37

1.5K 58 0
                                        


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

Unedited...
"Ano ba ang gagawin? Hindi ako marunong
sumayaw," sabi ni Luis. Nagme-meeting sila
kung sino ang marunong sumayaw, mag-
basket, voleyball at lahat ng activities nila sa
araw na 'to. "Ikaw Gab? Hindi ba marunong
kang sumayaw?"
"Hindi!" tipid na sagot ni Gab at napasulyap
sa labas ng glass window. Kitang-kita mula
sa kinauupuan niya ang nangyayari sa labas.
Binuhusan ng tatlong estudyante si Nica ng
isang baldeng tubig habang si Sunny ay
pinipigilan ang mga babae. May ilang lalaki
na nakikisali pero kahit paano, may limit ang
ginagawa. Maraming kalalakihan ang
gustong tumulong pero natatakot dahil baka
madamay pa.
"Well? She deserves it." Lumingon si Gab
kay Luis na nagsalita sa likod niya habang
nanonood sa kaganapan sa labas.
"Bakit mo siya binigyan ng death note,
Luis?" walang emosyong tanong ni Gabriel.
"Alam kong matagal mo nang gustong
gawin ang ginawa ko, Gab. I'm just doing a
favor."
"Good," sagot ni Gab at tumayo saka
lumapit sa mga kasamahan niya. Wala siyang
ganang sumali sa kahit ano mang activities.
Tama lang na magkaroon ng death note si
Nica. Kung sabagay, sa lahat ng ginawa at
sinabi nito sa kaniya noon, dapat lang na
magkaroon ng parusa ang dalaga.
"Grabe, kawawa naman sina Nica."
"Hayaan mo na, sanay kasing magpaganda
lang," sabi ng kaibigan nito pero agad na
nagsisikuhan nang mapansin si Gab sa
likuran nila.
"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Gab.
"Okay na, Gab," sagot ng isang lalaki.
Malapit nang mabuo ang team nila dahil
halos lahat naman ay gustong mag-
participate.
"Umaasa akong mananalo tayo sa games at
ang team natin ang magcha-champion," sabi
ni Luis habang palapit sa kanila na may
hawak na dalawang blue balloons na may
hugis baboy.
"Look Gab, oh. May baboy ako," pilyong
sabi ni Luis saka inabot kay Gab ang isang
balloon. "Naalala kita noon."
"Wala ka na bang sasabihin?" naiinis na
tanong ni Gab at tinulak si Luis saka
lumabas sa classroom. Gusto niyang
lumabas sa campus para makapag-isip nang
maayos at magkaroon naman ng katahimikan
ang puso't utak niya.
Habang naglalakad sa hallway, hindi niya
maiwasang hindi marinig ang mga yabag na
nagtatakbuhan na para bang may hinahabol.
"Hoy, tama na, dude! Hindi na kasama iyan
sa rule!"saway ng isang lalaki kaya
napatingin si Gab sa pinakasulok ng hallway.
"Wala namang masama kung papayag si
Nica, 'di ba?" nakangising sagot nito.
Napatingin si Gab kay Nica na nakaupo sa
isang sulok na pa-cross ang mga kamay
para pagtakpan ang dibdib niya para
maprotektahan sa apat na lalaki. Basang-
basa na ito at magulo ang buhok na
tumatakip sa mukha.
"Dude!" saway ng isa sa kanila at inginuso si
Gab sa 'di kalayuan pero agad na napangisi
nang walang salitang tumalikod ang binata.
"T-Tama na," mahinang wika ni Nica sa mga
lalaking estudyante na tumatawa habang
pinapalibutan siya. Napasiksik siya lalo sa
wall dahil da sobrang takot. Paano na lang
kung magahasa siya sa loob mismo ng
paaralan?
Nanginginig na rin ang katawan niya dahil sa
pinagsamang takot at lamig. Basa siya at
malagkit dahil sa mga ibinato at ibinuhos sa
kaniya ng mga estudyanteng babae.
"Matagal na kitang gusto, pa-kiss muna para
tumigil na kami," nakangising sabi ng
lalaking leader ng isang fraternity.
"M-Maawa na kayo sa akin, gusto ko nang
lumabas," pakiusap ni Nica at buong lakas
na itinulak ang lalaking nasa harapan niya at
paika-ikang tumakbo. Alam niyang marami
ang naghahanap sa kaniya at saan mang
sulok ng CTU ay may makakakita sa kaniya.
"Ayon siya!" sigaw ng isang tomboy at
itinuro siya.
Pagod na si Nica. May humahabol sa likuran
niya, sa tagiliran at may sumasalubong sa
kaniya sa harapan. Nasa gitna na siya ng
field pero pakiramdam niya, malulumpo na
siya kaya tumigil siya sa pagtakbo saka
napaluhod dahil sa lambot ng kaniyang mga
tuhod.
"P-Parang awa niyo na," luhaang sambit ni
Nica na tanging tainga lang niya ang
nakakarinig sa kaniyang munting tinig.
Itinakip niya ang dalawang kamay sa ulo
nang makitang batuhin siya ng mga ito ng
kung anong bagay na hawak maliban sa bato
at nakakamatay na bagay.
"P-Papa..." Humihikbing sabi niya nang
maramdaman ang tinapay, prutas at mga
malalambot na bagay na tumatama sa
katawan niya. Iyak lang siya nang iyak. Sa
tanang buhay niya, hindi pa niya naranasan
ang ganito; iyong nasasaktan ka na pero
pinagtatawanan ka pa ng iba.
Napapikit siya habang tumutulo ang mga
luha. Ne minsan, hindi siya sinaktan ng
kaniyang ama. Ne minsan, hindi pa siya
binato ng ama ng matigas na bagay o
pinaiyak ng ina ng ganito. Pero nang
magmahal siya, hindi lang emotionally kundi
physically pa na sinaktan siya. Ngayon, alam
na niya ang pakiramdam ng mga babae at
lalaking binibigyan ni Gab ng death note
nang dahil sa kaniya.
Hindi niya alam kung tumigil na ba sila? O
sadyang naging manhin na siya at hindi na
niya nararamdaman ang sakit sa katawan?
Biglang tumigil ang ingay sa paligid kaya
napamulat si Nica ng mga mata at pinahidan
ang mga luha. Tapos na ba sila? Bakit
tumigil silang lahat at hindi makapagsalita.
Tumingala siya sa taong nasa harapan niya
at humarang sa lahat ng binabato sa kaniya.
"G-Gab..." sambit ni Nica at lalong
humagulgol sa pag-iyak nang makita si Gab
na madumi na ang damit na dahil sa mga
prutas at itlog na nasalo na para sana sa
kaniya.
Walang pasabing hinila ni Gab ang kanang
kamay niya para tulungang makatayo.
Ne isa, walang kumilos para magbato ng
kung anong bagay.
"Halika na, wala nang sasakit sa 'yo pa,"
walang emosyon na sabi ni Gab at hinila na
si Nica. Nagsitabi ang mga estudyante para
bigyan sila ng daan. Takot lang nila kay Gab.
Nagpahila lang si Nica. Naramdaman niya
ang mahigpit na pagkakahawak ni Gab sa
mga kamay niya.
Walang salitang namutawi sa mga bibig ni
Nica. Nakatingin lang siya sa kamay ni Gab
na nakahawak sa kaniya. Hindi na ito kagaya
ng dati na malaking malaki. Sa tambayan
siya dinala ni Gab at idiniretso sa kuwarto
nito.
Binitiwan ni Gab ang kamay ni Nica saka
kinuha ang puting tuwalya. "Maligo ka muna
sa shower room at magpalit ng damit," sabi
ni Gab pero nakayuko lang si Nica at hindi
sumasagot sa kaniya. "Naririnig mo ba ako,
Nica?"
"B-Bakit mo ako tinulungan, Gab?" tanong
ni Nica at tiningala ang guwapong lalaki sa
harapan niya. Umiwas ng mga mata si Gab
at sumeryoso ang mukha.
"Ano ang masama kung tulungan kita?"
baliktanong ni Gab.
"H-Hindi ba't gusto mo ito? G-Gusto mong
kamuhian ako ng lahat?" malungkot na
tanong ng dalaga. Iyon naman talaga ang
gusto ni Gab e, ang mapahamak siya. Ang
maging masama siya sa paningin ng lahat.
"Minsan, sinasapian ako ng baboy na si Gab,
ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan,"
sagot ni Gab at hinila si Nica palapit sa
shower room at tinulak papasok. "Bilisan
mo, malagkit na rin ang katawan ko!"
Habang naliligo, inabot ni Gab ang damit na
isusuot niya. Puting tshirt at itim na maong
shorts. Pagkalabas niya, saka naman
pumasok si Gab para linisin ang sarili. Naupo
si Nica sa upuan at sinuklay ng mga daliri
ang mahabang buhok. Hindi siya makapag-
decide kung lalabas ba siya? O hindi dahil
baka kung ano na naman ang sasabihin ni
Gab.
Matapos ang ilang minuto, lumabas si Gab
na topless at tanging tuwalya lang ang
nakatakip sa bewang nito. Iniwas ni Nica ang
mga mata at sinubukang huwag mapadako
sa katawan ni Gab. Gosh. May abs na ang
dating baboy.
Kinuha ni Gab ang tisyu at lumapit kay Nica
para pahidan ang dumudugong balikat nito
na may maliit na sugat.
Napatingin si Nica sa binatang naupo sa tabi
niya habang pinapahidan ang maliit na sugat
na hindi na niya matandaan kung saan niya
nakuha. Baka may matalim na bagay na
naitapon sa kaniya ang mga estudyante
kanina.
Napalunok siya ng laway nang marinig ang
malalim at sunod-sunod na buntonghininga
ni Gab.
"Maliit lang yata 'to, hindi mo na kailangan
pang pumunta sa clinic," salubong ang kilay
na saad ni Gab habang nakatingin sa maliit
na sugat.
"Oo, hindi ko nga naramdaman na may
sugat pala ako," sagot ni Nica at tipid na
nginitian ang binata.
"Good. Dito ka lang, wala nang gagalaw sa
'yo rito," ani Gab at tumayo.
"S-Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong
nk Nica. Blangko ang mukhang hinarap siya
ni Gab.
"May aasikasuhin lang ako," sagot ng binata
at iniwas ang mga mata sa maputi at
mahabang binti ng dalaga. Kahit kailan,
makinis talaga si Nica. Ngayon lang yata niya
ito nakitang nagkasugat dahil sa ginawa ng
mga estudyante sa CTU.
"Gab?" tawag ni Nica kaya napatigil si Gab
sa pagbukas ng pinto. "Salamat sa
pagtulong sa akin. A-Alam kong galit ka sa
akin pero tinulungan mo pa rin ako." Isang
tunay at matamis na ngiti ang ibinigay ni
Nica sa binata.
"Psh! Ikaw lang ang nabigyan ng death note
na matapos kuyugin, nagawa pang ngumiti."
"M-Mahalaga sa akin na tinulungan mo ako
kaysa sa kinuyog ako ng mga tao," sagot ni
Nica kaya napataas ang kanang kilay ni Gab.
"Hindi kita maunawaan," ani Gab.
"Mahalaga ka sa akin," mahinang sagot ni
Nica na sapat lang para marinig siya ni Gab.
"Psh! Huwag mo na akong bolahin, Nica!
Hindi na ako si Gab na mahal na mahal ka,
wala na ang matabang 'yon!"
"Wala na nga siya," malungkot na saad ng
dalaga. "At sana bumalik na siya." Tumingala
si Nica kay Gab at malungkot na nginitian
ito. "Gab? Puwede bang pasabi kay Thabz
na bumalik na siya? Nami-miss ko na siya."
"Corny mo!" salubong ang kilay na lumabas
si Gab at pabagsak na isinara ang pinto.
"Miss, miss! Miss mo mukha mo!" bulong ni
Gab habang pabalik sa classroom nila.
Pagdaan niya sa field, napatingin silang lahat
sa kaniya.
"Gab!" nakangiting sabi ni Luis habang
sinasalubong siya. "Bakit mo--"
Hindi na natuloy ni Luis ang sasabihin nang
may malamig na bagay siyang naramdaman
sa noo dahil sa idinikit ni Gab.
"Pakisarado ng buong CTU, make sure na
hindi siya makakalabas maghapon."
Seryosong utos ni Gab sa mga estudyante.
Oras na magbigay siya ng death note,
walang kapangyarihan si Luis na gamitin ang
death note nito para kontahin ang ibinigay ni
Gab.
"Shit!" pagmumura ni Luis at napanganga na
lang dahil hindi niya inaasahan ang ginawa
ng kakambal. Kahit ang mga nasa paligid ay
nabigla rin sa ginawa ni Gab na pagbigay ng
death note sa kakambal.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon