MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 35
Unedited...
"Nakaupo si Nica sa isang tabi at hinihintay
na matapos ang mga kaklase niyang nagpa-
practicum. Napahawak siya sa tiyan dahil
nahihirapan siyang huminga sa suot na one
piece swimsuit.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Sunny.
"Masakit ba ang tiyan mo?"
"Masakit ang bilbil ko, kamo," sagot ni Nica.
Tumataba na naman siya. Lately, kain lang
siya nang kain dahil sa sobrang stress.
"Wala ka pa namang bilbil," sika ni Sunny.
Gusto nga niya ang katawan ni Nica, sakto
lang.
"Malapit na," sagot ni Nica. Nag-gain na nga
siya ng weight. 3 kgs talaga ang nadagdag.
"Tabain kasi ako."
"Ako naman, kahit na anong kain ko, hindi
ako tumataba," sabi ni Sunny. "Pero
nakakatuwa dahil nadagdagan ako ng
dalawang kilo."
"Mabuti ka pa," sabi ni Nica. "Dati kasi
akong mataba, as in sobrang taba noong
bata pa ako pero nag-diet ako dahil bawal
daw sabi ni Doc sa isang batang sobrang
mataba."
"Really?"
Tumango si Nica at binuksan ang shoulder
bag na nasa tabi lang niya. Kinuha niya ang
pink wallet at ipinakita kay Sunny ang
picture niya noong bata pa siya.
"Ikaw 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni
Sunny at inilapit sa mukha ni Nica ang litrato
para ikumpara kung may resemblance nga ni
Nica.
Hinablot ni Nica ang picture at muling
ibinalik sa pitaka at ipinasok sa bag.
"Oo, ako 'tong nasa litrato," sagot ni Nica.
Alam niyang ang taba-taba niya lalo na ang
pisngi niya.
"Paano ka pumayat?" curious na tanong ni
Sunny.
"Hmm? Paano nga ba?" napaisip na saad ni
Nica. "Sabihin na lang nating kasama sa
pagiging bata ang katabaan ko. Basta lamon
lang nang lamon pero may nakilala akong
taong naging inspirasyon ko para pumayat."
"Sino?" curious na tanong ni Sunny.
"Secret," nakangiting sagot ni Nica. "Sabihin
na lang nating kung hindi dahil sa kaniya,
hindi ko pinursigi na magpapayat."
"Lalaki?" nakataas ang kilay na tanong ni
Sunny pero ngumiti lang si Nica. "Ano ba!"
Tinulak ni Sunny si Nica dahil ayaw nitong
magkuwento.
"Bahala ka, tayo na raw," sabi ni Nica at
tumayo na nang makitang patapos na ang
naunang grupo sa pag-swimming.
"Ang daya mo," nagtatampong sabi ni
Sunny.
"Ang mahalaga, hindi na ako ganoon
kataba," ani Nica at nag-warm-up na.
Napatingin siya sa kabilang side ng pool,
ang grupo nina Gab at nagswi-swimming
din.
"Nica? Practical exam ninyo?" tanong ni Luis
nang lumapit sa kanila.
"Yes," sagot ni Nica.
"Good luck," sabi ni Luis.
"Kayo rin?" sabat ni Sunny.
"Oo," sagot ni Luis at nginitian ang dalaga.
"Kumusta na kayo ni Kuya Moon?"
"Good luck, Luis," tanging nasabi ni Sunny
na kunwari, hindi na-absorb ng utak niya
ang tanong ni Luis.
"Sige, sa inyo rin," sabi ni Luis at napasulyap
kay Nica. "Galingan mo, Nica."
"Salamat, Luis," isang matamis na ngiti ang
iginawad ni Nica sa guwapong binata. Tama
nga na nakipagkaibigan siya kay Luis kahit
na sinabi niyang ayaw niya ng kaibigang
mayaman. At least nandiyan ito para
unawain at ipagtanggol siya noong bata pa
sila.
"Naalala pa kaya niya ako?" pabulong na
tanong ni Nica habang nakatingin sa
binatang papalayo sa kanila. Napayuko siya
nang mapadako ang mga mata niya kay Gab
na hindi maipinta ang mukha habang
nakatingin sa kaniya. Kanina pa ba siya nito
tinititigan? Pakiramdam kasi niya, lahat ng
kilos niya ay binabantayan ni Gab at masama
ang dating dito.
"I hate Gab!" naiinis na sabi ni Sunny habang
nakatingin kay Gab na kanina pa nakatingin
kay Nica.
"Bakit naman?" tanong ni Nica habang
ipinagpatuloy ang leg stretching.
"Kasi nagbago na siya. Ang dami niyang
girlfriends, masama pa ang ugali niya!"
"People change," tanging nasabi ni Nica at
ipinagsiksikan sa isip na hindi nag-iexist si
Gab. At least tapos na siya rito.
Nang sila na ang magpe-perform, si Nica
ang pinakahuli dahil hindi siya ganoon kabilis
lumangoy. Wala nga naman silang swimming
pool sa bahay at kung pumunta man sa ilog
o dagat, minsan lang. Pero at least natapos
niya ang practicum.
"Hi," nakangiting bati ng kaklase niya. "Para
sa 'yo, Nica." Inabot nito ang isang puting
rosas. "You did great."
"Salamat," pasalamat ni Nica. Mayaman ito
dahil nangungunang senador ang ama.
"Ayieee. Kailan mo siya sasagutin?" kinikilig
na tanong ni Sunny na sinadyang lakasan
ang boses para marinig ni Gab. Gusto lang
niyang tulungan ang kaibigan na ipamukhang
kaya nitong maging masaya kahit na wala si
Gab.
"Tama na nga," saway ni Nica at itinapis ang
malapad at puting tuwalya sa bewangl saka
humarap sa binatang kaklase, "magbabanlaw
lang kami ni Sunny."
Nang lumabas na sila sa shower room,
napatingin si Nica kay Gab na pinupunasan
ni Sheryl ang walang saplot na dibdib nito.
May abs na ito. Hindi kagaya noon, puro
fats pa.
"Sila na ba?" pabulong na tanong ni Sunny.
"Lahat naman pinapatos ni Gab!" nanggigigil
na sagot ni Nica. Break na si Sheryl at ang
boyfriend nito bago pa bumalik si Gab kaya
malamang, sila na nga.
"Huwag ka na ngang magselos. Para kang
desperada!" naiinis na saway ni Sunny sa
kaibigan at hinatak na ito palayo sa kanila.
-------------------
"Ouch!" daing ni Sheryl nang masagi ni Nica
ang bag nito nang magkasalubong sila sa
hallway.
"Sorry," paumanhin ni Nica. Ang lawak
naman ng daan pero parang isiniksik talaga
ni Sheryl ang sarili sa kaniya.
"Sinasadya mo ba iyon? Galit ka ba sa akin,
Nica?" mataray na tanong ni Sheryl.
"Bag lang ang nasagi ko at hindi ang
katawan ko!" salubong ang kilay na sagot ni
Nica.
"So? Ano ang gusto mong palabasin? Na
nagda-drama ako?"
"Wala akong sinasabing ganoon! Bakit?
Hindi ka ba nagda-drama?" baliktanong ni
Nica na pinantayan ang taas ng boses ni
Sheryl.
"Hindi! Bakit ganiyan ka kung magtanong?
Pinaparatangan mo ba ako, Nica?"
Napa-smirk si Nica, "Wala akong sinabi,
Sheryl. Thinkers are doers, right?"
Slap!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa
kanang pisngi ni Nica kaya agad na
napahawak siya sa pisngi niya na kahit hindi
nakikita, alam niyang namumula ito.
"Ano ang problema mo at ginaganito mo
ako, Nica? Wala akong nagawang mali pero
ikaw ang unang nanakit sa akin! Ganito ka na
ba ka desperada?" naiiyak na sabi ni Sheryl
kaya napataas ang kilay ni Nica.
"Sa ating dalawa, ikaw ang pinakadesperada,
Sheryl!" galit na sabi ni Nica at nang hindi
na nakapagpigil, isang malakas na suntok
ang ibinigay niya sa pisngi ni Sheryl.
"Kanina pa ako nanggigigil!" singhal ni Nica
at sasampalin na naman sana si Sheryl pero
pumigil sa kanang kamay niya.
"G-Gab?" naiiyak na sabi ni Sheryl. "She hits
me!" sumbong nito kaya nagtagis ang
bagang ni Nica.
"Ikaw ang unang nagsampal sa akin!"
depensa ni Nica dahil hindi pa rin binibitiwan
ni Gab ang kamay niya.
"Tinulak mo ako!" bawi ni Sheryl.
"Kapal mo! Ikaw ang gumit--"
"Enough!" saway ni Gab at binitiwan si Nica.
"See you sa guidance, Misa Guttierez,"
walang emosyon na sabi ni Gab at
tinalikuran sila pero nakailang hakbang na
nang tumigil at muling humarap kay Nica.
"Sumunod ka sa akin sa guidance ngayon
din."
"Ako babe? Kailangan pa ba ako?" tanong ni
Sheryl.
"Hindi na kailangan, ako na mismo ang
magre-report nito," sagot ni Gab at
tumalikod kaya napilitang sumunod si Nica
at binalewala ang mga estudyanteng
nakatingin sa kaniya sa paligid.
Pagdating sa opisina, silang tao lang ni Gab
ang nandito.
"Bakit mo iyon ginawa, Nica?" tanong ni
Gab sa malamig na boses.
"Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," sagot
ni Nica at naupo sa upuan.
"Ipinagtanggol?" hindi naniniwalang ulit ni
Gab.
"Bahala ka kung ano ang iisipin mo, Gab.
Hindi ko siya sinaktan!"
"You just did!" wika ni Gab. "Paano mo ako
papaniwalain na hindi mo kayang gawing
manakit ng tao kung ako mismo ay naging
biktima mo, Nica?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," sagot
ni Nica at iniwas ang mga mata. Hinatak siya
ni Gab patayo kaya kinabahan si Nica lalo
na't ramdam niya ang gigil at galit sa
puwersa ni Gab. Kulang na lang ay ibabaon
nito ang mga kuko sa balat niya at durugin
ng pino ang kaniyang mga buto.
"Hindi mo alam, Nica?"
Hindi makasagot si Nica. Sa halip, tumulo
na lang ang kaniyang mga luha sa labis na
kalungkutan.
"Now, what? Iiyak na na lang ba?
Magpapawa?"
"T-Tama na, Gab!" singhal ni Nica at
nagpupumiglas pero mahigpit ang
pagkakahawak ni Gab sa kaniya.
"Alam mo Nica, maganda ka lang pero hindi
mo ako madadala sa paawa mo!
Pinagsisisihan ko na nakilala kita!" sabay
tulak sa dalaga kaya napaupo si Nica sa sofa.
Pinahidan ni Nica ang mga luha at muling
tumayo saka tiningala si Gab. "H-Hindi na
ikaw si Gab na nakilala ko."
"Hindi na ba? Thanks to you," taas noong
sagot ni Gab. "Dahil binago mo ang
pagkatao ko."
Mapait na ngumiti si Nica, "Tama ka,
nagbago ka na nga. Pati pagkatao mo,
binago ng pagpayat mo."
"Tama ka, Nica. Dahil sa pinagsasabi mo,
nakaya kong magpapayat at ipakita sa 'yo
na hindi ako nakakadiri kagaya ng inamin
mo! See? Marami na ang nagkakagusto sa
akin at aminin mo man o hindi, alam kong
gusto mo na rin ako dahil kaya mo na akong
ipagmalaki sa lahat!"
Matamis na ngumiti si Nica. "Masaya ako
para sa 'yo dahil pumayat ka na at mas
lalong naging guwapo, pero hindi ikaw ang
gusto ko."
Nagtagis ang bagang ni Gab sa narinig, "Si
Luis ba? Siya naman pala ang gusto mo,
dati pa, 'di ba? Nakakahiya nga lang dahil
para mo na rin kaming tinuhog kapag
patulan ka niya!"
Umiling si Nica. "Si Gab... Si Gab ang gusto
ko," sagot ni Nica at mapait na ngumiti siya
sa binatang kaharap.
"S-Si Gab na mataba. Si Gab na walang
nagkakagusto sa kaniya dahil sobrang taba
niya. S-Si Gab na kahit mataba, wala siyang
pakialam dahil gusto lang niyang lumamon.
S-Si Gab na p-pinapakita at ipinaparamdam
sa akin na m-mahalaga ako sa kaniya at kaya
niyang gawin ang lahat mapasagot lang ako
kahit na hindi siya macho. S-Si Gab na kaya
akong ipagtanggol kahit kanino. S-Si Gab
na may mabuting puso. S-Si Gab na k-
kasing laki ng katawan ang puso niya. S-Si
Gab na kaya a-akong intindihin kahit na
palagi ko s-siyang pinapahirapan. Si G-Gab
na kahit mukha nang tanga, hindi pa rin
isinusuko ang pagmamahal niya para sa akin.
S-Si Gab na k-kahit na ang taba, m-minahal
ko pa rin," umiiyak na sabi ni Nica at
pinahidan ang mga luha.
"Kaya hindi kita gusto, dahil ang minahal ko
ay ang Gab na mataba at kaagaw ko lang sa
kaniya ay ang pagkain. Hindi na ikaw ang
thabz ko na minahal ko, dahil si Gab, hindi
niya ako sinasaktan."
Hindi umimik si Gab kaya tumalikod na si
Nica at lumabas sa guidance office.
