Louise's POV
Pasukan na ulit ngayon. At ito na naman ako sa oras ng pasok. Hays. Wala na Louise. Tapos na ang masasayang araw mo sa pagpupuyat.
It was 6am nang makapasok ako ng school. Wala pang halos tao dahil maaga pa. Kaya nga dumiretso muna ako sa cafeteria para bumili ng yogurt drink. Then saka ako pumunta sa rooftop para magpahangin. Pero bakit ganon? Bakit tirik na tirik agad ang araw gayong ala sais pa lang naman? So weird.
Nagsapak ako ng earphones sa tenga ko at saka nagpatugtog ng music. Nang mag-ala syete na sa orasan ko ay napagpasyahan ko ng bumaba ng rooftop at magtungo sa classroom. Nang biglang magbeep ang phone ko.
Maddie: Where the hell are you? Kanina ka pa namin hinahanap.
Nagulat ako sa chat ni Maddie. So mas maaga ba siya sa akin pumasok? Pero laging eksaktong 7:30 am ang pasok ng babaing ito. Imposible.
Louise: Papunta na akong room. Why?
Maddie: Alam kong late ka lagi Louise. Pero seriously? 9:30 am sa first day of class? 🙄
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Like what the heck? 9am? Chineck ko ang phone ko. 7:15 pa lang naman. So paano nasasabi ng babae na ito na 9:30 am na?
Louise: Are you kidding me? 7:15 pa lang sa phone ko! 😏
Baka mamaya kasi eh pinaprank lang ako ng Maddie na ito. Mas maganda na ang sure.
Maddie: Bobo. 9:30 am na! At nandito na kami nila Andy sa cafeteria. Hinahanap ka ng boyfriend mo. 🙄
Sakto namang napadaan ako sa may bulletin board. May wall clock doon. At nanlaki ang mata ko nang makitang 9:30 am na nga talaga. Like what the heck! My phone says past 7am!
Napasapo ako sa noo ko nang maalala na nagreset pala yung phone ko kagabi. Kaya siguro mali ang oras. Argh! Akala ko maaga na ako pumasok. Nakakainis! It's my first time to be an early bird tapos di naman pala talaga. Pinaglaruan ako ng tadhana. Huhu. I hate it.
At gaya nga ng sabi ni Maddie. Na nasa cafeteria na sila ay nagtungo ako doon. Nang matanaw ko sila ay agad akong lumapit sa kanila.
"O, Louise? Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" salubong ni Ethan sa akin. Well, iyon nagmuni-muni kasi akala ko maaga pa. Pero lintek na iyan late na late na pala ako. At hindi ako naka attend sa first subject.
"Well, akala niya lang naman maaga pa." sabi ni Maddie at tumawa. Napairap na lang ako tapos inis na inayos ang time ng phone ko. Psh! Pahamak. Sa susunod nga bibili na akong relo. I don't like wearing watch kasi feeling ko nasasakal ang braso ko.
"Swerte mo Louise hindi nagklase kanina. Tinamad ang adviser natin." sabi naman ni Andy sabay kain. Lucky huh?
"Nasaan si Gian?" biglang tanong ni Maddie nang mapansin na wala yung stepbro niya.
"Ewan. Baka kasama yung girlfriend niya." sagot ni Ethan.
"Kailan niya pa ba girlfriend iyon?" tanong ulit ni Maddie.
"Hindi ko alam eh. Pero parang nito lang yata? Hindi na kasi namin masyadong nakakausap si Gian." sagot naman ni Ethan. After the wedding of Tita Liyanel kasi medyo naging distant na sa amin si Gian. After all kasi kami ang laging magkakasama last year. We created a bond together. Pero magmula nung umalis si Cyleen gurl ay nabawasan na kami.
After recess ay pumunta na kami sa bagong room namin. And yes. New adviser. Hehe. This is our last year in Eastwell na. Masaya ako kahit na dalawang taon lang kaming tatlo na naging parte nito. Not like Ethan and his friends na mula kinder eh dito na talaga sila.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...