MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Unedited...
"Ano ang nangyari sa mga paa mo?" nag-
aalalang tanong ni Ann kay Gab nang
pagpasok niya sa kuwarto ay nay gasgas ang
tuhod at mga hita nito.
"W-Wala ho," sagot ni Gab at tinakpan ng
shorts ang gasgas na nilalagyan ng betadine
kanina.
"Anong wala? Tingnan mo nga 'yan! Baka
ma-infection 'yan!" galit na sabi ni Ann.
"L-Lola--"
"Ayaw mong ipaalam? Sige ka, isusumbong
kita sa Mommy GV mo!" pagbabanta ni Ann.
"L-Lola Ann naman, huwag mong ipagsabi
kahit kanino," naiiyak na pakiusap ni
Gabriele.
"Ano na nga?" pangungulit ni Ann.
"K-Kuwan--"
"Isusumbong kita sa Lolo Dylan mo."
"Lola, huwag!" mabilis na hinila ni Gab ang
laylayan ng damit ni Ann. "U-Umakyat po
kasi ako sa puno."
"What? Bakit ka umakyat?" bulalas ni Ann.
"I mean, sinubukan ko lang po pala," agad
na bawi ni Gab. Letse talaga na mangga
'yon!" nakasimangot na sabi ni Gab. Kung
mababa lang sana at may sanga, e di nakaya
niyang umakyat.
"Bakit mo sinubukan? Gab naman, hindi mo
kaya," wika ni Ann kaya napasimangot si
Gab. Masakit na nga ang katawan niya,
dagdagan pa ng pang-iinsulto nitong lola
niya.
"Ikaw kaya sa sitwasyon ko? Tingnan natin
kung hindi ka aakyat sa puno na 'yon!" ani
Gab. Sobrang natakot talaga siya kagabi.
Paano na lang kapag nakita siya ng ama ni
Nica? E di chopchop ang katawan niya?
"Ano ba kasi ang nangyari at umakyat ka sa
puno?" curious na tanong ni Ann at
napatingin sa apo. Ayaw na niyang imagine-
in kung paano ito umakyat.
"Kasi po ganito ang nangyari, Lola Ann."
At ayun, inikuwento na ni Gab ang lahat ng
nangyari sa bakuran nina Nica.
"Ano ka ba! Puwede mo namang hintayin si
Nica sa paaralan e!" sabi ni Ann. Sarap din
pektusan ng apo dahil sa katangahan.
"P-Pero na-miss ko na po kasi si Nica, Lola
Ann," sagot ni Gab at tiniis ang hapdi dahil
sa paglagay ng lola ng betadine sa sugat.
"Ilang oras lang naman. Isa pa, kausapin mo
ang parents niya para hindi na kayo patago!"
ani Ann.
"Strict kasi ang parents niya," sagot ni
Gabriele. "Basta Lola Ann, huwag mo pong
ipaalam kina Mommy ang nangyari sa akin.
Ako na po ang bahala sa sugat ko. Gasgas
lang naman po ito e."
"In love na talaga ang mataba kong apo,"
nakangiting sabi ni Ann at pinagmasdan si
Gab na wala nang leeg dahil sa sobrang
taba.
"Oo na, ako na po ang mataba mong apo!"
nakasimangot na sabi ni Gab. Iyon talaga
ang tatak niya sa pamilya e. Kung sabagay,
siya lang naman ang ubod ng taba.
Inayos niya ang suot na damit para pumasok
na sa paaralan.
"Hindi mo ba hintayin si Dale?" tanong ni
Ann.
"Pupunta sila ngayon?"
"Si Dale lang," sagot ni Ann.
"Mamayang gabi na kami mag-usap. Male-
late ako kapag hintayin ko pa siya," sagot ni
Gab. Isang buwan na silang hindi nagkita ng
pinsan kaya na-miss na rin niyang makipag-
bonding sa mga ito.
"Kayo ang bahala," sabi ni Ann.
Lumabas na si Gab at dumiretso sa kusina
saka kumuha ng sandwich para kainin
habang nagmamaneho.
"Mag-ingat ka sa pagmaneho, baka
madisgrasya ka," paalala ni Dylan na nasa
sala. Kahit sa pagda-drive, kumakain pa rin
itong si Gab.
"Kapag may sto light lang naman po ako
kumain," depensa ni Gab. Kapag masyadong
traffic, kumakain din siya. May extra siyang
cheese curls sa sasakyan. Nakakainip kaya
ang maghintay ng ilang oras sa para
makausad kaya mas mainam nang may
pagkain siyang dala.
