47

1.2K 46 1
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 47

Unedited...
"Sila na?" naguguluhang tanong ng
estduyanteng nadaanan nila.
"Sila na ulit?" tanong din ng isa pa.
"Naging sila ba?" inosenteng tanong ng
isang freshman student.
Paglabas kasi ni Nica sa classroom, nasa
tapat ng pinto nila si Gab at may bitbit na
bulaklak at nang makita siya ay inabot nito
sa kaniya.
"Salamat pero nag-abala ka pa," nahihiyang
pasalamat ni Nica.
"Bakit? Palagi naman kitang binibigyan ng
bulaklak, ah," ani Gab.
"Pero hindi mo na kailangang bigyan pa ako
nito," sabi ni Nica. Inakbayan siya ni Gab at
sinabayan sa paglalakad.
"Alam mo, thabz? Kahit na tayo na, hindi pa
rin ako titigil sa pagbibigay ng bulaklak sa
'yo."
"Boyfriend na kita kaya hindi na kailangan,"
sabi ni Nica kaya napangiti si Gab.
"Gusto ko kasi araw-araw mong
maramdaman na gusto pa rin kita. Mas
masaya kapag everyday kitang nililigawan,"
sagot ni Gab at pinisil ang balikat ng dalaga.
"Bakit naman? Hindi ka ba nagsasawa?"
tanong ni Nica at hindi na napigilang
ngumiti. Si Gabriel Vince kasi, ang lakas
magpakilig sa kaniya ngayong umaga.
"Para araw-araw ko rin malalaman na gusto
no rin ako," sagot ni Gab. "Hindi ako titigil
sa panliligaw kahit na tayo na. I will be your
forever suitor, thabz."
"Nica? Saan ka pupunta?" tawag ni Sunny
kaya napalingon sila sa kaibigan. "Dito na
ang classroom natin, lagpas ka na!"
Padabog na pumasok si Sunny sa classroom
nila. Binabalewala na talaga siya ni Nica
kapag kasama nito si Gab. Iba talaga kapag
may lovelife na ang bestfriend mo.
"Lagpas na pala ako, thabz," sabi ni Nica
kaya bumalik na naman sila ni Gab.
"Thabz? Sabay tayong kumain mamaya,
okay?" ani Gab at inalis ang kamay sa
balikat ni Nica para maka-holdinghands ang
kasintahan.
"Sige, ite-text na lang kita mamaya kapag
tapos na ang klase," sabi ni Nica at tumigil
sa tapat ng pintuan ng classroom nila.
"Bye," paalam ni Gab at hinalikan siya sa
kanang pisngi. Patay-malisya naman ang
mga nakakita pero nahihiya pa rin si Nica.
"Aral ka nang mabuti, thabz. I love you."
Pahabol ni Nica kaya napangiti ang dalaga.
"I love you too, thabz," sagot ni Nica pero
sa isipa lang niya.
"Ayieee!" sabay-sabay na tukso ng mga
kaklase niya kaya uminit ang magkabilang
pisngi ng dalaga.
"Thabz daw? So? Kayo na ulit?" tukso ni
Rose.
"Ang sweet nila. At least nagpapayat talaga
si Gab sa 'yo, Nica." Segunda ng isa pa
nilang kaklase.
"Ngayon pa lang naging kami," pag-amin ni
Nica. Masanay na siguro siya sa mga ito
dahil hindi na itinatago ni Gab ang relasyon
nila. Pero kahit paano, gusto rin niyang
magkaroon ng privacy.
"Really? Hindi naging kayo noon?" bulalas ni
Rose. "Pero ang sweet ninyo noon pa, huh."
Lumapit si Nica kay Sunny na nagte-text.
"Hindi pala ako makakasama sa 'yo sa lunch
dahil alam kong dedma at ma-o-OP lang si
Akectch sa inyo ni Gab," sabi ni Sunny.
"Bakit? Saan ka kakain?" nag-aalalang
tanong ni Nica. Alam niyang nagtatampo na
itong si Sunny sa kaniya kaya gusto sana
niyang bumawi.
"May kasama ako kaya huwag kang mag-
alala. Hindi ako gait sa 'yo, okay?"
"Sure ka, Sunny?"
"Oo. Kaya mag-enjoy ka kasama ang thabz
mo," panigurado ni Sunny kaya
makahulugang ngumiti si Nica.
"Hmm? May boyfriend ka na, noh? Siya ba
ang pinsan nina Gab?"
"Psh! Huwag ka ngang tanong nang tanong!
Magpasalamat ka na lang dahil wala kayong
chaperone!" ani Sunny at inirapan ang
kaibigan.
Matapos ang klase nila, nasa labas si Gab na
nag-aabang sa paglabas niya.
"Hi," nakangiting bati ng binata.
"Hello," bati rin ni Nica.
"Kain na tayo, thabz. Nagugutom na ako,"
yaya ni Gab at inakbayan si Nica.
Nilingon ng dalaga si Sunny na busy sa
pakikipag-usap sa cellphone.
"Friend? Sama ka sa amin?" tanong ni Nica.
"Hindi na. May pupuntahan ako, 'di ba?"
sagot ni Sunny at hinarap si Gab.
"Gab? Ingatan mo 'tong kaibigan ko, ha.
Kapag paiyakin mo 'to, susugurin talaga kita
kahit sa saya ka pa ng mommy mo!"
"Kung kaya mo ang Mommy GV ko,"
nakangiting sabi ni Gab.
"Saan tayo kakain, thabz?" tanong ni Nica.
"Nagugutom ako, thabz. Sa labas tayo
kumain," sagot ni Gab at sa parking lot
dinala si Nica. "May isa't kalahating oras pa
naman tayo."
"Sige, ikaw ang bahala," sagot ni Nica at
sumakay na matapos siyang pagbuksan ni
Gab ng pinto.
Habang nagmamaneho, panaka-nakang
napapasulyap si Nica kay Gab. Iba na ang
katawan nito pero ito pa rin ang Gab na
nakilala niya.
"Gaano ba kahirap ang naranasan mo sa
Japan at pumayat ka nang ganiyan?" tanong
ni Nica. Gusto niyang malungkot dahil
pakiramdam niya, isa siya sa mga rason
kung bakit nagkasakit ngayon si Gab.
"Ang tindi kasi nilang magdisiplina sa akin.
Minsan, wala na akong kinakain kundi
Skyflakes at tubig lang sa isang araw," sagot
ni Gab. Ayaw na niyang balikan pa ang
masamang karanasan sa Japan kahit na para
naman sa kaniya iyon kaya kaunti na lang
siya kung kumain.
"Kaya nga bumawi ka na ngayon pada
maging malusog ka," ani Nica.
"Natatakot ako na baka bumalik ako sa dati,
thabz," pag-amin ni Gab.
"Ano ba ang ikinakatakot mo, Gab?"
"Natatakot ako na baka tumaba ulit ako at
pagtawanan ka nila kapag kasama mo ako,"
sagot ni Gab na maingat sa pagmamaneho.
"Alam ko kasing nakakahiya na ako dahil
palagi ka na lang nilang pinagtatawanan
dahil maganda ka samantalang ako, ang taba
ko." Naalala na naman niya noong halos
hindi niya maakyat ang hagdan dahil sa
sobrang bigat ng mga paa pero ngayon,
lahat ay magaan na.
Napatutop si Nica sa bibig nang may maalala
kaya napasimangot si Gab. "Kita mo,
pinagtatawanan mo ako."
Umiling si Nica. "Hindi a, may naalala lang
akong nakakatawa."
"Ako? Ano na naman?"
"H-Hindi--"
"Alam kong ako ang pinagtatawanan mo
kaya huwag mo nang i-deny!"
Ayan na naman si Gab sa pagiging sensitive
nito.
"Kasi po, naalala ko lang noong unang gabi
na dumalaw ka sa bahay tapos umakyat ka
sa punong mangga pero napapadausdos ka
dahil hindi mo kayang iangat ang sarili mo,"
pag-amin ni Nica at humalakhak nang
biglang lumitaw sa utak ang eksenang iyon.
"Para kang baboy na umaakyat sa puno,
thabz."
"Ang harsh mo sa akin!" Namumula ang
pisnging sabi ni Gab. Hindi niya makalimutan
ang gabing iyon lalo na't nagkagasgas ang
mga hita niya noon. "Para akong ewan noon,
noh?" tanong ni Gab at napailing na lang sa
tuwing maalala niya ang mga nakalipas.
Napasulyap siya kay Nica na nakatingin sa
unahan nila.
Oo, ganoon siya kaseryoso kay Nica na kahit
nahihirapan at nasasaktan na siya physically
at emotionally, hindi pa rin siya sumusuko.
At wala siyang pinagsisisihan sa mga ginawa
at naging desisyon noon.
"Thabz? Dito na ba tayo?" tanong ni Nica
kaya naghanap ng mapa-parking-an si Gab
nang makarating na sa eat-all-you-can
restaurant.
"Sige. Basta walang magda-diet ngayon,
okay?" sabi ni Gab.
"Sure!" sagot ni Nica.
Pagpasok nila, agad na nilantakan nila ang
pagkain na nakahaing.
"Ayaw mo na?" tanong ni Gab na puno ng
paghamon. "Takot bang tumaba ang thabz
ko?"
"Hindi a!" tanggi ni Nica at nginitian ang
guwapong kasintahan. "Baka ikaw?"
"Tss! Kumain tayo nang marami, masarap
ang pagkain," sabi ni Gab at nakipag-eye to
eye kay Nica. "Lalo na kapag mahal ko ang
kasama ko," dagdag niya.
Matamis na ngumiti si Nica. "Basta thabz,
pagkain lang ang magiging kaagaw ko sa
'yo, okay? Wala nang babae ha."
"Pangako, thabz ko, pagkain na lang ang
magiging karibal mo sa abs ko," pangako ni
Gab at kinindatan ang dalaga kaya sabay
silang napatawa at ipinagpatuloy ang
pagkain.
Busog na busog sila nang lumabas sa
restaurant.
"Malulugi ang eat-all-you-can sa atin,"
natatawang sabi ni Nica at ipinulupot ang
kamay sa kanang braso ni Gab.
"Oo nga. Lalo na sa 'yo, thabz," pagsang-
ayon ni Nica kaya natawa si Gab at
inakbayan ang kasintahan. Minsan lang siya
sumaya ng ganito at nagpapasalamat siya
kay Nica. Kaunti lang kasi ang ka-close niya.
Hindi kagaya kay Luis na kahit sino na lang,
kinakausap.
"Halika na, thabz. Ihahatid kita mamayang
hapon ha," sabi ni Gab at pinagbuksan si
Nica ng pinto.
"Bahala ka, legal naman tayo," sagot ni Nica
at napasulyap kay Gab. Masaya siya dahil
tanggap ng both sides ang relasyon nila ni
Gab. Ang hirap din naman kasi na may
itinatago ka lalo na sa mga magulang mo.
"Salamat, thabz," pasalamat niya habang
nagmamaneho ang binata. "Salamat kasi ang
tapang mo na harapin ang papa ko at
ipagsigawan na may relasyon na tayo."
Ngumiti si Gab. "Ayaw kitang mahirapan at
proud ako sa 'yo."
Pagdating nila sa CTU, hinatid muna ni Gab
si Nica sa classroom nito at dumiretso sa
classroom nila.
"Masaya ka yata?" puna ni Luis.
"Wala namang dapat na ikalungkot," sagot
ni Gab.
"Congrats pala dahil sinagot ka na ni Nica,"
bati ni Luis at naupo sa tabi ng kakambal.
Mahabang katahimikan ang namayani sa
pagitan ng magkambal.
"Luis?" wika ni Gab. Napatingin ang
kakambal sa kaniya. "P-Pasensiya ka na pala
kung nasaktan kita. Mahal ko lang si Nica at
hindi ko kayang i-giveuo siya alang-alang sa
'yo."
Ngumiti si Luis. "Wala iyon. Alam kong ikaw
ang mahal ni Nica. Isa pa, hindi naman
ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa
kaniya. Alagaan mo si Nica, mabait siya at
ang isang katulad niya ay hindi na dapat na
pinapakawalan pa." First heartbreak niya ito?
Hindi rin niya masabi. Alam naman niyang si
Gab talaga at Nica ang para sa isa't isa.
"Ikaw, Luis? Kailan mo ipakilala ang babae
mo sa pamilya?"
"Babae?" ulit ni Luis at napailing. "Wala
akong balak na laruan ang mga babae."
"Ulo mo! Ang dami mo kayang babae!" ani
Gab.
"Hindi pa ako nakahanap ng katulad ni Lola
Ann kaya wala pa akong maipakilala sa
pamilya," sagot ni Luis.
"Huwag kang mag-alala, hahanapan kita,"
sabi ni Gab.
"Huwag na. Kaya kong maghanap pero wala
pa talaga," tanggi ni Luis.
"Bahala ka," pagsuko ni Gab. Mabuti at
nagkaliwanagan sila ng kakambal. At least
wala siyang proproblemahin pa.
"Gab? Tawag ka ni Sheryl," sabi ng kaklase
nila kaya tumayo si Gab at lumabas para
puntahan ang dalaga.
"Bakit?" tanong niya sa magandang dalaga.
"Puwede ba kitang ma-invite sa birthday
party ko?" tanong ni Sheryl.
"Puwede ba akong magsama?" tanong ni
Gab.
"Si Nica? Sure."
Napatitig si Gab sa mukha ni Sheryl. "Wala
ka naman sigurong masamang binabalak, 'di
ba?"
Tumawa si Sheryl at tinapik si Gab sa
balikat. "Huwag masyadong exaggerated,
Gab. We're friends, right?"
"Fine. Pero ito ang tandaan mo, Sheryl.
Oras na may gawin kang masama sa
girlfriend ko, ako ang makakalaban mo!"
pagbabanta ng binata.
"Relax, Gab. Masyado akong maganda para
magsayang ng oras sa isang kagaya ni Nica.
At alam mong maganda ako at kaya kong
makuha ang lahat ng gusto ko."
Ngumisi si Gab. "Really?"
"Oo naman!" buong pagmamayabang ni
Sheryl.
"I bet, may hindi ka makukuha," sabi ni Gab.
"Hmm? Nakuha na kita, hindi ba?"
pagmamalaki ni Sheryl.
"Nakuha mo ako, pero hindi ang kakambal
ko," makahulugang sabi ni Gab at tinalikuran
si Sheryl.
"Si Luis?" nakataas ang kilay na wika ni
Sheryl at napasulyap kay Luis. Hindi na
masama. Afterall, isa ito sa kinababaliwan ng
lahat.
"Hmmm? Sisiw!" bulong ni Sheryl.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon