigay ng bulaklak sa kaniya.
"Basta ikaw, Nica," nakangiting wika ng binata.
"Tapos ka na? Halika na, may ipapagawa ako sa 'yo!" tanong ni Gab at hinigit si Nica sa kamay palayo sa lalaking hindi niya kilala.
"Saan ako pupunta?" tanong ni Nica.
"Maglilinis!" sagot ni Gab at hinila si Nica patungo sa tambayan nila. Pagpasok nila, walang tao kaya tinulak siya ni Nica palayo.
"Ano na naman, Gab?" singhal ni Nica.
"Thabz? Bati na kasi tayo," nahihirapang sabi ni Gab.
"Hindi naman tayo nag-away," sagot ni Nica na para bang ordinaryong tao lang si Nica. "We can be friends."
Nakatitig lang si Gab sa magandang mukha ng kaharap.
"May sasabihin ka pa, Gab?" tanong ni Nica na sinusuri ang mga mata ng binata.
"Hindi ba puwedeng sagutin mo na lang ako? Mahal mo naman ako, 'di ba? Hindi mo ako sasaktan kung hindi ako mahalaga sa buhay mo, thabz," sagot ni Gab.
"Gab? Hindi mo ako naiintindihan," malungkot na sagot ni Nica.
Hinawakan ni Gab ang magkabilang kamay niya at inilagay sa balikat nito para hapitin siya sa bewang.
"Mahal kita, thabz. Mahal na mahal kita," sabi ni Gab.
"G-Gab kasi--" Nabigla si Nica nang angkinin ni Gab ang mga labi niya. Gusto ng isipan niya na itulak palayo si Gab pero kumukontra ang kaniyang katawan lalo na't ang init ng malambot na mga labi ni Gab. Napahigpit ang pagkapit niya sa leeg nito nang patulak siyang isinandal ni Gab sa likod ng pinto habang nakadikit pa rin ang mga labi nila.
"Oooh!" impit na ungol na kumawala sa lalamunan ng dalaga nang bumuka ang bibig niya at sinamantala iyon ni Gab para ipasok ang malikot na dila. Nanlalambot ang tuhod ni Nica nang dumikit ang mainit na katawan ni Gab sa kaniya.
"T-Thabz," sambit ng binata sa pamamagitan ng halikan nila. Nang sinuklian ni Nica ang init ng halik at yakap ni Gab, walang sinayang na pagkakataon ang binata. Gumapang ang mga kamay niya papasok sa blusa ni Nica. Nababaliw ang utak niya nang tumigil ang mga kamay sa malambot at malusog na dibdib ni Nica. Kung kanina, nabubuhay ang dugo niya, ngayon ay halos mamatay na siya sa sobrang excitement. Na-miss na niya ang ganito. Gusto niyang makita ulit ang bundok na para lang sa kaniya kaya itinaas niya ang blusa ng dalaga.
"G-Gab--" Tinulak ni Nica ang binata at agad na inayos ang damit.
"W-What?" naguguluhang tanong ni Gab habang nakatitig sa mukha ni Nica.
"I c-can't," naluluhang sagot ng dalaga.
"T-Thabz? Hindi ba't ito ang gusto mo noon? Hindi na ako mataba. Magagawa na natin ang lahat ng gusto natin, thabz," sabi ni Gab na pinapakalma ang sarili para hindi masigawan si Nica.
Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang pisngi at hinuli ang mga mata. "Natatakot ka ba? Pananagutan naman kita. Please, hindi ba't muntik na tayo noon sa hotel?" desperadong wika ni Gab at inilapit ang mukha kay Nica pero iniwas nito ang mukha para hindi niya mahalikan.
"S-Sorry, Gab. H-Hindi pa ako handa," nakayukong paumanhin ni Nica kaya lumayo si Gab sa kaniya. Narinig niya ang sunod-sunod na malalalim na pagbuntonghininga ni Gab.
"S-Sana maintindihan mo, Gab," paumanhin ni Nica. Kung sex ang gusto ni Gab, hindi niya iyon maibibigay. Oo nga't muntik na sila noon pero ayaw na niyang maulit pa iyon muli.
"Wala iyon. Pasensiya ka na rin," mahinang sagot ni Gab. "Hindi ko lang napigilan, thabz."
