MY FAT SUITORby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 13
Unedited...
"Ano? Sasabihin mo na naman kay Gab?
Magsusumbong ka na naman sa kaniya?"
galit na tanong ni Rose at tinulak si Nica.
"Matapang ka lang naman dahil may baboy
ka na sinasandalan! Ipakita mo ang tapang
mo!"
"Rose, tama na. Baka mabigyan na naman
tayo ng death note," saway ng kaibigan nito
pero nagpupumiglas si Rose.
"Hindi e! Bitiwan mo ako! Papatikimin ko
lang ang sumbungerang ito! Ano ha?
Matapang ka, 'di ba? Puwes, lumaban ka!"
Hamon ni Rose. Kahapon, binigyan siya ng
death note at matindi ang naranasan niya.
Merong natapunan ng itlog, binuhusan ng
tubig at kung ano pang kahayupang ginawa
n sororities sa kaniya.
"W-Wala akong alam sa pinaparatang
ninyo," naiiyak na sagot ni Nica. Wala talaga
siyang kinalaman. "Hindi kami nag-uusap ni
Gab."
"Shutup! Kaya ka kumakapit kay Gab dahil
may pera at makapangyariha siya sa
paaralang ito, tama? Pero kung isa lang
siyang dukha, for sure, aapak-apakan mo
lang siya!" pang-iinsulto ni Rose.
"Tama na nga ninyo iyan!" saway ni Sunny.
"Walang kinalaman si Nica sa naging
desisyon ng kambal. Kung binigyan kayo ng
death note, iyon ay ininsulto ninyo ang
pagkatao ni Gabriele!"
"Isa ka ring sipsip e!" sabi ni Rose na wala
nang pakialam kung mabigyan man siya ulit
ng death note o mapatalsik sa paaralang ito.
Basta masumbatan lang niya si Nica.
"Rose? Wala talaga akong kinalaman sa--
aw!" daing ni Nica nang itulak siya ni Rose
kaya pabagsak na napaupo siya sa silyang
nasa likuran.
"Sinungaling! Sige, ikaw na ang maganda,
Nica! Ikaw na ang gusto ng lahat ng
kalalakihan sa paaralang ito pero alam mo
kung ano ang wala sa iyo? Utak! Sayang ang
ganda mo kung kay Gab ka lang babagsak!"
matapang na sabi ni Rose kaya lahat ng
kaklase ay sa kanila nakatingin. "Oh well,
may utak ka naman pala. Kaya nga
ginagamit mo ang ganda mo para
magkabingwit ng malaking isda. Literal na
malaki pero at least, madami ang pera,
tama?"
Galit na tumayo si Nica at hinarap s Rose,
"Wala kang karapatang husgahan ang
pagkatao ko! Huwag ninyong isisi sa akin
ang bunga ng pagiging mapanghusga
ninyo!"
Lumabas si Nica sa classroom para
magpalamig ng ulo. Kapag may babaeng
nabibigyan ng death note, siya lang palagi
ang sinisisi. E, hindi naman talaga siya
nagsusumbong kay Gabriele.
"Nica, sandali!" tawag ni Sheryl na palapit sa
kaniya.
"Bakit?" tanong ng dalaga nang nasa tapat
na niya ito.
"Kayo na ba ni Gab?" tanong ni Sheryl na
pinipigilan ang magalit.
"Bakit mo natanong?" tanong ni Nica.
"Bakit? May masama ba?" mataray na
tanong ni Sheryl. "Huwag mong sabihing,
nagmamatapang-tapangan ka dahil kakampi
mo si Gab?"
"Hindi ko boyfriend si Gab at hindi ako
sumasandal sa kaniya," sagot ni Nica at
tinalikuran na si Sheryl. Kung ganito kababa
ang tingin ng ilang estudyante sa kaniya,
wala na siyang magagawa pa.
"Nica, good morning," nakangiting bati ni
Luis nang makasalubong niya.
"Luis, good morning," bati rin niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ng binata.
"Hindi ko rin alam," sagot ni Nica. Basta
gusto lang niyang makalayo sa mga kaklase
niya.
"Hmmm? Halika, samahan mo ako sa tree
park, nandoon si Gab," yaya ni Luis pero
umiling si Nica.
"Ikaw na-- Luis!" wika niya nang hinila nito
ang kanang kamay niya.
"Sumama ka na, mataba lang ang kakambal
ko pero hindi iyon kumakain ng tao,"
natatawang sabi nito kaya sa kanila na ang
mga mata ng estudyante. Patay na naman
siya nito mamaya dahil siya na naman ang
gawing pulutan ng lahat ng nakakakita sa
kanila.
"Huwag mong isipin ang mga tao, ang isipin
mo, masaya ka at hindi nang-aapak ng
kapwa," bulong ni Luis at tumakbo kaya
napapatakbo na rin si Nica.
"Ano ba! Bitiwan mo ako! Madadapa tayo,"
reklamo ng dalaga kaya tumigil sa pagtakbo
si Luis at binagalan ang paglalakad.
"Para kang si Gab, ang bagal maglakad,"
nakangiting sabi nito kaya napasimangot si
Nica.
Malapit na sila sa tree park at kahit palayo
pa, natatanaw na niya si Gab na nakaupo sa
ilalim ng punong mangga. Paano, mas
malaki pa ito kaysa sa puno kaya agaw
pansin talaga. Nakakulay-purple pa na damit
kaya kitang-kita talaga niya dahil para itong
si Barney.
"Nica? Gusto mo ba si Gab?" seryosong
tanong ni Luis kaya napatingala ang dalaga
rito at nagtatanong ang mga mata.
Ngumiti si Gab, "Nevermind."
"Nica!" tawag ni Gab at tumayo nang makita
silang papasok.
"Gab! Dinala ko si Nica para sa 'yo."
"Hindi ko hinihingi na dalhin mo siya rito!
Marunong akong puntaha siya!" sagot ni
Gab na hindi maitago ang pagkairita kaya
napakamot na lang sa ulo si Luis
"Aalis na ako, Luis! Hindi naman talaga ako
rito pupunta!" sabat ni Nica.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Gab.
"Wala. Diyan lang!" pagsisinuplada ng
dalaga. Naiinis siya sa kambal na ito. Kung
hindi siya nagustuhan ni Gab, e di tahimik pa
sana ang buhay niya.
"Samahan na kita!" sabi ni Gab.
"Fifth floor at maghahagdan ako!"
pagtataray ni Nica kaya tumawa si Luis pero
agad namang tumigil nang mapansing
masakit ang titig ng kakambal sa kaniya.
"Sige, maghagdan ka, mag-ielevator ako.
Wait kita sa fifth floor," sagot ni Gab pero
hindi ikinatuwa ni Nica.
Tumahimik silang tatlo. Si Luis ay naupo sa
bench at kinuha ang cellphone.
Walang paalam na tumalikod si Nica sa
kambal pero naramdaman niyang nakabuntot
si Gab sa kaniya kaya binilisan niya ang
paglalakad.
"Ano ba!" singhal niya nang hawakan ni Gab
ang kanang kamay niya. Nagulat pa siya
dahil ang lamig at lambot nito. Kung hindi
lang pinisil ni Gab ang kamay niya, akalain
niyang spongebath ang nahawakan niya.
"Hintayin mo kasi ako."
"Iba ang pupuntahan mo ay iba rin ang
akin!" ani Nica pero hindi pa rin
pinapakawalan ng binata ang kanang kamay
niya.
"Iisa lang at sa ice cream house. Ililibre kita,
Nica," sabi ni Gab kaya sumimangot si Nica.
"Wala akong ganang kumain ng ice cream!"
"Kunwari bibili lang tayo ng ice cream pero
magde-date talaga tayo," sabi ni Gab at
napasulyap sa dalagang ka-holdinghands.
Ang daming nandidiri habang nakatingin sa
kanila pero wala siyang pakialam sa sasabihin
ng ibang tao. Ang mahalaga ay kasama niya
ang babaeng gusto niya.
"Ayaw kong makipag-date sa 'yo!"
"Ako? Gusto ko!" sagot ni Gab at hinila na
ito palabas ng gate.
Nang makarating sila sa ice cream house,
pinapuwesto siya ni Gab sa pinakadulong
table na malayo sa mga costumer.
"Dito ka lang, ako na ang mag-oorder at
huwag kang umalis, wawasakin ko ang lugar
na ito kapag umalis ka," pagbabanta niya
pero hindi na kumibo ang dalaga na
salubong na ang mga kilay.
Iniwan na niya ito saka lumapit sa counter.
"Kailan ako magiging malaya sa elepanteng
'to?" tanong ni Nica sa sarili habang
nakatingin kay Gab na nakapila. Ne hindi na
niya alam kung ilan ang tao sa unahan nito
dahil sinakop na ng likod ni Gab.
Hindi niya maiwasang mainis sa mga taong
nasa paligid dahil ang iba ay para siyang
hinihubaran habang nakatingin sa kaniya.
Ang iba naman ay walang pakialam.
Napatingala siya kay Gab nang ilapag nito
ang binili sa harapan niya.
"Ganoon na ba ang mga tao? Kapag may
makitang mataba, tinitingnan kaagad?"
naiinis na tanong ni Gab nang maupo sa
harapan ni Nica.
"Agaw-pansin kasi kayo!" sagot ni Nica at
napatingin sa keso ice cream na ibinigay ni
Gab.
"Makapagsalita ka, parang ang payat mo
ah," ani Gab kaya sumalubong lalo ang mga
kilay ni Gab.
"Hindi ako mataba!" giit ni Nica.
"Chubby lang," wika ni Gab. Sakto lang ang
katawan ni Nica at may pagka-chubby nang
kaunti. Basta ang ganda ng hubog ng
katawan nito. Alanganin sa payat at
alanganin sa mataba.
"Nakakainis ka! Ganiyan ka ba manligaw,
binu-bully ang nililigawan?"
Tumawa si Gab at inayos ang sarili sa upuan.
Lintik! Kalahati lang yata sa puwet niya ang
kasya sa inuupuan.
"Dalawa lang naman kayo ang niligawan ko
at sa 'yo lang ako naging tapat," sagot ni
Gab at sumubo ng ice cream habang
nakatitig kay Nica.
"Kaya hindi ka sinagot ni Sheryl!" sagot ni
Nica.
"Hindi naman. Mabait naman ako kay Sheryl
kaso ayaw lang talaga niya sa katabaan ko,"
sagot ni Gab. Totoo iyon. Naging
mapagbigay siya kay Sheryl at naging
mabait pero tinapat siya nitong wala siyang
pag-asa dahil may mahal na itong iba at
maganda pa ang katawan. Naging tapat din
si Sheryl na ayaw niya sa mataba kaya
nagparaya siya. First heartache niya iyon
dahil first love niya ang dalaga. Kahit na
ganoon ang ginawa nito sa kaniya, malaki pa
rin ang respeto niya sa dalaga.
"Ayaw ko rin sa 'yo!" sagot ni Nica.
"Dahil mataba ako?"
"Hindi. Ayaw ko ng ugali mo!" sagot ni Nica.
"Babaguhin ko ang ugali ko. Sabihin mo lang
kung ano ang gusto mong ipakita ko sa 'yo."
"E di hindi na ikaw si Gab!" sabi ni Nica kaya
ngumiti ang binata.
"Pero ako pa rin ang matabang nanliligaw sa
'yo."
"Solohin mo ang katabaan mo!"
"Oo nga, hindi mo na kailangan dahil malapit
ka nang magka-baby fats," biro ni Gab kaya
umusok ang ilong ni Nica.
"Alam mo bang ayaw na ayaw ng mga
babaeng pinagsasabihang mataba sila?
Nakaka-turn off!" sabi ni Nica at inirapan
ang binatang kaharap.
"Kahit na mataba ka, mahal pa rin kita,
Nica," seryosong sagot ni Gab.
"Nasabi mo lang 'yan dahil ikaw ang mataba
sa ating dalawa," sagot ni Nica at tinikman
ang ice cream na malapit nang matunaw.
"Hindi kaya. Hayaan mo, kapag pumayat
ako, papatunayan ko sa 'yong totoo ang
mga pinagsasabi ko," depensa ni Gab.
"Mag-diet ka muna, ang lakas mong kumain
e!" wika ni Nica kaya sumimangot si Gab.
"Hindi n'yo ba talaga ako kayang mahalin
kahit na mataba ako? Katawan lang ba
talaga ang habol ninyo?" pagtatambo niya
at binilisan ang pagsubo ng ice cream. Ini-
istress siya nila e.
"Sobrang taba mo lang talaga kaya ganu'n,"
ani Nica.
"So? Katawan din ang habol mo?" tanong ni
Gab at tumigil sa pagkain para pagmasdan si
Nica.
Tumigil din si Nica at sinalubong ang mga
mata ni Gab, "Hindi naman. Kahit na mataba
siya, kung mahal ko ay mahal ko. Pero ikaw,
sobrang taba mo talaga kaya mag-diet ka
naman!"
"Hmmm? Sige, mag-diet na ako," pagpayag
ni Gab at tinawag ang waiter para mag-
order ng isang serve pa na ice cream.
"Akala ko ba, magda-diet ka?" tanong ni
Nica.
"Bitin ako sa ice cream e," sagot ni Gab.
Hanggang lalamunan lang yata niya ang
kinain.
"Nasaan ang diet do'n?" tanong ni Nica.
"Mamayang hapunan, bawasan ko ang
pagkain ko pero pakainin mo muna ako ng
ice cream ngayon!" sagot ni Gab na para
bang mamamatay kapag hindi makain ang
gusto.
"Bahala ka! Baboy!" ani Nica.
"Oo na lang, ganda!" ani Gab. Bahala siya
basta kakain siya.
"Mamili ka, ako o pagkain?" tanong ni Nica.
Wala lang, trip lang niyang itanong.
Natigilan si Gab at napatitig sa magandang
babaeng nasa harapan. "Siyempre ikaw,"
nakangiting sagot ni Gab.
Iniwas ni Nica ang mga mata dahil hindi niya
kayang makipagtitigan nang matagal sa
binata.
"E d-di mag-diet ka na," sabi ni Nica. Bakit
ganoon? Bigla na lang siyang nakaramdam
ng pagkailang kay Gab? Inilapag ng babae
ang in-order nitong ice cream saka umalis
na.
Napatitig sila pareho sa ice cream.
Inaabangan ni Nica kung kakainin ba nito ni
Gab o hindi?
"N-Nica? Alam mo bang magdamag na
nagpupuyat si Daddy para lang may
maibuhay sa aming pamilya lalo na sa amin
ni Luis? Naaawa na nga ako kapag makita ko
siyang kulang sa tulog," sabi ni Gab.
"Oh? Tapos?" sagot ni Nica na nakataas ang
kilay.
"Sige, magda-diet ako pero kainin ko muna
ang ice cream dahil sayang naman ang
ibinayad ko," sabi ni Gab at sinimulan nang
kainin ang ice cream na nasa harapan.
Napailing na lang si Nica habang nakatingin
kay Gab na sarap na sarap sa kinakaing ice
cream.