"Kahit na. Iba pa rin ang nag-iingat," sabi ni
Dylan.
"Si Luis po?" tanong ni Gab.
"Kanina pa umalis," sagot ni Dylan kaua
lumabas na si Gab.
Kagaya ng nakasanayan, kumakain siya
habang nagmamaneho hanggang sa
makarating sa CTU.
Kakababa lang niya sa kotse nang maisipang
puntahan muna si Nica sa classroom nito.
Ang reply kasi nito nang mag-text siya ay
nandito na raw.
"Sunny? Si Nica?" tanong ni Gab nang
makasalubong niya ang dalaga sa hallway.
"Nasa loob ng classroom," sagot ni Sunny
na kanina pa naiihi. Wala pa naman ang guro
nila kaya okay lang siguro.
"Salamat," sagot ni Gab.
Nahihiya siyang pumasok kaya tinext na lang
niya ang dalaga na nandito siya sa labas ng
classroom nito.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Nica nang
makalabas sa classroom.
"Good morning, Nica!" masiglang bati ni
Gab at kinuha ang chocolate na dala sa
backpack at ibinigay kay Nica. "Para sa 'yo."
"Salamat," ani Nica saka hinarap ang binata.
"Pumunta ka na sa classroom ninyo."
"N-Nica? Pasensiya pala kagabi," paumanhin
ni Gab kaya napatingin si Nica sa mukha
nito.
Abot hanggang tainga ang pamumula ng
mukha nito dahil sa pagkapahiya.
"Hayaan mo na. Sana sa susunod, huwag ka
nang pumunta sa bahay dahil mapapahamak
lang ako!" nakasangot na sabi ni Nica.
Muntik na talaga silang mahuli kagabi at
kapag nagkataon, ewan lang niya kung ano
ang gagawin ng ama niya sa kanila lalo na
kay Gabriele.
"S-Sorry na. Gusto ko lang naman na
maging pormal ang panliligaw ko sa 'yo,"
ulit na paumanhin ni Gab. Wala namang
masama kung maging formal lang at harapin
ang mga magulang ng dalaga. Kung ayaw ng
mga ito sa kaniya, wala siyang magagawa.
Ang mahalaga, alam niyang malinis ang
hangarin niya sa anak nila.
"Basta huwag na. Isa pa, hindi pa ako
handa," sagot ni Nica at tinalikuran si Gab
bago pa sila mapansin ng lahat ng
estudyante. Marami ang nag-iisip na sila na
ni Gab pero wala na siyang magagawa pa
roon.
Nang maupo siya, napasulyap siya sa
malapad na likod ni Gab na papalayo na sa
classroom nila.
"Ehem! Ano na? Ilang linggo na kayo?" biro
ni Nica at kinuha ang tsokolate sa armchair
ni Nica.
"Huwag mo nang dagdagan ang problema
ko," ani Nica at umayos na sa pagkakakupo.
Bahala si Sunny na ubusin ang tsokolate na
ibinigay ni Gab.
"Suwerte mo kaya kay Gab, hindi ka
magugutom."
"Wala akong pakialam!" sabi ni Nica. Biglang
tumahimik ang mga kaklase niya nang
pumasok ang prof nila.
Natapos ang lecture na wala siyang
naiintindihan. Paano, naalala niya ang
nangyari kagabi kaya hindi niya mapigilang
tumawa sa isipan.
"Nica? Pakidala nga ito sa office ko,"
pakiusap ng guro niya dahil siya na lang ang
natira. Si Sunny ay nauna nang tumakbo
palabas dahil naiihi na naman daw ito.
"Sige po, ma'am," sagot ng dalaga at kinuha
ang dalawang folder na pinapadala ng guro.
May fifteen minutes break pa naman sila.
"Hi, Nica. Saan ka pupunta?" tanong ni Luis
nang makasalubong niya.
"Sa office ni Ma'am, ihatid ko lang ito,"
sagot ni Nica at napasulyap sa mukha ng
binatang kasabay na maglakad.
"Samahan na kita," nakangiting sabi ni Luis.
"Huwag na," ani Nica.
"Hindi, doon din ako papunta," sabi ni Luis
kaya wala siyang nagawa kundi ipinagpatuloy
ang paglalakad kasama si Luis.
"N-Nica? Kumusta kayo ni Gab?" tanong ni
Luis.
"Okay lang ako," tipid na sagot ni Nica.
"Ah..." ani Luis na naubusan ng sasabihin
saka napatingin sa mukha ng dalagang
kasama. "Sige, dito na ako."
"Okay," ani Nica at lumiko.
Nang matapos niyang ilagay sa ibabaw ng
table ng guro ang folder, kaagad na
lumabas siya para bumalik sa classroom.
Napatigil siya sa paglalakad nang makitang
may isang lalaking estudyante na tumatakbo
palapit sa kinatatayuan niya na hinahabol ng
ibang estudyante kaya mabilis na umiba siya
ng daan para makaiwas sa gulo. Mukhang
nakatanggap ito ng death note mula kina
Gab.
Saktong napadaan siya sa tapat ng
tambayan nina Gab nang bumukas ang pinto
at lumabas ang katulong. Nasilip niya si Gab
na nakaupo sa sala at may ginagawa sa hita
niya.
"May kailangan ka?" tanong ng katulong at
isinara ang pinto nang makitang nakatitig
ang magandang estudyante sa loob ng
tambayan ng mga amo.
"W-Wala ho. Okay lang ba si Gab?" nag-
aalalang tanong niya.
"Okay lang. Bakit?" nagtatakang tanong ng
katulong na pupunta sa mall para bilhin ang
pagkaing pinabili ni Gab.
"W-Wala ho," sagot ni Nica at binagalan ang
paglalakad. Nauna ang katulong at nang
malayo na ang gap nila, napatigil si Nica at
bumalik sa tambayan nina Gab.
Kumatok muna siya ng tatlong beses pero
nang walang bumukas, pinihit niya ang
seradura.
"Bakit--Nica!" wika ni Gab saka mabilis na
tinakpan ang hita ng malaking tuwalya na
nasa tabi lang niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Nica at lumapit
kay Gab.
"O-Okay lang," ani Gab.
Kinuha ni Nica ang betadine sa maliit na
mesang nasa harapan nila.
"Lilinisin ko," wika niya kaya napahigpit ang
pagkahawak ni Gab sa tuwalya.
"H-Huwag na, nalinis na ni Lola kanina,"
sagot ni Gab.
"Lilinisin ko ulit para hindi magka-infection."
Nakita niya ang ginawa nito kanina at hindi
nito kayang abutin ang tuhod.
Dahan-dahang hinila ni Nica ang tuwalya at
nakita ang gasgas sa hita at tuhod ni Gab
dahil sa ginawa kagabi. Naka-shorts naman
ito. Ne hindi na niya pinansin ang sobrang
laking hita ni Gab dahil nanaig ang awa sa
binata. Pero in fairness, ang kinis ni Gab
dahil ang nipis at pino ng balahibo nito sa
binti.
"Ouch!" daing ni Gab.
"Ikaw kasi e. Bakit ka ba pumunta sa
bahay?" sabi ni Nica habang nilalagyan ng
betadine ang sugat ni Gab.
"Gusto lang kitang makita. Alam mo namang
gusto kita, 'di ba?" ani Gab kaya napatingala
si Nica sa kaniya.
Walang umimik sa kanila. Nakapako pang
ang mga mata nila sa isa't isa na parehong
hindi alam kung ano ang gagawin at iisipin.
"G-Gab, aalis na ako. Okay na siguro ang
sugat mo na 'to." Tumayo siya at hinarap
ang binata saka nginitian. "Ingatan mo ang
sarili mo dahil hindi mabuti sa 'yo ang
pagkakasakit."
"S-Salamat..." naiilang na sabi ni Gab saka
hinawakan ang kanang kamay ni Nica.
"Salamat sa paglinis ng sugat ko. Huwag
kang mag-alala, gasgas lang 'to."
"Pero mali pa rin ang ginawa mo, Gab.
Muntik na tayong mapahamak dahil sa--"
Natigilan siya nang maramdaman ang
malambot na mga labi ni Gab sa balat ng
kamay niya.
"I love you, Nica. Kahit na nahihirapan na
ako, kakayanin ko para mahalin mo rin ako."
Napalunok ng laway si Nica saka hinila ang
mga kamay na pinakawalan naman ni Gab.
"Male-late na ako sa next subject namin.
Pagaling ka, para nextime, makaya mo nang
umakyat sa punong mangga," paalam ni Nica
saka napangiti nang talikuran si Gab. Paano,
bigla itong sumimangot nang ipaalala niya
ang pag-akyat sa puno.