Iniwas ni Nica ang mga mata nang makita ang disappointment sa mga mata ni Gab.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Sabay silang napatingin sa pinto nang may kumakatok. Si Nica ang unang natauhan kaya siya na ang bumukas ng pinto.
"Nandito ka lang pala, Gab," sabi ni Luis at nginitian ang dalagang nagbukas ng pinto para sa kaniya. "Hi, Nica. Gumaganda ka na yata ngayon."
"Hello, Luis," nakangiting bati rin ng dalaga at pasimpleng sinulyapan si Gab na nakatingin sa kanila.
"Maaari ka nang lumabas, Nica," seryosong sabi ni Gab.
"S-Sige..." sagot ni Nica at lumabas na.
Naupo si Luis sa sala at nag-de kuwatro. Naupo rin si Gab at napahilamos sa mukha na halata namang may malalim na iniiisip.
"Ano ang balak mo kay Nica, Gab?" seryosong tanong ni Luis sa kakambal.
"Wala," sagot ni Gab na hindi alam kung ano ang iisipin sa mga nangyayari sa kanila ni Nica.
"Okay na kayo, 'di ba?" tanong ni Luis na nakatitig sa mukha ng kakambal.
"Para ano?" tanggi ni Gab kaya napataas ang kilay ni Luis.
"Alam mo Gab, sarili mo lang ang niloloko mo. Bakit kailangan mong i-deny sa lahat na okay kayo ni Nica?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Salubong ang kilay na sabi ni Gab.
"Nahihiya ka ba?" tanong ni Luis kaya napatingin si Gab sa kaharap na kakambal. "Nahihiya kang aminin sa lahat na sa isang taong wala si Nica sa tabi mo, pagkamuhi at galit ang nararamdaman mo para sa kaniya? Na ilang beses mong isinusumpa siya sa harapan ng buong pamilya pero nang muli mo siyang makita, kinain mo ang lahat ng sinabi mo sa harapan namin?"
"W-Wa--" Hindi matuloy-tuloy ni Gab ang sasabihin. "Wala kang alam sa nararamdaman ko, Luis!"
"Ma-pride ka! Ayaw mo lang aminin na mali ka at ayaw mong ipaalam na hindi mo naman talaga kayang maging matigas kay Nica. Sobra kang nasaktan at halos ikamatay mo ang nangyari sa 'yo pero ganun pa man, hindi mo matiis si Nica na umiiyak at nasasaktan."
"Magsulat ka sa wattpad, magaling kang gumawa ng istorya!" sabi ni Gab saka lumabas na.
"Hayaan ninyo siya," sabi ng babae na nakaupo sa mahabang upuan na nasa labas ng classroom. "Hayaan ninyong pagtawanan siya ng mga lalaki kapag makita na nakakadiri siya!"
"Uy, kawawa naman si Nica!" sabi ng kaibigan nito.
"Hindi naman sila okay ni Gab kaya huwag kang maawa sa kaniya. Isa pa, binigyan nga siya ng death note ni Luis, 'di ba?" maarteng sabat ng isa nilang kaibigan kaya napatingin si Gab kay Nica na naglalakad sa unahan niya. Malapit na ito sa grupo ng varsity players ng basketball ng CTU. Obviously, lahat ay inaabangan ang pagdaan niya.
"Ang ganda pero hindi kayang takpan ang tagos niya!" sabi ng babae kaya napadako ang mga mata ni Gab sa puwetan ni Nica.
"Hey!" sabi ng lalaking estudyante nang hablutin ni Gab ang jacket na hawak nito.
"Babayaran ko 'to!" madilim ang mukhang sabi ni Gab at hinabol si Nica.
"Gab!" bulalas ni Nica nang hinigit siya ni Gab at ipinulupot ang jacket na hawak nito sa bewang niya. "A-Ano ang ginagawa mo?" nahihiyang tanong niya dahil sa harapan sila ng basketball players.
"Masyadong fit ang pantalon mo, hindi ako sanay na nagpapa-sexy ka," sagot ni Gab at inakbayan si Nica saka pinisil ang balikat nito.
Namula ang dalaga nang makuha ang nais ipahiwatig ni Gab kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad kasama ng binata.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon