Maddie's POV
Nandito kami ngayon ulit si café. As usual si Louise na naman ang nag-aya. Well, araw-araw naman kasi akong nandito ngayong bakasyon para tumulong sa café kasi pagsapit ng pasukan eh hindi na ako masyadong makakatulong dito. Tuwing weekends na lang siguro kasi walang pasok iyon.“Guys! I want to show you this. Hihi.” masayang sabi ni Louise sabay lahad ng kamay niya at pinakita ang singsing na nakasuot sa daliri niya. Kunot noo ko naman siyang tinignan.
“O, bakit? Bagong bili mo?” tanong ko sabay sip sa coffee ko.
“Duh? No. Ethan gave this to me noong monthsary namin. So sweet di ba? Hihi.” sabi niya sabay tinitigan ang singsing. Napairap naman ako.
“Eh, ano ngayon? As if naman magulat pa kami ni Andy diyan.” sagot ko. Normal naman na kasi para sa amin ni Andy lahat ng bagay na pinapakita sa amin ni Louise na binibigay ni Ethan sa kaniya. Dahil syempre magsyota nga sila. Hindi na kami magugulat kung bibigyan man siyang necklace bukas kasi lagi namang fineflex ni Louise yung mga binibigay ni Ethan sa kaniya. Saka mayaman din naman si Ethan gaya niya kaya lahat nabibigay sa kaniya.
“Hindi guys! Iba ito okay? Iba ito sa lahat ng binigay ng boyfriend ko.”
“Anong iba diyan Louise? Umiilaw ba yan?” tanong ni Andy sabay subo ng cupcake na kinakain niya. Napairap naman si Louise sa sinabi ni Andy.
“No. My gosh guys.” sagot ni Louise.
“Eh sa ano nga kasi?” sagot ko.
“Okay. Pero wag kayong magugulat ha?” nakangiti niyang sabi. Napairap naman ulit ako. Tsk. Ayaw pa kasing sabihin nang matapos na. Puro paligoy-ligoy. Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.
“I’m engaged!” irit niya. Napatigil naman kaming dalawa ni Andy nang marinig ang sinabi ng loka. Nahibang na nga yata talaga itong babaeng ito.
“What?” nakangiti niyang tanong sa amin. Kinunutan ko naman siya ng noo.
“Baliw ka ba or sadyang may sapak lang sa utak?” sabi ko.
“Why?” inosente niyang tanong na parang wala siyang alam sa sinasabi niya.
“Oo nga Louise. Seryoso ka ba talaga diyan?” tanong ni Andy na wala pa ring tigil kakakain. Nag-sstress eating na naman yata itong babae na ito. Paano kasi pang limang cupcake na ang kinakain niya ngayon.
“Mukha ba akong nagbibiro? Saka bakit ganiyan reaksyon niyo? Hindi ba kayo masaya para sa akin?”
“Bobo ka talaga. Sigurado ka bang engagement ring yan ha? Kabata-bata pa natin engagement agad nasa utak mo. Ni hindi pa nga tayo nagccollege.” sagot ko. Harsh na kung harsh. Matauhan lang itong gaga na ito sa kahibangan niya.
“I’m a hundred percent sure that this is an engagement ring. Like duh? Lumuhod siya sa harapan ko no. How romantic di ba? Hihi.” masayang sagot niya.
“Sabihin na nga nating engagement ring iyan Louise. Eh ano yan? Magpapakasal na agad kayo after graduation?”
"Hindi no syempre. Focus muna sa career. Later na wedding. Hihi." napairap na lang ako sa kalandian ng kaibigan ko. At saka uminom ulit ng coffee para mahimasmasan.
"Oo nga pala friend anong balita doon sa dinner with Drexler's Mom?" tanong ni Louise. Bigla namang nasamid si Andy kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. Nang mahimasmasan siya ay agad siyang tumingin sa amin.
"Kasi ano eh hehe."
"Ano?" tanong ko. Isa pa itong paligoy-ligoy eh.
"Epic fail yata? Hehe." sagot niya.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...