MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 44
Unedited...
"Nica? May nagpabigay ng bulaklak sa 'yo,"
sabi ni Sunny at inabot sa kaniya ang white
roses.
"Kanino galing?" tanong niya.
"May note naman, basahin mo kaya?"
nakasimangot na sagot ni Sunny at padabog
na bumalik sa silya niya.
Binasa ni Nica maliit na note.
"Sorry, thabz ko."
Iyon lang ang nakasulat kaya napatitig si
Nica sa bulaklak. Isa lang naman ang
tumatawag sa kaniya na thabz e.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nang
tumunog ito.
"Hello?" bungad niya.
"Natanggap mo ang bulaklak, thabz?"
tanong ni Gab.
"Salamat," tipid na sagot ni Nica.
"Galit ka pa ba ba?" malungkot na tanong ni
Gab.
"Bakit ako magagalit? Salamat pala sa
ginawa mo kahapon," pasalamat ni Nica.
Kung hindi dahil kay Gab, baka
pinagtawanan pa siya ng mga lalaking
nadaanan niya.
"Wala iyon. Thabz? Sabay tayong kakain
mamaya," sabi ni Gab.
"Saan mo naman ako itatago?" diretsahang
tanong ni Nica. Narinig niya ang malalim na
buntonghininga ni Gabriel.
"Basta sunduin kita mamaya sa classroom
ninyo."
"Kasama ko na si Sunny."
"Basta hintayin kita sa labas ng classroom
ninyo."
"Gab--" Inalis niya ang cellphone sa tainga.
Pinutol na ni Gab ang tawag kaya napatitig
siya sa bulaklak.
"Huwag kang magpaloko sa kaniya!" sabi ni
Sunny kaya napatingin si Nica sa kaibigang
naupo sa tabi niya. "Masama pa rin si Gab at
gusto lang niyang maghiganti! Maniwala ka,
masama ang pakay niya sa 'yo!"
"B-Baka totoo namang bumalik na ang
dating Gab," sabi ni Nica at iniwas ang mga
mata. Siyempre, kahit na medyo
nagtatampo siya kay Gab, umaasa pa rin
naman siyang maibalik nila ang dati. Iyong
hindi siya natatakot na makipag-usap dito
dahil alam niyang hindi siya nito sasaktan.
"Umasa ka lang! Ikaw rin naman ang
masasaktan," sabi ni Sunny. Naiinis siya dahil
ang kitid ng utak ni Gab. Mabuti pa ang
baboy na si Gab, malaki ang utak nu'n.
"Huwag na natin siyang pag-usapan," sabi ni
Nica. Nastre-stress lang siya kay Gab.
Pasado alas onse na kaya naramdaman na ni
Nica ang paghapdi sa tiyan niya.
"Ang tagal ng oras!" reklamo niya. Hindi na
pumapasok sa utak niya ang nile-lecture ng
guro nila. Puro pagkain na lang ang laman
ng isipan niya. Hindi ba alam ng teacher na
kapag walang laman ang tiyan nila at
mababa ang sugar ng mga estudyante ay
hindi sila nakakapag-focus at humihina ang
pag-unawa nila?
"Class dismissed!" anunsiyo ng guro kaya
naghiyawan ang mga kaklase niya.
Napasulyap siya sa labas ng pinto pero hindi
niya nakita si Gab.
"Halika na, wala nang pag-asang puntahan
ka niya," yaya ni Sunny at hinila na siya
palabas.
Tinago niya ang disappointment nang
walang Gab na naghihintay sa kaniya sa
labas. Mabuti pa noong mataba ito,
nagtitiyaga talagang abangan siya para lang
makasama sa pagkain.
Puno ang canteen kaya wala na silang
mauupuan.
"Hmm? Wala nang upuan," sabi ni Sunny.
"Nica? Dito na kayo," tawag ni Luis at
pinaypay sila.
"Mabuti naman at nandito ka," sabi ni Sunny
at mabilis na iniwan si Nica at lumapit kay
Luis.
"Kita mo 'to, nang-iiwan na lang basta-
basta!" reklamo ni Nica at lumapit sa table ni
Luis.
Hinila ng binata ang katabing silya para
makaupo si Nica.
"Kumain na kayo?" tanong ni Luis at
napatitig kay Sunny na kinuha ang ice cream
niya saka nilantakan.
"Hindi pa at obvious na nagugutom na ako,"
sagot ni Sunny na hindi na nahiya kay Luis.
"Nagugutom ka na rin?" tanong ni Nica.
"Akala ko, ako lang ang nagugutom."
"Ikaw lang ba ang may stomach?"
pagtataray ni Sunny.
"Nag-away ba kayo? Bakit parang may
something?" nagtatakang tanong ni Luis.
Mukhang inis na inis kasi si Sunny kay Nica.
"Hindi ko rin alam," clueless na sagot ni Nica
at hinarap ang dalagang kaharap. "Kanina ka
pa, Sunny. Ano ba ang ikinagalit mo sa
akin?"
"Kasi naman! Kanina pa ako nagugutom pero
ang bagal mong tumayo, maglakad at kung
saan-saan ka lumilinga nang dahil kay Gab!"
pagtataray ni Sunny. Kaibigan niya si Nica
kaya sigurado siyang umaasa itong hintayin
ni Gab.
"Wala ba si Gab?" tanong ni Luis. "Ang alam
ko, pupuntahan ka niya."
Umiling si Nica. "Baka iba ang pinuntahan
niya."
"Oh? Ayan na ang ex-suitor mo!" sabi ni
Sunny at inginuso si Gab na papalapit sa
kanila kasama si Sheryl. "Kaya naman pala
naligaw kasi may ibang nililigawan!"
"Hi," nakangiting bati ni Sheryl nang
makalapit sa kanila pero walang ne isang
bumati sa dalawang babae.
"Maupo ka, Sheryl," alok ni Luis at hinila ang
isa pang silya sa kanan niya.
"Thanks," pasalamat ni Sheryl at naupo.
Hinila ni Gab ang isang upuan sa tabi ni Nica
kaya pa circle silang lima.
"Pumunta ako sa classroom ninyo pero ang
tagal ng uwian ninyo kaya nag-CR muna ako
pero pagbalik ko, wala na kayo!"
nakasimangot na sabi ni Gab.
"Hindi kita nakita," walang ganang sagot ni
Nica. Naramdaman niya ang mainit na kamay
ni Gab sa ilalim ng mesa na hinawakan ang
kamay niya. Gusto sana niyang hatakin pero
hinigpitan ni Gab ang pagkakahawak.
"Busy ka kasi. Nakita nga kita, muntik ka
nang makatulog at tinitingnan ang bulaklak
ko," sagot ni Gab kaya napatingin si Nica sa
kaniya. "Teka, saan na pala ang flowers ko?"
"Sa basurahan!" agad na sabat ni Sunny kaya
pinandilatan siya ni Nica. "What?
Magpapaloko ka naman kay Gab?"
"Ikaw Sunny, sumusobra ka na ah! Hindi ka
nakakatulong!" naiinis na sabi ni Gab.
"Gab?" maarteng tawag ni Sheryl. "I'm
hungry na. Puwede bang ma-order naman
ng pagkain natin?"
"Mabuti pa nga!" pagsang-ayon ni Sunny.
"Ako na," sabi ni Luis at tumayo dahil tapos
na siyang kumain.
Ilang sandali pa ay bumalik na ito na may
kasamang boy na may bitbit na pagkain ng
apat.
"Luis? Bakit wala kaming napabalitaang may
girlfriend ka?" tanong ni Sunny kaya
napatingin si Nica kay Luis. Hindi siya
makakain nang maayos dahil ayaw nang
pakawalan ni Gab ang isang kamay niya.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Sheryl.
"Wala lang," tipid na sagot ni Luis.
"Mas bagay kayo ni Nica," sabi ni Sunny na
parang wala lang.
"Ano ba ang problema mo sa akin, Sunny?"
galit na tanong ni Gab at sinipa ang paa ng
dalaga sa ilalim ng mesa.
"Ouch! Putiks, ang sakit!" daing ni Sunny at
mas malakas na sinipa ang paa ni Gab.
"Kung wala kang sabihing matino, umalis ka
sa table namin!" pagtataboy ni Gab. Akala
niya, okay sila ni Sunny dahil kinuha pa nito
ang bulaklak na ipinapabigay niya para kay
Nica.
"Mas mabuti pa si Luis, mabait kaysa sa 'yo!
Bagay sila ni Nica!" sabi ni Sunny.
Napakagat sa ibabang labi si Nica nang
maramdaman niyang piniga ni Gab ang
kamay niya na para bang nakikipag-agawan
ito sa iba.
"Gusto mo siya para sa kaibigan mo pero
ang tanong, gusto ba siya ni Nica?" taas
noong tanong ni Gab kaya natahimik silang
lahat pero hindi papadaig si Sunny.
"Oo! Gusto rin siya ni Nica pero hindi lang
siya makaporma dahil nandiyan ka! Dahil
binabakuran mo si Nica at nakakahiya naman
na nililigawan mo si Nica tapos poporma pa
siya!"
Nandilim ang mukha ni Gab na nakatingin
kay Sunny.
"T-Tama na," saway ni Nica dahil baka may
makarinig sa kanila. Si Sheryl ay kumakain na
para bang nanonood ng magandang movie
habang kumakain.
"Accept it or not, ako ang mahal ni Nica at
mahal ko siya! At wala akong pakialam kung
may maapakan man akong iba kahit na
kakambal ko pa!" sagot ni Gab.
"Selfish!" bulong ni Sunny.
"Hindi ako selfish! Sadyang hindi ko lang
ugaling ibigay at ipaubaya sa iba ang
babaeng mahal ko talaga!" sagot ni Gab
habang nakatitig kay Nica kaya natahimik
sila. "Hindi ko hahayaang maagaw ng iba sa
akin si Nica!" dagdag ni Gab at pinisil ang
kamay ni Nica.
"Paano kung nagkapalit kayo ni Luis ng
sitwasyon? Paano kung siya ang unang
nanligaw kay Nica?" tanong ni Sheryl na
nakataas ang kamay.
Natahimik si Gab nang ilang segundo saka
napangiti. Oo, minsan na siyang nagparaya
kay Luis. "Hindi na ako bata para
magparaya. Kung si Nica lang din ang pag-
aagawan namin, hindi ako magpaparaya,"
seryosong sagot ni Gab at napasulyap kay
Luis na tahimik lang sa isang tabi. Hindi niya
mabasa ang nilalaman ng isipan nito pero isa
lang ang nasisigurado niya, nasasaktan ito
pero pinipilit pa ring maging kalmado.
"Tapos na kayo?" tanong ni Luis sa dalawa.
"Baka puwede na akong umalis?"
"Kita mo? Kawawa naman si Luis,"
nakalabing sabi ni Sunny.
"E di i-comfort mo!" sagot ni Gab kaya
kinurot na siya ni Nica sa hita.
"Tama na, Gab!" saway ni Nica kaya
nanahimik si Gab. "Hindi na ba ninyo kayang
irespeto ang pagkain?"
"S-Sorry, thabz," paumanhin ni Gabriel
Vince.
"Ne hindi man lang ninyo inisip kung ano
ang iisipin namin ni Luis sa pag-uusap
ninyo?" galit na tanong ni Nica saka tumayo
dahil nawalan na siya ng gana.
"S-Saan ka pupunta, thabz?" natarantang
tanong ni Gab at hinila si Nica paupo pero
hindi ito napapatinag kahit na lahat ay
nakatingin na sa kanila.
"Tapos na akong kumain," malamig na sagot
ni Nica at sapilitang hinila ang kamay kay
Gab saka naglakad palayo sa mga ito.
"Nica Guttierez!" malakas na sigaw ni Gab na
kulang na lang ay mabasag ang babasaging
gamit sa paligid kaya napatigil ang mga
estudyante pati na rin si Nica.
Sinipa ni Gab ang upuan saka parang galit
na hari sa kagubatan na lumapit kay Nica.
"Kapag kinakausap kita, huwag mo akong
talikuran!" Makapangyarihang sabi ni Gab
kaya humarap si Nica kay Gab. Aaminin niya,
natatakot siya dahil sa madilim na mukha
nito.
"B-Busog na ako," sagot ni Nica na pulang-
pula na ang mukha pero inihanda pa rin niya
ang sarili para sa parusa ni Gab. Baka bigyan
siya nito ng death note dahil isinuksok nito
ang kamay sa kaliwang bulsa.
"M-May sasabihin ka pa?" tanong ni Nica.
Lahat ay hinihintay ang sasabihin at gagawin
ni Gab. Ang iba ay excitement ang nakaukit
sa mga mata dahil galit na galit si Gab.
"Oo!" sagot ni Gab na nakatitig sa kaniyang
mga mata.
"A-Ano ang sasabihin mo?" tanong ni Nica
saka napalunok ng laway.
Napapikit si Nica nang iangat ni Gab ang
kamay saka bumilis ang pagtibok ng puso
niya nang maramdaman ang malamig na
bagay na dumikit sa noo niya. Naririnig niya
ang pagsinghap at bulungan ng mga tao sa
palibot.
Dahan-dahang dumilat si Nica at mga
nagulat na mga mata ang nakikita niya pero
sina Sunny at Luis ay naka-poker face lang.
"Mula ngayon, gusto kong sabihin sa 'yo at
sa lahat ng tao sa paaralang ito na akin ka
lang!" ma awtoridad na sabi ni Gab kaya
natigilan si Nica. Nanginginig ang kamay
niya na ikinuha ang pahabang papel sa noo
niya- love note na may pirma ni Gab. "G-
Galit ako sa 'yo dahil natatakot ako na baka
totoo nga ang pinagsasabi mo sa akin noon
na hindi mo ako mahal, pero mas nagagalit
ako sa sarili ko dahil kahit na anong galit ko
sa 'yo, hindi ko pa rin magawang kamuhian
ka. H-Hindi ko kayang saktan ka dahil sa
tuwing gagawin ko iyon, mas nasasaktan
ako. Lahat ng ginawa ko, lahat iyon ay para
sa 'yo, Nica," mahabang litanya ni Gab na
nanginginig ang buong katawan sa hindi niya
malamang dahilan.
"G-Gab..." usal ni Nica habang nakatingin sa
guwapong binatang nasa harapan niya. Tila
tumigil a pag-ikot ang mundo at tanging
sila lang ang nandito.
"I'm sorry, pero hindi ako titigil hanggat
hindi kita mapasagot. I'm sorry kung lahat
ng lalaking magtangkang manligaw sa 'yo ay
bibigyan ko na naman ng death note. I'm
sorry kung liligawan ka na naman ni Gabriel
Vince Lacson." Ngumiti si Gab at inilapit ang
mukha sa natigilang mukha ni Nica.
"I love you, thabz," sabi ni Gab saka
tumalikod para lumabas sa canteen.
"Siya pa rin ang mahal ni Gab?" Agad na
napatutop sa bibig ang babae nang
napalakas ang pagkakasabi niya sa katabi
kaya nilapitan siya ni Gab.
"Oo, si Nica pa rin," sabi ni Gab at inilibot
ang mga mata sa mga estudyanteng
nakatitig sa kaniya. "Si Nica lang," dagdag
niya bago tuluyang lumabas.
